Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 25 - Kabanata 24

Chapter 25 - Kabanata 24

Still Alfred Beet Pov

Throughout our highschool life, I've been watching Raine Quelly Bael. Naging kami pero nagka-hiwalay rin.

It was my fault, kung hindi lang ako nagmadali na ipakita sa kanya na gusto ko siya, baka nga mahal ko na, siguro may chance na kami pa rin hanggang ngayon.

Still, I never regretted the day I stole a kiss from her. She might've grudged on me, but it only lasted like a few days.

Bilang kaibigan niya, I know how her brain works. Lagi siya nasasapian ng kakulitan niya kapagka bored siya or gusto niya lang may mapagtripan.

Ako nga lang yung laging pinaprank niya and I don't really mind kahit na mukhang bullied ako base sa reaksyon ko.

"Hahahaha! Malamig?" tanong niya nung naging successful ang isang prank niya sa akin.

"Lamig!" nanginig pa ako for effect. Talagang gininaw ako nang bumuhos sa ulo ko ang timba na may lamang dry ice.

"Buti naman, sige na, punta ka na sa banyo, bago ka pa makita ng iba."

Grabe talaga siya. Siya lang yata ang kilala kong nagpaprank na concerned after niya mag-prank.

"Quelly, friends na ba ulit tayo?" tanong ko habang pinapagpag yung dry ice sa shoulders ko.

"Hmmm? Hindi ko alam, sabong panlaba boy." Hihirit pa sana ako kung hindi lang siya kumaripas pababa ng hs building.

"Uy careful!" paalala ko sa kanya. "Ay kamote."

Muntik ko na siya puntahan nang makita ko ang pagdulas niya sa slippery concrete floor.

Makapag-reklamo nga na dapat baguhin na nila yung structure nung floor. Nadudulas ang aking baby.

"I'm fine, pumunta ka na sa banyo." Hindi naman siya tuluyang nadulas at sumemplang sa floor. Pero naiinis pa rin ako na muntik na siya masaktan.

Prone pa naman siya sa kamalasan.

Yun bang sasakay ng trike, kung hindi niya ni-lower masyado yung ulo niya papasok sa upuan ng trike, mabubunggo niya yung kisame.

Tapos imbis na umiyak or sisihin yung tricycle sa pagiging mababaw ng bubong,

"Ay, engot ko." Nang makita ko na ganun ang reaksyon niya at tumawa pa, muntik ko na baliktarin yung trike.

"I'm fine, Alfred, sakay ka na dito sa tabi ko."

Minsan lang kami gumamit ng puv kasi may kotse naman ako. Gusto lang niya ma-experience na makasama ako sa trike. Pumunta kami sa isang bazaar sa may amin, at nag-shopping siya. Way na rin namin ng bonding yun.

Sumasayad rin ang ulo niya sa roof ng jeep, pansin ko. Maririnig ko na lang siya na either tatawa or mag-ouch.

"Seryoso, hindi ka ba natatakot na baka may concussion ka na sa ulo or may blood clot ka na inside your brain?"

Ngumiti siya sa akin, "Too late to worry, ganito na talaga ako ever since, tangkad problems." Patuloy siya sa pagtawa and I just shook my head.

"Tuwing ako kasama mo, kotse namin ang gagamitin natin sa gala natin." Tumigil siya sa pagtawa and made a face.

"Ayoko sa kotse niyo amoy sabong panlaba tulad mo." Bago ko pa siya makurot, she ran away from me.

Nasa mall na kami nung panahon na yun.

This girl is crazy but I feel I'm the one who's losing my mind. "Huwag kang tumakbo, madudulas ka niyan eh."

Tumawa siya and tumigil na sa pagtakbo, "Tara na Papa, may gusto ako bilhin."

Humawak siya sa braso ko at pumunta kami sa store na gusto niya pagbilhan ng kung ano man gusto niya.

"Ako na magbabayad." Umiling siya, "I have money." Sabay labas niya ng 500 bill.

"Hindi halata na may money ka, save mo na lang yan for other things, gusto ko ako ang magbabayad for you ngayon."

She shrugged and returned the bill sa kanyang wallet.

"Fine, pero don't think na nilibre mo ako, gf mo na ako ulit." Ah yes, that was my ulterior motive when I said that I would pay for whatever it is that she wants.

"Daya, paano mo mababayaran ang utang mo sa akin?" Tinignan niya ako, "Ako na lang talaga magbabayad, ayoko magka-utang sayo, bad ka, dadayain mo ako."

She pushed me out of the store and I saw her cry. Uh-oh!

"Quelly, hindi na, ako na talaga magbabayad, hindi na ako hihingi ng kapalit." She wiped her tears with her handkerchief.

"Alfred, masaya na kaibigan kita. Yun nga lang kung umaasa ka pa na magkakabalikan tayo, mas mabuti siguro na huwag na tayo maging magkaibigan." After she said those words, of course I was hurt. It broke my heart too.

Ayoko siya bitawan as a friend, hindi ko man siya maging girlfriend na ulit, gusto ko pa rin siya makasama.

"Ok Quelly, you do buy your things on your own, basta friends pa rin tayo." Her tears stopped and she looked at me, "Talaga?"

Tumango ako and I didn't expect what happened next. "Thanks Alfred, tama talaga na naging magkaibigan tayo, you the best!"

She hugged me when she said that. Para akong tuod na niyakap niya. Hindi ko na siya nayakap pabalik kasi bumitaw na siya.

"Balik na ako sa loob." Nginitian niya ako and seeing her smile like that, made me fall all over again. "Quelly the way you make me fall deeper, makes me want to really get back together again."

Present time...

"Quelly, friends na tayo ever since highschool and ngayon gusto mo na ako hiwalayan as a friend?" dismayado kong sambit sa kanya.

What the heck?! Bakit?!

"Eh kasi Alfred, may asawa at anak na ako, kung ano man namamagitan sa atin, hindi na tama." I looked at her like I want to hurt her but I won't.

"Please Alfred, ayoko man mangyari na magka-hiwalay tayo kasi may pinagsamahan tayo, kailangan eh." She looked away and I know that movement. "Bakit ka umiiyak?"

Hinarap ko ang kanyang mukha sa akin.

"Why are you weeping, Quelly?"

She still cries and since umiiyak siya in a way na hindi siya tatahan any moment, ako na ang sumagot sa tanong ko.

"Mahal mo na ako." Nang sabihin ko yun, lalo siya umiyak at napa-squat na lang siya.

"I'm sorry, I realized too late, but yeah, mahal na nga kita ever since the wedding reception, doon ko na-realize."

Umiyak na rin ako, "So? Dahil lang dun, gusto mo na ako bitawan as friend?"

Tinayo ko siya and continued, "Ayoko, Quelly."

Niyakap ko siya and she embraced me back.

Ramdam ko na mahal niya ako pero she's stopping herself from loving me deeper.

"Alfred, ayoko man na hiwalayan ka, pero I think it's," Hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi hinalikan ko na siya.

I kissed her like I wanted to do it when I realized I've fallen deeper for her.

Nung una, hindi pa siya humahalik pabalik pero kalaunan hinalikan niya rin ako.

As we kissed passionately, a moment later, siya na ang humiwalay. "Tama na."

She looked at me like we have sinned or something. "Tapos na ang pagkakaibigan natin." Tumalikod siya pero pinigilan ko.

"Let's continue being friends, please."