Kinabukasan, napansin ko ang pag-iimpake ng mga damit niya si Kard. "Saan ka pupunta?" napatingin siya sa akin.
"Ligo ka na, ngayon na tayo aalis." Tumango ako without asking further details.
"Gising na ang aming Princess Kari, good morning!" Kiniss ko siya sa noo.
Busy si Kari maglaro ng kanyang mga teething toys sa crib nito.
"Raine, ligo na." I shrugged and patted our daughter's head lightly.
"Sabay tayo?" kunwaring akit ko kay Kard.
He looked at me seriously. "No? Ok."
Something is telling me he's hiding or trying to hide away something from me.
Dumiretso na ako sa banyo after ko kunin ang pamalit kong mga damit.
I have my own bathroom dito sa kwarto ko sa The Kingdom. May bathtub na pwede maging jacuzzi and a shower.
The toilet is luxurious too and so is the sink.
Mamimiss ko itong banyo kahit na alam ko babalik at babalik pa rin ako, sa future.
"Kard, can I bring a pet of mine with me?" Hindi ko inasahan na binuksan niya ang pintuan ng banyo.
"Raine, we can't bring a dog or even your pet tiger, tayo munang tatlo ang titira kayla Mama." Tumango ako at naghubad na ng nightgown. Habang si Kard naman, nag-switch on ng dalawang gripo sa tub.
One is cold and the other is hot. Lumabas na si Kard at mukhang siya na ang mag-iimpake rin for Kari. Kumunot ang noo ko. But, I just shrugged the feeling off. Problemahin ko na lang ang problema sa isip ko after my bath in this warm water. Saya!
After 20 minutes, lumabas na ako ng banyo.
"Quelly, dito lang kayo sa The Kingdom."
Binigyan ko si Alfred ng nagtatakang tingin.
"Yung asawa mo, involved sa masamang gawain." Lumaki ang mga mata ko.
"Holy crap! Hindi nga?!" Kinuha niya si Kari at inabot sa akin. "Let's see it for to comprehend."
Pinaupo niya ako sa paanan ng kama at in-on ang TV. Nasa news channel agad ang pinapalabas. "Wala akong kinalaman sa Saige scam na yan."
"Pero bakit nasa police station ang mga magulang mo?" Isn't that Attorney Husky? Lawyer ng mga Von Dutch?
Hindi ko na nasundan pa ang pinapanuod kasi nilipat ni Kari sa Disney channel.
"Now you know?" Flabbergasted ako.
"Pero bakit at paano?" Surprisingly hindi ako nalulungkot at disappointed. Feeling ko nga, wala talagang kinalaman si Kard sa Saige scam na yan. Kilala ko ang asawa ko, or do I?
"Sabi nila William Lawrence, tutulungan ka daw ni Attorney Husky para ma-annul ang kasal niyo ni Kiolo Arden Saige."
Kumusot ang buong mukha ko sa sinabi ni Alfred. "When did I agree to annul the marriage?" Wala pa nga kaming sinecelebrate na wedding anniversary, tapos annul agad.
"Quelly, think. Tingin mo ba na makakabuti na makasama niyo pa ni Karicha ang taong crimininal na yun?"
Pinanlisikan ko siya. "He said he has nothing to do with any of his parents' scam."
I need to trust my husband. "Quelly,"
Tumayo na ako from the edge of the bed. Kinuha mula sa carpet si Kari na kasalukuyang kinakain ang kanyang paa.
"You have no right to tell me what to do, Alfred." Kumuha ako ng wet wipes sa may changing table ni Kari, para mapunasan ang paang may laway nito.
"Iiiih!" Bago pa umiyak si Kari, nilabas ko ang isa kong breast at tinapat si Kari dun.
Ginawa ko yun habang nakatalikod from Alfred. "I am nursing Kari now, you may leave." Narinig ko ang mga yabag ng paa niya na pa-exit na ng kwarto.
"You never learned to trust yourself Quelly, but you trust him?" Iginilid ko ang ulo ko sa sinaradong pinto.
"Karicha, what do I do?" Naluluha kong tanong. Umupo ako sa rocking chair.
"I guess, I need to face the problem now."