Chereads / Code Name: Blue / Chapter 8 - HARANG

Chapter 8 - HARANG

Chapter 8

"Ma'am bumalik po kayo sa loob ng sasakyan at umalis na rito" sigaw ng driver ko habang nakikipagbarilan sa mga humarang samin. Pero dahil likas na hindi ako masunurin ay hindi ko sinunod ung driver at tinulungan ko siya sa pakikipagbarilan.

"okay ka lang ba mang Tsoy mukhang madami po sila" pagaalala ko sa driver namin medyo matagal na din kasi siya samin.

"ma'am ako na po bahala dito sa loob na lang po kayo ng sasakyan" pakikiusap sa akin ni manong Tsoy.

"okay lang po ako. mas hindi po ako matatahimik na walang ginagawa at mas maganda po kung dalawa po tayo. madami po ba sila?" hinahanap ko kung may iba pa silang kasamahan dahil panigurado akong hindi lang sila lima.

"hindi ko po sigurado kung sila lang pero mukhang madami po sila napansin ko na agad sila paglabas pa lang natin ng subdivision nila ma'am Irene" tumango na lang ako sa mga sinabi ni manong Tsoy.

"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko. babarilin sana niya ako kaso nawalan siya ng bala kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na barilin siya sa may binti. Hindi pa pwedeng patayin dahil kailangan pa namin ng information kung sino ang may pakana nito.

"Don't you dare. Wag kang lalapit kung ayaw mong mawala sa mundong ibabaw!" sigaw ko doon sa lalaki nakita ko naman na nagbabalak din lumapit ung isa. "Manong Tsoy ikaw na bahala doon sa isa kung papalag shoot him, go!" agad naman sinunod ni mang Tsoy ang utos ko mukhang wala na din bala ung ibang kasama nila.

Agad kong nilapitan ung lalaking nabaril ko. At tinapakan ko ung paa niyang nabaril ko.

"Bakit niyo kami hinarang? Anong kailangan niyo?" sigaw ko agad ko naman tinutukan siya sa ulo. "if I were you, you better speak para mabuhay ka pa" pahabol ko.

"k-kailangan ka n-ng b-boss namin---" diniinan ko pa ang pagtapak sa paa niya napasigaw naman siya sa sakit. "Hi-hindi ko alam kung ba-bakit! Isang utos lang ang sinabi ang dalhin ka namin sa kanya yun lang!!" agad ko naman tinggal ung paa ko.

"I don't believe you" mas lalo kong diniin ung baril sa ulo niya. "You better tell me the truth or else talagang tutuluyan na kita"

nakarinig ako ng putok mukhang tinuluyan na ni Manong tsoy ung isang kasamahan nito. agad naman lumapit si mang Tsoy sa akin.

"Nagsalita po ba?" umiling na lang si mang Tsoy.

"Ano magsasalita ka na ba?" napapikit naman ung lalaki at tiningnan ung kasama niyang wala ng buhay.

"manong Tsoy tumawag kayo sa security at sabihin na may patay dito" agad naman tumango si manong Tsoy at pumunta na sa security.

bigla naman may dumating na dalawang sasakyan. kinabahan ako dahil mas marami na sila kahit ba magaling ako sa paghawak ng baril eh kung madami pa din sila talo ako.

"What the hell? Sabi na nga ba hindi mo ko susundin" sigaw na sabi ni Blue. kinuha niya ung baril sa akin at dinampot ung lalaki.

"Ibalik mo sa akin ung baril ko" napakunot naman ung noo niya.

"What? Baril ko yan kaya ibalik mo sa akin" ibinigay naman niya kaagad sa akin.

"Kayo na ba ang bahala diyan?. Aalis na ako" tinlikuran ko na siya kaagad.

makita ko si kuya Red papalapit sa akin.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" nagaalalang tanong niya sa akin.

"I'm fine don't worry" kaagad naman siyang ngumiti pero bumaba ung tingin niya sa kamay ko.

"Kanino yan? Sayo?" nagtatakang tanong niya.

"Oo kailangan ko ito for proteksyon pero nasa sasakyan lang naman ito lagi" hindi ko mabasa ung mukha niya kaya naman naglakad na ako. Pero bago pa ako makalakad hinawakan na niya ung kamay ko.

"Wait lang...Gabbie give me your gun" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni kuya Red.

"No" hinila ko ung kamay ko. "Uuwi na kami iintayin ko lang ung driver ko"

"No, Give me your Damn gun!" singhal sa akin ni kuya Red. Bigla naman naginit ang ulo ko.

"Just leave me alone. Masyado na madaming nangyari ngayon pagod na ako. I know how to use this damn gun if that's what you're thinking. I can take care of myself I'm not a child anymore. i can shoot you just a snap" hindi ko na napigilan na hindi itututok ung baril sa kanya. ayoko sa lahat ay yung tinuring akong bata

"let her be Red" singit niBlue.

"Fine, Let's go Blue dalhin mo na ung mga tao sa sasakyan" seryosong sabi ni kuya Red at umalis na din.

habang naglalakad ako papuntang sasakyan hindi ko makalimutan ung nangyari kanina. gusto ko malaman kung bakit may humarang sa amin at bakit sinasabi nung lalaki may kailangan daw sila sa akin. i really want to know.

"Ma'am" pumasok na ako sa sasakyan. "Okay lang po ba kayo? Nasan na po ung mga lalaking humarang satin?"

"yeah, uwi na tayo manong" hindi ko na nasagot pa ung tanong ni mang Tsoy ayoko na rin naman kasing pagusapan pa ung nangyari. kapag ganun alam naman na ni mang Tsoy kaya hindi na niya ako kukulitin pa. pinikit ko ang mga mata para panandalian na ipahinga pero hindi na malaya na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako dahil sa telephono kong walang tigil sa pagring. Sinagot ko na kaagad pero nagulat ako ng malaman kong nasa kwarto ko na ako.

"Hello" antok kong sagot.

(Gabbie...) bigla naman akong napatayo dahil si kuya ang tumawag.

"Kuya?" nalaman na kaya niya.

(Gabbie what happen? are you okay?) nagaalalang tanong ni kuya.

"Yes I'm fine kuya. You, How are you? I miss you so much" paglalambing ko sa kuya ko.

(I'll be home in 2 days. I'll just finish things here and uuwi na ako) bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni kuya

"Really? I'm so happy. can't wait then see you soon kuya inaantok pa ko eh, Bye" masaya kong sabi. nagpaalam na din si kuya at inend na niya ung tawag

hindi maganda ang pakiramdam ko sa tawag na nakuha ko kay kuya. I think there is something is wrong tungkol ata sa nangyari sa akin kahapon pero ang bilis naman niyang nalaman. Kailangan kong magdoubleng ingat dahil hindi na safe lalo na namatay ung isa nilang kasamahan may tendency na gumanti sila.

%%%%%

Sa mga sumunod na araw hindi na ako umaalis ng bahay na ako lang magisa dahil natatakot din ako sa pwedeng mangyari. alam kong meron mangyayari once may pagkakataon kaya kailangan doubleng ingat ang gawin ko pinadagdagan ko din ung bodyguards ko. Ngayon araw na ang uwi ni kuya at susunduin namin siya.

"Kuya..." tumakbo na ako at niyakap siya talagang namiss ko siya pero natatakot pa din ako sa paguwi niya.

"Gab I told you hindi mo na ako kailangan sunduin pa" nagpout na lang ako. hindi man lang niya na appreciate ung ginawa kong pagpunta dito sa airport masundo lang siya. Pero hindi ko na lang pinansin ung sinabi niya.

"I miss you too kuya. let's go home nagpaluto ako kay manang ng masasarap na pagkain" ngumiti na lang siya at sumunod na sa akin. Alam ko naman na din niya ako matitiis kunyari lang yan na ayaw magpasundo.

"Gab you will came with me next month? So settle everything" napatingin naman ako kay kuya dahil sa sinabi niya.

"kuya...I'm fine I can handle myself please...stop it" nakasimangot kong sabi. i knew it!

"You better listen to me this time young lady. I'm still your brother. whether you like it or not your coming with me" masungit na sabi niya. sabi na hindi talaga maganda ung pagbalik niya.

Hindi ko na lang siya kinibo dahil alam kong maiinis lang ako kay kuya dahil ipagpipilitan niya ung gusto niya na sumama ako sa kanya. May kausap din naman siya sa phone niya at mukhang seryoso ung pinaguusaapan nila.

"Baba!" sabi nung lalaking humarang sa sasakyan namin. Madami sila may mga nakatutok din na mga baril samin.

"Kuya" takot kong sabi sa kuya ko.

"Shhh...Wag kang matakot hindi kita papabayaan okay. Mang Tsoy maghanda po kayo." tumango naman ako pero biglang bumukas ung side ng pintuan ko. may nakatutok na baril sa akin hindi ako handa kaya naman naunahan niya ako.

"Please don't hurt her" pakikiusap ng kuya ko.

"Basta sumama lang siya sa amin. Hindi siya masasaktan" Tiningnan ko naman si kuya dahil ayokong sumama sa kanila.

"Sumama ka na Gabbie" nalungkot ako dahil sa sinabi niya. bakit hinahayaan niya lang akong sumama? akala ko ba hindi niya ako papabayaan what's happening?.

"Fine, sasama na ako kaya pwede ba ilayo mo sa akin yang baril mo bago ko maagaw" sinunod naman nung lalaki. Mataray kong sabi.

kagaya nga nung sinabi sa akin ni kuya bumaba ako at sinundan ung lalaking tumutok sa akin ng baril. Tinali muna nila ako saka piniringan bago kaming umalis.