Chereads / Code Name: Blue / Chapter 6 - PASO

Chapter 6 - PASO

Chapter 6

Sabi na eh hindi talaga sila mga pulis...I knew it dahil kung totoong pulis sila dapat nagpapanic na si manang.

"What the hell? Ba't kay nandito lahat?" Mataray kong tanong sa kanilang lahat.

"Wait! Si Blue ang may pakana nito hindi kami. Sinama niya lang kami" pagpapaliwang naman ni Yellow.

"Kaibigan ba talaga kita ba't mo ko nilalaglag?" Inis na sabi ni feeling gangster. "You have to pay...Nasira mo kaya ung sasakya ko dahil sa pagbabato mo" inirapan pa ako bading ata.

"Hindi ako magbabayad. FYI! kasalanan mo kaya yun not mine? Kung hindi mo lang ako pinikon edi sana hindi ko babatuhin ung kotse mo?!" Naiirita kong sagot. Malapit na naman ako magbeast mode.

"What? Ikaw pinikon ko? Wala akong naaalala na pinikon kita I'm just asking. And nagmamagandang loob ako kahit hindi ka maganda. Pasalamat ka nga mabait ako nung mga araw na yun eh" biglang nagpantig ung tenga ko. Nakapal talaga ung mukha niya. Nasobrahan sa kakapalan.

"Ako hindi maganda? Wow coming from you so anong akala mo na gwapo ka?! Oh my gosh! wag kang mag-inaso kahit na mukha kang aso please lang. And it's really your fault iniwasan na nga kita tapos kinulit mo pa din ako ayan tuloy so sino ang may kasalanan aber?" Tinaasan ko na siya ng kilay dahil naiirita na kasi talaga ako eh. Konti na lang beast mode na naman ako ulit.

"Wow so paki---" di ko na siya pinatapos dahil hinagisan ko siya ng paso. Yes hinagisan ko siya dahil may sasabihin pa ako.

"Shut up or else babatuhin pa kita" nagtatawanan naman ung mga kaibigan niya. "At kayo anong tinatawa tawa niyo jan? Gusto niyo din mabato?" Bigla naman nawala ung mga ngiti nila.

"Brown right? Tell me kasalanan ko ba ung pagkabasag ng sasakyan niya?" Tumango tango siya. "Can I least explain my side? Okay this is really what happen okay. Aftet what happen sa restaurant I decided na umuwi na lang dahil nawala na ung mood kong gumala. Since wala akong dalang car naisip ko na magtaxi na lang then this feeling gangster came" naparoll eyes pa ako dahil sa inis ko.

"Anong tawag m--" binato ko ulit siya ng paso.

"Wag kang sumabat! Di pa ako tapos eh" nagtawanan na naman ung mga kaibigan niya. Nagdeath glare ako sa kanila kaya huminto sila. "Tapos nga dumating tong feeling gangster na to. Naginit na naman ung ulo ko so ang ginagawa ko iniwasan ko siya para wala ng gulo. But then makulit itong taong to! so kinulit pa din ako. At doon pumasok sa isip ko na batuhin siya ng bato. Para layuan niya ako dahil hindi ko na siya kinakaya. So Brown kasalanan ko pa rin ba?" Pagtapos ko sa explanation ko.

"Hindi na" mabilis na sagot ni Brown.

"So Green kailangan ko pa bang bayaran ung kotse niya?" Mabilis namang umiling si Green.

"Ngayon feeling gangster malinaw na ba ang lahat maski mga kaibigan mo alam na wala akong kasalanan. Kaya all of you go home na tapos na ang usapan. But bago kayo umuwi ligpitin niyo muna ung mga basag na paso kasalanan niyo naman yan eh" tinalikuran ko na sila at nagexit na ako. Hinanap ko kaagad si manang.

"May dinner na po ba?" Napalingon naman si manang sa akin.

"Oo, dito ba kakain yang mga kaibigan mo?" Napairap na lang ako. Hindi ko naman sila kaibigan eh.

"I don't know manang. Pero paglutuan mo na" bumalik ako sa garden. Nililinis na nila ung mga basag na paso.

"Dito na kayo magdinner sabi ni manang. Ung gusto lang hindi ko kayo pinipilit" tinalikuran ko na sila saka pumunta sa dining area.

Tinulugan ko na si manang magayos ng hapag kaming dalawa lang naman kasi ang nandito ung ibang kasama ni manang nagday-off. Mukhang kakatapos pa lang nila linisin ung mga basag na paso.

"Umupo na kayo. Mali mali maghugas muna kayo ng mga kamay niyo! dali na doon" agad naman umupo si feeling gangster. Napakunot naman ako ng noo dahil sa ginawa niya.

"Don't tell me na hindi ka tumulong sa kanila? Oh my gosh grabe ka talaga!" inirapan ko siya kasi sobrang kapal talaga ng face niya.

"What? Sabi nila sila na lang eh" pangangatwiran niya.

"Oh really? Baka kamo tinakot mo kaya sila na lang ang gumawa at hindi ka na pinatulong pa" nakapamewang kong sabi.

"Tss" sagot niyana mukha ng naiirita na naman. Daig pa ang babaeng meron kung magtaray.

Tinulugan ko na lang si manang ilabas ung mga pagkain. Pero hindi na pala kailangan kasi tinutulungan na siya ng mga kaibigan ni feeling gangster.

"Salamat sa tulog BUTI PA KAYO TUMUTULONG HINDI TULAD NG IBA JAN PARANG SIYA UNG MAY-ARI NG BAHAY" pagpaparinig ko kay feeling gangster. "Upo na kayo kami na ni manang maraming salamat sa tulong" sabi ko sa mga kaibigan ni feeling gangster.

"Salamat Gabbie" umupo na sila. Pero tinitingnan ko pa rin siya ng masama.

Tahimik naman kami habang kumakain pero hindi ko talaga tinatantanan ng tingin ung feeling gangster na yun akala mo kung sino sapakin ko siya eh.

"Gabbie maraming salamat sa pagpapakain sa amin nabusog kami" pagpapasalamat ni Orange.

"may choice ba ako? eh sabi ni manang pakainin ko na daw kayo eh. oh siya magsialis na kayo matutulog na ako bye bye" nagsikawayan muna sila sa akin bago sila pumasok sa mga sasakyan nila.

"ikaw anong plano mo? alis na!" sigaw ko kay Blue saka ako pumasok sa loob ng bahay.

bigla naman akong napangiti dahil may mga nakasabay ako kaninang kumain alam ko naman kasi simula ngayon kailangan ko ng masanay kumain magisa dahil wala na si kuya.

"Iha pakiramdam ko masiyahin ung mga kaibigan mo makakabuti sila para sayo...habang wala ang kuya mo" bigla ko naman naalala si kuya namimiss ko na talaga siya.

"naku manang hindi sila makakabuti sa akin sila ang ikasisira ko. Akyat na po ako" nginitian at tinunguan na lang ako ni manang. alam kong may iniisip yan kaya yan ganyan.

bigla naman nagring ung phone ko. buti na lang pala umakyat na ako.

"yes? hello" sinagot ko na kaagad baka importante.

(Gabbie totoo ba?) sigaw ni Irene.

"ang alin? pwede bang pakihinaan ung boses kasi medyo masakit sa tenga eh. or else babaan kita" mataray kong sagot kung makasigaw kasi eh parang binge ung kausap.

(okay...okay chill lang. about doon sa car ni kuya Blue nandito kasi kuya Blue then kinuwento niya kay kuya na pinagbabato mo daw ung sasakyan niya) hindi makapaniwalang sabi niya. Panigurado may actions pa to habang sinasabi niya.

"yes totoo yun pero kasalanan niya naman eh kung bakit ko yun ginawa. Ask Brown if you want to know the whole truth" walang gana kong sagot.

(ehh! ikaw na magkwento! please!) pagmamakaawa niya. napairap na lang ako dahil pangalawang beses ko na to mageexplain and ayoko ng ulitin pa.

"itanong mo na lang sa kanila ayoko na ulitin...Nag-iinit lang ulit ung ulo ko. akalain mo ba naman gusto niyang ipabayad sa akin ung kotse niya hanep talaga. kapal ng face" naparoll eyes naman ako dahil naalala ko na naman eh.

"I need to go na Irene inaantok na ako inistorbo pa akong ng tropang crayola na yan. see you tom na lang sa school bye bye" hindi ko na siya hinintay pang sumagot binabaan ko na agad siya. kasi alam ko madami pa yang panguudlot na gagawin bago ko mababa ung tawag.

bigla naman akong napaisip should i consider them as friends ang tropang crayola?