Chereads / I am a Rebound / Chapter 129 - Starting Over

Chapter 129 - Starting Over

Tibay at tatag ng loob ang naging puhunan ni Yen sa laban ng buhay. Hindi man siya pinakamagaling. Nasaktan man siya ng paulit-ulit ay hindi siya kailanman nagsisi sa bawat desisyong kanyang ginawa. Nagkamali man siya sa pagtitiwala, nagkamali man siya sa umpisa, pero sa huli ay nagawa niya pa rin maging masaya. Oo masaya siya. Kuntento siya sa mga bagay na meron siya. Nakita niya ang mga taong mahal niya at totoong nagmamahal sa kanya. Sa oras ng kahinaan niya ay nakita niya ang mga taong totoo at nanatili sa tabi niya. Napangiti si Yen. Ok na siya. Matatag na siya. At nakahanda na din sa mga pagsubok na darating pa. Ang nais na lamang niya ay busugin ng pagmamahal ang kanyang anak. At si Jason.

Ang buhay ay katulad ng buhangin na nilagay sa salaan. Kailangang alug-alugin ang salaan para mahulog ang mga pinong buhangin at maiwan ang mga bato, malalaki at buo. At lumabas ang mga pino at maipon ito.

" Anong iniisip mo?" Nagulat si Yen kay Jason na kasalukuyang nakayakap sa kanyang bewang.

Ilang taong lumipas ay nagawa na din niyang makatayo. Katulad ni Jason ay nagdaan din siya sa theraphy. Sinikap niya na muling makalakad. Bagamat hindi na siya maaaring magsuot ng satapos na may takong, kontento na siya dahil nagagawa niyang tumayo at maglakad.

" Ikaw." nakangiting sagot ni Yen habang dinadama ang maliliit na halik ni Jason sa punong tenga niya.

" Masaya ako." ani Jason

" Hmmmm?"

" Masaya ako dahil kasama kita ulit. Masaya ako dahil may pagkakataon pa kong mahalin ka ulit. May chance pa akong bumawi at palitan ang mga mapapait na pangyayaring dinanas natin." muling wika ni Jason.

" Masarap ba ang ampalaya? "

Napangiti si Jason sa narinig. Nagbalik na nga Yen. Pinaharap niya ito sa kanya at niyakap ng mahigpit. Habang magkayakap...

" Gaano man kapait ang ampalaya, marami pa rin ang kumakain nito. Marami pa rin ang nagsasabi na masarap ito. Kaya para sa akin, ang mga ala-alang mapait na dinanas natin, ay magsisilbing rason para hindi ko makalimutan kung gaano ako pinagpala at minamahal ng Maylikha. Paalala din para mas lalo kitang mahalin at alagaan. Kayo ni Jes. Dahil hindi biro ang panganib at sakit siuong ko makasama lang kayo. " sagot ni Yen.

" Sorry kung wala ako sa tabi mo noon. Sorry kung hindi kita natulungan. Sorry sa mga sakit at sama ng loob na naibigay ko. Sorry dahil naging mahina ako. Pero salamat. Dahil hindi ka sumuko." ani Jason.

Ngumiti si Yen.

Muli silang nagyakap at nong gabi ding iyon ay ipinangako nila sa isa't isa na simula sa araw na iyon ay lalaban na silang magkasama. Sa hirap man, o sa ginhawa. Hindi nila masasabing hindi sila manghihina, hindi din nila masasabing magiging masaya lahat ng araw pero alam nila sa sarili nila, na kailangan nila ang isa't isa.

Tuluyang nabura ang pagiging rebound ni Yen. Dahil ngayon kahit na hindi na nj Jason sabihin. Ramdam niya, ang lugar niya sa puso nito.

Matapos ang kasal ay nagtungo silang muli sa isla. Kung saan tinago ni Gerald si Yen. Doon nila piniling mag honeymoon. Dahil nais nilang palitan ang mapait na ala-ala ng islang iyon.

Tuluyang pumanaw ang ina ni Dothy. Naging abala ito sa negosyong naiwan ng mga magulang. Ngunit hindi nga ito nakalimot na bisitahin sila Yen paminsan minsan. Napamahal na siya nang husto sa pamilya ni Yen. Lalo kay Jesrael na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimot sa kanya. Madalas ang pagtawag nito at pangungumusta. Na labis niya ding ikinasisiya.

Si Gerald ay nahumaling sa babaeng nakatagpo sa Spain. Hindi na niya ito tinigilan mula nang makatagpo. Sinundan niya ito at tila siya asong buntot nang buntot dito. Katulad ni Yen musikera din ang babae. Wala nga lang itong sariling company. Pero wala siyang pake. Alam niya sa sarili niya na gusto niya ito. At sa pagkakataong ito ay hindi na siya torpe. Natuto na siyang magsabi ng kanyang damdamin. Natuto na siyang mag ingat ng taong gusto niya. At bagamat si Yen pa rin ang number one sa kanya, ay iba na ang pagmamahal na inuukol niya sa kaibigan ngayon. Nagawa niyang ligawan at pasagutin si Josephine. Hindi naging madali pero masaya siyang maranasan ang lahat ng iyon. Date, flowers, chocolates at love letters? Napailing siya. At ang hindi niya makalimutan ay ang panghaharana. Makalumang paraan. Pero requirements ni Josephine yon bago siya sumagot ng oo. Baduy? Sino may sabi? Ang mahalaga ay masaya siya na kasama ito.

Muling nagbalik si Rico sa Amerika.

Nagbalik sa normal ang lahat.

Bumalik sa trabaho si Yen pero ngayon ay katuwang na niya si Jason sa pagtuloy ng kanilang pangarap. Sabay na silang nangangarap para pamilya nila at kay Jes.

Nagpatuloy ang buhay at bukas palad nilang tinatanggap ang bawat hamon ng tadhada. At sa pagkakataong ito, ang tiwala at pagmamahal nila sa isa't isa na pinanday ng panahon ang naging haligi nila.

Sa park. Pagkatapos magsimba ng mag anak ay minabuti nilang mag picnic. Para makapaglaro din si Jes. Matulin ang pagtakbo nito nang mabangga nito ang isang babaeng buntis na akay ng isang lalaking hindi din nalalayo ang edad kay Jason.

" I'm sorry." hinging paumanhin ni Jes.

Bago pa man makapag salita ang babae ay nakalapit na si Jason. Kasunod si Yen.

" Ma'am pasensen... Trixie??!"

Napamulagat ang babae nang mapagsino ang kaharap.

" Jason! " malapad ang ngiti nito at bumaling kay Yen ang tingin. Nakangiti pa rin ito.

" Asawa mo?" tukoy ni Jason sa kasama nito.

Si Yen ay tahimik lamang na nakamasid at nakikiramdam.

Masaya si Jason na sa wakas ay nakatagpi din si Trixie ng lalaking magmamahal sa kanya. Masaya siya na makita itong masaya at payapa ang loob niyang nagpaalam dito. Hindi sinasadya ang pagtatagpong iyon. Nagulat siya pero bukod doon ay wala na siyang nararamdamang iba.

" Galit ka? " tanong niya kay Yen nang sila ay makauwi.

" Hindi." sagot ni Yen.

" Bakit ka tahimik?" tanong ni Jason.

" Wala lang ako sa mood." ani Yen.

" Gusto mo bigyan kita ng mood? " nakakaloko amg ngiti ni Jason nang hinapit nito si Yen sa bewang.

Napabungisngis si Yen sa inasal ng asawa. Oo. Aminado siya. Nag alala siya kanina. Alam niya kung papano minahal ni Jason si Trixie noon. Alam niya kung papaano nagagawang bilugin ni Trixie ang ulo ng kanyang asawa. Pero bakit pa ba siya mag aalala? Kasal na sila at siya na ngayon si Yen Reyes De Chavez. Business tycoon. At dakilang may bahay ni Jason. Wala na siyang dapat ipag alala pa. Naramdaman niya ang pagyakap ni Jason mula sa kanyang likuran.

" Panahon na para gumawa tayo ng masasayang ala-ala. Panahon na para hayaan ang nakaraan sa nakaraan. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang bukas. Ang mga araw na magkasama tayo. Namnamin natin yon at balikan sa araw ng ating pagtanda. " ani Jason.

" San mo natutunan yan? " kunot noong tanong ni Yen.

" Sayo."

Napaharap si Yen sa asawa na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.

" Wala kang dapat ipag alala. Hindi mo din kailangan magselos. Dahil sigurado na ako na ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda ko. At ikaw ang totoong may ari nito. " kinuha ni Jason ang kanyang kamay at ipinatong sa kanyang dibdib.

Nanatiling nakatitig si Yen sa asawa at walang sinasabi.

" Ikaw ang may ari ng puso ko at nito. " Iginiya ni Jason ang kamay ni Yen doon ibabang bahagi ng kanyang katawan. Napamulagat si Yen nang makapa ang gising na gising nitong alaga.

" Hahahaha bastos ka!!! "

At napuno ng halakhakan ang kanilang silid. Tama si Jason. Hayaan na nila ang nakaraan sa nakaraan at abalahin ang sarili sa pag gawa ng masasayang alala sa kasakuluyan. Hindi niya maitatanggi na may kirot pa din ang alaala ni Trixie pero batid niya na mawawala din ito balang araw. Ang mahalaga, kasama niya ang kanyang mag-ama at masaya sila. Yon lamang at wala na siyang ibang hihilingin pa.

THE END

Salamat po sa mga umabot dito.

May susunod akong sulat sana po suport niyo din ako.

Trying hard tayo.

Pero prcatice makes perfect sabi nila.

Sa mabagal na update pasensiya na po

Pero salamat po nang marami sa pagsama sa akin.

Godbless us all.