Chereads / I am a Rebound / Chapter 125 - Reunion

Chapter 125 - Reunion

Nalaman ni Yen na si Gerald ang nag alaga at nagtago sa kanya. Mabuti pala at naging mabilis itong umaksyon. Ngunit bakit siya lang at hindi kasama si Jason? Sa kwento ni Jason ay nagising siya sa isang ospital na pinagdalhan daw sa kanya ng isang magbubukid. Ibig sabihin ay hinayaan lang ni Gerald si Jason? Bakit?

" Hellooooo! " naputol ang kanyang pagmumuni nang marinig ang baklang pagbati ni Gerald na nakasuot ng bulaklaking polo na may kulay dilaw at berdeng kombinasyon at kulay brown na shorts, at sapatos na puting puti din.

" Aba....makakalikasan tayo ah! " biro ni Yen dito.

" Op kors!! sinuot ko talaga ito para paikutan ako ng mga paru-paro! Oh di ba mukhang mabango.? " pabaklang sagot nito.

May headband pa itong kulay puti at pakending kendeng na lumakad papalapit sa kanila. Kasunod nito sina Rico, Miguel, Joseph at Rowena. Malapad ang pagkakangiti ni Yen habang papalapit ang mga ito. Nauna si Gerald na yumuko at humalik sa kanyang noo. Ang bunganga nito ay napakaingay na nakasanayan na ni Yen. Di ito magkamayaw sa kakapaliwanag ng fashion daw sa kanyang OOTD.

" Hay naku Yen-yen! Dapat marami kang hinandang pagkain. Marami kami. " pagkuwa'y masiglang tinuran ni Gerald sabay itinuro ang mga taong nakasunod sa kanya.

Sunod na lumapit si Rico. Tumayo ito sa kanyang harapan. Nakangiti ito ngunit ang luha ay hindi nito napigilan. Malaki ang itinanda nito. Katulad ni Jason ay tila mabilis itong nagka-edad sa tatlong taon niyang pagkawala. Napaluhod ito at kahit may katangkaran ay halos mas mataas pa rin si Yen dahil nakaupo pa rin siya sa wheelchair habang nakatitig sa ama. Sandali nitong hinaplos ang pisngi niya at mahigpit siyang niyakap. Emosyonal ito at hindi nito napigilang umiyak. Hinahaplos ni Yen ang likuran ng ama. Alam niya, ramdam niya dito ang labis na pag aalala. Alam ni Yen iyon. Ilang sandali silang nanatiling ganoon hanggang bumitaw din sa kanya ang ama.

"Nag alala ako nang husto. Halos mawalan na ako ng pag-asang makita kang muli. Kung kailan tayo nagkasundo, saka ito nangyari. "

" Ganito yata talaga ang buhay Papa. Magpakabuti ka man o magpakasama, palaging may trahedya. Palaging may kontrabida. May mananakit at mananakit. Kung mahina ka, patay ka." sagot ni Yen.

" Tama anak. At masaya ako na nalagpasan mo lahat ito. Sana lamang ay wala nang dumating na unos sa buhay mo. Qouta ka na. " nakangiti nang sabi ni Rico. At nagtawanan sila.

Nauwing muli sa mahabang kwentuhan ang kanilang usapan. Ang mga kasama ni Rico ay nagtungo na sa kusina para maghanda. Walang nilutong pagkain kaya umorder nalang sila. Hinayaan ng lahat ang mag-ama na makapag-usap. Kaya nagkanya kanya ito ng direksiyon patungo sa loob ng bahay. Si Joseph ay lumapit kay Jes at nakipaglaro. Ipinakita ni Jes ang mga bago niyang drawing sa kanyang tiyohin. Inaya si Joseph ni Jes patungo sa kanyang silid para tingnan ang kanyang mga gawa na ikinamangha naman ng tiyuhin. Sa apat na taong gulang na bata ang makitaan mo ng ganoong gawa ay talagang kahanga hanga. Inisip niya tuloy kung kanino nito namana ang talentadong kamay. Sigurado siyang kay Yen dahil alam niyang walang talent ang kapatid.

Si Miguel at Rowena ay nag ayos ng mga pagkain na dumating. Si Rowena ang taga mando ng mga kailangan pa at si Miguel naman ang nasa telepono para umorder. Dahil tanghali na at wala silang katulong ay wala silang panahon para magluto. Naiintindihan niya na hindi si Jason makapag asikaso dahil alagain pareho ang asawa at anak nito. At wala pa ang katulong. Nagpasya ang lahat na ihanda ang lamesa sa likod bahay kung saan ginanap ang party ni Jes nong nagbirthday ito. Reunion ito at pawelcome party para kay Yen. Masayang nagkukwentuhan ang lahat pagkatapos ng tanghalian. Anupa't napuno ng masayang halakhakan ang lugar na iyon.

" Patawarin mo ako Jason. Tito Rico. Wala akong motibong anuman. Iniisip ko lang ang kaligtasan ni Yen kaya hindi ko naipag tapat agad ang lahat. " biglang singit ni Gerald na nagpalipat lipat ang tingin kina Rico at Jason.

Dahil sa katahimikan ay muli siyang nagsalita.

" Narinig ko si Gabriel na may kausap sa telepono. Narinig ko ang plano niya kay Yen. Wala akong ediya kung ano ang mangyayari kaya tinawagan ko si Yen para balaan. Wala din sa hinagap ko may pagsabog na magaganap ngunit bago pa man iyon mangyari ay na timbrehan ko na ang mga tao ko na Sagipin si Yen. At si Yen nga lang talaga ang kanilang sinagip. "

" Salamat." tipid na sagot ni Jason. Hindi siya galit. At wala siyang nararamdamang anuman. Nag aalala lang siya dahil baka bigla siyang yakapin ni Gerald. Nakaupo silang lahat sa isang mahabang mesa at si Gerald ay katabi niya at titig na titig sa kanya.

" Hindi din kita naisama sa pag rescue dahil si Yen lang talaga ang dinampot ng mga tao ko. " dugtong ni Gerald. Nilinaw na niya dahil alam niyang uusisain din siya ni Yen mamaya.

" Isa iyong pagkakamali. Inutos ko sa tao ko na kunin kayo ng mabilis. Ngunit iba yata ang kanilang pagkaka-intindi. At dahil din si Yen lang ang aking nabanggit sa kanila. Nagpadala akong muli ng tao roon para kunin ka ngunit sabi nito ay nasa ospital ka na. "

" Nangyari na ang nangyari. Ang mahalaga, ligtas si Yen at buhay. " ani Jason.

At sumang ayon ang lahat.

Sa kabila ng kanilang pag sasaya ay may dalawang pares ng mata na nanonood. Nang nakita nito ang mga bisita ni Jason ay bahagya itong napangiti. Ngayon ay may pagkakataon na siyang makapasok sa bakuran ni Jason. Gumayak si Sandra at mailang ulit na na nagpalit ng damit. Ang nais niya ay maging maganda. Magandang maganda. Malakas ang kanyang loob dahil naroon si Joseph at Si Rico na isa din nilang investor sa negosyo. Sigurado siya, na makikilala siya nito.

Napangiti si Jason sa namamanghang si Jesrael habang umaawit si Yen. Marahil ay nagulat ito sa pamilyar na tinig na iyon na tinig ng kanyang ina. Nanlaki ang kanyang mata nang marinig niya itong umawit ng awiting araw araw na pinatututog ng kanyang ama noong wala pa ito. Ang recorded na kanta ni Yen ang naging pampatulog ni Jes noon. Sa tatlong taon na wala si Yen. Hanggang ngayon. Kita sa mga mata ng bata ang pagkamangha habang nakatingin sa ina. Normal na sa pagtitipon na may kantahan lalo pa't naroon si Yen. Matagal na panahon din bago naulit ang ganitong reunion nila. Sana ay magtuloy tuloy na at mamuhay na nga silang mapayapa at masaya.

Ngunit bago matapos ang awitin ni Yen ay pumailanlang ang malakas na alarm sa buong bahay.

Wiiiiiiiw! wiiiiw! wiiiiw!

Malakas ito. Matining at nakakarindi. Pumindot si Yen sa hawak na cellphone at huminto ito. Namayani ang katahimikan at alam ng lahat na mah nagtatangkang pumasok na hindi imbitado sa kanilang bakuran.

Tiningnan ni Jason si Yen. Nakikipagkwentuhan ito kay Jesrael na ngiting ngiti sa ina. Tila ba nakuha na ni Yen ang loob nito dahil sa kanyang pagkanta. Natuwa si Jason ngunit kailangan niyang harapin ang isa nanamang sakit sa ulo na magtatangkang sumira ng mapayapa niyang buhay. Nagtungo siya sa kanilang gate at tama siya. Naroon si Sandra at nakikipagtalo sa kanilang gwardiya.

" Anu ka ba? Kilala ako ni Jason at ni Jes. Kapitbahay ako.!! Ihahatid ko lang itong mga niluto ko pangdagdag sa pagkain nila!!" malakas amg boses nito at halos sigawan ng si manong.

" Alam ko po pero sorry po. Naka set na po ang security sensor at hindi ho kayo pupwede pumasok. "

" At talagang iniinis mo ako? Makikita mo mawawalan ka ng trabaho! Pag nalaman ni Jason na hindi mo ako pinapasok sigurado akong tatanggalin ka non." Pagbibida ni Sandra sa gwardiya.

Hindi nagsalita ang bantay at tinalikuran na ito. Hinabol ito ni Sandra para sana buhusan ng niluto niyang ulam nang biglang may kamay na pumigil sa kanya.

" Sino ka?! " Tanong ni Sandra sa babaeng pumigil sa kanyang mga braso. Malakas ito dahil hindi ito magawang iwasiwas ni Sandra

" Ako si Sheryl. Ang bagong tinik sa pangarap mo. "