Chereads / I am a Rebound / Chapter 123 - Pasakit

Chapter 123 - Pasakit

" Welcome home, sister." Nakangitng wika ni Jerry.

Ang bahay na iyon ay wala nang buhay katulad ng dati. Pagkatapos ng iyong pagtakas ay natanggal ang masiglang maskara ng tahanang ito. Napalitan ng kapighatian at gabi-gabing palahaw ng kalungkutan. Ang dating bakuran na hindi nawawalan ng adorno at masayang pagtitipon ay naging tila bakanteng lote na lamang. Ang elegante nitong paligid ay nanatili ngunit ang ganda ay naluma na at nabibilang na lamang sa isang ala-ala. Katulad ni Dorothy na tila napag-iwanan na ng panahon. Ang ganda ay naluma na at naghihintay na lamang siya ng oras na para sa kanya. Kung hindi lang dahil sa kanyang ina ay hindi na siya dito babalik pa.

Si Gabriel. Tama. Siya ang maniningil kay Gabriel. Hindi na niya nais na madumihan ang mga kamay nina Yen at Jason. At hindu sapat ang pagkakakulong dito. Isa pa, sa lakas ng impluwensiya nito ay siguradong kaya nitong bayaran ang batas. Walang puwang ang katarungan sa mga taong katulad niyang halimaw. Naisip niya ang tatlong taon na hindi nakita ni Jes ang kanyang ina. Yung unang taon na nangyari iyon ay nahirapan siya kung papano ipaliwanag ang pagkawala ng isang taong ni walang kasiguruhan kung ito ba ay buhay pa o hindi na. Si Jason na nakita niyang hirap na hirap at pilit na bumabangon para sa anak at para kay Yen dahil kailanman ay hindi ito sumuko sa pag asang babalik ang asawa. Kahit na siya ay matiyaga ding naghintay sa pagbabalik nito.

Huminto siya sa paglakad at pumihit patungo sa bodega. Sumunod lamang sa kanya ang kapatid. Mas bata sa kanya si Jerry at katulad niya ay wala pa rin itong nobya hanggang ngayon. Dahil siguro sa backround ng kanilang pamilya kaya hindi na sila nagkaroon pa ng interes humanap ng makakasama sa buhay. Pinasok nila ang madilim na bodega. Ang bodegang iyon na tinatawag nila ay lugar kung saan dinadala ang mga taong walang kwenta. Namulatan na nilang magkapatid ang ganitong scenario. Normal sa kanilang paningin na may dinadala ditong tao at pagkatapos ay makakarinig sila ng malakas na sigaw at palahaw ng pagsisisi, pagmamaka-awa, paghingi ng tawad at sa hinaba haba man ng pahirap ay sa hukay pa din ang bagsak.

Hindi matuwid ang kanyang ama. Malupit ito at kung sino man ang bumangga at humarang sa kanya ay tiyak na mararating ang bodegang ito. Maliban na lamang kung mas maempluwensiya ang kabilang panig. Katulad ni Guillier. Sumama ang kanyang mukha sa naalala. At naisip niya na kailangan din nitong magbayad para sa buhay ng kanyang ama.

Bumungad ang malangsang amoy sa kanila ni Jerry. Nakita niyang nakaupo si Gabriel sa bakal na upuan kung saan ay nakagapos ang paa at kamay nito, may busal ang bibig nito at ang mukha nito ay bugbog na at halos hindi na ito makilala.

" Bakit hindi mo siya pinatay? " tanong niya kay Jerry.

" Sa tono mo nong tumawag ka ay naramdaman ko na galit na galit ka. Kaya naisip ko na baka lang gusto mo na..."

" Tanggalin ang busal niyan." hindi na naipagpatuloy ni Jerry ang sinasabi nang biglang magmando si Dothy na tanggalan ng busal si Gabriel.

" P-patayin n-niyo na ako. P-parang awa niyo na." mahinang wika ng lalaki.

Mataman lamang nakatingin sa kanya si Dothy.

Hindi kilala ni Gabriel ang sinuman sa mga taong nakita niya. Wala siyang ideya kung bakit siya nito binihag. Ilang araw na siyang binubogbog, kunukuryente kapag halos mawalan na siya ng ulirat. Ilang araw palang yon pero gusto na niyang mamatay. Manhid na ang katawan niya. Ilang araw na din siya hindi kumakain. Nanghihina na siya pero di pa rin siya pinapatay ng mga ito. Malabo ang kanyang paningin at hindi na niya maaninag ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Pinipilit niyang aninagin ang mukha nito na natatanglwan lamang ng isang kulay dilaw na ilaw. Pero hindi niya talaga ito nakikilala. Yumuko na lamang siya at nagtanong kung sa sarili kung sino ba ang nakabangga niya na mas malaki ang empluwensiya kaysa kanya. Wala siyang maalala. Katapusan niya na ba? Kabayaran na ba ito sa mga kasalanan niya? Sa mga buhay na kinitil niya noon? Maluwag ang kanyang dibdib. Magaan. Wala man lang siyang nararamdamang emosyon. Maliban sa sakit ng katawan niya ngayon ay wala siyang ibang maramdaman sa kanyang damdamin. Tila ba tanggap na niya ang kanyang kamatayan at iyon na lamang ang kanyang hinihintay. Para matapos na ang lahat ng sakit.

Maraham siyang napapikit na tila ba maiidlip nang maramdaman niya ang pagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang ulo. Maginaw. Nanginginig siya sa lamig. At alam niya ang susunod na mangyayari. Ilang saglit lang ay bigla nanaman siyang nangisay sa lakas ng boltahe ng kuryente sa kanyang katawan. Lalo siyang namanhid pagkatapos niyon at muli ay kabi kabila nanaman ang sipa, suntok, at hampas sa bahagi ng kanyang katawan. Naririnig niya lang amg tunog ng kadenang paulit ulit na nagwawasiwas at lumalatay sa kanyang lukiran hanggang sumuka siya ng dugo.

Katahimikan.

Hindi na niya ramdam ang karayom na tumusok sa kanyang braso. Gamot iyon para mapanauli muli ang kanyang ulirat. Sa tuwinang nandoon na siya at malapit nang bumigay ay sasaksakan siya ng gamot para muling manumbalik ang kanyang kamalayan. Pagkatapos ay iiwan siya na nagdudusa sa literal na sakit ng katawan. Kinabukasan ay ganon ulit hanggang magsawa at mapagod ang mga taong gumagawa nito. O hanggang mapagod ang taong nanonood at nagmamando sa mga taong ito na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino at ano ang nagawa niya dito para danasin niya ang mga pasakit na ito.

Pinili ni Dothy na panoorin lamang ang kalagayan ni Gabriel. Hindi na niya kailangan dumihan ang kanyang kamay. Ang makita na nagdudusa ito ay sapat na para sa kanya. Wala na din naman itong magagawa. Dahil sa araw na ito, buong angkan niya ang mawawala. Maging ang kompanyang ilang taon niyang pinaghirapan ay mawawala at mabubura sa ala-ala ng lahat. Ang building nila at ang mansiyon. Nag aapoy na ito, sigurado siya na walang matitira dito kundi abo. Nangiti si Dothy. Dapat lang na mabura ang lahat ng masasamang ugat. Para hindi na kumalat. Mga magulang niya? Para kay Dothy, magkakaroon ng masamang bunga kung ang puno mismo ay hindi masama. Kung anong puno, siyang bunga. Parang sila ni Jerry. Walang anuman ang makakapagpabago ng kanilang pagkatao. Halimaw sila at gahaman. Dahil ganon ang kanilang ninuno. Ngunit si Yen ang kanyang anghel. Napangiti si Dothy. Ang babaeng iyon ang nagmulat sa kanya at nagtanim ng pagnanais sa kanyang puso na mamuhay ng mapayapa at masaya. Kaya pagkatapos nito ay lalayo silang magkapatid at mamumuhay ng payapa at masaya sa malayong lugar kung saan walang sinuman ang nakakakilala sa kanila.