Ilang araw nanahimik si Sandy. Sinubukan niyang huwag kulitin si Jason baka sakaling ma-miss naman siya nito. Isang linggo na ang lumipas nang hindi niya ito nakikita. Nadidismaya siya sa ideyang tila wala yata talaga siyang halaga dito. Ang kanyang karisma ay hindi man lang umi-epekto. Ngunit wala siyang balak na sumuko. Ika nila, kung anong itinanim siyang aanihin. Love begets love sabi nila at naniniwala siya doon. Marahil ay nag-aalangan si Jason sa anak kaya maaaring isa ito sa pumipigil sa kanya para muling magmahal. Sinubukan na niyang mapalapit kay Jesrael subalit katulad ng ama nito ay tila wala din itong amor sa kanya. Kahit na tambakan niya ito ng mga mamahaling laruan, suhulan ng pagkain, tinatanggap naman nito at magalang na nagpapasalamat ang paslit ngunit pagkatapos noon ay balewala na din lahat.
Ganun din si Jason. Kahit araw araw niya itong pabaunan ng lunch sa opisina, bagamat tinatanggap naman nito ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Ang hindi niya alam ay inaabot ni Jason sa gwardiyang bantay sa gate nila ang bawat pagkaing natatanggap nila ni Jess mula dito. Wala ni isa sa niluto niya ang tinikman ng mag-ama. Ang mga laruan naman na binibigay niya kay Jes ay dino-donate nilang mag-ama sa ampunan kung saan paboritong puntahan ni Jes dahil doon ay marami siyang kalaro at kaibigan. Hindi mahilig si Jes sa laruan. Ang hilig nito ay gumuhit at halos buong araw lang itong nag do-drawing habang hinihintay ang ama umuwi. Lahat ng bagay na ito ay lingid sa kaalaman ni si Sandra. Araw-araw ay umaasa siya na lilingon din si Jason sa kanya.
Minsan naisip niyang lasingin si Jason at pikutin na lamang ito. Subalit napakailap nito at ni hindi niya ito maimbita sa party. Pero siguro ay maaari siyang umupa ng tao para gumawa noon. Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Nabuo ang isang magandang plano sa isip. Sa pagkakataong ito ay malabo nang makalusot si Jason. Ang kailangan niya lang ay kausapin si Jonathan na kapatid nito. Walang ibang malapit kay Jason bukod sa kanyang ama, si Manang Doray na yaya ni Jes at si Jonathan na halatang may gusto sa kanya. Nagkita sila nito minsan sa bahay ni Jason nang biglaan itong bumisita. Sandli niya itong nakausap at sa mga tingin nito ay damang dama niya ang pagnanasa. Muling sumungaw ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Kinikilig siya sa isiping makakasiping niya si Jason at pag nabuntis siya sa pagninig na iyon ay wala na itong kawala. Di bali nang hindi siya nito mahal ngayon. Kapag naman nakasal sila at nagka-anak ay mamahalin din siya nito. Tama malapit na ang birthday ni Jonathan sa isang buwan. Ang hindi niya alam ay lalo lang siyang mawawalan ng chance dahil sa muling pagkikita nila ni Jason ay kasama na nitong muli ang tanging babaeng kanyang minamahal.
Labis ang kaba ni Jason. Sari-sari ang kanyang emosyon. Ang lungkot sa puso ay napalitan ng pananabik at ang pait ay tila nabura ng isiping buhay ang ina ng kanyang anak. Inisip niya kung ok lang kaya ito? Kung grabe din ba ang natamo nitong pinsala sa pagsabog, kung papano ito nakarecover, kung hinanap ba siya nito? Kung namimiss ba siya ni Yen? Habang papalapag ang kanyang sinasakyan ay sobrang pagkasabik ang umalipin sa kanyang damdamin. Naalala niyang muli ang kanyang panaginip.
Pagkababa sa kinalululanang helicopter ay agad siyang tumakbo patungo sa nag-iisang bahay na tinutukoy ni Gerald. Hindi na niya nabigyan ng pansin ang mga taong inipon niya para tumulong at magprotekta sa kanila ni Yen kung sakali man na sumugod at maabutan sila ng mga tao ni Gabriel. Na malabo nang mangyari dahil naubos na ng grupo ni Jerry na kapatid ni Manang Doray. Habang papalapit siya sa bahay na iyon ay lumilinaw sa kanyang balintataw ang ang bahay sa panaginip niya. Hindi lang isang beses niya iyon napanaginipan. Maraming beses at noong isang araw ang pinakahuli kung saan malinaw niyang nakita si Yen at ang paligid ng kinaroroonan nito. Huminto siya sa harap ng bahay at lumakad siya patungo sa likod bahay. Doon nakita niya ang nakabukas na kurtina ng bintanang salamin. Lumapit siya doon dahil ayon sa kanyang panaginip ay naroon si Yen. Habang papalapit ay palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hanggang sa makalapit siya dito at hindi siya nagkamali. Ang nakikita niya ngayon ay katulad na katulad ng nakita niya sa kanyang panaginip.
Sumungaw ang luha sa kanyang mga mata nang mamasdan ang nakaratay na katawan ng kanyang asawa na tila walang buhay. Nagmadali siyang nagtungo sa back door at iniangat ang malaking paso sa gilid ng pinto. Nakita niya ang susi at agad niyang binuksan ang pintuan. Dalawang kwarto lang meron doon at hindi kalakihan ang bahay kaya naman agad niyang narating ang kwarto ni Yen. Nang makapasok siya ay tumayo siya nang matagal sa gilid ng kama nito. Hindi niya mapigil ang patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata. Nanlalabo ang kanyang paningin habang dahan dahan niyang inilalapit ang kanyang kamay sa mukha nito. Bakas ang pait sa kanyang mukha at galit sa kanyang mga mata. Si Gabriel. Siya ay magbabayad sa pagdurusang dinanas ng kaawa-awa niyang asawa. Sisiguruhin niyang mananagot ito at hindi sapat ang kamatayan lang para sa kabayaran ng mga ginawa nito sa buhay nila.
Ilang sandali pa niyang pinagmasdan ang walang malay na asawa. Pagkatapos inalala ang mga bilin ni Gerald. Nabanggit din nito ang maliit na kahon sa kanyang kwarto na nakatago sa ilalim ng unan. Doon niya daw malalaman lahat. Lahat ng impormasyon na kailangan ni Jason ay ibinigay ni Gerald. Sa pag-aakalang hindi na siya sisikatan pa ng araw. Sandaling inilibot ni Jason ang kanyang mga mata sa kwarto. Naisip niya kung kwarto ba talaga ni Gerald iyon o kwarto ng babae? Kumunot ang kanyang noo. Bakla si Gerald? Geraldine?? May nag flash back na alaala sa kanyang isipan.
" Wala ka bang friends?" tanong niya kay Yen nong nalaman niya na wala siyang inimbitang kaibigan nito sa binyag ni Jes.
" Meron si Geraldine. Pero busy yon. "
Nagkibit balikat si Jason nang maalala niyang minsan niyang pinagselosan si Gerald nang malaman niyang ito ang huling kasama ni Yen bago sila maghiwalay. Minsan na din niya naisip na baka ito na ang bagong boyfriend ni Yen. Napailing siya at dinukot ang cellphone sa bulsa. Iti-text niya ang kanyang mga kasama ngunit napalatak siya nang maalalang wala nga palang signal doon. Lumabas siya ng kwarto ni Gerald at akmang lalabas na siya nang maisipan niya muling silipin si Yen at laking gulat niya nang makitang nakamulat ito. Patakbo niya itong nilapitan. Ginagap niya ang mga palad nito. Minasdan ang hapis nitong mukha at niyakap. Wala pa ring patid ang kanyang pag iyak. Walang reaksiyon, hindi ito gumalaw. Nag angat siya ng mukha at muli itong minasdan at nahagid nito ang tuyo nitong labi. Naisip niya na kailangan nito ng tubig. Kaya nang makita niya pinipilit nitong magsalita ay agad siyang tumakbo para ikuha ito ng maiinom.Si Yen naman ay nakatitig lamang sa kanya. Hindi niya alam kung naaalala ba siya nito o hindi. Walang reaksiyon si Yen. At nanatili lang nakatitig sa kanya. Hindi alam ni Yen kung papano niya sasabihing tuyung tuyo ang lalamunan niya. Nakatitig lamang siya sa asawa at hindi niya maisatinig ang salita. Wala siyang boses pero sinikap niyang bigkasin.
Hindi alam ni Yen kung papano niya sasabihing tuyung tuyo ang lalamunan niya. Nakatitig lamang siya sa asawa at hindi niya maisatinig ang salita. Wala siyang boses pero sinikap niyang bigkasin ang "tubig". Bagamat walang boses ay agad naman naunawaan ni Jason kahit wala naman itong narinig. Nakaramdam si Yen ng kaunting ginhawa nang mabasa ang kanyang lalamunan. Mahinang mahina ang kanyang katawan at hindi niya mgawa kahit magsalita. Naisin niya mang yakapin ang kaharap ay hindi niya magawa. Maging ang kanyang mga kamay at binti ay hindi niya maigalaw. Walang ideya si Yen na tatlong taon siyang nakaratay. Minamasdan niya ang luhaang lalaki sa kanyang harapan. Grabe siguro ang dinanas nito. Sa loob niya ay sobrang nagpapasalamat siya dahil nakaligtas ito. Bagamat halatado ang mga paso sa katawan nito siya pa rin ang lalaking minamahal niya at hahanapin niya tuwing magmumulat siya ng mata. At masaya siya. Hindi niya man ito maipakita ay alam niya na kapwa sila masaya. Dahil sa muli ay magkakasama sila. Salamat na lamang at si Jason ang una niyang nakita. Nakadama siya ng kapanatagan. Ipinikit niya ang kanyang mata at naalala ang anak. Ilang araw kaya siyang tulog? Andami niyang tanong ngunit napakahina niya para mag-usisa. Minabuti na lamang niyang muling pumikit at muling matulog. Pag gising niya ay ibang paligid na ang kanyang nakita.