Naramdaman ni Gerald ang paghinto ng sasakyan. Kanina pa siya nakikiramdam. Pero kumbinsido na siya na malayo na siya sa panganib ng kamatayan. Nilingon siya Driver.
" Nandito na tayo. Ligtas ka na. Pero kailangan ka munang makausap ni boss. "
Wala siyang ideya sa mga nagaganap. Ang lahat ng taong nakita niya ay hindi niya kilala. Wala man lang siyang nakitang kakilala niya sa mga kalalakihang iyon. Hindi niya din alam kung bakit siya iniligtas nito. Nakita niya ang duguang si Gabriel na kinakaladkad ng isa sa mga lalaking tumambang sa kanila. Nakagapos sa likod ang mga kamay nito. May busal sa bibig at nakapiring. Mag isa lamang ito at hindi na niya nakita ang sampong tauhan na kasama nito.
" Dalhin yan sa bodega!! " narinig niyang mando ng lalaking marahil ay lider nila.
Ito ang nagmamando sa mga tao simula pa kagabi. Ito din ang nag-utos na kunin siya pati ang lahat ng kanyang gamit. Hindi niya pa rin maunawaan kung bakit siya iniligtas ng mga ito. Ligtas na nga kaya siya??Napakunot siya. Bahagya siyang kinilabutan sa naisip. Hindi kaya nangamatay na ang mga tauhan ni Gabriel at iyon ang putukang kanyang narinig kanina? Dahil sa naisip na iyon ay napagtanto niya na ang grupong ito ay hindi basta basta. At kung sino man ang boss nila, siguradong mayaman ito at maempluwensiya. Sino kaya ang mga taong ito? Hindi kaya kaaway ito ni Gabriel?
Iginala niya ang kanyang mga mata at bumungad sa kanyang mga mata ang malapalasyong bahay. Masiyon. Napakalawak ng lugar na iyon. Hindi na niya nagawang igala pa ang kanyang paningin nang makita niyang lumapit ang lalaking kanina ay nagmamando sa grupo.
" Ikaw si Gerald? " kalmado ang mukha nito. At si Gerald naman ay marahang tumango.
" Ako si Jerry. " pagpapakilala nito.
Inaya siya nito sa loob ng mansiyon at sumunod naman siya dito. Pagpasok nila ay bumulaga sa kanyang paningin ang magrbong sala. Inikot niya ang paningin dito at nahagip ng kanyang mata ang malaking kwadro kung saan napukaw siya ng isang babaeng kasama sa larawang iyon. Napagkit ang kanyang tingin sa babae. Isa iyong larawan ng pamilya. May lalaking matipuno katabi ng isang babaeng sopistikada. Iyon siguro ang ina at ama nila. Sa ayos ng babae ay mababakas mo ang ganda. Tila may kahawig itong artista at hindi niya matukoy kung saan niya ito nakita. Nasa bandang kaliwa ang lalaki, at sa bandang kanan naman ang babae. Sa tabi ng lalaki sa kaliwa ay ang lalaking kasama niya ngayon, at sa kanan naman, katabi ng sopistikadang babae, ay ang babaeng kumuha ng kanyang atensiyon. Parang ang mga mata nito ay kahawig ni Manang Doray?? Hindi kamukha siya ni Manang Doray!! Tama hindi siya nagkakamali si Manang Doray na kasambahay ni Yen. Nagsunod sunod ang katanungan sa kanyang isipan. Kamukha lang ba o si Manang nga??
" Kilala mo siya? " narinig niya ang tinig ni Jerry sa kanyang likuran.
Nilingon niya ito.
" Parang..." sagot ni Gerald.
" Siya ang dahilan kung bakit ka buhay ngayon. Siya si Dorothy. Ang nawawala kong kapatid. " sabi nito ay inanyayahan siya nitong umupo.
Ngayon ay napagtanto na ni Gerald, si Manang marahil ang dahilan kung bakit nakaligtas siya. Hindi niya alam kung paano pero dahil kasama ito ni Jason sa bahay ay malamang nabasa na ni Jason ang mensahe niya. Nakadama siya ng kaunting kapanatagan. Bagamat hindi siya sigurado na nakita ni Jason si Yen, ang malaman niyang alam ni Manang ang kanyang lagay ay posibleng nakita na ni Jason ang kanyang mensahe. Nangangamba pa rin siya dahil hindi niya alam kung natunton na ito ng mga tauhan ni Gabriel. Pero ang maisip na si Gabriel ay kasama niya sa lugar na ito, nakakulong at nakagapos sa isang bodega ay maluwag na sa kanyang pag hinga.
" Nawala si Dorothy apat na taon na ang nakakaraan. Walang makapag sabi kung nasaan siya at kahit ginamit na namin ang lahat ng koneksiyon na meron kame, ay hindi namin siya matagpuan. " Panimulang kwento ni Jerry.
" Pagkalipas ng apat na taon ay tumawag siya sa akin para tapusin si Gabriel at iligtas ka." dugtong nito.
May tinatago pala si Manang? Nasabi niya sa kanyang isip. Medyo nakakabigla ang mga rebelasyong ito. Pero salamat dahil nakaligtas siya dahil dito. Hindi niya alam kung may alam si Yen pero hindi na din nagtataka. Sa pisikal na anyo pa lamang ay nakakapagtaka na. Ang kutis ni Manang ay hindi pangmahirap. Ang kilos nito ay elegante, iba kumpara sa ibang katulong. Kung titingnan mo ito at hindi mo alam na kasambahay ito ay mapagkakamalan mo itong amo. Kaya pala. Pero papanong naging katulong ni Yen si Manang?? Wala siyang alam kung papano ito napunta kay Yen ngunit nakasama niya ito ng ilang buwan noong tumira sila ni Yen sa bahay niya kasama si Jes.
"Umalis siya dahil sa nakatakdang kasal niya sa anak ng kumpare ni Papa. Kasosyo niya yon sa negosyo at matalik na kaibigan ng aking ama. Bata pa lamang sila ay nakatakda na silang magpakasal ayon sa napagkasunduan ng kanilang mga magulang. Subalit ang lalaking iyon na nakatakdang ikasal kay Dothy ay isang drug lord at lider ng isang sindikato. Hindi iyon pinaniniwalaan ng ama ko dahil mabait ang kanyang kaibigan at mabuting tao. Yon ang pagkakakilala niya dito. Maging ako ay hindi sang ayon sa desisyon ni Papa na ituloy ang kasal. Subalit dahil sa kasunduan ay pinili ni Papa ituloy iyon. Dahil mayaman ang angkan ni Leonard at inaakala niyang mabubuhay si Dothy na parang reyna sa poder nito. Kaya kahit matindi ang pagtutol ni Dothy ay nagpumilit pa rin itong ituloy ang kasalan. At sa araw ng kanyang kasal ay bigla siyang nawala. Mula noon ay hindi na namin siya muling nakita. Tumakas siya dahil hindi niya gustong makasal sa halimaw na yon. At dahil sa pagtakas ay nagkaroon ng gulo. Nagwala ang groom at binaril ang aking ama. Naisugod namin sa sa ospital pero hindi din ito nagtagal ahad din itong binawian ng buhay. Pinatay siya ng lalaking mapapangasawa sana ni Dothy. Bago malagutan ng hininga ang aking ama ay ibinilin niya na hanapin si Dorothy at ihingi siya ng tawad dito. Muntik na niyang ihain ang sariling anak sa demonyo. Sising sisi ang aming ama ngunit ang nangyari ay nangyari na " paglalahad nito.
" Nais ko siyang makausap dahil ang aking ina ay pahina nang pahina. Hindi na siya makarekober sa sobrang depresyon at wala na siyang ibang hiling sa kanyang buhay kundi makitang muli at mayakap ang kanyang unica iha." dugtong nito.
Wala akong masamang balak sa kanya. Gusto ko lang na magkausap kame. Hindi ko siya pipiliting bumalik. Dahil alam ko na sa simula pa lang ay labis na siyang namumuhi sa pamilyang ito. Nais ko lang ipaalam ang kalagayan ng aking ina at ang pagpanaw ng aking ama.
Mataman lamang na nakikinig si Gerald. Wala siyang masabi sa haba ng kwento nito. Ramdam niya ang pagiging sinsero sa tinig nito ngunit hindi siya sigurado kung magbibigay ba si Manang ng pagkakataon.
" Wala kameng anumang ugnayan. Hindi ko alam kung papano ako makakatulong. Pero alam ko kung papano siya mahahanap."
Umaliwalas ang mukha ng lalaki. Ngumiti ito at tila napuno ng pag asa. Sandali pa silang nagkwentuhan at ipinasilip pa nito sa kanya ang inang nakaratay sa kama. Hindi niya sana gustong sumawsaw sa bagay na ito ngunit kailangan niya magmadali. Para masigurong ligtas nga si Yen. Higit sa anuman, ang kaligtasan ni Yen ang mas mahalaga. At alam niya na ganoon din ang nasa isip ni Manang.
" Salamat Gerald."
Ngumiti si Gerald at agad na nagpaalam.
" Sandali. " wika ni Jerry.
Napahinto naman si Gerald sa paghakbang.
" Yung mga gamit mo pakihintay. Saka naisip ko lang na mas ligtas kung ako na mismo ang maghahatid sayo. Tutuloy na din ako kay Dothy pagkatapos. "
Hindi na tumutol si Gerald. Mas mainam nga naman na may masakyan siya pauwi. Isa pa, wala siyang dalang pera. ^_^