Chereads / I am a Rebound / Chapter 119 - LIGTAS KA NA

Chapter 119 - LIGTAS KA NA

Tahimik na dumalangin si Gerald. Wala siyang laban. Isa siyang lalambot lambot na nilalang. At hindi man lang marunong makipagsuntukan. Lumaki siya sa isang mabuting pamilya at hindi niya naranasan na masangkot sa anumang basag ulo. Good boy. Na nagiging girlalu sa harap ni Yen. Hiniling niya nalang na sana ay mabasa ni Jason ang email. Sana ay dumating ito sa oras. Bago pa man makarating ang mga tao ni Gabriel doon. Hindi siya tinatanong ni Gabriel. Marahil ay may alam na din ito.

Hindi siya nagkamali. Habang lulan ng sasakyan ni Gabriel ay narinig niyang tumawag ito. Nagpakuha ito ng chopper para mabilis silang makapunta ng isla. Napalunok si Jason pero hindi siya nangahas magsalita. Nangangamba siya na baka patayin siya nito kaagad. Alam niya na doon din naman siya pupunta pero nagbabakasakali siya na makahanap pa siya ng paraan para makatakas. Kailangan maalis si Yen sa isla. Hindi niya magawang tumawag sa mga kaibigan. Ang laptop niya ay hawak ng isang tauhan ni Gabriel at nakita niyang inilapag ito sa likod ng sasakyan. Marahil ay balak nilang busisiin ito. Salamat na lamang at nabura niyang lahat bago pa man humantong sa ganito.

Ang hindi alam ng grupo ni Gabriel, ay isang pagkakamali ang pagdala sa laptop ni Gerald. Dahil doon ay nakuha ng mga tauhan ni Dorothy ang kanilang lokasyon. Sa isang makipot na daan, patungo sa abandonadong mansiyon na malayo sa kabihasnan ay ilang pulutong ng kalalakihan ang naka abang. Tila mga sundalong nagroronda at pawang armado. Sa unang tingin ay aakalain mo na nagsasagawa lamang ng check point.

Napakunot ang noo ni Gabriel sa mga nakaabang sa kanilang daanan. Tatlong sasakyan sila. Sa una ay ang sasakyan ng lima niyang tauhan. Sa gitna ay sasakyang kinalululanan Gabriel at Gerald. At driver nito. Tatlo lang sila. Nasa huli naman ang lima pa. Huminto sila at bumaba ang isa sa mga tao niya.

" Boss road trip lang po. " sabi ng lalaking bumaba."

" Ganon ba? pero ung nasa gitnang sasakyan ang aming pakay."

Kumunot ang noo ng lalaki. Sigurado siya na hindi ito mga sundalo. Hindi niya matukoy kung ano ito dahil ang bihis nito ay tila mga sundalo ngunit itim lahat. Mahahaba ang dala nitong sandata at kung sakaling manlaban sila ay siguradong patay sila sa dami ng bilang nito. Napalingon siya sa likuran. Kung saan may ilang sasakyan ding huminto. Inakala niya na mga byahero din iyon subalit tila kasamahan ito ng mga kaharap niya ngayon. Nakorner na sila. Wala silang laban.

Minabuti niyang lumapit na lamang kay Gabriel.

" Boss. Kayo daw po ang sadya. Di tayo pwede manlaban. Marami sila."

Dahil sa narinig ay agad na nagtawag si Gabriel ng back up. Maging ang mga taong patungo sana sa isla ay naharang para puntahan muna sila. Pagkatapos niyon ay bumaba si Gabriel sa kotse. Napapaikutan na sila. Hindi lang siguro bente yon. Marami...at lahat ng baril ay nakatutok na sa kanila. Wala silang laban kahit pa sila ay manlaban.

" Ibaba niyo ang lalaking tinangay niyo. "

Natigilan si Gabriel. Posible bang may pang back up si Gerald? Sa pagkaka alam niya ay wala itong koneksiyon sa kung anumang katiwalian. Wala din itong mga bodyguard at simpleng negosyante lamang. Nagkamali ba siya sa nakalap niyang impormasyon?

" Sir. Nagroroad trip lang kame. Wala kameng tinangay. Kahit check niyo pa." ani Gabriel.

" Ilalabas niyo ba o papatayin na namin kayo ngayon. " sabi ng lalaking tila pinakapinuno nila.

Kabado si Gerald sa nakikita. Pakiramdam niya ay hindi siya mamamatay sa kamay ni Gabriel kundi sa kamay ng mga tulisang ito. Napalunok siya nang marinig na siya ang hinahanap ng mga ito. At nang tawagin siya ni Gabriel ay nanginginig siyang binuksan ang pinto. Pinilit niyang ikubli ang takot pero hindi niya talaga ito maitago.

" Kunin siya! pati laptop niya! Lahat ng gamit niya. "

Hinigit ng isang lalaki ang kanyang braso. At pakaladkad siyang inilayo doon. Isinakay siyang muli sa ibang sasakyan at agad din umalis iyon. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Nag aalangan siya magtanong. Huminga siya ng malalim kinalma ang sarili.

Nang makita ni Gabriel ang reaksiyon ni Gerald ay nasiguro niya na hindi ito kilala ng huli. Nagkibit siya ng balikat dahil mukang sa kamatayan din naman ito uuwi ngayong gabi. Dadalahin sana nila ito sa lumang mansiyon para doon pahirapan at patayin. Dahil sa pakikealam nito sa kanyang plano. Isa pa. Isa itong buhay na ibidensiya at maaari siyang matiklo dahil dito. Matagal niya itong hinanap at nang matagpuan ay tahimik na minanmanan. Hanggang matuklasan nila na palagi itong nasa isla. Hindi siya sigurado pero palagay niya ay ito ang nagtago kay Yen. At doon sa islang iyon ito naglalagi. Maging siya ay hindi naniniwalang si Yen ay patay na.

Naputol ang kanyang pagmumuni nang makitag umalis ang sasakyang kinalululanan ni Gerald. Ngunit ang mga lalaking ito sa kanyang harapan ay hindi pa rin natitinag.

" Damputin yan! "

Nang marinig iyon ay naging alerto si Gabriel ngunit bago pa man siya makabunit ng baril ay nawalan na siya ng ulirat sa lakas ng hataw ng kung anong matigas na bagay sa kanyang ulo. Hindi na niya nakita kung paano inulan ng bala ang sampo siyang mga tauhan. Hindi na niya nakita kung papano ito binawian ng buhay.

Narinig ni Gerald ang nakakabinging putukan. Hindi pa sila ganoon kalayo sa lugar na iyon kaya malakas pa rin ang putok na nakakarindi. Yumuko siya para ikubli ang pangamba nang marinig niya ang driver.

" Ligtas ka na."

Napakurap siya at tiningnan ito mula sa side mirror. Nakangiti ito at kalmado habang nagmamaneho. Hindi niya ito kilala. Pero nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nitong ligtas na siya. Kahit nagdududa ay pinaniwalaan niya iyon. Hindi siya nagtanong at naisip na pag nakalagpas sila sa madilim na lugar na iyon ay pupuntahan niya agad si Yen para ibalik sa pamilya nito. Siguro ay mas mabuti na marami silang titingin at magbabantay dito. At mas mainam na magising si Yen sa tabi ni Jason. Dahil yon ang dapat. Yon ang tama.

Dahil sa pangyayaring ito ay nakapagdesisyon siya na ipagtapat na lamang sa pamilya ni Yen ang lahat.