Chereads / I am a Rebound / Chapter 114 - Pagsubok

Chapter 114 - Pagsubok

Nakatitig si Jason sa nahihimbing na anak. Habang lumalaki ito ay lalong nakikita dito ang pagkakahawig sa kanyang ina. Ang mga labi at maliit na matangos na ilong na bumagay sa hugis ng mukha nito. Napangiti siya dahil pati ang pag posisyon ng pagtulog ay gayang gaya nito. Nakatagilid, nakatiklop ang mga tuhod, at bahagyang nakanganga.

Naalala niya si Yen.

Sa tuwinang magkatabi sila ay halos sakop nito ang kama. Ang space niya lang ay yung nasa pinakadulo at mabuti nalang ay hindi siya malikot dahil talagang laginsiyang mahuhulog. Katulad ngayon kay Jesrael ganun palagi ang kanyang posisyon. Nakasanayan na din niya na makontento sa dulo ng kama. Kaya naman simula nang mawala si Yen ay itinatabi na lamang niya ang bata.

Nasanay na din ito na katabi siya. Ang problema ay hindi ito natutulog nang wala siya. Sa tatlong taon na wala si Yen, ay lalo siyang napalapit sa anak.Trabaho bahay, ang naging buhay niya at lahat ng bakante niyang oras ay binibigay niya dito. Medyo lumalaki ngang spoiled ang bata pero hindi naman siya masisi. Tanging si Jesrael na lang amg meron siya sa ngayon. Ang kanyang anak ang buhay na ala-alang iniwan sa kanya ni Yen.

Tumihaya si Jason at tumitig sa kisame. Muli niyang inalala ang mga panahon na kasama pa niya si Yen. Sobrang bait nito. Maasikaso. Malambing at hindi mabunganga. Kahit kailan ay hindi niya ito narinig na magbunganga sa kanya di katulad ng kanyang ina. Isang beses lang ito nagsalita sa kanya. Yon ay yung makikipagkita siya kay Angeline sana. Pero kalmado at malumanay ang kanyang pagsasalita. Bagama't umiiyak ay hindi ito nagtaas ng boses. Sapat lamang para marinig niya ito.

Napabuntong hininga siyang muli. Siguro kung hindi siya nagpa-uto kay Angeline noon, marahil ay hindi nangyari ang mga nangyari ngayon. Siguro naikasal na sila at masaya ang kanyang pamilya.

Mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Habang binubuo niya sa kanyang balintataw ang mukha ni Yen. Laging nakangiti. Parang sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang paraan nito kung papano humalakhak pag nagbibiro ito. Natawa siya dahil kahit kailan ay hindi talaga si Yen marunong mag biro. Lagi itong nauunang tumawa habang siya ay nakanganga at hindi niya nakikita ang nakakatawa sa sinasabi nito.

Miss niya Yen. Sobra.

Dalawang beses na itong nawala sa tabi niya. At sa mga pagkakataong iyon ay napagtanto niya ang halaga nito sa kanya. Totoong naguguluhan siya noon. Nong nagsimula sila ay hindi niya din sigurado kung mahal niya nga ito. Kakagaling niya lang sa hiwalayan at hindi pa naghihilom ang sugat sa kanyang puso. Kasalanan niya rin kung bakit naisip ni Yen na rebound siya. Palagay niya ay totoo dahil si Yen ang naging daan para siya makalimot.

Ngunit di naman nagtagal ay totoong minahal niya ito. Nagkataon lamang na may pagkatuso si Trixie at inakala niya n si Yen ang tipo ng taong madali lang mabully. Nakakalungkot dahil ang Trixie na spoiled brat noon, nangangatulong na din ngayon.

Namamasukan si Trixie bilang isang kasambahay sa isang subdivision na malapit sa kanila. Si William naman na ama nito ay nagtayo na lamang ng maliit na shop para kumita. Katulad din si Angeline ni Trixie. Si angeline ay nauwi sa pagtitinda ng isda at gulay sa palengke. Walang kompanyang tumatanggap kaya nagtinda na lamang.

Swerte pa sila. Pero siya? Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang danasin ang paulit-ulit na maiwan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ay pinipilit niyang magpakatatag. Dahil alam niya, nararamdaman niya na buhay si Yen at isang araw ay muli itong magbabalik. Hindi na bale kung gaano pa siya katagal maghintay. Basta naniniwala siya na babalik ito. At itong nangyayaring ito sa kanila ay parte lamang ng mga pagsubok.

Naririnig ni Jason ang hampas ng alon sa dalampasigan. Dama niya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang katawan. Inikot niya ang kanyang paningin. Nag aagaw na ang liwanag at dilim. Ngunit sapat pa rin ang liwanag para makita niya ang paligid. Isla?? Walang kabahayan. Walang tao. Wala siyang pagtatanungan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang nakita niya ang isang bahay na bongalow type. Nakabukas na ang ilaw. Kaya sigurado siyang may tao roon.

Pumasok siya sa loob at wala siyang nakitang tao.

" tao po..." katok niya

Wala pa ring sumasagot.

" tao po..." ulit niya.

Inikot niya ang kabahayan at nakita niya ang isang bintanang nakabukas. Ang kurtina nito ay malayang nililipad lipad ng hangin. Sumilip siya doon.

Babaeng natutulog ng payapa. Puro tubo at kung anu ano ang nakasaksal sa katawan nito. May maliit na monitor sa gilid ng kama. Tila ba nasa ospital ito at naka confine. Nagsalubong ang kanyang mag kilay. Sumigid amg kaba sa kanyang dibdib. Nakita niya ang sunog na balat ng babae dahil nakalabas ang braso nito.

" Yen! " sigaw niya.

Ngunit hindi natinag ang babaeng nakahiga.

"Yeeeeen!!" hindi pa rin ito gumalaw. Hindi na niya napigil pa ang luha na sumungaw sa kanyang mga mata. Halo halo ang kanyang emosyon. Pinilit niyang abutin ang kamay ni Yen mula sa nakabukas na bintanang iyon.

"Yen!! mahal!!" sabi niya habang dumudukwang para maabot ito. Ngunit bago pa man niya maabot at isang tapik sa balikat ang magbalik sa kanya sa katotohanan.

Nagmulat siya ng kanyang mga mata at nakita niya ang inosenteng mukha ni Jesrael na tila ba nagtatanong. Ngumit si Jason at niyakap ito.

" Good morning son. "

" You are calling mom's name. I thought you are dreaming. I don't want to wake you up but then you are crying. "

Hindi siya sumagot ginulo gulo niya lamang ang buhok ng anak subalit sa kanyang isip ang panaginip na iyon ay parang totoo. Lalong lumakas ang kanyang kutob na buhay ang kanyang asawa.

Gumayak sila ni Jesrael para bumaba at mag almusal. Tiningnan niya ang oras at alas singko palang ng umaga. Maagang gumising ang anak niya. Kaya naman naisipan niya na isama na muna sa pag ja-jogging ang anak. Hindi naman siya talaga tumatakbo. Dahil artificial naman ang kanyang mga binti. Pero nais niya pa rin maglakad lakad at mag excersise. Isa pa, si Jesrael ay gusto niya din na makapaglaro sa labas. Nagpalit sila ng damit na pang takbo. Sando at shorts ang pinili ni Jason at gayon din ang pinili niya para sa anak. Halata pa rin ang mga peklat ni Jason sa braso, leeg, at binti. Subalit hindi iyon naging kakulangan para makita sa kanya ang magandang hubog ng matipunong pangangatawan.

Sabay silang bumaba ni Jesrael para lang mabungaran si Sandra na nagluluto sa kusina. Ang suot nito ay manipis na puting bestida na humahakab sa maganda nitong katawan. Halos labas na ang pisngi ng malulusog nitong dibdib at nakangiti itong bumati sa kanila.

" Good morning boys. It's week end kaya nakialam ako sa kusina niyo. " malapad ang ngiti nito habang nakatayo sa gilid ng lutuan.

" Ang aga niyong gumising pero malapit na itong matapos. " dugtong pa nito.

Nakaramdam ng inis si Jason. Talagang napipeste na siya sa ginagawa ni Sandra. Hindi niya gusto na nakikita ito at ang panghihimasok nito sa buhay nila.

" Wala ka bang sariling kusina?! " ani Jason at nagtuloy tuloy ng lakad patungo sa labas. Nasalubong niya si manang at sinabihan na sa labas nalang sila mag aalmusal.

Natigilan si Sandra at tila nabato balani sa inasal ng lalaki. Nagkibit balikat ito at ipinasa na lamang kay manang ang ginagawa at saka umalis.