Chereads / I am a Rebound / Chapter 102 - Kahit Pating Pa

Chapter 102 - Kahit Pating Pa

Matamis ang ngiti ni Gerald nang itoy sumakay sa kotse. Sa totoo lang ay si Gerald lang ang nag enjoy sa parte dahil nagkalat ang mga nag ga-gwapuhang lalaki doon.

" nakuha mo ang atensiyon ni Gab ah."

Nagkibit balikat si Yen.

" big fish yon ate. Walang wala sa kalingkingan ni Jason. Lahat ng babae ay nagkakandarapang mapansin non tapos ikaw? tao ka ba? "

Pinadilatan ni si Gerald.

" kahit pating pa siya wala akong pake."

" ang taraaaaay!! ganda mo te? "

" ayoko ng mga taong mayayabang at masyadong malaki ang bilib sa sarili nila. Hindi lahat ng babae makukuha niya. Bukod sa gwapo siya, wala na akong makitang maganda sa kanya. Antipatiko."

Marahang tumawa si Gerald sa sinabi ni Yen.

" Sige kung ayaw mo akin nalang. "

" Oo ba, ikahon mo para di magasgasan. "

At natahimik silang dalawa.

Itinuon ni Gerald ang tingin sa kalasada. Alam niyang masama ang timpla ni Yen dahil sa mga natuklasan. Gustuhin niya man na usisain ito ay alam niyang lalo lamang itong maiinis. Madalas pag ganoon ay ayaw nito na pag usapan ang mga gayon at tinatago lamang nito ang isipin sa sarili. Pag nakahanap na ito ng sulusyon ay saka lamang ito magkukusang magsabi.

Nakarating sila ng bahay nang tahimik at walang usap usap. Dumirecho lamang si Yen sa silid nito at hindi na din niya ito inusisa pa. Hinayaan niya nalang itong mag isip muna.

Habang si Yen ay gulong gulo ang utak. Si Jason naman ay hindi pa rin magkamayaw sa kakahintay, at kahahanap sa kanya. Mahigit isang buwan nang hindi niya ito nakikita at sobramg miss niya na ito. Napakahusay ni Yen magtago. Gustuhin niya mang hanapin amg Gerald na iyon na nabanggit sa kanya ng gwardiya ay wala siyang sapat na detalye nito. Ni hindi niya alam kung ano ang apelyido nito.

Nababaliw na siya sa kakaisip kung saan ito hahanapin. Maging si Rico ay nakontak niya na rin at wala din itong alam kung nasaan ang babae. Maging ang kanyang ama na pinagkatiwalaan nito ng Villaflor ay walang idea kung saan ito nagpunta. Nag-isip siya. Inisip niyang mabuti kung sino ang pinakamalapit kay Yen bukod sa kanya.

" si Llyne!! "

Napangiti si Jason nang maalala ang secretarya nito. Pero baka pag tinanong niya ito ay hindi naman ito magsabi kaya naman nakabuo siya ng plano.

" Jason! " nagulat si Jason nang may biglang tumawag sa kanya. Napalingon siya at masorpresa nang makita si Angeline.

" Anong kailangan mo?" tanong niya dito.

" Nais ko sanang makausap si Yen. Galit ka ba sa akin? "

Nakaramdam si Jason ng inis nang makita ito. Siguro ay dahil yon sa ito ang dahilan kung bakit malayo sa kanya ang kanyang mag ina ngayon. Kaya naman tila isinumpa na niyang hinding hindi na siya lalapit pa dito. Pero papano niya ngayon ito itataboy?

" kailangang kailangan ko ng trabaho Son. Magugutom ang mga anak ko. Pwede bang ipasok mo nalang ako sa kompanya niyo bilang secretary mo? " sabi ng babae.

Seryoso ang mukha ni Jason. Hindi niya alam kung bakit siya ang palaging pinipeste nito. Kung sana ay hindi sira ang ugnayan nito kay Yen ay maaari niya nga itong kuhanin pero sa palagay niya, habang malapit ito sa kanila ay hindi sila mapapayapa. Ayaw na niyang magkaroon pang muli ng panibagong issue. Ayaw na niyang lalong lumayo sa kanya si Yen. Mahigit isang buwan na niyang hinahanap ito. At ayaw na niyang magdagdag ng mga bagay na magbibigay sa kanya ng issue.

Kapag tinanggap niya ito ay magkakasama sila sa trabaho. Ayaw na niyang magduda pa si Yen.

" I'm sorry Dove. Pero ang kompanya namen ay hindi kalakihan. Kaya hindi naman na kailangan pa ng secretary. Wala akonh pambayad sayo. "

" kahit maliit lang ang sweldo ok na ko. Please...desperada na ako. Wala akong magiging buhay pag bumalik ako sa probinsiya Jason. Parang awa mo na." lumuluhang nagmamaka awa si Angeline sa lalaki.

Kay Angeline, para maisakatuparan ang kanyang plano ay nais niyang mapalapit kay Jason. Kailangan niyang makuha ang loob nito at hindi niya magagawa iyon kung malayo siya dito.

Napatitig si Jason sa babae. Naaawa siya dito. Ang laki ng ibinagsak ng katawan nito at tila ilang araw nang hindi kumakain. Ang mga mata nito ay nanlalalim na tila ba isang buwan itong hindi natutulog nang maayos. Ang mapustura nitong ayos nung huli niya itong makita ay wala na. Tila ba stress na stress na ito sa buhay niya. Tinitigan niya lamang ito. Matagal.

" pinaiikot ka ng babaeng iyon pero hindi mo namamalayan. Minamanipula ka na, tatanga tanga ka pa. Hindi kita pipigilan. Kung gusto mo na magpalaki ng anak na hindi naman sayo, gooooo!!! walang sisihan."

Biglang nabuhay sa kanyang diwa ang mga huling sinabi ni Yen noong pinalayas niya ito. Tila ba naririnig niya ang garalgal na tinig nito habang nagsasalita. Nang maalala niya iyon ay muli niyang sinabi sa sarili.

Ang babaeng ito na nasa kanyang harapan ang rason kung bakit malayo sa kanya ang kanyang mag ina. Naramdaman niya na may binabalak ito noong nagkita sila at dahil hindi ito nagtagumpay ay marahil narito ito para isakatuparan ang balak. No way!! hindi na siya papayag na mapaikot pa nito.

" anu yan brod? "

Naulinigan ni Jason ang tinig ng kanyang kapatid. Narinig yata nito ang kanilang usapan.

" ah...mag aapply po sana ako bilang secretary?" kiming sabat ni Angeline.

" pwede ko bang makita ang resume mo? " tanong ni Joseph dito.

" brod!" awat sana ni Jason pero tila hindi siya narinig ni Joseph.

Ang totoo kase ay talagang kailangan na nila ng secretary na mag aayos ng kanilang mga papel. Kulang na kulang na ang oras ni Jason para sa mga ito. Dahil sa dami ng gawain nila. Bagamat may iba silang mga tauhan ay talagang loaded ang trabaho nila kaya naman desidido si Joseph na maghanap ng secretary para makapag focus sila sa manpower ngunit kung papano ito natunugan ni Angeline ay hindi niya alam.

Hindi talaga siya komportable na mapalapit dito. Nakakaramdam siya ng inis tuwinang maiisip na makikita niya ito araw araw. Hindi siya galit pero pag naiisip niya ang ginawa nitong pambibilog sa ulo niya, yung ginagawa nitong paraan para mag away sila ni Yen, at yung pag alis ni Yen na hanggang ngayon ay hindi niya pa natatagpuan, talagang nakakaramdam siya ng inis. Napaka amo ng mukha nito. Mukha itong desemteng tao pero ang utak ay demonyo. Judgemental na siya oo...pero talagang kumbinsido na siya na hindi ito mabuting tao.

Ngayon niya na lubusang naunawaan ang mga sinasabi ni Yen noon. Na hindi lahat ng mabait ay mapagkakatiwalaan. Ngayon niya na din napagtanto na hindi lahat ng babae ay mahina. May mga nagpapanggap na mahina pero sa huli ay manlalapa pala. Katulad na lamang ng kanyang Yen-yen. Iba ito. Ibang iba sa lahat ng babaeng kilala niya.

Lihim na napangiti si Angeline nang binabasa na ni Joseph ang kanyang resume. Alam niyang qualified siya at sigurado siya na tatanggapin siya nito. Ilang araw na siyang nagma-manman sa workplace ni Jason. At naririnig niya ang pagrereklamo nito na hindi na niya kinakaya ang pagmumulti task. Nagrerequest na ito ng secretary kaya naman doon nagkaroon ng kabuoan ang kanyang plano.

Nais niya lamang sanang makakuha ng impormasyon kung papano niya makikita si Yen subalit kahit yata si Jason ay hindi alam kung nasaan ito. Nagdiwang ang kanyang kalooban namg malaman at makompirma niya na iniwan ito ni Yen. Na hiwalay na sila. Sa pagkakataong yon ay lalong nabuo ang kanyang pag asa.

Si Jason ang lalaking pinapangarap niya.

Noon pa man ay hinihintay niya lang itong magtapat. Noon pa man ay inaasam na niyang ito ang makasama habang buhay. Subalit bigla itong nawala. Nahumaling ito sa textmate niyang Trixie at kalaunan ay naging sila. Hanggang sa tuluyan na siya nitong binalewala. Kahit anong gawin niyang pag contact dito ay hindi talaga nito napapansin. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng pag asa.

Sa sobrang kabiguan ay naglasing siya nang naglasing hanggang isang araw ay nadisgrasya siya at nabuntis ng isang kainumang may girlfriend din. Pinanagutan naman siya nito. Pero talagang hindi niya ito gusto. Ilang taon din silang nagsama nagkaroon mga sila ng dalawang anak pero kahit katiting na pagmamahal ay hindi niya naibigay dito. Kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mabigyan ng puwang sa kanyang puso. Dahil kay Jason. Si Jason lang talaga ang nagmamay ari ng kanyang puso.

Natuwa siya nang husto nang malaman niyang naghiwalay ito at Trixie. Subalit muling nadismaya nang malaman na may nabuntis ito at nagsasama na sila ngayon. Nang malaman niya na palihim na nakikipagkita ang ama ng kanyang anak sa dati nitong nobya ay pinalaya niya ito. Na ipinagpasalamat naman ng lalaki. Naging masaya ito at masaya din siya para dito.

Pagkatapos ng hiwalayan ay agad na siyang gumawa ng paraan para makontak si Jason. Swerte! nagkaroon silang muli ng kumunikasyon. Doon niya napagtanto na may paraan pa para maging masaya siya. May paraan pa para makasama niya ang ideal man niya. Kaya ginawa niya ang lahat para lamang maisakatuparan ang kanilang palaging nauudlot na pagkikita.

Subalit palaban ang bagong babae nito. Hindi basta basta si Yen. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag asa. Yung nakita niyang naapektuhan niya ang pagsasama nito ay isa nang patunay na hindi pa naman sila ganoon katatag. Yong nagagawa niya papaniwalain si Jason na inaaway siya ni Yen ay patunay na hindi pa nila gaanong kilala ang isa't isa. Yung pag iwan ni Yen dito ay patunay na hindi pa rin sapat ang tiwala. Napangiti siya. Marahil ay dahil lamang sa bata kaya sila nagsama. At dahil doon, may laban pa siya.