Chereads / I am a Rebound / Chapter 101 - Suplada

Chapter 101 - Suplada

Hindi si Berto ang kanyang ama??

Minsan pumasok na din sa isipan niyang tatay niya si Rico. Naisip niya kung papano siya nito trinato at inalagaan. Kahit noong naging kasambahay siya nito ay naramdaman niya ang kalinga nito. Hindi siya trinatong ibang tao. Hindi niya naramdaman na itinuring siyang katulong noon at napakabait nito sa kanya. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit hindi niya iyon nalaman? Bakit hindi sinabi ng kanyang mga magulang? Ng kanyang ina? O ng kanyang ama? Buong buhay niya ay inakala niyang si Berto talaga ang kanyang ama. Hindi ito nagkulang sa kanya at hindi niya man lang naramdaman na hindi niya ito kadugo. Sari-sari ang emosyon niya pero hindi niya mapangalanan iyon. Hindi niya naman masisi si Rico dahil ayon sa kwento ni Sylvia ay biktima ito. Kung meron mang pagkakamali ang kanyang ama, yon ay ang pagiging duwag nitong harapin ang responsibilidad sa kanila ni Criselda. Pero nais niyang marinig ang kwento ng kanyang ina.

Kaya siguro sinubaybayan siya ni Rico nang husto. Kaya nito ibinigay sa kanya ang kompanya? Pero sigurado siyang binayaran niya iyon. Pero naisip niyang icheck ang kanyang bank account pagkatapos ng party na yon.

Malalim ang kanyang iniisip. Pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin si Gabriel na parang bubuyog na dikit nang dikit at bulong nang bulong. Bahagya siyang nairita dito.

" so tatay mo pala si Rico?" sabi nito.

Hindi ito masagot ni Yen dahil kahit nalaman niya amg totoo ay hindi niya alam at tila hindi pa rumirehistro sa sistema niya ang katutohanan. Tiningnan niya ng malamig si Gabriel at muling ibinaling ang tingin sa ibang dereksiyon. Sa totoo lang ay gusto niyang mapag isa. Gusto niyang umuwi pero ang Gerald ay tila nag i-enjoy pa makipag chickahan sa mga tao roon na hindi niya naman kilala at wala siyang pakealam kung sino ang mga ito.

" suplada ka pala sa personal." muli ay isinatinig ni Gabriel.

Hindi ito pinansin ni Yen. Hindi niya alam kung papano siya ito paaalisin sa kanyang harapan.

" matunog ang pangalan mo dahil nagawa mong makuha ang Villaflor. At kahanga hangang namayagpag ito nang husto sa anim na buwan palang na pagkaka upo mo. Bihira ang mga baguhan na agad umaangat. "

Bumuntong hininga si Yen. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong iparating. Pero talagang unti-unti na siyang kinakain ng inis.

" yon ay dahil sa pagtutulungan ng mga tao sa Villaflor. Hindi lang ako kundi ang mga nakasama ko ang responsable sa tagumpay ng Villaflor Corp. ngayon. Isa pa matagal na itong well established at kilala na noon pa. Pinagpatuloy ko lang kung ano ang naumpisahan nang naunang nagmanage nito. "

Hindo niya mabigkas ang pangalan ni Rico. Hindi niya talaga binanggit dahil hindi siya confident na tawagin itong ama. Hindi niya din mabigkas ang Tito Rico dahil alam niya na muli itong mag uusisa. Hanggat maaari ay nais niya munang sarilinin ang usaping iyon hanggat hindi niya naririnig sa bibig ng kanya ina at ni Rico ang paliwanag ng mga ito.

" wow! gusto kita. Kung iba iba ay proud sila at nagyayabang pero ikaw napaka humble mo.Bihira ako maka encounter ng gayang klaseng tao. "

Kumunot ang noo ni Yen. Talagang naiirita siya sa kaharap. Kahit wala naman itong ginagawang masama ay nais niyang umalis na lamang ito sa kanyang paningin. Tipid siyang ngumiti

" hindi mo ako kailangang purihin nang purihin. Hindi nabibilog ang ulo sa compliment. " malamig na sagot ni Yen.

Napangiti si Gabriel sa inaasal ni Yen. Kung ibang babae ang kinakausap niya ay kilig na kilig na at ingat na ingat na ma-offend siya. Effort na effort na sa pagpapa-cute at isang aya niya lang ay sasang ayon ito kaagad. Marami na siyang babaeng naikama at nadala lang sa ganitong pag uusap. Wala pa siyang nilapitang babae na hindi tumiklop sa kanya. Maliban kay Yen. Na hayagan ang pagpapakita ng disgusto sa kanyang presensiya. Naisip niya tuloy kung may boyfriend ba ito o wala? Sa ayos nito ay tila wala naman itong commitment. Tiningnan niya ang mga kamay nito at wala naman itong singsing. Ibig sabihin ay wala pa itong asawa. Single kaya ito.? Nacha-challenge siya ng babaeng ito. At nakukuha nito ang kanyang interes. Naisip niya na mag imbestiga tungkol sa babaeng ito.

Matagal na niyang nabalitaan ang pagpapalit ng C.E.O ng Villaflor pero ni isa sa mga parties na naganap ay hindi niya nakita ito. Hindi katulad ni Rico noon na laging present sa kahit anong event. Kahit na nga sa awarding seremonies na nagdaan ay mga subordinates lamang nito ang pumupunta at uma-attend. Madalas ay si Miguel. Nabalitaan din niya ang pagsipa ni Yen kay William na isa sa mga kanang kamay ni Rico noon. Kung anong dahilan ay hindi niya alam pero sapat na iyon para maunawaan na may ibubuga ang pumalit kay Rico. Kahit doon na lang sa nagawa itong higitan ang performance ng kompanya noong si Rico pa ang nakaupo sa pwesto.

Naging mainit na usapin sa business ads ang pagmi-merge ng YMR at Villaflor na pag aari din pala ni Yen. Napapailing siya at manghang mangha kung papaanong nagagawa ni Yen na imanage ang dalawa na parehong namamayagpag sa industriya. Doon na lamang ay masasabi niyang halimaw ang kanyang kaharap. At maswerte siya dahil siya ang kauna unahang taong nakausap nito.

Binalak ni Gabriel na bisitahin ito sa Villaflor minsan. Ang pagkakaroon ng relasyon dito ang kanyang nais. Dahil isang malaking prebelihiyo na maging kabiyak nito. Ang pagkakaroon ng isang Yen sa tabi niya ay lalong mag aangat sa kanya paitaas. Isa pa, Malaki na ang ari-arian nito. At maaari na din siyang magkaroon ng karapatan sa Villaflor at YMR pag naging asawa niya ito. Napangit siya sa naisip. Kailangan niyang mapaibig si Yen.

Naaamoy ni Yen ang langsa ng utak ni Gabriel. Kahit gwapo ito ay hindi niya ito gusto. Isa pa si Jason at si Jason lang ang may ari ng puso niya. At kung maghihiwalay man sila ay hindi na siya muling papasok sa panibagong relasyon. Ibubuhos nalang niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. Yon naman talaga ang kanyang balak noon. Magkaroon lang ng isang anak. Na mamahalin at aalagaan. Kaya kung sakaling hindi sila magka ayos ni Jason, marahil ay ibinigay lamang sa kanya ng Maylikha ang kanyang ninanais. At aprubado dito ang kanyang balak. Napangiti siya. Mahusay talaga si Lord kumalinga.