Naging mailap ang antok kay Yen noong gabing iyon. Marami nang sakit na binibigay sa kanya si Jason. Bakit ba sa tuwinang magkakamali ito sa kanya ay naaalala niya ang lahat ng sama ng loob niya dito simula sa simula. Naisip niya na marahil ay talagang hindi siya nito ganoon kamahal. Marahil ay
talagang naging panakip butas lang siya talaga at napansin lamang siya nito dahil malungkot ito at napapasaya niya noon. Pero pakiramdamdam niya ngayon ay hindi na siya nito kailangan.
Pinagmasdan niya si Jason. Payapa itong natutulog. Napaka-unfair ng buhay. Siya ay nagdadamdam at hindi makatulog sa sama ng loob samantalang si Jason na salarin ng kanyang hinanakit ay naghihilik at walang pakealam sa paligid.
Kelan ba natapos ang ganitong issue nila? Bumalik sa alala niya ang nangyari noong nawala na si Trixie. Bago palang siya bilang presidente ng Villaflor at hindi pa si Jason nagreresign sa dati nitong trabaho ay nainvolve ito sa isang Katrina. Kasama ito ni Jason sa riders club na sinalihan na ang sabi sa kanya ay for the boys lamang. Minsan nga ay naisama pa siya nito sa meeting nila nang minsan magkaroon sila ng rides. Pero ni minsan ay hindi talaga siya isinama nito sa kahit anong lakad. Rides, party, outing... Kahit gusto niya naman sumama dito ay matigas nitong sinasabi na manatili lamang sa bahay dahil wala naman siyang gagawin doon at mababagot lang siya. Tama naman din ito. Ayaw din ni Yen ng maraming tao. Kaya walang nagagawa si Yen kundi maghintay.
Muling nabuhay sa kanyang alala ang mga nangyari..
Isang araw napa-aga siya ng uwi. Sinundo siya nito at nag ayang kumain sa isang fastfood chain. Nasorpresa ito nang makita ang president ng riders club nila. Isa-isa namang sinuyod ni Yen ang mga iyon at napansin niya ang babaeng patpatin at kimi kung kumilos. Buntis palang siya noon. Ipinakilala sa kanya ni Jason si Katrina. Kumunot ang kanyang noo at doon niya lang nalaman na may mga babae din pala silang kasama. Naghinampo siya dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya. Gayunpaman ay nakangiti niyang binati si Katrina na hindi naman makatingin sa kanya. Naisip ni Yen na mahiyain lang siguro talaga.
Dahil sa mga pangyayaring iyon ay naging ugali na ni Yen na mag surprise check sa cellphone ni Jason. Dahil sa hindi ito nagkukwento ay walang daan para malaman niya ang where abouts nito bukod sa pagkakalkal ng messages sa phone nito.
Nakita niya ang convo sa chat group ng club ni Jason. Nag chat yung Katrina na nasiraan sa isang madilim na lugar sa Cavite. Huminhingi ito ng rescue. Nakita ito ng mga kagrupo at ang sagot ng isa ay si Jason lang daw ang pwedeng magrescue doon para magkaroon sila ng moment. Kumunot ang noo ni Yen. Sa dami ba ng pwedeng magrescue sa kanya required na si Jason talaga? Kaya pala dali dali ang kanyang asawa nung araw na iyon tila binata na papanhik ito ng ligaw nang umalis. Naiiwan ang amoy ng pabango nito. Grabe ang inis ni Yen noon. Pero hindi pa rin siya nagreklamo.
Bago magpasko ay nagkaroon ng Christmas party ang club na sinalihan ni Jason. Nalaman ito ni Miguel at inutusan si Jason na kung aalis ay isama si Yen para makapasyal. Dahil buntis ay sinabi ni Jason na manatili nalang sa bahay. Maaga itong umalis at inabot na ito ng madaling araw. Hindi nakakatulog si Yen hangga't hindi dumadating si Jason. Habang nasa labas ito at wala sa kanyang paningin ay talagang nag-aalala siyaat hindi niya maiwasang mag isip. Wala siyang kapayapaan at pakiramdam niya palagi ay may ginagawa itong hindi maganda.
Mabait si Jason at malambing. Kaya hindi nakakapagtakang mga babae mismo ang lumalapit dito. Pag dating ni Jason als 3 ng madaling araw ay nakainom ito at agad na humiga. Ilang minuto palang ay naghihilik na ito. Bago ito matulog ay nagkwento ito na sana ay isinama niya nalang daw si Yen. Sanay na si Yen sa ganon. Palagi naman ganun ang sinasabi nito kapag may lakad ito na hindi siya isinama.
" mahal si Kath"
" anu si Kath? "
" iniwan namen doon lasing na lasing."
" eh hayaan mo. marami ka namang kasama na pwede mag alalay don."
" baka manyakin yon."
" kasalanan niya yon. Alam mo ang babae ay hindi mababastos kung hindi nagpapa bastos." inis na sagot niya.
Pagkatapos non ay naghihilik na si Jason. Madalas mag sleep talk si Jason lalo na pag pagod at lasing. Kaya nalalaman ni Yen ang mga isipin nito. At ang mga nangyayari. Ilang minuto palang ito nakakatulog ay bigla itong nagsalita.
" psssst! Kath!!..."
Minasdan lang ito ni Yen bagamat ang bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
" pssst kath lumapit ka dito."
Pagkatapos non ay hinapit siya ni Jason sa bewang at hinalik halikan sa leeg. Hindi natinag si Yen.
" ang bango bango mo naman. Bakit ba ayaw mo akong yakapin? huy!! Kath?!! "
At nasampal ito ni Yen.
Ilan lamang yon sa mga pagkakataon na nagkaroon sila ng issue tungkol sa babae. Kung titingnan si Jason ay tila hindi naman nito iyon kayang gawin. Dahil sa mahal ni Yen ay paulit-ulit niya itong pinapatawad. Pero parang hindi talaga makatarungan ang ginagawa nito.
Kinabukasan non ay nilalambing siya ni Jason. Nagkwento ito na malambing daw kase si Kath. Saka daw pag umaalis daw siya ay tinatawag siya nito at nag papayakap.
" kuya! payakap naman. "
Naisip ni Yen ang kiming itsura nito. Mahirap talaga ang tahimik na tao. Nasa loob ang kulo. Pagkatapos niyon dahil wala siyang pwedeng paghingahan ng sama ng loob ay kinausap niya sina Miguel at Rowena. At dito niya nalaman na yung Kath na yon ay may apat na anak na at iba-iba ang ama. Doon niya napagtanto ang ibig sabihin ng malandi. Never siyang nanghusga ng tao pero sa pagkakataong iyon ay marami siyang nararanasan na hindi niya akalain na dadanasin niya.
Yung convo nina Jason at Katrina ay binasa niya din. Madalas ay inaaya ito ni Jason mag inom. At pumapayag naman ang babae. Ngayon niya lang napagtanto na ang Jason niya pala ay tipikal na malandi.
Tapos heto nanaman ngayon ang Angeline na ito.
Iniisip ni Yen na ilan pa ba? Gaano pa katagal ang titiisin niya? Kailangan niya ba talagang magtiis? Hindi pala totoo ang happy ending. Pag nakasama mo na at nakilala ang tao. Saka mo lang makikita ang lahat ng kapintasan nito. Naisip niya nang maraming beses na hiwalayan si Jason. Pero tuwinang makikita niya ito kung papano ito maging ama ni Jesrael ay pinipili niyang patawarin ito. Ngayon niya lang napagtanto. May nabubuhay pa bang lalaking matino?
Isa naisip niya na kapag magdesisyon siya na iwan ito ay hindi na siya dapat pang bumalik. Ayaw niya yung lalayas tapos konting lambing lang ay babalik na ulit. Parang siya pag nagalit siya at nilambing ni Jason ang lahat ng galit ay tila bula na agad nawawala. Ganon ba siya katanga? Muling bumaling ang tingin niya sa natutulog na si Jason. Gumalaw ito at hinapit ang bewang niya at niyakap siya mula sa likod.
Kapag ganoon si Jason na yumayakap sa kanya pag tulog ay naiisip niya na baka nananaginip nanaman ito. Yakap siya nito pero ang isip ay nito ay iba. Mariin siyang napapikit. Wala talagang perpektong buhay. Giginhawa ka, pero hindi pa rin masaya. Kahit anong pagsusumikap ang gawin mo, kahit na anong pagpapakabuti, ay masasakta at masasaktan ka. Kahit napakarami mo nang pera, may kulang at kulang pa rin. At ang kulang ni Yen? Ang maramdaman niyang buo ang pagmamahal ni Jason. Na malabo yatang mangyari. Napapagod na din siya.