Chereads / I am a Rebound / Chapter 87 - Dove

Chapter 87 - Dove

" hello?" ani Jason habang abala sa mga papeles na ginagawa.

" hoy! siraulo ka. Bigla kang nawala at wala man lang balita kung buhay ka pa ba?! nasaan ka? "

" hahahaha kumusta? " natatawang sagot ni Jason nang mapag sino ang tumatawag.

" eto broken hearted nanaman."

" kumusta ang alam ko may anak ka na rin. " ani Jason habang tuloy ang mata ay nakatutok pa rin sa computer.

" rin?? bakit? may anak ka na? nagkatuluyan na ba kayo ni Trixie? bakit di ko alam? wala akong alam. siraulo ka di mo man lang ako binalitaan."

" hahaha! chat nalang tayo. Medyo busy kase."

At ang muling umpisa ng kanilang balitaan.

Si Angeline.

Ang kanyang textmate na naging chat mate na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nami-meet nang personal. Nakilala niya ito highschool pa lamang sila. Ito ang nagsilbing parang imaginary friend niya noon. Halos araw-araw niya itong katext at nang mauso ang facebook ay naging kachat. Saka niya lang nakita ang itsura nito. Simple din itong babae at maabilidad. Pero di pa rin maitatapat kay Yen. Taga bicol din ito kaya siguro may pagkakapareho sila. Mabait ito, masarap kausap...maganda.. Pero never siyang nagkagusto dito. Di pares ni Yen. Na talagang nagkaroon siya ng interes.

Habang nagtatrabaho ay maghapon ang naging palitan nila ng tanong. Hindi maubos ubos ang kwento. Sanay sila sa ganon. Ngunit ngayon ay nag iinsist na si Angeline na magkita sila. Ang gusto nito ay isama si Yen para makilala niya. Ang sabi nito ay ia-add niya daw si Yen sa facebook, instagram at twitter. Natawa si Jason dahil hindi naman masyadong gumagamit non si Yen. Messenger oo. Dahil yon ang ginagamit nilang dalawa para mag usap. Gayunpaman ay sumang-ayon naman si Jason sa gusto nito. Kaya naman naisip niyang ikwento si Angeline kay Yen pag siya ay nakauwi.

" hello baby... "

" oh? "

" kumusta ka na?"

" ok lang ako. mamaya na tayo mag usap may gawa kase ako ee. pag uwi nalang bye." paalam ni Jason.

Toot..toot...

Kumunot ang noo ni Yen. Ilang araw na niyang napapansin ang ganoon mood nito tuwing tatawag siya. Kahit na sobrang abala niya ay nagagawa niya pa ring pumuslit para lang kumustahin ito. Sa tuwinang makaka singit sa kanyang oras ay tatawagan niya si Jason para lang makibalita. Sumasagot naman ito ngunit talagang palagin nagmamadali. Naisip niya na baka nga busy ito. Hinayaan niya iyon dahil talaga namang nakakapressure ang magpatakbo ng negosyo.

Naging abala si Yen at halos hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ni Jason. Pag dumadating siya ay natutulog na ito at kahit sabay silang mag agahan tuwing umaga ay pareho silang nagmamadali patungo sa kanya-kanya nilang trabaho.

Nong araw na iyon ay patang pata si Yen. Naisip niyang magbukas ng social media account para lang sumagap ng tsismis. Minsan kase ay nakaka ayos ng mood ang mga pamapa-goodvibes na hugot ng mga friends.

New Friend Request.

Angeline Castillo

1 mutual friend: Jason De Chavez.

Ehh??

Dahil friend ni Jasok ay nag screen shot si Yen at ipinakita ito sa asawa.

[ friend ko Yan. Bestfriend ko.] sagot ni Jason.

Bestfriend pero hindi friends nina Albert, Marco, Christian at Ren-Ren? Kibit balikat niyang pinindot ang confirm at muling sinilip ang profile nito. Merong post si Jason sa timeline nito.

------------------------------------------------------

happy birthday Dove. Akala mo makakalimutan ko noh? I wish you to be happy always. No more heart ache. more birthdays to come. See you soon. ♥

------------------------------------------------------

Eh??

DOVE??

Mabuti pa siya nagpopost talaga si Jason sa timeline niya. Sweet nung Dove.

Hindi alam ni Yen kung bakit meron siyang naramdamang kakaiba sa babaeng iyon. Gayunpaman ay hinayaan niya na lamang iyon.Muli siyang bumalik sa trabaho at naging abala maghapon.

Bago umuwi ay muli niyang kinuha ang cellphone para mag update kay Jason. Nang may makita siyang message.

[ hello Yen. 😊]

Sa totoo lang ay wala namang masama sa message nito. Pero yung pakiramdam na iyon? Hindi niya maipaliwanag. Tila ba may mali at may na-aamoy siyang kahina-hinala. Gayunpaman ay magalang niya pa rin itong sinasagot. At inisip na ibilang na lamang din sa ilang kaibigan ni Jason na kinaibigan niya din.

Naging madalas din ang pangungumusta nito sa kanya. Sa chat. Wala naman siyang nakikitang masama doon pero ang loob niya ay talagang tila mabigat dito. Kaya naman may mga oras na hindi na niya ito sinasagot.

Nagpautloy ang maayos na pagsasama nina Jason at Yen hanggang napag usapan na din nila ang kasal sa wakas.

" next year siguro. " ani Yen.

" ok next year."

" ayaw ko ng engrande. civil tayo."

" bakit naman" malambing na sabi ni Jason.

" may anak na ako at ayaw ko ng maraming tao. Ayaw ko ng maraming bisita" Sabi ni Yen kay Jason.

Nasanay si Yen sa simpleng buhay. Ang mga pagtitipong gayon ay binubuo lamang talaga ng mga taong kasali lamang. Ang nais niya ay gawin itong simple at mabilis. Totoo na pangarap ng bawat babae na lumakad at magsuot ng magarang damit pang kasal. Magkaroon ng magarbo at sosyal na handaan na kinakailangan ng malaking pondo at oras . Ngunit para kay Yen ay hindi na siya dapat sa gayon. May anak na siya at wala siyang maraming oras para maghanda para dito. May pera siya oo. Kaya niyang suportahan ang pinakabonggang kasal na gusto niya at gustong makita ng mga taong nag aabang sa bawat galaw at pagkakamali niya. Pero isa pa rin itong pag aaksaya ang mahalaga lang naman talaga ay ang maayos na pagsasama at kung papano kayo haharap sa pagsubok na magkasama. Doon lang siya sa reyalidad. Hindi sa pag so-showcase ng Yaman. Wala siyang pakealam. Dahil maging mabuti man siya o masama ay sigurado siyang may maririnig siyang hindi maganda. Kahit pa sa mga kamag-anak niya.

Normal na ang ganoon ee. Maghahanda ka ng bongga. Gagastusan mo dahil ang rason ay once in a lifetime lamang iyon. Na kung tutuusin ay pwede naman siyang magpakasal taon-taon. Pagkatapos ay mag darating na mga bisita. Pag hindi mo naestima nang maganda dahil busy ka, sasama ang loob. Pag may nakitang hindi patok sa kanilang panlasa, pupulaan ka. At pag naman perpekto ang lahat, kaiinggitan ka. Yon ang mga bagay na ayaw ni Yen. Kaya nananatili siyang simple at iniiwasan niyang makatawag ng pansin. Malaki ang pagpapahalaga niya sa salitang PEACE of mind.

Naunawaan naman ni Jason ang gusto nito. Sumang ayon na lamang siya dito at sumunod na lamang. Pasalamat na nga siya dahil praktikal at simpleng tao ito. Mabilis kausap. Mabilis i-please.