" papano nangyari na si Yen ang tumayong C.E.O dad?!" Nilalaro laro nito ang bulaklak na plastic na naka patong sa lamesa ng ama.
" Siya na ang tumatayong major stock holder. Binili niya ang Villaflor kay Rico." Sabi ni William na nakunot pa ring nakatitig sa kanyang computer.
" what? may pambili siya??! saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera??!!!? ang sabi ni Tito Miguel ay katulong lang daw yon ee. At inamin niya din saken."
Napahinto si William sa sunod sunod na tanong ng anak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ito ng interes sa mga gayong bagay. Ito ang unang pagkakataon na pinasok siya nito sa study room para lang mag tanong.
" dating katulong na nagsumikap at may narating sa buhay. A real life drama. Nangyayari yan anak kahit sa mga pelikula. Mahirap ka, ina-api tapos bigla kang yayaman." sagot ni William sa anak.
" pero kahit buong buhay siya magtrabaho dad ay hindi niya pa rin niya kayang i- affrord yon unless ginamitan niya ng tricks."
" Tricks...tactics... technique... Kahit ano. Pero ang ending, siya ang panalo. Sa larangan ng negosyo anak ay mahalaga ang ganoong katangian. Para itong sugal na kailangan mong masiguro na hindi ka magiging talunan. Si Yen ang may ari ng YMR. maliit na tindahan yan noon. Tindahan lang ng mga pyesa. Sino bang mag aakala na lilipad yan pataas?? Tinatrabaho niya ang negosyo kasabay ng trabaho. Nagsumikap siya nang husto. Kaya niya naabot ang kinalalagyan niya ngayon. "
Natigilan si Trixie. YMR? Yen Morales Reyes. Sa kanya pala yon? Masyado niya palang minaliit ang babae. Hindi niya akalain na walang wala pala siya sa kalingkingan nito. Ang YMR na kilala na ngayon bilang subsidiary ng Villaflor. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. At panliliit. Nasaling ang kanyang pride. Magka-edad sila.. bukod sa ganda, wala na siyang maipagmamalaki pa. Ang kalevel niya ay ang mga estudiyante pa rin na trying hard magpakasosyal. Totoo ang sinabi ni Yen. Kahit ang pambili ng make up niya ay galing pa rin sa ama. Lahat ng meron siya, ay galing sa tatay niya. Nakaramdam siya ng inggit. Ang babaeng yon. Nuknukan ng yabang!!
" bkit hindi mo nalang kausapin ang ibang shareholders ng company na i-boycot si Yen. Huwag silang pumayag. Dad sigurado ako na hindi lahat sang ayon sa pag-upo niya bilang presidente ng kompanya niyo."
Natigilan si William sa sinabi ng anak. Kahit papano ay may utak din pala ito. Maari niya ngang kausapin ang ibang share holders na magreklamo. Dahil hindi lang barya ang perang ipinasok nila dito. Kung pamumunuan sila ng taong baguhan sa negosyo ay baka bumulusok lang ito.. Ngunit papano? Si Yen na ang lehitimong may ari ng Villaflor ngayon.
" susubukan ko. Pero si Yen na ang may-ari ng company. Walang rason. Maliban na lamang kung ma-tatakot ko siya na magpu-pull out ng shares ang marami sa kanila. Nananatili sila ngayon dahil well stablished na Villaflor's at wala pang nagagawang mali si Yen. Sigurado ako na sa mga susunod na buwan ay mga investors mismo babato sa kanya at kung sakali man na umalis si Yen sa pwesto, hindi ako kundi si Miguel ang pwedeng umupo." sagot ni William.
Ilang araw na din siyang aburido. Nag aalala siya sa sasapitin ng kompanya kung hindi ni Yen magagawa ng tama ito. Marahil ay may panahon pa naman para bumawi. Kailangan niya pa rin makagawa ng paraan.
" pag nawala si Miguel? "
" saka lang ako magkakaroon ng pagkakataon na mapasaken ang pwesto. Pag nangyari yon, big time tayo."
" eh di tanggalin natin si Miguel dad."
Kumunot ang noo ni William. Napatingin ito sa anak at matamis ang ngiti ni Trixie nang may dinukot sa kanyang bag. Maliit na botelya iyon. Ipinatong nito sa lamesa.
" anu yan? "
" Likidong magpapatahimik ka Miguel for life."
Napamaang si William. Nagulat siya sa nais gawin ng kanyang anak. Gayunpaman ay may punto ito. Pero pag nagkamali ito ay magiging mitsa iyon ng paghihirap niya habang buhay.
" ako na ang bago mong secretary."
Napalingon si William kay Trixie. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Ilang araw na din naman itong naglalambing sa kanya na gawin siyang alalay para matuto siya. Nakangiti ito at tumayo sa pagkaka-upo.
" tara na dad."
" saan tayo pupunta? "
" please grant my wish daddy... marami kang utang na panahon sa akin kaya ngayon ay sasamahan mo ko. Ikaw, bilang boss ko at ako ang secretary mo. "
Kumunot ang noo ni William.
" may party tayong pupuntahan. Diba? its the president's birthday party and you are invited as her subordinate, you are expected to come. With me as your alalay." matamis ang ngiti nito.
Hindi na nakatanggi pa ang ama. Tama ito.Marami siyang utang na oras dito. Dahil ni Minsan ay hindi niya ito nasamahan maglaro o mamasyal man lamang. Dahil abala siya, para sa kanyang pangarap na aagawin lang pala ni Yen. Wala naman sigurong masama kung isasama niya ito. Isa pa, kailangan niya din ng exposure para makilala nito ang mga taong makakasalumuha araw-araw.
Naunang pumasok si William. Tumapat ito sa sensor ng gate at may lumabas na maliit na check sa monitor.
" VISITOR"
Yon ang nakasaad doon.
Nang sumunod si Trixie ay biglang naalarma ang guard. Hinarang nito si Trixie na nagpupugmiglas at sumisigaw na kasama niya si William.
Activated ang sensor sa gate ni Yen. Nakaregister ang mukha ni Trixie bilang panganib. Naka program iyon at sa oras na makita ito ng system na kanyang ginawa ay mag aalarm ang buong kabahayan. Paranoid na kung paranoid pero si Trixie lang ang banta sa kapayapaan ni Yen sa ngayon.
" let her in."
Umalingawngaw ang tinig ni Yen sa maliit na speaker na naka-install sa pwesto ng guard.
Namangha si Trixie sa tindi ng security sa bahay nito. Lalong lumuwa ang kanyang mata sa ganda ng desenyo niyon. Nasa likod bahay ang pagtitipon. Doon nakalagak ang magandang hardin ni Yen na namumutiktik ng bulaklak. Anupa't napakapresko ng hangin doon na nagdadala din ng mabangong samyo ng mga rosas. Kahanga-hanga ang engineer na nagdesenyo nito. Sa loob loob ni Trixie. Kasunod garden nito ang malawak na pool area at sa tabi nito ay naroon ang mga bisita. Iilan lamang sila.
Nakangiting sumalubong kay William si Miguel. Iginiya nito ang dalawang bagong dating sa table kung saan sila nagtitipon. Si Yen naman ay naroon sa di kalayuan kasama si Jason. Nang marinig ni Yen ang alarm ay agad niyang inutusan si Manang Doray na isecure si Jesrael at manatili nalang sa kwarto nito. Binilin niya na ilock iyon maging ang mga bintana doon. For security purpose.
" happy birthday Yen."
bati ni Trixie kay Yen habang nakatingin ito sa suot niyang dress. Simple lamang iyon. Hindi siya nag effort dahil nasa bahay siya at isa pa, surprise party iyon. Hindi niya alam kung bakit naimbitahan pa ang ibang tao. Hindi sanay si Yen na nagsi-celebrate ng birthday niya. Madalas ay nagsisimba lamang siya at hinihintay nalang itong lumipas. Iilan sa mga kaibigan niya ang nakaka alam ng araw na iyon. Tinatago niya ito dahil ayaw niya nga ng mga ganoong klaseng pagtitipon. Kung siguro ay malalapit lamang sa kanya katulad nang gumising siya kaninang umaga ay masaya sana. Pero ung may asungot na susulpot at aaktong maamong tupa, nakakasura.
" salamat."
Inabot ni Trixie ay isang di kalakihang box. This is my gift. Gucci bag iyon na sinabayan niya din ng mamahaling dress at sapatos. Inakala niya kase na walang ganon si Yen. Hindi niya maintindihan kung bakit andami naman nitong pera pero hindi niya ito nakitang magsuot ng magara. Pawang pang chipipay na t-shirt at shorts lang ang suot nito. At nong nagbuntis ay tipikal na mumurahing daster lang.
Saglit lang na sinulyapan ni Trixie si Jason at nakita nito kung gaano ito kalagkit tumingin kay Yen. Ang mga ngiti nito at ang kislap ng mata ay tila ba nagsasabing masayang masaya siya. Bakas sa mukha nito ang pagmamahal na inuukol sa babae. Pagkatapos tanggapin ni Yen ang pagbati ni Trixie ay patay malisyang nagbalik sila ni Jason sa kanilang kwentuhan.
" nag effort ako ah...dapat may reward ako mamaya." pangungulit ni Jason kay Yen.
" anong reward ba yung gusto mo? " nakatawang sabi ni Jason.
" alam mo na yon..." malanding sabi ni Jason habang pasimpleng kumagat sa kanyang labi.
Humagalpak naman ng tawa si Yen at kinurot ito sa tagiliran. Sa narinig ni Trixie ay hindi na siya nagpaalam pa sa dalawa at basta na lamang tumalikod sa mga ito. Lumapit siya sa mesang kinauupuan nina William at Miguel at saktong napansin niya na konti na lamang ang laman ng mga baso nito.
Nang malapit na itong masaid, nilingon niya sina Yen at Jason na abala sa pagdungaw sa cellphone. Tila ba may pinapanood ang mga ito.
Sinamantala ni Trixie ang pagkakataon at nagpresinta ikuha ng maiinom ang ama at si Miguel. Nakangiti namang tumango si Miguel habang patuloy amg usapan ng dalawa tungkol sa business. Kumuha ng baso ng alak si Trixie at palinga-linga ito at pasimpleng ibinuhos ang likidong nasa maliit na bote sa alak na inumin ni Miguel.
Saka ito patay malisyang binitbit patungo sa table na kinaroroonan ng kanyang ama.
" tingnan mo... may utal siya pero di niya ginagamit." ani Yen kay Jason.
Ang bawat sulok ng bahay ni Yen ay may camera. Maliban sa kwarto niya. Nila ni Jason. At yon ay konektado sa cellphone niya mismo. Kung titingnan sa malayo ay tila naglalandian lang sila ni Jason at may kung anong pinapanood sa cellphone. Ang di alam ng lahat ay pinanonood ng dalawa ang bawat galaw no Trixie doon.
Tiim bagang na nakuyom ni Jason ang kanyang kamao nang mapagtanto nito ang balak gawin ni Trixie. Akma na itong tatayo nang pinigil ito ni Yen.
" don't get your hands dirty. Relax. ako bahala."
Tiningnan ni Jason si Yen na animo'y alam na nito na mangyayari ang gayon. Hindi na siya tumayo nang kumalma siya ay si Yen ang kalmadong tumayo. Nagmamadali ito sa paglakad at napasigaw na lamg si Jason dito.
" san ka punta??!!"
" bathroom! "
Mabilis ang lakad ni Yen at pasimpleng dinunggol nito si Trixie. Sapat para mabitawan nito ang dalang inumin at napasigaw ito.
" aaaaayyyy!!!"
Nawalan ito ng balanse at nahulog sa pool. Natapon din ang mga dala nitong inumin at nabasag sa sahig.
" naku!! sorry..." Pabulalas ding sabi ni Yen.
Nakatingin na sa kanila ang lahat at hindi alam ng mga ito ang magiging reaksiyon. Mabilis na inabot ni Yen ang kamay ni Trixie para iahon sa pool. Nang maka-ahon ito ay inabot ni Yen dito ang tuwalyang ibinigay sa kanya ng katulong.
" sorry..." ani Yen.
" it was just a reminder of our agreement."
Napanganga si Trixie.
Inilabas ni Yen ang maliit na bote na dala ni Trixie kanina. Kung papano ito napunta sa kanya ay hindi alam ni Trixie. Inabot ito ng katulong kay Yen kasabay ng tuwalyang ibinigay nito.
" magic? " nakangiting sabi ni Yen.
" I am going to give you the taste of your own medicine."
May nag abot ng baso mg wine kay Yen at isinalin niya ang konti pang tira ng laman ng boteng iyon. Nagmamadali si Trixie kaya hindi niya nasimot ang laman niyon. Inabot niya ito kay Trixie.
" come...drink this. "
" parusa ito sa pagtatangka mong gumawa ng krimen sa loob ng aking balwarte. "
" Yen. I'm sorry."
" then I forgive you. Kung hindi mo ito iinumin ay wala ka nang rason para manatili pa dito. umalis ka na. At pag alis mo, hide yourself as much as you can." nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Yen bago niya ito tinalikuran.
Nanginginig si Trixie hindi sa lamig kundi sa takot sa kung anumang balak ni Yen sa kanya.
------------------------------------------------------
Hindi ko na po ulit mabasa from the top. Sorry sa errors. Yan na po muna for today. Thank you for your support. Don't forget to vote. Salamat po.
love,
-nicolycah