Ang pagiging ina ay isang propesyon na hindi kayang tapatan ng anumang halaga. Isa itong walang katapusang sakripisyo ng isang babae, simula sa pagbubuntis, hanggang sa tumanda sila. Hanggang nabubuhay sila ay hindi nila pwedeng iwan ang pagiging ina. Ito ay panghabang buhay na responsibilidad na may kaakibat na luha, galak, pagpapagal.
Simula nang maging nanay si Yen ay lalo siyang nawalan ng interes sa mga bagay na pansarili. Tuwinang magagawi siya sa mall at bibili ng ilang gamit ay mauuwi siya sa childrens section at doon magdadadampot ng kung anu-ano para kay baby. Sa huli, wala siyang nabili para sa sarili.
Pagdating sa bahay ay agad siyang nagbihis at dumirecho sa kwarto ni Jesrael. Natutulog pa rin ito. Si Manang Doray naman ay naabala sa pag aayos ng mga bagong pinamiling gamit.
Pinagmasdan niya si Jesrael na payapang natutulog. Halos walang pinagkaiba ang itsura nito kay Jason. Kahit saang anggulo ay wala talaga itong nakuha sa kanya. Di bale na, gwapo naman ito. Ani Yen sa sarili. Napangiti siya dahil naisip niya na marami ding katulad ni Trixie ang aaligid dito balang araw. Lalo na kapag pinasok din nito ang mundo ng pagbabanda. Napailing siya. Bakit nga ba niya pangungunahan ang gusto ng anak. Ngunit ipinangako niya, na susuportahan ang anumang naisin nito.
Narinig ni Yen ang paglangitngit ng pinto. Sumungaw ng bahagya ang ulo ni Jason doon.
" nandito ka na pala?"
Bahagya itong ngumiti at dahan dahang pumasok. Humiga ito sa tabi ng anak at hinawakan ito sa paa. Sa itsura nito ay ramdam ni Yen na may iniisip ito.
" kumusta?" bati ni Yen sa asawa.
" nagfile na ako ng resignation." malungkot na sabi ni Jason.
" bakit?"
" dahil nabalitaan ko na magsasara ang kompanya. Ngayong buwan o sa mga susunod na buwan. " sagot nito.
" i'm sorry.."
" bakit? mawawalan ako ng trabaho sa mga susunod na araw. Pero maghahanap ako agad. Pangako."
" sana naghanap ka muna bago ka nagresign." ani Yen.
" saan ako maghahanap? Saka mahirap maghanap habang pumapasok pa. Isa pa, hindi ako katulad mo na maabilidad."
Napamaang si Yen sa sinabi ni Jason. Medyo pa-angil na ito at tila nayayamot na. Ang kanya lang naman ay sana naghanda muna ito ng sasalo bago siya nagresign.
" see? ni hindi mo pa alam kung saan ka pupunta tapos aalis ka na. Papano pala kung wala din akong trabaho? Papano pala kung naka asa lang ako sayo? Diba magugutom tayo? "
Hindi naman talaga problema kahit na mabakante si Jason ng ilang buwan o taon pa. Kahit pa piliin niya na hindi na siya magtrabaho at alagaan nalang ang anak ay ayos lamang. Pero ayaw niya ng ganon. Pakiramdam niya ay kumuha lamang siya ng lalaking tagapainit ng kama niya at susuportahan ang pangangailangan nito. Hindi din gusto ni Yen ang padalos dalos na desisyon nito. Wala itong strategy kung papano lulusot sa problema nang hindi napipilayan. Basta nalang sasabak sa laban nang wala man lang dalang sandata.
" may savings pa naman ako. Sapat pa yon hangang makakuha ako ng trabaho ulit."
" ano ba ang naiisip mo bakit ka nagresign? dahil lang magsasara ang company niyo? "
" oo at saka nagtatanggalan na ng tao."
" isinama ka ba sa natanggal? kasama ka ba sa tatanggalin? "
" hindi..."
" kung isasama ka sa tatanggalin may karampatang bayad yon Jason. Sana hinintay mo nalang na alisin ka nila."
" hayaan mo na, maghahanap nalang ako ng iba. At ayaw ko na don."
Huminga na lamang ng malalim si Yen. Bakit ba palpak magdesisyon ang kanyang asawa? Hindi ba ito nag iisip na may anak siya? Kung nagkataon na hindi ganoon ang estado niya sa buhay, kung nagkataon na hindi niya tinanggap ang business offer ni Rico, at wala siyang negosyo, papano sila magsusurvive?
Savings? iaasa sa savings?
paano pag naubos? at wala pa rin siyang trabaho?
Hindi niya akalain na dadanas siya ng ganito. Hanggat maari ay ayaw niyang maging issue ang pera. Pero sadyang sinusubok yata talaga sila. Sa tono ni Jason kanina ay parang nanliliit ito dahil mas malaki ang kanyang kinikita kaysa dito. Siguro ay pakiramdam niya lang. Pero may hinala siya na isa din iyon sa dahilan kung bakit nito iniwan ang trabaho.Sana man lang ay nag isip muna ito. O kinunsulta muna siya bago ito nagdesisyon. Mabuti nalang at may trabaho siya ngayon.
Muling napabuntong hininga si Yen. Hindi na niya gustong maranasan iyong hirap na dinanas nila noon. Hindi niya kailanman ipaparanas sa kanyang anak ang halos walang maihaing pagkain para sa kanila. Lumuluha na lamang ang kanilang ina habang sila ng kanyang mga kapatid ay kumakalam ang sikmura.
Hindi naman niya gustong yumaman. Ang kanya lang ay hindi sila magugutom at hindi sila magiging mukhang kawawa. Subalit mabait sa kanya ang Diyos. Hinayaan Niyang danasin ang mga ganoong uri ng pagsubok para mailagay siya sa kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon. Salamat sa positibong pananaw na naipunla sa kanya ng kanyang ama. At ang pag gabay nito na dala dala niya kahit saan pa siya magpunta.
Sa kaso ni Jason ay tanggap naman na niya may kahinaan ito. Marahil ay hindi pa talaga nito ramdam ang pagkakaroon ng pamilya. Ganoon naman talaga, ang may pang unawa ang uunawa. Wala siyang magagawa. Gustuhin niya man na tulungan ito ay naisip niyang hayaan lamang ito dumiskarte sa sarili niyang paraan. Experience is the best teacher ika nga. Danasin niya para malaman niya ang bunga.
At nawalan nga ng trabaho si Jason.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nadalas ang pag alis nito para maghanap ng trabaho. May mga araw na gabi na ito kung umuwi. At lagi itong aburido. Sa mga sumunod na buwan ay inaabot nito sa kanya ang savings nito. Suporta para diapers at vitamins ni baby. Katulad ng sinabi ng kanyang ama, ang bawat pera nitong inaabot sa kanya ay ibinabangko niya. Wala siyang ginalaw doon at intact lahat ng perang naibigay nito sa kanya. Yon daw pang supalpal sakaling magkaroon mg bilangan at sumbatan. Natawa siya takbo ng isip ng kanyang ama.
Ngunit naisip niya, may mag asawa bang hindi nagkaroon ng issue sa pera? Siguro...yung mayayaman talaga.
Si Yen ang sumagot ng lahat ng gastusin. Simula pa naman sa simula ay siya talaga. Hindi ito alam ni Jason. Basta bawat payday ay nag aabot ito, ok na kay Yen iyon. Totoong di hamak na mas malaki ang kinikita niya kompara sa asawa. Pero hindi iyon rason para hindi niya ito obligahing sumuporta. Kahit pa ang kita nito ay sapat lang para suportahan ang pansariling pangagailangan ni Jason lang mismo, ok na si Yen doon sa aktong nagbibigay ito. Kahit madalas ay abunado siya sa pang allowance nito.
May mga pagkakataon na nakakaramdam si Yen ng pagkayamot. Natural lamang siguro iyon dahil sa maghapong nasa bahay si Jason ay nakahilata lamang ito. Palibhasa may Yaya ang kanilang anak ay hinahayaan niya lang na ang bata kay Manang Doray. Kahit man lang tumulong sa gawain ay wala. Iniasa sa katulong ang lahat. At inabala ang sarili sa kakalaro ng online games. Sa muli. Umunawa ang nakakaunawa.
Subalit dumating ang araw na napuno si Yen. Napagsabihan niya ito at nagkasagutan sila. Hindi naman sila nagsigawan pero talagang iyon ang kauna-unahang nagtalo sila. Dahil lamang yon sa maliit na bagay.
Totoo pala na kapag ang hinanakit mo ay inipon mo lang nang inipon, hindi mo inilalabas. Dumarating ang oras na kusa nalang sasabog ito. Kahit na simpleng bagay lang pag ikaw ay napuno, hindi mo maiiwasan na mapatiran ng pasensiya minsan.
Dahil doon ay muli silang nagkaroon ng cold war. Naging muling malamig ang kanilang pagsasama. Marahil ay parte talaga yon ng mga pagsubok talaga. Kung bibigay ka, tapos na.
" pakiramdam ko, wala akong kwenta." sabi ni Jason habang nakahiga sa tabi ni Yen.
Yon ay makalipas ang apat na buwan mula nang magresign ito. Naaawa si Yen dito at gusto na niyang i-offer dito na siya nalang ang mangasiwa sa kanyang negosyo. Subalit nais niya na makita pa ang pagpupursige nito. Ngunit tila nahihirapan na ito ngayon. Naubos na nito halos ang savings ngunit wala pa rin itong nakikitang trabaho. Hindi niya alam kung anong problema at bakit. Minsan nga naiisip niya kung naghahanap ba ito talaga?
" yon kase ang iniisip mo kaya yon ang nangyayari sayo. mind over matters. Alam mo kase ay malaki ang epekto ng iyong mind set. Kapag masyado kang negatibong mag-isip, wala...negatibo din ang mangyayari sayo. Alam mo ba, na kung ano ang laman ng isip, iyon ang naisasapuso. Kung ano ang nasa puso iyon ang naisasabibig. Kapag ang negatibong bagay ay lumabas sa bibig, mangyayari yon."
Nilingon siya ni Jason.
" ganun ba yon? "
" oo...power of tongue yon. Kaya dapat palaging magandang bagay ang sinasabi mo. Hindi ka dapat nag dedeclare ng negatibo."
Hindi na umimik muli si Jason.
" kumusta na ba ang paghahanap mo ng trabaho? " muling tanong ni Yen.
" wala ee... Hindi ako natatanggap. "
" bakit? "
" hindi ko alam."
" pwede ba akong maging secretary mo nalang? or P.A...o di kaya ay body guard o driver..." anito
" ugok ka! " kinurot ito ni Yen sa tagiliran.
Napanguso naman si Jason sa sakit.
" aray ko naman...." malanding tono na sabi ni Jason.
Bahagyang gumaan ang invironment nila.Nabura ang inis at ang cold war ay tila natapos na.
" panahon na para tulungan mo din ang iyong ama." Maya maya ay sabi ni Yen.
Muling napatingin sa kanya si Jason.
Bukod sa pagiging parte ng Villaflor Corp. Ay may sariling negosyo din si Miguel. Yon ay mina-manage ni Joseph na kapatid ni Jason. Iyon ay ipinundar ni Miguel at matagal na niyang inaawitan si Jason na tumulong nalang sa negosyo ng pamilya. Dahil siya ay hindi din masyadong makapagbigay ng oras dito kaya halos si Joseph na ang kumikilos sa lahat.
Tahimik pa rin si Jason.
Naisip niya na tama si Yen.
Baka kaya wala siyang nahahanap na trabahong gusto niya ay dahil sign na iyon na kailangan na niyang tulungan ang kanyang ama.
" ang business na yon ay pinag hirapan ng inyong ama... at balang araw kayo ng kapatid mo ang maiiwan at magpapatuloy nito. Gusto mo ba na mauwi lamang sa wala ang pinagsumikapan ng ama mo? Aralin mo yon, at palaguin mo. Isa pa, yon talaga ang linya mo." pagpapatuloy ni Yen.
Naisuggest ni Yen iyon kay Jason dahil yon talaga ang concern niya doon. Si Miguel ay tumatanda na at balang araw ay hindi na nito kakayanin pang magtrabaho. Darating ang araw na ang negosyo nito ay maiiwan sa kanila ni Joseph at dahil alam ni Yen na may potential iyong lumago, tinulak niya si Jason para tumulong na lamang dito. Para din matuto ito at hindi na maging sakit ng ulo.
Ang business ni Miguel ay mga forklift naman. May mga units ito na pinapa-upahan at nag o-offer din sila ng repair at service. Maganda ang takbo niyon. Nga lang ay kulang sila at hindi matutukan ni Miguel dahil sa ang atensiyon nito ay nasa Villaflor Corp.
Napaisip si Jason sa mga sinabi ni Yen.
Tama ito. Kaya bukas na bukas din ay kakausapin niya ang kanyang ama. Si Yen talaga ang anghel niya. Napangiti si Jason at niyakap ang asawa.
" mahal... Gusto mo na ba magpakasal? "
Natigilan si Yen sa sinabi nito. Pero agad naman siyang nakabawi sa pagkabigla.
" oo naman. Pero unahin muna ang dapat unahin. Ang kasal naman ay mabilis lang pag gugustuhin. "
" hmmmm"