Chereads / I am a Rebound / Chapter 81 - Praktikal

Chapter 81 - Praktikal

Nasorpresa si Miguel sa naging desisyon ni Jason. Matagal na niyang hinihiling sa anak na tumulong na lamang sa negosyo. Nais niyang matuto ito at silang magkapatid na lamang ang magtulungan para ito lumago. Hindi niya maibigay ang buong panahon niya doon dahil sa Villaflor Corp.

Noon ay nag aasam siya na pumalit sa pwesto ni Rico. Ngunit nakita niya kung papano nito hinuhubog si Yen. At ang hinuha niya ay Yen ang papalit dito. Kapag nagkagayon ay hindi na siya tututol. Alam na din niya ang kakayahan ng manugang na hilaw. Isa pa, para iyon sa kanyang apo.

Tuluyang namatay ang pagkadisgusto ni Miguel kay Yen. Yon ay dahil sa mahusay talaga ito makibagay. Marunong rumispeto at umunawa. Lalo pa ngayon na napag alaman niya na si Yen mismo ang nagtulak kay Jason para sa desisyon nitong tumulong nalang sa negosyo ng pamilya. Sa tuwa niya ay nag luto siya at nag imbita na doon sila maghapunan. Inabutan niya din si Jason ng kaunting halaga para sa allowance nito at pambili ng pangangailangan ng anak.

Naisip ni Jason na magaling ang naisip ni Yen. Nakita niya ang assurance sa kinalalagyan niya ngayon. Hindi niya gaanong gamay ang negosyo pero willing siyang pag aralan ito at matuto.

Dahil sa request ng ama ay sinundo niya ang kanyang mag-ina. Kasama si Manag Doray na tumatayong yaya ng anak nila. Doon sila naghapunan sa bahay ng mga De Chavez at masayang nagkwentuhan tungkol sa mga pagbabago ni Jesrael araw araw. Mag iisang taon na si Jesrael. Ang birthday nito ay nalalapit na. Napag usapan nila kung saan sila magpapaparty ngunit sinabi ni Yen na hindi naman kailangan ng party.

Para sa kanya ay natural lamang na icelebrate ang kaarawan ng anak. Subalit hindi naman kailangang gumastos ng malaki para doon. Nais niyang masanay ang anak sa payak na buhay. Isa pa, kahit naman itodo nila ang handaan ay hindi pa ito matatandaan ng kanyang anak. Naisip niya na isabay na sa kaarawan nito ang binyag. Para tipid sa gastos at praktikal. Hindi naman sa kuripot siya pero parang ganon na nga.

Para sa kanya ay hindi kailangan ng magarbong pagtitipon. Sapat nang may kaunting salu-salo at sigurado naman siya na kaunti lang naman ang pupunta doon. Ayaw niya din itong isapubliko. Yon ay dahil may Trixie pa din na pwedeng pumuslit at nakawin ang kanyang anak.

Paranoid kung paranoid. Pero maaring isang pagkakamali lamang ay baka pagsisihan niya sa huli.

Nagkibit balikat naman si Miguel sa kanyang opinyon. May punto naman din ito. Maging siya ay hindi niya gusto ang maraming tao. Isa pa, Pag mas maraming mata, mas maraming bibig. Ibig sabihin, mas marami ang tsismis. Sang ayon siya sa panukala ni Yen. Sila-sila lang....konting salu-salo... tapos na. Napangiti siya dahil wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang concern niya ay hindi praktikal na gumastos ng malaki para lang idisplay. Totoo naman.

Hindi maunawaan ni Jason kung bakit ganon ang desisyon ni Yen. Sinu-sino ba ang kanilang mga bisita? mga ninong at ninang at mga relatives nila. Mga kaibigan niya at kaibigan ni Yen... Sina Rico. Kumunot ang kanyang noo. Pero hindi na siya kumontra pa dito.

" bakit? sabihin mo nga sa akin kung sino ang inaasahan mong bisitang darating? "

" mga tropa.."

" Albert, Marco, Ren-Ren at Christian. diba? saken, mga villaflor lang." ani Yen.

" wala kang kaibigang iimbitahin?"

" pag mature ka na, mapapansin mo nang ang mga sinasabi mong kaibigan ay nangangawala na. Ang mananatili lamang ay ang mga totoong kaibigan na handa kang unawain at pakinggan. Pero yon ay bilang na bilang lang."

Muling natahimik si Jason. Noong nagkakilala sila ni Yen ay sandamakmak ang kaibigan nito. Pwede na nga itong kumandidato dahil kilala ito doon sa lugar na tinutuluyan. Kahit saang kanto ay may bumabati. Subalit nang magsama sila, wala halos bumibisita dito maliban kay Rico at sa asawa nito.

May point siya....

Natapos ang hapunan at napagkasunduan na sa bahay ni Jason ganapin ang salu-salo. Para malapit sa mga friends na pupunta at kaanak maliban kina Rico.

Panay ang stalk ni Trixie sa account ni Jason. Pero wala man lang itong bagong update..walang post. Tila ba hindi na ito gumagamit ng facebook. Nakita lang niya ang picture ng baby sa post ni Marco. Walang naka-caption na anak ni Jason yon. Pero alam niya na anak yon ni Jason base sa itsura nito.

Kamukhang kamuka nito si Jason. Naisip niya kung nagka anak sana sila ay hindi na sana sila naghiwalay. Siguro ay masaya silang dalawa ngayon. Napabuntong hininga si Trixie. Marahil ay kailangan na niyang tanggapin na wala na talaga. Subalit tuwinang maiisip niya ang mga nakakalokong ngiti ni Yen, hindi niya talaga maatim na hayaan lamang ito. Hindi pa rin siya susuko na kunin ang kaligayahan nito. At yon ay ang kanyang anak.

Pag nakapasok siya sa Villaflor Corp. ay magkakaroon siya ng sariling pera. Magkakaroon siya ng koneksiyon sa kay Rico. Gagawin niya ang lahat para makuha ang loob nito at gagamitin niya iyon para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Gusto niyang makita si Yen na luhaan at nagmamaka awang ibalik sa kanya ang anak. Ang anak niya...kapalit ni Jason. Napangisi siya sa nabuon balak. Ngunit matagal na ang hinihintay niya subalit wala pa ring balita ang kanyang ama. Hindi pala ganon kataas ang posisyon nito sa Villaflor's simplen i-hire siya nito bilang secretary ni Rico ay hindi nito magawan ng paraan.

Ginawa ni Trixie ay nagwalk in siya at sumabay sa mga aplikante ng company. Kahit init na init at naiirita ay nagtiyaga siyang pumila. Matagal siyang naghintay. Para ito sa happiness niya. Kaya tiis ganda. Maya't maya ang kanyang retouch. Maya't maya ang silip sa salamin para lang mapanatiling fresh ang itsura. Tatlo nalang at turn niya na.

" hello tito?" ang biglaang tawag ni Rico ay sumorpresa kay Yen. Nasa labas na siya ng building ng Villaflor Corp.at kasalukuyang pasakay sa pribadong elevator na si Rico lamang ang gumagamit.

" nasa meeting ako Yen. May schedule ako ng interview ng mga applicants para maging bagong secretary. Nagresign na kase Limbo."

" ok? "

" i can't make it right now. Pwede mo bang i-cover ako? take my seat and do the interview. "

" pero..."

" isipin mo na ikaw ang magiging boss nila. piliin mo kung sino ang karapat dapat sa iyong paningin."

" ok. "

" good. I have to go."

Para kay Rico ay parte ng training ni Yen yon. Kailangan niyang kumilatis ng tao na pwede niyang pagkatiwalaan. Isa pa, ang secretary na iha-hire niya ay mismong magiging secretary niya. Napangiti si Rico sa naisip. Ngayon palang ay kailangan niya nang masanay.