Napapangisi si Trixie pag naiisip niya ang plano. Ewan nalang niya kung di magmakaawa si Yen sa kanya. Talagang gustong gusto niyang makita itong tumiklop sa kanyang harapan. Gusto niya ito makitang naglulumuhod at nagmamakaawa na ibalik sa kanya ang anak. Pagkatapos ay papipiliin niya ito. Yung anak niya, o si Jason? Pero syempre kukuhanin niya yong dalawa at si Yen? Mabaliw siya!
Maganda ang ngiti na gumihit sa labi niya. Muli niyang sinilip ang pila. Isa nalang, siya na. First time niyang gawin ang gayon. Nakaka-kaba din pala. Nakaka-excite din. Hindi pwedeng hindi siya mapili. Kailangan niya makuha ang posisyong iyon. Kailangang kailangan para sa katuparan ng plano.
" hey Miss Rosales?"
" yes..."
" you are applying for the C.E.O' s secretary??"
" yes. I do."
" ok be ready for few minutes. by the way, how are you related to Mr. William? tanong ng babae
" he is my father." taas noong sagot ni Trixie.
Nanlaki ang mata ng babae at ikinatuwa naman ni Trixie iyon.
" ok ma'am. goodluck. please proceed to the president's office." anito.
Medyo napangiti si Trixie nang tinawag siya nitong ma'am pagkatapos nitong malaman na anak siya ni William. Nanlaki ang mga mata nito marahil ay hindi nito inakala na makikita siya nitong nag walk in talaga para mag apply at hindi umasa sa back up ng ama.
Matagal na niyang hinihintay ang update nito subalit wala naman siyang naririnig na balita dito. Ni hindi nga siya sinabihan nito na naghahanap na talaga ng secretary ang boss niya. Nakaramdam siya ng pagkainis sa ama.
Si Llyne.
Ang babaeng tumatayong secretary ni Yen. Hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol kay Trixie. Hindi niya akalain na mag aapply ito sa Villaflor. Pero naisip na niya maaaring may niluluto itong plano. Pagkatapos niyang malaman na nakapila si Trixie sa mga nag a-apply ay itinawag niya ito agad kay Yen. Pero ang sabi nito ay hayaan niya lamang at itrato na katulad ng ibang aplikante doon.
Napangiti si Yen nang malaman na nag a-apply si Trixie. Alam kaya ni Trixie na siya ang nakaupo sa pwesto ni Rico ngayon? Hindi naman siya ang presidente pero siya ang isinabak ni Rico dito. Marahil ay parte nanaman ito ng training niya. Kung bakit ganon sa kanya si Rico ay hindi niya alam. Pero tila naaamoy na niya na may bibabalak ito.
Habang pinaiikot-ikot ni Yen ang hawak na ballpen, ay gumulong ito at nahulog. Kaya naman napayuko siya para damputin iyon. Saktong pag yuko niya ay siya namang pagbukas ng pinto.
Nakita ni Trixie ang pintong ng kwartong tinuturo ng babaeng nag a-assist sa kanya.
YMR
The President's Office
Nasabit ito sa harap ng pinto.
Napatanong si Trixie sa isip. Ano kayang ibig sabihin ng YMR??
May kaunting kaba sa kanyang dibdib. Gayunpaman ay marahan siyang kumatok. At dahan dahang binuksan ang pinto. Nakita niyang nakayuko ang taong nakaupo sa table at tila may pinulot na bagay sa sahig. Natigilan siya nang mag angat ito ng mukha at mapagsino ito.
Sinuyod nito si Yen ng matalim na tingin at nahagip ng mata nito ang pangalan na nakasulat sa mesa nito.
YEN MORALES REYES
President/CEO
Tila ba si Trixie ay nananaginip. Ipinikit na mariin ang kanyang mga mata muli niyang tiningnan ang nakita.
Sa totoo lang ay hindi alam ni Yen ang nakikita ni Trixie. Basta lang siya pumasok sa kwartong iyon dahil iyon ang tumbok ng sinakyan niyang elevator. May sariling daanan si Rico sa kompanya. Galing sa parking area, paakyat direcho sa kanyang opisina. At dahil okupado ang kanyang isip ay hindi niya napansin ang mga bagay na nakalagay doon. Ang alam niya lang ay siya ang tumatayong CEO ngayon dahil abala si Rico.
" good afternoon. please take a sit." bati ni Yen kay Trixie.
Hindi ito natinag. At hindi din gumalaw sa kinatatayuan.
" anong magic nanaman ang ginawa mo at nandito ka? ayos ka din talaga noh? kung inaakala mong mai-intimidate mo ako nagkakamali ka."
" I thought you were an applicant? " ani Yen.
" tumigil ka sa pang aasar saken. Saan ang office ng president? "
" here." bahagyang nakabuka ang mga palad ni Yen habang nagkibit ito ng balikat.
" ambisyosang palaka ka!! lumayas ka nga sa harap ko pusang ina mo! akala mo tapos na tayo? hindi kita patatahimikin! mang aagaw ka! tandaan mo, katulong ka lang! kaya tama na yang kaka-pretend mo amoy squatter ka pa rin. pwe!! "
Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha ni Yen. Inangat nito amg telepono sa kanyang tabi at sandaling natahimik.
" tama na ang arte!!...kahit anong gawin mo, kahit anong idamit mo cheap ka pa din. hindi yan babagay sayo. taas ng pangarap mo ah! di mo ako maloloko ulol!! " nang gagalaiti ito habang dinuduro duro si Yen. Ang hintuturo nito ay halos dumikit na sa noo niya. Ngunit tila walang naririnig ang huli.
" hello William, may batang nagkakalat dito sa opisina ko. inakala niya siguro na mall ito. please come to my office and get her."
" yes madam..." tinig ni William. Sinadyang lakasan ni Yen ang speaker para marinig ito ni Trixie.
Parang binuhusan ng malamig na tubig sa Trixie nang marinig amg tinig ng ama. Yung tinawag ito ni Yen sanunang pangalan lamang ay ikinagulat niya na. Hindi nga yata siya nananaginip.
" ang ginawa mo ngayon ay maaari mong pagsisihan ng habang panahon. Sa pagkaka alam ko, bukod sa kompanyang ito ay walang ibang pinagkukunan ang ama mo para suportahan ka.... pero hindi naman ako ganon kasama. Take this as a warning. Do not come near me again. Or whoever is connected with me. Even Miguel. If you did. I will take everthing from you. Marunong ka bang maglampaso? maglinis ng kubeta at kaya mo bang tumira sa squatters?? pag aralan mo bago mo ako ulit banggain." Bilin ni Yen kay Trixie.
" remember what I've said before? dahil sinabi mong mang aagaw ako, paninindigan ko at aagawin ko ang lahat sayo. "
Wala namang plano si Yen na seryosohin ang sinabi. Ngunit kapag sinagad siya nito, hindi na din siya magdadalawang isip. Isa itong insekto. Ngunit kahit maliit ay masakit pa rin mangagat ito.
Nahintakutan si Trixie sa narinig. Hindi talaga siya makapaniwala. Hindi niya alam kung papano nito ginawa. Pero pambihira talagang naabot nito ang kinalalagyan sa maiksing panahon lamang. Naputol ang kanyang pagbubulay-bulay ng marinig ang pintong bumukas.
" Madame...paumanhin po. Hindi ko po alam na narito siya. May problema po siya sa pag-iisip kaya sana po ay pagpasensiyahan mo na. "
Nagulat si Trixie sa sinabi ng ama.
Hinawakan siya nito sa kanyang braso at hinila palabas ng kwarto. Mahigpit ang pagkakahawak nito at nasasaktan siya. Dinala siya nito sa sariling opisina at patulak na pinaupo. Tiim bagang ito at halatang nagpipigil ng galit.
" anong ginagawa mo?!!!"
" inilalagay mo ang buhay natin sa peligro! ayos pa ba yang utak mo at gumagana pa ba? alam mo ba kung sino ang binabangga mo ha??!! boss ko yon Trixie! Naiintindihan mo? anytime pwede niya akong sipain dito kapag kanyang ginusto. Alam mo ba kung saan ka pupulutin? Mayabang ka, may maipagmamalaki ka ba? Anu na bang napatunayan mo sa buhay mo meron na ba? isaksak mo sa kukote mo na wala kang maipagmamalaki! pag itinakwil kita, masahol ka pa sa pulibi!!"
Napaluha si Trixie sa mga sinabi ng ama. Hindi niya alam...wala siyang alam. Ang tanging alam niya lang ay katulong si Yen na naghahanap ng lalaking aahon dito sa hirap. Hindi niya alam na ito pala ang boss ng ama nila ni Jason. Kung nalaman niya lang sana ng mas maaga. Nanginginig si Trixie at nanlalamig ang kanyang kamay at paa. Naisip niya na baka nga maitakwil siya ng ama. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito nakitang magalit ng gayon. Ngayon niya lang naransan na pagtaasan siya ng boses nito. Ganoon kaseryoso ang kanyang ginawa. Dinuro duro niya pa at pinagmumura si Yen. Bigla siyang nakaramdam ng pagkapahiya, at panliliit.