"gusto ko si Yen." sabi ni Rowena sa kay Miguel habang naghahanda ito ng hapunan.
" hmmm"...
" matapang siya at totoo siyang tao. Hindi mo kailangang hulaan ang iniisip. Kung ano ang nakikita mo sa kanya yon siya. Hindi katulad ng iba na tahimik, pero sa loob naman ang kulo. Ang mga ganoong klaseng tao ay madaling mapakisamahan." sabi ni Rowena.
" kaya?"
" oo... strong personality si Yen. Simple at marunong sa buhay. Para sa akin ay bagay siya sa anak mo na walang alam." muling sagot ni Rowena.
" parang sinabi mo na ring bobo ang anak mo."
" magkaiba ang bobo sa walang alam Miguel." sabi ni Rowena.
" ang bobo ay mahina pumick-up, ang walang alam ay wala talagang alam. Pero yong dalawang iyon ay parehong pwedeng maturuan.
Hindi na sumagot pa si Miguel.
" nakita mo, matibay ang loob ng batang iyon. Madiskarte sa buhay. Sa batang edad nagawa niyang magpundar ng sariling bahay, magkaroon ng sariling sasakyan, sariling negosyo at nagawa pa niyang makabili ng shares sa kompanya niyo. At mas malaki ang parte niya kaysa sayo. "
" ako ba iniinsulto mo? " baling ni Miguel sa kabiyak.
" hindi mahal. Ang gusto ko lang ipakita sayo ay totoo yung kasabihan nila."
" anu??"
" behind every successful man, is a woman."
" kalokohan!!" bulalas ni Miguel.
" eh yung anak mo naman ay nakapagpundar na din ng mga binanggit mo ah. maliban lang sa negosyo at shares sa kompany..." hindi natapos ni Miguel ang sinasabi...QSbigla itong natigilan.
" oo may ganon si Jason. Bakit niya nakuha yon? Dahil kay Trixie. Para sa pangarap nila. Pero si Yen ay nakuha yon nang galing mismo sa sarili niyang talino. Si Yen, siya ang magsisilbing gabay ng anak ko Miguel."
Hindi na halos naintindihan ni Miguel ang sinabi ni Rowena. Naisip niya na kapag ikinasal si Jason kay Yen ay baka maging bahagi na din ng kompanya si Jason. Dahil andon si Yen. At si Yen, yung shares niya. Kumislap ang mga mata ni Miguel.
Kahit hindi magsalita si Miguel ay alam na alam ni Rowena ang naiisip nito. Sinadya niya talagang banggitin ang shares ni Yen sa kompanya dahil alam niya na mukhang pera ang asawa. Naisip na niya iyon. Pero ang gusto niya ay makasal na kaagad si Yen at Jason bago pa man lumabas ang kanyang apo.
" Sa bawat araw na lumilipas ay nakakadama si Yen ng inip. Ilang araw pa ang kanyang tiniis, natapos din ang araw ng pahinga niya at nakabalik sa trabaho sa wakas.
Laking pasasalamat niya dahil maari na muli siyang magtrabaho. Mababawasan ang stress niya kay Jason kahit papano.
" ok ba ang tatay ng anak mo?" tanong ng kanyang boss na Benny.
" oo naman sir."
" saan siya nagtatrabaho? "
Nakwento ni Yen sa kanyang boss ang nangyayari sa kanya. Pinakinggan naman siya nito at pinayuhan na magpakatatag. Sinabi nito sa kanya na much better kung magpapakasal sila. Hindi yon para sa kanya kundi para yon sa bata. Karapatan ng bata na makamit ang mga bagay na nararapat sa kanya. Hindi lang ang pagkakaroon ng kompletong pamilya kundi pati ang assurance maging ang karapatan nito sa mga properties ng ama in the future.
Ang sabi ni si Benny ay nagdadaan daw talaga sa ganoon ang mag asawa. Walang mag asawa na hindi dumanas ng ganoong mga pagsubok. Kailangan mo lang daw ng mahabang pasensiya dahil nagsisimula palang kayong magkakilala.
Talagang ganoon daw dahil nag uumpisa mo nang makita ang mga kapintasan ng kinakasama mo. At kung mgatatagal kayo, yon ay depende sa haba ng pasensiya mo.
Medyo gumaan ang kanyang loob.
Hindi lang si Benny ang madalas na magpayo sa kanya. Maging ang iba niyang kaibigan may mga edad na at matagal na sa estado ng pagpapamilya. Nagbibigay sila ng tip tungkol sa kung papano nila nalagpasan ang mga pagsubok. Pero ang tumatak talaga sa isip ni Yen ay yung sinabi ni Cherry.
Halos kaedad ito ng kanyang byanan.
Ang sabi nito ay malaki daw ang parte ng babae sa relasyon. At talagang babae daw ang nagdadala ng relasyon para daw ito magtagal. Kung hindi daw marunong magdala ang babae ay talagang nauuwi sa hiwalayan. Nasa iyo yon, kung mananatili ba siya o iiwan ka. Kapag daw pinili ng partner mong talikuran ka, ibig sabihin daw noon ay may pagkukulang ka.
Hindi sumang-ayon si Yen doon. Ngunit tinanggap niya ang pahayag nito.
Para kay Yen, ang lahat ng babae ay dapat maging matuwid. Dahil sila ang ilaw ng tahanan. Sila ang gabay at tagapag bigay ng liwanag sa pamilya. Modelo sa kanilang mga anak, Kaya importanteng matinong babae dapat ang pinipili ng mga lalaki. Yong hindi puro ganda lang. Yung mganda ang kalooban at madiskarte sa buhay para mas magaan.
Naisip niya na full package na siya para kay Jason pero hindi naman ito nakikita. Hinahanap niya sng Jason na nakilala niya, pero tila ibang tao na ito ngayon. Nagtatabi sila oo...pero tila wala na yung pagmamahal na meron sila noon.
Palagi na itong wala.
Nasa trabaho ito maghapon. Minsan naman ay nightshift ito at mag-isa siya sa bahay.
Si Manang Doray ay nasa bahay niya dahil wala pa naman silang nakukuhang magri-rent doon. Uuwi lamamg ito para matulog.
Sa tuwinang kakausapin niya ito habang nagsasalita si Yen ay naghihilik na ito. Pag gising nito madalas ay hindi na ito kumakain kaya ang niluluto ni Yen ay nasasayang lamang. Ang buhay niya noong hindi niya ito kasama ay katulad din ng buhay niya ngayon na nasa tabi niya ito. Mas malala ngayon dahil doble ang stress na kanyang natatamo. Dinadaling niya na lamang na sana ay makayanan niya pa.
Pag off naman nito ay palagi itong umaalis. May lakad daw sila ng tropa. May outing o kung anuman. Pero kahit minsan, hindi nito naisipang isama siya sa lakad nito. Ni isa sa mga kaibigan nito ay hindi niya pa nakikilala.
Naisip niya.
Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit nabulid si Trixie na pumatol sa iba??
Gusto niya itong makausap. Gusto niyang pakinggan siya ni Jason kahit minsan lang. Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito na hindi siya nito mahal. Pero palagi nitong sinabing mahal siya nito. At magiging ok din sila.
Pag tinatawagan niya ito ay palaging iritable kung sumagot ng telepono. Pag nagtext naman siya ay hindi ito nagrereply. Kung magrereply man, tipid na tipid at halatang wala itong interes.
Lungkot na lungkot na siya. Kahit anong ayos ang gawin niya ay hindi maitago ang sakit na nadarama niya.
Dinalaw siya ni Rowena. Kinumusta. Hinarap naman niya ito ng maayos.
" Pag buntis ka, sensitive ka...mabilis ka masaktan. Yung inaakala mong kalinga na inaasahan mo ay dadamdamin mo pag hindi mo yon naramdaman. Mahirap maging ina. Darating ka sa punto na pakiramdam mo ay wala ka nang kakampi. Wala na sayong umiintindi. Pero lilipas yan, pagkatapos ay magiging ok din. Tibayan mo lang ang loob mo, wag ka mag papa-api." Sabi ni Rowena habang kaharap siya nito.
Napatitig naman si Yen kay Rowena.
Nagkwento ito ng kanyang nakaraan. Kung papano siya nagtiis noon kay Miguel. May mga araw daw na gusto na niyang umuwi sa kanila. May mga pagkakataon daw na wala na siyang magawa kundi umiyak. Grabe din daw ang sama ng loob niya noon. Pero sa huli ay naging maayos naman daw ang lahat.