Chereads / I am a Rebound / Chapter 66 - Upo at Giniling

Chapter 66 - Upo at Giniling

Kakapasok lang ni Yen sa kanyang trabaho. Nong araw na iyon ay pareho silang morning shift ni Jason. Pag ganoon ang schedule nila ay sinusundo siya nito sa sakayan. Sabay silang naghahapunan. Dahil doon ay medyo humupa ang sama ng loob ni Yen.

May mga araw na tila nahipan ng hangin si Jason at naglalambing ito. Mabait at palaging nakangiti. Maganda ang mood. Katulad ngayon.

Nakatanggap ng text si Yen.

[ nagluto ako ng food para sa hapunan mo. :)]

Napangiti si Yen. Napaka moody ng tatay ng anak niya. Pakiramdam niya tuloy ay siya talaga ang lalaki sa kanilang dalawa. Napailing na lamang siya nang sumakay sa service nila.

Pagdating sa babaan ay naka-abang na ito doon. Nakakatuwa na kahit papano ay sinusundo siya nito. kapag ganoon ang schedule nito ay sinusundo naman siya ni Jason. Pero bihira mangyari iyon. Madalas ay hindi na sila nagkikita at kung magkikita sila ay sandali lamang.

Pag night shift ito at wala siyang kasama pag gabi ay si Joseph na kapatid nito ang sumasama sa kanya. Doon ito natutulog sa kabilang kwarto at madalas ay halos doon na din ito umuuwi. Ang mga niluluto ni Yen na hindi kinakain ni Jason ay siya ang kumakain. Ito din ang madalas nag aasikaso kapag may kailangan si Yen.

Kahit nga sa pagpapacheck-up, imbes si Jason ay ito ang sumasama sa kanya. Ilang beses na siyang pumunta sa OB at si Joseph ang kasama niya. Minsan nga ay natatawa siya dito dahil napagkakamalan itong asawa niya. Ito din ang naghahatid sa kanya tuwinang papasok siya dahil si Jason ay naka alis na pag gising niya.

Minsan ay bumili si Yen ng load sa tindahan. Nakausap niya ang tindera doon. Habang nag uusap sila ay napadaan ito at nagpaalam sa kanyang aalis muna. Inakala talaga ng tinderang iyon na si Joseph ang asawa niya. Dahil ito ang palagi niyang kasama.

May araw din na nanawa ito sa lutong bahay at naisipan na kumain sa labas. Inaya nito si Yen at tinawanan niya lang ito.

" ikaw nalang mag-isa. Ipagtake out mo nalang ako. O kaya ay mag take out ka nalang para dito tayo kumain. " sabi ni Yen.

" bakit ayaw mo lumabas? gusto mo lang magkulong dito? " sabi nito.

Napahalakhak si Yen.

" lumulobo na ang tiyan ko. Baka mapagkamalan kang asawa ko. Baka hindi ka na magka girlfriend." sagot ni Yen.

Ngumuso lamang si Joseph.

" Hindi naman. "

" sayo hindi, pero sa mga nakakakita oo. "

Wala itong nagawa kundi umalis mag-isa.

Nakakatuwa pa dito ay pag dumarating ito ay hahaplos sa nakaumbok niyang tiyan. Medyo nakakadam siya ng pagkailang pero sabi ni Rowena ay ganoon daw talaga si Joseph. Kahit sa kanya. Kaya nakasanayan na niya na palagi nitong kinakausap ang kanyang anak.

Excited si Jason na maghanda ng hapunan. Inayos nito ang lamesa habang si Yen ay nagbibihis. Paglabas ni Yen ay nakangiti ito.

" gulay ang niluto ko para healthy ka. Gusto ko kumain ka ng marami ha? " sabi nito.

Napangisi naman si Yen sa itsura nito. Hindi niya alam kung anong nakain nito. Inalalayan siya nitong umupo sa upuan. Medyo I-ika-ika na siyang lumakad dahil medyo maumbok na na talaga ang ang kanyang tiyan. Naupo siya at pinanood itong magsandok mg kanin sa plato niya. Natawa siya dahil dalawang kaldero ang nakalagay sa lamesa. Isa ay kanin at isa ay....

Dinungawan ni Yen ang niluto nito.

" upo yan na may giniling." sabi ni Jason

" eh?"

Totoong upo nga iyon. Pero ang isang kalderong yon ay puno ng sabaw at lumulutang ang mantika. Nakikita niyang lumulutang ang gulay ang mga taba ng baboy. Anupa't parang kaning baboy ang itsura nito. Natawa si Yen. At least nag effort.

" bakit naman pang pagkain ng baboy ito? "

Nawala ang kaninang magandang ngiti ni Jason. Natigilan naman si Yen. Talagang hindi siya marunong magpigil. Nasabi na niya at di na yon mababawi pa.

" pero pwede na to... Laman tiyan din ito tara na kumain na tayo. " aya ni Yen kay Jason.

Tinikman ni Yen ang niluto ni Jason. Biglang sumama ang kanyang mukha. Bukod sa napakaraming mantika, lunod sa sabaw ay sobra sobra naman ang alat. Tila isang balot na asin ang nilagay nito doon. Hindi niya talaga makakain iyon. SOBRANG ALAT.

Hindi ni Yen alam kung papano niya sasabihin na maalat ito. Pero hindi niya talaga kayang kainin ang niluto nito.

Pinilit niyang ubusin ang pagkain sa kanyang plato.

" ayaw mo ng ulam?" tanong ni Jason.

" gusto ko. Pero kase parang ayaw ng ginhawa ko. " nilagyan niya ng bahid na pag-iinarte ang tono niya.

" parang gusto ko ng Egg at singkamas."

" gabi na, saan tayo kukuha ng singkamas?"

" egg nalang. sunny side up. ako nalang gagawa. bukas mo nalang ako ibili ng singkamas. "

Tumayo si Jason at nagprisintang magluto nito. Sinabihan ito ni Yen na wag lalagyan ng asin. Inaalala niya kase na baka sing alat din ito ng gulay na ihinanda sa kanya.

Hindi totoong gusto niya ng singkamas. Sinabi niya lang iyon. Kahit papano ay hindi na ito ma-ooffend pag di niya kinain ang niluto nito. Magkakasakit siya sa bato.

Noong araw na iyon ay maganda ang mood nila pareho. Kaya naisip ni Yen na na kausapin na ito. Subalit katulad mg dati, kapag mag uumpisa na siyang magsalita ay magpapa-alam na ito para matulog. At bago pa man siya sumagot ay naghihilik na ito.

Hindi kaya ni Yen na dibdibin lahat ng kanyang sama ng loob. Baka pumangit ang kanyang anak at magmukha itong pinaglihi sa sama ng loob. Baka pumangit ito at mabully balang araw.

Kinuha niya ang kanyang cellphone.

Doon sa messenger ay nag type si Yen.

[ Sana magkaroon ka din ng pagkakataon na pakinggan ako. Alam ko na bago din sayo ang mga bagay na ito. Nauunawaan ko na hindi ka handa. Pero ako din naman ee. Nag-aadjust din ako. Hindi ka handa? hindi din ako handa.Pareho lang tayo. Pero dahil tayo ang gumawa nito. Huwag mo naman akong iwanang mag isa. Kailangan kita. Kalailanga ko ng karamay. (¬_¬) Yong makikinig at makakaunawa. Durog na durog akong mamuhay na parang hindi mo nakikita. Minsan naisip kung mahal mo ba ako talaga? Hindi ko gusto na sa ganitong paraan kita makausap. Pero malapit na akong mapuno at sumabog anumang oras. Hindi ako sure kung babasahin mo ito o hindi. Pero sa ganitong paraan ay mailalabas ko ang nasa loob ko. Wala akong mapagsabihan na kahit sino. Dahil kailangan kong alagaan ang reputasyon mo sa ibang tao. Mahal kita. Pero napapagod na ako. ]

Ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob. Para lang maibsan ang bigat sa kanyang dibdib. Sana lang ay makita ito ni Jason... Mas mabuti yon kesa magsalita siya. Mas safe at walang makakarinig na iba. At least, nasabi niya.