Chereads / Academia / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

*KNOCK KNOCK*

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nag-inat muna ako ng kaunti bago bumangon.

Inaantok pa ako. Nakanguso kong binuksan ang pinto. Bumungad naman sakin ang nakangiting si Ms. Hopkins.

"Good morning Alethea!" Bati nya sakin. Mukhang masayang masaya ang umaga nya.

"Good morning.." nginitian ko lang sya.

"Hinahanap ka na ni Mr. Kyungsoo sa labas. Kanina ka pa nya hinihintay, kanina pa din kita kinakatok pero mukhang napagod ka kahapon." Pagkasabi nya non ay pumunta na sya sa kwarto nya.

Bakit naman ako hahanapin ni Mr. Kyungsoo? Oh shit-- anong oras na ba?!

Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Nag-suot lang ako ng simpleng jeans at puting crop top.

Paglabas ko ay kumuha lang ako ng isang tinapay na nakapatong sa lamesa. Hindi na ako nakapag paalam kay Ms. Hopkins na nasa kwarto nya. Lumabas na ako at nakita ko si Mr. Kyingsoo na nakangiti sakin habang nakasandal sa pader.

"Sorry na late ako--"

"Haha! It's okay. Mukhang napagod ka kahapon." Napatitig naman ako sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang tumawa.

Nginitian ko lang sya. Nagsimula na syang mag-lakad kaya sinundan ko sya.

"Alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito diba? Wag kang kakabahan sa ibang tao rito, lahat tayo dito ay kakaiba. Lahat tayo ay may mga hindi maipaliwanag na kapangyarihan." Sinulyapan nya ako at ngumiti.

"Pag-aaralan natin dito ang iba't ibang uri ng kapangyarihan. Kasama na don ang kapangyarihan mo. At kung paano mo ma ko kontrol yon."

Napatigil ako sa sinabi nya. Napansin nya ata ako kaya huminto din sya. Nawala ang mga ngiti nya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya.

"M-May problema ba?" Tanong nya sakin.

"P-Paano ko pag-aaralang kontrolin ang kapangyarihan ko kung hindi ko nga alam kung anong uri ng kapangyarihan ang m-meron ako?"

Natawa sya sa sinabi ko. May nakakatawa ba don?

"Junior ka palang naman. Iyan ang unang pag aaralan nyo. Tutuklasin nyo kung anong uri ng kapangyarihan ang meron kayo." Nginitian nya lang ako at hinawakan ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy ron.

Hindi ko na yun pinansin. Siguro ay ngayon nya lang ako hinawakan kaya ganon.

"Tara na." Hinila nya ako at tumakbo. Hindi ko alam kung saan nya ako dinala.

Huminto kami sa napakalawak na field. Hindi naman gaanong mainit dito dahil sa maraming puno. Wala rin masyadong studyante dahil may mga klase sila.

"Ito ang field ng Academia. Dito madalas magpalipas ng oras ang ibang studyante. Kadalasan din dito nagaganap ang ibang events ng school."

"Guato mo bang magpahinga muna dito?" Tanong nya sakin.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Di ko malimutan yung paghawak nya sa kamay ko. sya lang ang ka una unahang lalaking humawak sa kamay ko. Siguro ay naninibago lang ako.

"Dadalhin nalang kita sa paboritong lugar ko dito sa Academy. Walang tao ron, mas presko din ang hangin. Gusto mo dun ka nalang magpahinga?"

"S-Sige." Nguniti lang ako sa kanya.

Napasinghap ako nang hawakan nanaman nya ang kamay ko. Naglakad lang kami papunta sa paboritong lugar nya dito sa academy.

Nasa likod ito ng student council. Hindi talaga masyadong napupuntahan ng mga studyante ang lugar na ito dahil masyadong tago dahil sa mga puno. Hindi ko sya masisisi kung ito ang naging paborito nyang lugar dito sa academy.

Napaka tahimik at sariwang sariwa ang hangin. Mas marami ring puno't halaman dito. Masasabi kong maganda magpahinga dito. Naupo kami sa gilid kung saan sinasandalan namin ang pader ng building.

"Nagustuhan mo ba dito?" Tanong nya nang maka upo na sya sa tabi ko. Binitawan na din nya ang kamay ko

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali pag hawak nya ang kamay ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Nagulat ako ng hawiin nya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at inipit yon sa likod ng tainga ko.

Napatingin ako sa kanyanl na nakangiti habang pinagmamasdan ang buhok kong inayos nya. Nakangiti na parang tuwang tuwa sa ginawa nya. Napatingin sya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Ang ganda mo." Kahit hindi ako naka tingin ay kita ko ang mga ngiti sa kanyang labi. Naramdaman kong nag init ang magkabilang pisngi ko.

A-Ano bang sinasabi nya? N-Nababaliw na ba sya?

Hindi ko sya pinansin at itinuon lang ang pansin sa mga halamang may magagandang bulaklak.

Maya-maya ay biglang kumalam ang sikmura ko. Napatingin agad ako kay Mr. Kyungsoo. Naka kunot ang noo nito habang nakatingin sakin.

"Hindi ka ba kumain nang agahan?" Tanong nya sakin habang naka kunot pa rin ang noo.

Nahihiyang umiling ako. Magsasalita na sana ako nang tumayo sya at hawakan ang kamay ko, saka nya ako hinila paalis don.

Habang hila-hila nya ay nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay, napakabilis nang tibok ng puso ko.

Pumasok kami sa class rooms building ng academy at maya maya ay huminto kami. Nandito na kami ngayon sa canteen

Pinaupo nya ako sa bakanteng upuan doon at umalis sya para pumunta sa counter. Nagtaka ako nang Nagsitabihan ang ibang studyanteng nakapila para paunahin si Mr. Kyungsoo.

Pagbalik nya ay may hawak na syang isang tray nang pagkain. Sa likod nya ay may dalawa pang lalaking may hawak ding tig-isang tray.

Parang ang dami naman? Para samin lang ba to?

Pagkalagay ng tray ay umalis na din ang dalawang lalaki. Naupo na din si Mr. Kyungsoo sa harap ko.

"Eat." Yun lang ang sabi nya.

Kumuha naman ako nang pagkain. Isang kanin at menudo lang kinuha ko. Amoy palang ng pagkain ay alam mong masarap na. Nagsimula na akong kumain

Napansin kong hindi pa kumakain si Mr. Kyungsoo kaya napatingin ako sa kanya.

"Mr. Kyungsoo--"

"DO. Do ang itawag mo sakin." Putol nya sakin.

(A/N: Pronounciation; Di-o. DO as in D O lang. Share ko lang malay mo 'do' pala basa mo hehe.

Exo's DO Kyungsoo everyone! )

"D-DO, hindi ka ba k-kain?" Tanong ko. So DO pala pangalan nya. First time ko syang tawagin sa first name nya kaya medyo nautal ako.

"Nope. Lahat nang pagkain na yan ay para sayo. Panonoorin lang kitang kumain hanggang sa mabusog" pagkasabi nya non ay ngumiti sya.

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Tititigan nya lang ako dito?

"A-Ano? Kumain ka nga! H-Hindi ako makakakain nang maayos." Pagkasabi ko non ay sumimangot ako.

"H-Hey! Stop with that f-face! Wag ka ngang sumimangot. Sige na kumain ka na."

Nagpatuloy na ako sa pagkain hanggang sa naubos ko na yon. Hindi ko din nagalaw yung ibang pagkain.

"Sayang yung pagkain. Ang dami mo kasing inorder e." Sabi ko sa kanya habang naglalakad paalis don.

"Ang mahalaga ay busog ka. Libre lang pagkain natin dito tapos magpapakagutom ka?" Sermon nya sakin na parang tatay ko sya.

"Nagmadali kasi ako kanina. Late na ako nagising at sinabi ni Ms. Hopkins na nag-aantay ka sakin. Hindi na ako kumain para di ka na maghintay--"

Huminto sya at humarap sakin. Hinawakan nya muli ang kamay ko at bumilis nanaman ang tibok nang puso ko. Ano bang nangyayari sakin?

"Take your time. Huwag mong alalahanin kung gaano ako katagal na naghihintay sayo. Kaya kong mag antay kahit gaabo katagal, basta para sayo." Makahulugang sabi nya sakin.

Natulala lang ako sa kulay lila nyang mga mata.

"Kyungsoo!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan nya ang kamay ko.

May lalaking lumapit kay DO. Kulay itim ang mga mata nito. Medyo may kahabaang buhok at may katangkaran din.

Nag bow sya sakin kaya nag bow din ako sa kanya.

"Pinatatawag kayo ni Madame."

***