Chereads / Academia / Chapter 10 - Chapter Ten

Chapter 10 - Chapter Ten

Alethea Torres' POV

Isa-isa ng lumapit ang mga kaklase ko kay Mrs. Lim. Kahit alam kong nasa pinakadulo ako ay masyado ang kaba sa aking dibdib. Hindi maalis sa isip ko ang biglang pagtingin sa akin ni Mrs. Lim.

Iba kasi ang tingin nya. Parang may kakaiba syang nakita sa akin na hindi ko alam kung ano. Sa pagkakakunot ng noo nya ay parang may nalalaman sya sakin. Ang hirap ipaliwanag. Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa akin. Inisip ko nalang na siguro ay ngayon lang nya ako nakita dito. Yeah, tama.

"Lloyd Simpson!" Napatingin naman ako kay Mrs. O' Doherty ng isigaw ang pangalan na yon. Tumayo naman ang isa sa mga kaklase kong nasa tabi ni Summer.

Sht. Malapit nako. Tuloy ay bumalik ang kaba ko. Sht. Sht. Sht. Sht. Hindi ako mapakali. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Death Inscription." Rinig kong sabi ni Summer. D-Death--what? Anong ibig sabihin non?

"Summer Gardner." Nginitian naman ako ni Summer bago sya tumayo at pumunta sa harap. Inilahad nya ang palad nya kay Mrs. Lim at hinawakan naman nya yon. Nakapikit ito habang hawak ang kamay ni Summer maya maya ay biglang kumunot ang noo nito at tumingin ng deretso kay Summer.

Si Summer naman ay inaabangan ang sasabihin ni  Mrs. Lim sa kanya.

"Suicide Inducement." Sabi ni Mrs. Lim. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Ano bang ibig sabihin non? Bumalik na si Summer sa kanyang upuan. Mukhang hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Mrs. Lim. Iyon ba ang kapangyarihan nya?

"Alethea Torres!" Napatayo naman ako bigla. Dahan dahan akong naglakad sa harap. Nanginginig nanaman ang mga kamay ko.

Pagdating ko sa harap ay ngumiti sa akin si Mrs. Lim. Nawala naman ng kaunti ang kaba ko.

"Isa kang Torres." Parang hindi makapaniwala si Mrs. Lim. Ano bang meron kung isa akong Torres? Psh! Pakiramdam ko tuloy ay wala akong alam.

Inilahad ko ang kamay ko at hinawakan nya yon. Napakalambot ng kamay nya. Magaan ang pagkakapatong ng kamay nya sa palad ko. Kumunot ang noo nito. Kunot na kunot na tila hirap na hirap na alamin kung anong kapangyarihan ang meron ako. Maya maya ay iminulat nya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin.

"Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres." Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Ang dami naman non? Iisa lang ba ang ibig sabihin non?

Bumalik na ako sa upuan ko ng tulala. Authority Manipulation, Sovereignity Manipulation, Marionette Manipulation. Fudge! Ugh! Nahihilo na ako sa Manipulation na yan.

"Academians, we'll see each other tommorrow morning. Sa ngayon ay iyon lang muna ang gagawin natin. Have a great day!" Sabi ni Mrs. O' Doherty na parang napipilitang ngumiti.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko kaya lumabas na rin ako. Tahimik lang akong naglalakad pabalik sa dorm namin.

Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres.

Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres.

Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres.

Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres.

Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres.

Authority Manipulation. Marionette Manipulation. Sovereignity Manipulation. Isa ka ngang Torres.

"Aray!" Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may bumatok sa akin. Ang sakit non at parang nakalog ang utak ko.

Masama ang tingin kong lumingon sa likuran ko at lalo akong nainis kung sino ang gumawa non sa akin.  

"Ano vang problema mong lalaki ka ha?! Bakit ka ba nambabatok?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Ang sakit ng ulo ko! Napaka bwisit talaga nitong Pork na to! Palibhasa walang magawa!

"Kanina ka pa tulala habang naglalakad. Tinatanong kita kung anong nangyari hindi mo ko pinapansin! Tsaka bakit ka ba sumisigaw? Taga bundok ka ba? Ang ingay mo." Reklamo nito sakin.

"E bakit kailangan mong mambatok? Ha?!" Tanong ko sa kanya sa ka sya inambaan ng suntok. Agad naman nyang hinawakan ang braso ko. Ang higput non at habang tumatagal ay lalong sumasakit.

"Wag mo kong subukan Torres. Kung nasanay kang ganyan sa mundong kinalakihan mo, ibahin mo ang ugali mo." Sabi nito.

"A-Aray! C-Chanyeol nasasaktan ako! Ano ba?!" Sabi ko saka ko hinila ang braso ko. Namumula ito sa sobrang higput ng hawak nya. Psh! Ang sama talaga ng ugali!

"Sinong nagsabi sayong tawagin ako sa pangalan ko? Wala kang karapatang tawagin akong 'Chanyeol'.  Mr. Park ang dapat mong itawag sa akin." Pagkasabi nya non ay nauna na syang maglakad.

Psh! Ano bang problema nya? Pangalan nya yon at walang masamang tawagin sya gamit yon. Napaka arte! Akala mo kung sino!

Naglakad na ako pabalik sa dorm at naabutan ko ang kambal na nag uusap. Napatingin sila sa akin at sabay na patakbong lunapit sa akin.

"Kamusta ang first day mo?" Tanong agad sa akin ni Winter.

"Masaya ba? May friends ka na ba?" Excited na tanong naman ni Snow.

Ang cute nilang dalawa. Niyakap ko sila at sabay kaming pumasok at doon nagkwentuhan. Ang saya lang na may kaibigan akong tulad nila. Pagkatapos non ay naghanda na kami ng pagkain at sabay sabay na nag tanghalian.

Nagpaalam naman ang kambal na kailangan nilang pumunta sa library kaya naiwan akong mag isa dito sa dorm. Pumasok nalang muna ako sa kwarto ko at nahiga. Kamusta na kaya si DO? Bigla ko tuloy siyang na-miss.

Sana ay matagalan ko ang ugali ng Mr. Park na yon! *sigh* kaunting tiis nalang ay makikita ko na ulit si DO. Okay lang naman kasama si Mr. Park e, masama lang ang ugali! Pati pangalan ipinagdadamot. Psh!

Napabangon naman ako ng narinig kong may kumatok sa pinto ng dorm. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pinto. Laking gulat ko ng makita si Jongdae.

"Jd!" Sabi ko at niyakap sya. Namiss ko rin sya pati na rin ang dalawa nyang kasama.

"Kamusta ka? Pasok ka muna." Anyaya ko sa kanya.

"A-Ah. Hindi na, pumunta lang ako para idaan itong sulat. Ipinabibigay yan ni DO sayo." Sabi nya at iniabot ang isang papel. Tinanggap ko naman yon.

"Salamat. Basta sa susunod dumalaw ka ulit ha? Isama mo yung dalawa mong kasama." Sabi ko sa kanya.

"Sige. Mauna na ako may kailangan pa kasi akong puntahan." Sabi nya at nag bow sa akin. Nag bow din ako sa kanya at saka sya umalis.

Tiningnan ko naman ang papel na hawak ko. Napangiti ako. Naalala nya ako. Nakangiti akong pumasok sa kwarto at binasa ang sulat na galing kay D.O

...