Park ChanYeol's POV
Ng marating ko ang class room nila ay dali dali akong pumasok. Tila hindi nila naramdaman ang presensya " Sigaw nya ng akmang lalapitan sya nang kaniyang guro.
Wala naman nang nagawa ang kaniyang guro. Puno ng luha ang mga mata nya at hindi ko alam ang nararamdaman ko. Parang hindi ko sya kayang nakikitang nasasaktan.
Dali dali ko syang nilapitan. Lumuhod ako at dahan dahang lumaput sa kaniya.
"M-Mr. Park.. P-Please.. W-Wag kang lalapit.." pakiusap nya sakin. Ilang hakbang nalang ang layo ko mula sa kanya.
"Torres. Tumingin ka sakin. Tumingin ka sa mga mata ko." Utos ko sa kanya at dahan dahang lumapit.
Umiling iling naman sya na parang sinasabi na huwag na akong lumapit. Umatras pa ito hanggang si isinisiksik na lang nya ang sarili.
"Torres, Makinig ka. Tumingin ka sa mga mata ko." Hindi naman ako nahirapan dahil agad nyang sinunod ang mga yon. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.
Nakita ko humuhupa ang paglabas ng usok sa palad nya. Ng makalapit na ay agad nya akong niyakap ng mahigpit. Hindi naman ako nakagalaw sa kinaluluhuran ko. Rinig ko ang mga hikbi nya. Hindi ko alam pero parang gumaan ang loob ko. Sht. Ano bang nangyayari sakin?
"M-Mr. Park. Natatakot ako.. h-hindi ko alam ang-ang gagawin ko. P-paano kung ma-makasakit ako?" Sabi nya sa gitna ng pagluha nya.
"Shhh.. hindi mangyayari yon." Hinagod ko ang likod nya. Lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
Napatingin naman ako sa guro nya at tinanguan ito. Naintindihan nya naman yon at pinauwi na muna ang ibang studyante.
"Mr. Park, kailangan mo nng tulong?" Tanong naman sa akin ng guro nya. Inilingan ko lang ito.
Ilang minuto ang lumipas at tumigil na ito sa pagluha. Lumuwag na din ang pagkakayakap nya sa akin. Dahan dahan ko naman siyang iniharap. Hinawi ko ang ilang luha sa pisngi nya. Napatingin naman sya sa akin.
"Kaya mo bang tunayo?" Malumanay na tanong ko sa kanya. Dahan dahan naman itong tumango.
Dahan dahan naman akong tumayo at inalalayan sya sa pagtayo. Ramdam ko ang higpit na pagkapit nya sa akin. Nanghihina sya dahil sa paglabas ng usok na yon. Nakuha lahat nito ang lakas ng katawan nya.
Nagulat sya ng bigla ko siyang binuhat.
"M-Mr. Park. K-Kaya ko naman maglakad." Sabi nya, nahihiya.
Hindi ko sya sinagot at tumingin lang ako sa kanya. Nakita ko ang pamumula sa mukha nito. Pinipigilan ko namang ipakita ang ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit.
Tumingin nalang ako sa dinadaanan at hindi pinansin ang ilang mga studyanteng pinagtitinginan at pinagbubulungan kami.
Dinala ko sya sa clinic. Agad naman kaming sinalubong ng nurse at tinanong ang nangyari. Inihiga ko sya sa higaan, doon ay hinayaan ko na ang nurse na gawin ang kailangan nya. Umalis ako ron at nagpunta sa labas ng clinic, inaantay na tawagin ako ng nurse at sabihing tapos na.
---------------------♡
Alethea Torres' POV
Bumalik lahat. Lahat lahat. Ano bang nangyayarisa akin? Natatakot na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ang puting usok. Ang paghapdi nito. Yung pakiramdam na may gustong kumawala sa akin. Ang ang pagmamanhid at pagsusugat ng mga palad ko. Bakit ako nagkakaganito?
Tinapos na ng nurse ang ginagawa nya. Nilagyan nya ng benda ang pareho kong palad. Para akong mam bo-boxing. Psh. Lumavas na ang nurse at nakahinga ako ng maluwag.
Hindi ko masagot ang mga tanong nya. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam ang dapat isagot.
Ano bang kinalaman ng pagiging Torres ko sa kapangyarihang taglay ko? Punong puno ako ng tanong. Kailangan ko ng sagot. Pero, paano?
"Are ypu feeling well?" Napatingin ako sa lalaking kararating lang. Mr. Park.
Tiningnan ko lang sya. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung okay na ba ako. Hindi ko alam.
"You look pale. Is anything wrong?" Tanong nya ulit.
Bumibilis ang pag hinga ko. T-This feeling. Ayan nanaman.
"Nurse! Nurse!" Rinig kong sigaw ni Mr. Park.
Nararamdaman ko nanaman yon. Iyong pakiramdam. Mas malakas. H-Hindi ko kaya. Nakita ko kung paano nasisira ang benda na nakabalot sa buong kamay ko. Ramdam ko ang sakit at hapdi kung paano ulut ako masugatan.
"Aghhh!" Hindi ko mapigilang magsisigaw sa sakit.
"Torres. Calm down." Napabitiw si Mr. Park ng hawakan nya ang braso ko.
"Aghhhh! Ayoko naa!" Unti unting nanlalabo ang paningin ko. H-Hindi ko na kaya. Agh! Hindi ko alam ang nangyayari. Naaninag ko ang ilang taong papalapit sa akin.
Hindi nila ako mahawkan o masalat man lang. Nanghihina ako. H-Hindi na ako makahinga ng maluwag. Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko.
"A-Ayoko.. na.."
------------------