DO Kyungsoo's POV
Salita ako ng salita habang naglalakad, hindi ko alam na wala na pala sa tabi ko yung kausap ko. Nakita ko sya na titig na titig sa isang practice room.
Tutok na tutok sya sa pinapanood. Ang ganda nya tingnan. Makikita mo sa hitsura nya ang pagkamangha.
"Alethea?" Tawag ko sa kanya saka naglakad papunta sa direksyon nya.
Baka gabihin na kami at mapuyat sya. Baka mapagalitan din ako ni Madame Aurora. Medyo malapit na ako sa kanya ng biglang sumabog ang practice room na yon.
"Agh!" Narinig kong sigaw ni Alethea.
Tumilapon ako sa kung saan. Tumama ang likod ko sa pader. Napakasakit non dahil sa lakas ng pagkakatama ko. Medyo nakaramdam ako ng hilo.
Si Alethea.
Parang nawala lahat ng sakit sa katawan ko. Masyado syang malapit sa practice room ng sumabog ito. Puro usok lang ang nakikita ko. Mag ga-gabi na din kasi kaya medyo madilim na. Naglakad ako papunta sa practice room na ngayon ay sira sira.
"Alethea?" Sigaw ko ngunit wala akong nakuhang sagot. Lalo akong nag-alala.
Naglakad pa ako papalapit sa practice room na sira. Ano bang ginawa nila dito at ganito ang nangyari?
Sa di kalayuan ay may nakita akong babaeng nakahandusay sa sahig at walang malay. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan ito, dahil malayo palang ay kilala ko na sya.
"Alethea!" Mukhang dito sa tumilapon. Medyo may kalayuan din ito sa practice room na sumabog.
Wala syang malay at hindi sya humihinga. Masyado syang malapit kanina sa practice room kaya posible lang na mangyari ito. Binuhat ko sya at inilabas doon.
Pumunta ako sa classroom's building at dinala si Alethea sa clinic. Pagpasok ko ron ay sinalubong agad ako ng dalawang nurse. Dahan dahan ko namang inihiga si Alethea si isang higaan ron.
"Ikaw na muna ang bahala." Alam naman na nila ang gagawin nila. Lumabas ako ng clinic at bumalik sa practice rooms. Chineck ko muna ang mga dorms kung may mga studyante bang nagising. Madadaanan muna kasi ang dormitory bago ang practice rooms.
Sinalubong agad ako ni madame na nag aalala ang mukha.
"Kamusta si Ms. Torres?" Salubong nya agad sakin.
"Dinala ko na po sya sa clinic. Masyado po syang malapit nung nangyari yung pagsabog kaya nawalan sya ng malay."
"Malalagot ako nito kay Loisa." Narinig ko pang bulong nito bago umalis.
"Delikado ang ginawa nila." Sabi naman ni Xiumun habang umiiling.
Nakita ko naman si Baekhyun na lumabas mula sa loob ng pinangyarihang pagsabog. Nadamay ang dalawang katabi ng room na yon. Nasira din ang pader nito.
They're allowing students with rare powers to practice here? In this kind of building? Sana inisip nila kung gaano kalakas ang ipekto ng mga kapangyarihang inilalabas ng mga estusyanteng pinapayagan nilang mag practice rito.
Magpapagawa nalang ng building, yung hindi pa matibay.
"May isang babae sa loob, mukhang kasama sya ni Anthony." Ani Baekhyun ng makalapit na samin.
"Dadalhin ko na sila sa clinic." Sabi naman ni Kai.
Pumasok sa loob si Kai at sumunod naman si Chanyeol para tulungan si Kai sa pagbubuhat. Bumalik din si Baekhyun para gumawa ng liwanag.
Wala pang sampung segundo ng lumabas ang dalawa. Wala na si Kai dahil nasa clinic na yon.
"Nasa clinic na yung dalawa! Nandoon na din si Kai!" Sigaw pa ni Baekhyun habang papalapit sila samin.
"Ang ingay mo, Baek. Tigilan mo nga yan. Lalo akong nawawala sa mood ng dahil sayo." Inis na sabi naman ni Chanyeol.
Ang mga isip bata. Tsk. Tsk.
Nagsumula na kaming maglakad papunta sa clinic. Nilapitan ko muna si Chanyeol.
"Ano nanamang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yung sira ulong Jongin(Kai) na yun e. Hindi manlang tayo sinabay. Pinaglakad pa tayo! Inaantok na ako e." Halatang inis na inis ito.
Napailing nalang ako sa sinabi nya.
Pagkarating namin sa clinic ay nilapitan ko agad si Alethea. Samantalang ang iba ay nandun kay Anthony at sa kasama nyang babae. Lumapit naman agad sakin ang nurse.
"Mr. Kyungsoo" sani nito at nagbow muna.
Tinanguan ko lang sya at hindi inalis ang tingin kay Alethea na mahimbing ngayon ang tulog.
"Ayos na po sya Mr. Kyungsoo, baka po bukas ng umaga ay magising na din sya." Paliwanag nito.
"Yung mga sugat?" Tanong ko. Marami rami rin syang gasgas at mga sugat.
"Gagaling na din po agad. Mawawala na po bukas ng umaga yan kasabay ng peklat." Nakangiting sabi nito.
"Good." Pagkasabi ko non ay nag bow ulit sya at umalis na.
Kumuha naman ako ng upuan at naupo sa gilid ng higaan nya. Dumukdok ako sa maliit na space ng higaan at hinawakan ang kamay nya.
---
Alethea Torres' POV
"Uy, gumagalaw."
"Baka gising na. Ang ingay mo kasi e."
"Jd, ikaw na kumausap. Kilala mo naman yan e!"
Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko a ly tatlong boses agad ng lalaki ang narinig ko. Dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko at agad ring napapikit dahil sa sobrang liwanag. Iminulat ko parin ito ng dahan dahan at di nagtagal ay nasanay na ako sa liwanag.
Tatlong mukha agad ang nakita ko. Nakakunot ang noo nilang tatlo kaya napakunot din ako ng noo. Umayos naman sila ng tayo. Lumapit naman ang isang lalaki sa akin. Parang pamilyar yung mukha nya e.
"Alethea.." sabi nito. Parang pamilyar talaga sya e. Ano nga bang pangaln nito? Hmm..
"J-J-J.. JD!" Sabi ko ng maalala ko kung sino sya. Napangiti naman agad ito.
"Yes! Naalala mo pa ako." Napangiti naman ako sa ka cute-an nya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Oo nga pala, ano nang nangyari kagabi?
Bakit parang hindi na masakit yung katawan ko? Wala naman ako dito kagabi e. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kaliwang kamay ko.
Napangiti ako. Nakita ko si DO na natutulog. Tulog na tulog sya at hindi man lang nagising sa ingay namin. Halata sa kanya ang pagod. Medyo magulo yin ang buhok nito at maalikabok pa ng kaunti ang uniform nya. Nakadukdok ito habang nakahawak sa may ko.
Hindi ba sya nangangawit?
"Kagabi pa sya dyan. Ginising namin sya kagabi para umuwi sa dorm, pero ayaw. Nagagalit pa samin, kesyo dito daw nya gusto matulog. Babantayan ka daw nya hanggang sa magising ka." Sabi pa ni JD.
Gumlaw galaw naman si DO. Senyales na nagising ito. Nag inat muna sya ng katawan at napatingin sakin.
"Good morning DO.." bati ko sa kanya.
Inayos naman nya agad ang buhok nya. Parang hindi sya makapaniwalang gising na ako.
"G-Good morning.." bati nya din.
"T-Teka? T-Tinawag m-mo syang D-DO? P-Pinayagan ka n-nyang--"
"Baekhyun." Putol ni DO sa lalaking nagsalita.
May itim itong buhok at kulay abong mga mata. Ang cute nya. Pero mukhang mas bata ang isa pa nilang kasama na kulay itim din ang buhok pero light blue ang mata. Hihihi
"Sabi ko nga mananahimik ako e." Bulong pa ni Baekhyun.
Naguguluhan man ay natawa ako sa kanila. Dumating naman ang nurse at inihanda ang pagkain ko. Lumapit ako sa lamesa at kumain. Inalalayan naman ako ni DO na maupo at inayos ang pagkain ko.
"Close mo na agad sila?" Tanong ni DO
"Hindi naman. Kilala ko na kasi si JD. Saka hindi naman sila mahirap pakisamahan." Sabi ko habang kumakain.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya sakin.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Maya-maya ay natapos na akong kumain.
"Teka lang kakausapin ko lang yung nurse." Paalam naman ni DO.
Pagka alis na pag ka alis ni DO ay lumapit agad ang tatlong lalabi na ito sakin.
"Kayo na ba?" Tanong naman ni Baekhyun.
"May guato ba sya sayo?" Tanong naman ng lalaking cute.
"Sya ba nagsabi sayo na tawagin mo syang DO?" Tanong naman ni JD.
Sabay sabay nilang tanong sakin. Natawa nalang ako sa kanila at napailing. Lalo akong natawa ng sabay sabay silang ngumuso.
"E bakit ganon sya sayo?" Tanong naman nung cute na lalaki.
"Ako nga pala si Xiumin. Miyembro rin ako ng exotic." Pagpapakilala naman nya. At nag bow sakin, nag bow din ako at ngumiti.
"Ako naman si Baekhyun. Kasama din ako sa exotic. Ako ang pinaka cute sa kanilang lahat." Sabi naman nito na ikinatawa ko.
"Oy! Hindi kaya! Ako kaya ang pinaka cute!" Angal naman ni Xiumin.
"Hindi kaya! Ako kaya!" Sabi naman ni Baekhyun. Nakakatawa sila. Para silang bata kung umasta.
"Anong pinag uusapan nyo dyan ha?" Tanong naman ni DO na papalapit.
"M-Mr. Kyungsoo!" Napalingon naman kami sa nurse na kumakaripas ng takbo papunta sa direksyon namin.
"M-Mr. Kyungsoo.. W-Wala na si A-Anthony.."
---