Alethea Torres' POV
walang umimik ni isa sa amin. Wala na? Anong wala na? P-Patay na? Teka nga, sino ba yung Anthony na yun? B-Bakit sya n-nawala?
Nilapitan naman ni DO ang nurse at may ibinulong dito. Nagtanguan lang sila at bumalik na si DO sa higaan ko.
"So ano? Kaya mo na?" Tanong sakin ni DO.
Tumango ako at inayos ang sarili ko. Tinulungan din si DO ng ibang member ng exotic para alalayan ako. Hinatid din nila ako hanggang sa dorm.
Si DO naman ay inihatid ako hanggang sa sala lang. Bawal daw kasi talaga ang pumasok sa ibang dorm. Lalo na't babae raw ako, baka kung ano daw ang isipin ng iba. Sabagay may punto sya ron.
Nahiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata. Ang bilis ko naman ata gumaling? Wala ring kahit isang sugat o gasgas sa balat ko. Ano kayang ginawa nila sakin?
Umiglip lang ako saglit at bumangon na ulit. Hapon na nang magising ako, kaya naligo na ako. Lumabas muna ako ng dorm. Wala din naman don si Ms. Hopkins. Ano na kayang nangyari sa kanya?
Naglakad lakad lang ako dito sa hallway. Hindi naman na din ako maliligaw kung umalis ako ng dormitory building dahil medyo kabisado ko na ang Academia.
"Alethea!" Napalingon ako sa tumawag sakin.
Lumapit ito sakin at hinihingal. Mukhang ang layo ng tinakbo nya ah?
"Oh? Bakit Baekhyun? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"P-Pinapa- s-sabi sakin ni K-Kyungsoo na--"
"Magpahinga ka nga muna." Sabi ko sa kanya at hinila sya papunta sa garden. Naupo kami sa isang bench roon. Medyo hindi na din sya hinihingal dahil nakapagpahinga kami ng saglit.
"Pinapasabi kasi ni Kyungsoo na lilipat ka na daw ng dorm. Actually, si madame Aurora ang may sabi non." Lilipat ako ng dorm?
Nagtaka naman ako. Bakit? May problema ba? Wala namang nangyaring masama ah?
"Hindi sinabi sakin ang dahilan e. Pero nasa office na sila kinakausap nila ang magiging roommate mo. Dalawa sila. Magkapatid. Sabihin na nating kambal. Haha! Mababait yun!" Masaya nyang sabi.
May bago na akong ka room mate? Yes! Kaso, paano si Ms. Hopkins? Ano ba talaga kasi ang nangyayari?
Dinala ako ni Baekhyun sa office ni madame. Nakaupo silang lahat. Si DO at si madame, pati na rin ang dalawang magagandang babae.
Sila ba magiging roommate ko?
Ang puti nilang pareho, sobrang puti at may hawig. Kambal nga sila. Magaganda din sila, yung isa ay mahaba ang buhok na medyo kulot at ang isa naman ay maigsi pero bahagyang kulot rin.
Napatingin sila sakin. Lumabas na din si Baekhyun dahil na rinig kong sumara ang pinto.
Ngayon ko lang din napansin ang mga mata nila. Medyo bughaw ang kulay nito at parang may.. s-snowflake? A-Ano yon? Bat may ganon?
"Oh! Ms. Torres! Nasabi naman na ni Mr. Byun ang tungkol sa paglipat mo diba?" Galak na tanong nito sakin. Napangiti ako at agad na tumango.
"Well.. This twins will be you're room mates! Okay girls introduce yourselves to Ms. Torres." Mukhang masayang masaya si madame. Napatingin din ako kay DO at nakangiti rin ito sakin. Napangiti tuloy ako.
"Hi! I'm Snow and this is my sister Winter! Were really honored meeting you Ms. Torres." Sabi ng babaeng maigsi ang buhok. Snow? Winter? Ang cute ng pangalan nila! Kambal nga talaga sila.
Nagbow sila sa akin kaya nag bow din ako. Mukhang masayang masaya sila na makilala ako.
***
Tinulungan ako ni DO at ng ibang miyembro ng exotic sa paglilipat ng gamit ko. Actually, kaya ko naman. Kaming dalawa lang dapat ang nandito pero makulit tong CBX na to! CBX kasi lagi silang magkakasama, si Chen, si Baekhyun at si Xiumin. Hahaha! Parang hindi na nga sila naghihiwalay e.
Hindi ko na rin naitanong kung bakit kailangan ko pang lumipat. Actually parang mas gusto ko dito. Lagi kasing wala si Ms. Hopkins kaya ang boring sa dorm. Pero dito mukhang hinding hindi ako ma bo-boring! Hahaha! Sa kulit ba naman nitong kambal na to e!
Ganon rin ang hitsura ng dorm na tinutuluyan ko ngayon. Pero mas maaliwalas dito. Sa dorm kasi namin ni Ms. Hopkins ay dark ang kulay ng kurtina kaya laging madilim. Lagi ring tahimik at ang lungkot lagi ng paligid. Pero dito eto mismong salas palang ay malalaman mong masasayang tao ang nakatira rito. Puting manilis na kurtina lang ang gamit nila at maraming paintings sa paligid.
Karamihan sa paintings ay mga snowflakes. Kulay light blue naman ang kulay ng pader nila na may maliliit na ulap. Bagay na bagay talaga ito sa kwarto.
Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog. Aalis na nga pala si DO bukas. Bigla tuloy akong nalungkot. Makakasama ko na si Mr. Park. Hayy!
***
Ngayong araw ay wala ako masyadong gagawin. Tapos na ang lahat ng kailangan ipakita sa akin ni DO. Nakakalungkot lang na aalis sya. Kahit naman isang linggo lang yun.
*knock! Knock!
Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako don at binuksab yon. Yung kambal agad ang bumungad sa akin at ang magaganda nilang ngiti.
"Rise and shine, Ms. Torres!" Sabay nilang bati at nag bow. Nag bow din ako sa kanila.
"Alethea nalang ang itawag nyo sa akin." Naka ngiti kong sabi. Napaka pormal naman kasi nung Ms. Torres.
"May naghahanap nga pala sayo sa labas." Excited na sabi ni Snow sa akin.
"Oo ngaa! Omg! Lagi nya ba tong ginagawa sayo? Kinikiliiig akooo!" Sabi naman ni Winter na ngayon ay nagpipigil ng tili.
Kahit hindi ko sabihin ay alam kong si DO yun. Sya lang naman ang laging gumagawa non.
"Sge paki sabi nalang na paki hintay ako." Pagkasabi ko non ay pareho nila akong tinanguan at umalis.
Pumasok na din ako sa kwarto ko at nag ayos na. Nagsuot lang ako ng simpleng dress na kulay pula. Pagkatapos non ay lumabas na ako sa kwarto.
"Alethea mauuna na kami. May training kasi kami pareho ngayon e. Take care!" Paalam sa akin ni Winter na kasama si Snow. Nginitian ko lang sila at tumango.
Pagkatapos non ay lumabas na ako ng may malawak na ngiti sa labi. Wala naman akong napansin na tao sa harap ng dorm kaya isinara ko muna ito. Pagkasara ko ay napansin ko ang isang lalaking nakasandal sa pader ng dorm namin.
"M-Mr. Park?" Nagtataka kong tanong. Anong ginagawa nya dito?
"Napakatagal mong mag bihis. Kanina pa ako naghihintay dito. Ano bang ginawa mo? Tss. Napakatagal mag ayos, kala mo naman napakaganda nya." Bungad agad nito sakin.
A-Anong sinabi nya?!
"Excuse me, pero hindi ko akalain na ikaw pala ang naghihintay sakin. Ang ayos ayos ng pagkakatawag ko sayo tapos, ayan isasagot mo sakin?" Inis na tanong ko sa kanya. Nag iinit ang dugo ko e!
"Bastos." Sabi ko pa. Bakit? Totoo naman ah? Kung maka pintas sya sakin akala mo naman kung sino sya. Ang pogi nya nga masama naman ugali nya!? Grrr!
"Pinatatawag ka ni DO." Pagkasabi nya non ay nilayasan na nya ako. Kita mo? Bastos talaga e noh? Wala manlang galang.
Hindi ko alam kung saan hahanapin si DO, kaya naisipan kong pumunta sa paborito nyang lugar. Pagdating ko don ay hindi nga ako nagkakamali, nandoon sya naka upo at tila may hinihintay. Agad ko syang nilapitan at napangiti naman sya ng makita ako.
"Alethea!" Masaya nyang bati. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Wala pang sampung segundo ng bumitaw na sya.
"Sorry." Sabi nya at napakamot bigla sa batok. Napangiti naman ako. Ang cute nya mahiya.
"Kaya kita pinapunta dito dahil aalis na ako. Yes, alam kong dapat mamaya pa pero napaaga e. And.. na extend rin." Malungkot nyang sabi.
Parang nalungkot din tuloy ako.
"Two weeks na akong mawawala. Mamimiss kita ng sobra. Mag iingat ka palagi ah? Galingan mo sa class mo. Wag kang lalapit sa isang bagay kung alam mong masasaktan ka ha? Ayoko nang mangyari yung nangyari sa practice rooms." Nag aalala nyang sabi sakin.
"Yes Mr. Kyung--este DO. Mamimiss din kita! Babalik ka din ha?" Pagkasabi ko non ay niyakap nya ulit ako. Niyakap ko na rin sya pabalik.
"Take care okay? I love you, as always." Bulong nya sakin.
"A-Ano? Ano yung s-sinabi mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung mali ba o tama yung pagkakadinig ko sa sinabi nya.
"W-Wala! Sge na aalis na ako. Bye!" Sabi nito at naglakad na palayo.
"Ingat! Byee!" Sigaw ko. Napabuntong hininga naman ako ng hindi ko na sya matanaw mula rito.
Babalik na sana ako ng makita ko si Mr. Park na nakasandal ulit sa pader at nakatingin sakin. Parang dissaapoointed sya. What's his problem?
I'm going to spend two weeks without him. And two weeks with a jerk.
---