"Sige susunod na kami." Pagkasabi non ni DO ay may ibinulong pa yung lalaki sa kanya.
Mukhang hindi naman yon naguatuhan ni DO dahil sinamaan sya nito nang tingin.
"Tara na, pinatatawag daw tayo ni madame." Sabi nya at ngumiti.
Sa 'hindi ko alam na pagkakataon' ay hinawakan nanaman ni DO ang kamay ko. Naglakad kami papunta sa office ni madame.
Ano bang meron sa kamay ko at lagi nyang hinahawakan? Pero aaminin kong medyo nagugustuhan ko yon-- wth? Ano bang sinasabi ko? This is bad.
Pumasok kami sa loob nang dalawang palapag na gusali. Umakyat kami sa taas kung saan naroon ang opisina ni madame.
Binitawan nya muna ang kamay ko bago sya kumatok at buksan ang pinto. Naabutan naming naka upo si madame sa sofa habang nagbabasa ng libro. Mukhang hindi nya napansin ang pagpasok namin dahil naka tutok pa rin ito sa kaniyang binabasa.
"Good morning, madame." Bati ni DO
Napatingin naman ito sa amin.
"O-Oh! Nandito na pala kayo. Good morning ang have a sit." Parang nagulat ito base sa reaksyon nya.
Inalalayan ako ni DO paupo sa katapat na inuupuang sofa ni madame. Pagka upo ko ay tumabi din ito sa akin. Itinabi muna ni madame ang librong binabasa nya kanina saka humarap nang maayos sa amin.
"How's your day?" Tanong ni madame sa akin.
"Masaya po!" Nagulat silang dalawa sa biglaang pagsigaw ko. Nagulat din ako sa ginawa ko.
Napayuko naman ako sa hiya.
"Haha! Good to hear. Mukhang tama ang pagpili ko kay Mr. Kyungsoo." Ngumiti lang si DO sa kaniya.
"Kaya nga pala kayo pinatawag, dahil gusto kong sabihin na kailangan munang unalis ni Mr. Kyungsoo." Nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko yon.
Napatingin naman ako kay DO na nakatingin din pala sa akin.
"At dahil nga pansamantalang mawawala si Mr. Kyungsoo nang ilang araw, naghanap ako nang maaring pumalit muna sa kaniya--" Hindi natapos ni madame ang kaniyang sinasabi nang biglang may nagbukas ng pinto.
Marahas ang pagbukas non kaya naagaw agad nito ang atensyon naming tatlo. Napatingin kami sa lalaking pumasok. Nakapasok ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa nang kaniyang pantalon.
Maangas na maangas ang dating nito. May Asul itong buhok na medyo magulo ngunit bumagay din sa kanya. May katangkaran din ito at kulay pula ang mga mata.
"Sorry i'm late. What did i miss?" Tanong nito at diretsong nakatingin kay madame.
Nakatingala ako sa kanya dahil ang tangkad nya. Idagdag mo pang nakaupo ako. Parang pamilyar ang mukha nya e. Hindi ko lang alam kung kailan ko sya nakita-- wait! This can't be!? Hindi ako nagkakamali!? Sya yon!?
"Si Mr. Park ang pansamantalang papalit kay Mr. Kyungsoo." Napatingin naman sa akin si Mr. Park.
"I-Ikaw?!" Sabay naming sigaw.
"Is there a problem?" Tanong ni madame
Hindi ako sumagot. Tumingin ako kay DO na nakatingin din sakin. Nagtatanong ang mga mata nya. Sinimangutan ko sya at umiling.
"Aalis si Mr. Kyungsoo next week, at si Mr. Park ang pansamantalang papalit sa kanya."
Napaisip ako. Next week? Wednesday na ngayon! Hindi ba kasi pwedeng iba nalang ang umalis?-- i mean ang pumalit?
"Siya po ba ang tinutukoy nyo kahapon madame?" Magalang na tanong nito.
"Yes. Kung ayaw mo naman pwedeng--"
"N-No, madame. It's okay with me."
Paano ako tatanggi nito? Nnahihiya ako. Baka mamaya isipin nilang ang arte ko. Shit! Pano na to?
"Okay lang ba sayo yon Ms. Torres?"
Napayuko ako. Naramdaman kong hinawakan ni DO ang kamay ko, napatingin naman ako sa kanya. Parang sinasabi nyang pumayag na ako.
Napabuntong hininga ako at tumango. As if naman may magagawa pa ako.
"Good! Okay na ang lahat, you may go now. Enjoy your day!"
Lumabas na kaming tatlo sa office ni madame. Nauna nang maglakad si Mr.park na akala mo ay wala syang kasama.
Tsk!
Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Maya maya ay hinawakan nya ang kamay ko at huminto. Iniharap nya ako sa kanya.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo, hindi ako aalis."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. A-Ano bang ibig nyang sabihin? B-Bakit nya ba sinasabi ito?
"Matagal na akong may gusto sayo. Yeah. At ngayon lang kita nakasama. Gusto kong sulitin ang bawat araw,oras,minuto at segundo nang buhay kong kasama ka."
N-Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. S-Sumasakit na ang ulo ko. A-Ano bang pinagsasasabi n-nya?
I-I can't believe it.. m-may gusto sya sakin? M-Matagal na? Kahapon lang ako napunta dito? N-Naguguluhan na ako.
"A-Ano bang sinasabi mo? H-Hindi mo naman kailangang g-gawin yun."
"No--"
"Okay lang.. ilang araw ka lang naman mawawala diba?" Bingyan ko sya nang pilit na ngiti.
"One week. After one week, babalik ako."
Nginitian ko lang sya.
It means isang linggo ko makakasama yung lalaking yon? Wth? I can't believe it! My life here is starting to be worst!
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan kami dinala nang mga paa namin.
Napunta kami rito sa graden ng school. Nasa pagitan ito ng dalawang dorm.
May tulay sa itaas nito kung saan pwedeng tumawid ang building sa kanan papunta sa kaliwa. Nasa tapat ito ng open field.
Naupo kami sa bakanteng bench.
"Ito ang garden na madalas tambayan ng mga academians pero kung ikukumpara sa open field ay mas maraming tao ron. Mas malapit kasi ang field kesa dito. Napakalawak kasi nang field ng academia."
"Bakit kailangan mong umalis?" Bigla nalang yon lumabas sa bibig ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla kong naitanong yon. Na cu-curios ako e.
"I-I don't want to talk about it. Wag muna ngayon, please?" Parang nag iba ang mood nito. May masama ba sa tanong ko?
"Nasabi ko nang may gusto ako sayo. Sana hindi ka lumayo sakin. Sana maging komportable ka pa rin pag kasama mo ako." Sinabi nya yon habang nakatingin sa malayo.
Hindi ako nakasagot
Actually, i feel comfortable with him. Ang gaan nang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. I can't explain it. Its just-- it halpened.
Napansin kong madilim ang kalangitan. Mahilig ako sa ulap. I can't actually stand a day without looking at it. I just love them.
Maya maya ay bigla nalang bumuhos ang ulan. Napatayo si DO at hinubad ang coat nya ginawa nya yong pangsukob. Tumakbo kami sa building nang dorms.
"Mabuti pa at ihatid na kita pabalik sa dorm nyo. Nabasa ka nang ulan, baka magkasakit ka." Nag aalala nyang sabi.
"Ikaw nga itong binasa ang sariling uniform at nagpakabasa sa ulan para hindi ako mabasa tapis ako pa ang magkakasakit?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Sige na. Nang makapagpahinga ka na rin." Nginitian nya ako.
...
Huminto kami sa harap nang pinto ng dorm namin.
"Magpahinga ka na." Pagkasabi nya non ay tinap nya ang ilong ko saka naglakad umalis.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa ginawa nya.
I think i like him.
***