Kanina sa kubo, sa may bukid.
Papasok pa lang sa loob ng kubo si Winnie hatak hatak si Issay, dahan dahan ng nakalapit ang mga shadow guard nya sa paligid ng kubo.
Kaya ng tumalikod si Winnie at iwanan si Issay na nakatali ang mga paa at nakahandusay sa sahig, hindi nya alam na nasa loob na rin ang mga ito. Nakihalubilo sila sa mga kalalakihan at handa ng umatake.
Malaki ang kubo, dahil ginagamit din itong imbakan ng mga palay.
Nang makita nilang sinunggaban si Issay ng isang lalaking akala mo isang pagkain si Issay na gustong gusto nyang papakin, sumunggab din sila.
Sabay sabay nila itong tinadyakan pati na ang gustong magtangkang lumapit kay Issay.
Nakita ni Winnie kanina kung paano ang mga kalalakihan ay hayuk na hayuk na sinuggaban si Issay pero hindi nito nakita kung paano ginulpi ng mga shadow guard ni Issay ang mga naunang sumunggab sa kanya. Hindi nila hahayaang lapastanganin nila ang taong pinakamamahal ng boss nila.
Nadidinig din ni Winnie ang ingay at sigawan na parang nagaaway kung sino ang mauuna, pero hindi na sya bumalik para tingnan ito.
Naisip nyang baka kaya sila nagaaway dahil lahat gustong mauna kay Issay at ayaw nyang madamay. Mga adik sa tawag ng laman!
Ayaw nyang mabaling sa kanya ang atensyon ng mga ito kaya nagmamadali na syang umalis kasama ang dalawang tauhan ng uncle nya.
Tutal alam naman nyang hindi na makakaalis ng buhay sa lugar na ito si Issay, babalik na lang sya bukas para tapusin si sya.
Winnie: "Magpakasarap ka muna Isabel! Hehe!"
Ang hindi nya alam, mga shadow guard ang nakikipag away sa mga lalaking inupahan nya.
Tatlo lang sila pero nagawa nilang palibutan at protektahan si Issay na nakahiga at walang ng malay.
"Lintek kayo! Bakit gusto nyo syang solohin? Pare pareho lang tayo ng gusto sa babaeng yan at pare pareho lang tayong binayaran dito!"
Naiinis sila sa mga shadow guard sa palibot ni Issay. Hindi sila makalapit.
Ang akala ng mga kalalakihan, naroroon din sila dahil pare pareho ang intensyon nila.
Hindi sumagot ang mga shadow guard pero sa isip nila: 'Bakit naman namin pagnanasahan si Mam Isabel? Ayaw pa namin mamatay!'
Madami ang mga kalalakihan na inupahan ni Winnie, nasa dalawampu ang bilang nila at lima na ang napatumba nila.
Wala silang dalang armas pero marami sa paligid. Mga gamit ng magsasaka.
Palakol, itak, kalaykay at iba pang gamit sa bukid.
Bawat isa sa mga kalalakihan ay naghanap ng magagamit nila upang gawing armas laban sa mga shadow guard.
Habang papaalis si Winnie, padating naman si Miguel.
Naka motor ito at nagkasalubong sila.
Alam ni Miguel na si Winnie yun pero hindi alam ni Winnie na si Miguel ang naka salubong nya.
Dirediretso si Miguel sa direksyon ng kubo at walang prenong pumasok sa loob at sinagasaan ang ibang kalalakihan doon.
Huminto sya sa kung saan naroon si Issay.
Bumaba ito at lumapit sa kanya. Kinuha nya ang kutsilyong dala nya saka pinutol ang pagkakatali sa paa at kamay ni Issay.
Miguel: "Issay... Issay!"
Sapo sapo nya ang ulo ni Issay at dahan dahang tinatapik para magising.
Nakita nya ang mga tinamo nitong sugat lalo na ang pagdurugo ng ulo nito.
'Jusko! Sana walang mangyaring masama sa kanya!'
Ang mga shadow guard na patuloy sa pakikipaglaban ay natuwa ng makita sya.
Kasunod ni Miguel ay ang isa pang shadow guard na padating.
"Huwag nyo silang papatayin! Siguraduhin nyong mabuhay sila!"
Sigaw ni Miguel.
'Walanghiya ka Congressman Sanchez, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!'
Nagmulat ng mga mata si Issay at napansin nya ang malabong itsura ni Miguel.
Malabo man, sigurado syang si Miguel iyon. Hindi nya makakalimutan ang boses nitong malalim n parang galing sa balon at kanina pa sya tinatawag.
Kaya sya nagmulat.
Nginitian nito si Miguel kahit na may masakit na nararamdaman.
Issay: "Late ka!"
"Anong petsa na?"
At hinawakan nito ang mukha ni Miguel.
Natuwa si Miguel sa salitang nadinig nya kay Issay.
Miguel: "Pasensya na, Irog ko, matrapik e!"
At binuhat na nito si Issay para dalhin sa ospital.
Magkasalop namang inilagay ni Issay ang mga kamay nya sa leeg nito.
Pero paano nya ito dadalhin sa motor na gamit nya?
'Ang tagal naman dumating ng mokong na yun ah!'
Kanina, imbis na naka kotse sya, nakipagpalit sya sa isang shadow guard para mas mabilis syang makarating sa kinaroroonan ni Issay.
Tinawagan nya ang taong iyon.
"Miguel: "Bilisan mo! Pag wala ka pa dito ng limang minuto, babaliin ko mga binti mo!"
Nataranta ang shadow guard ng madinig ang sinabi ni Miguel. Humarurot na ito ng takbo.
Pagkababa ni Miguel ng cellphone, kinausap naman nya ang mga shadow guard na nakipaglaban.
"Kayo na ang bahala dito!"