"BUHAY KA PA??!!!"
Sarkastiskong tanong ni Issay ng makilala ang kausap.
Hindi ganito ang naalala nya kay Winnie ng huli silang magkita at natatandaan nya ay isang beses lang iyon. Sa eroplano.
Hindi na rin naman nya halos maalala ang itsura nito dahil saglit lang iyon, pero sigurado syang mas maayos sya noon kumpara ngayon.
Napikon si Winnie, hinablot ang buhok ni Issay at pwersahang hinila ito.
Nakatali ang mga kamay ni Issay sa likod pati ang paa nito, kaya hindi sya makalaban.
Nasasaktan man sya si pero hindi nya ipinapakita kay Winnie.
Winnie: "Anong sabi mo? HA?!"
Galit na galit nitong pinagsasampal muli si Issay habang hila hila ang buhok nya.
Naalala ng driver ang bilin sa kanila ni Congressman.
Driver: "E .... Boss Mam..."
Winnie: "Bakit?!"
Singhal nito.
Driver: "E, bilin po kasi ni Boss Congressman, huwag daw syang sasaktan!"
Napataas ang kilay ni Winnie. Nagtataka kung bakit sinabi ng Uncle nya yun.
Nainis ito. Antagal nyang inasam na mangyari ito tapos makikialam sya sa gusto nyang gawin? Bakit?!
Winnie: "Sino ba ang narito ngayon? Sya ba?"
"Ako ang kasama nyo ngayon kaya ako ang masusunod!"
Hindi na nagsalita pa ang dalawa, ayaw nilang makialam. Kahit pakiramdam nila mananagot sila pag nalaman ni Congressman ito. Pero kilala nila ang pamangkin nyang ito na me pagka buwang.
Ibinalik ni Winnie ang atensyon kay Issay. Hatak pa rin nito ang buhok nya.
Winnie: "Oo Isabel, buhay na buhay pa ako! ....At ngayon nagtagumpay na ako na dukutin ka sa palagay mo ba pakakawalan pa kita? hmm?!"
"Ipaparanas ko sa'yo ang lahat ng ginawa nila sa akin! Naiintindihan mo?!"
Issay: "HINDI!"
"Hindi ko naintindihan dahil hindi ko alam kung ano ang naging atraso ko sa'yo!"
"Hindi naman tayo close at hindi rin tayo magkakilala!"
"Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa nila sa'yo, pero sigurado ako na wala akong kinalalaman doon! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang laki laki ng galit mo sa akin?!"
"BALIW!!!"
Gustong sumagot ng dalawa sa harapan at sabihin kay Isabel na tumahimik na lang sya dahil totoong wala na sa katinuan ang kausap nya. Pero mas minabuti nilang huwag ng makialam ng madinig nila na patuloy nitong sinasaktan si Issay. Lalo na ng makita nilang naglabas ito ng baril.
Nung unang beses na makita nila si Winnie, binaril nito sa harapan nila ang kasamahan nila dahil lang sa sumagot ito sa kanya.
Hindi tumigil si Winnie ng pananakit kay Isabel kahit na putok na ang labi nito at may tumutulo ng dugo mula sa ulo nya.
Hindi nya ito tinigilan dahil naiinis sya sa reaksyon ni Isabel. Nakangiti pa rin ito at parang iniinis sya.
Hanggang sa mapagod si Winnie.
Habang tumatakbo ang sasakyan sinusundan sila ng mga shadow guard ni Issay.
Nagpapalitan sila para hindi makahalata. Minsan ay tinatabihan nila ito para malaman ang nangyayari sa loob ng sasakyan.
Naireport na rin nila kay Miguel ang pagdating at pagharang ni Winnie sa sasakyan kung saan nakasakay si Issay.
Miguel: "Huwag nyong lulubayan! May duda akong may planong gawin ang baliw na babaeng yan!"
Kanina pa natataranta si Miguel, hindi ito mapakali. Nag bi blink ang dalawang signal ni Issay pero magkaiba ang direksyon.
Malamang binigay ni Issay ang isa sa mga gamit nya na may signal kay Yasmin.
Pinasundan din nya ito sa mga tauhan nya at pagkatapos ay inabisuhan nya si Enzo.
Ngunit gaya ng ikinatatakot ni Miguel, may ibang plano nga si Winnie kay Issay.
Dinala nya ito sa isang kubo sa gitna ng bukid. Nagiisa lang ang kubo na ito at madilim ang buong paligid.
Pagkahinto ng sasakyan, hinila ni Winnie pababa ng sasakyan si Issay. Hindi nito kinalagan ang mga paa nya, kinaladkad nya ito papasok ng kubo.
Sa malayo huminto ang mga shadow guard nya para hindi nila mapansin ang ilaw ng motor.
"Sir, nasa kubo sa gitna ng bukid dinala si Mam Isabel!"
Miguel: "Sige, dahan dahan nyong lapitan at wag kayong magpapahalata! Nasa Zurgau na ako!"
Pagpasok nila Winnie sa kubo, may ibang mga kalalakihan na naroon.
Naalarma ang dalawang lalaking kasama ni Winnie dahil hindi nila kilala ang mga ito.
Winnie: "Relaks lang kayo, ako ang nagpupunta sa kanila dito! Hehe!"
Mga binayaran nya ang mga kalalakihang ito.
Umupo ito ng bahagya at hinawakan nya ang ulo ni Issay na nakahiga sa sahig, nakatali pa rin ang mga paa't kamay.
Winnie: "Nakikita mo ba ang mga lalaking yan? Tingnan mo!"
Pero wala ng lakas si Issay. Malabo na rin ang paningin dahil tinamaan ng baril ang sentido nya kanina. May dugo na umaagos sa mukha nya at masakit na ang buong katawan nya.
Winnie: "Ngayon tingnan natin kung makakangiti ka pa pagkatapos nila sa'yo!"
Saka tumayo si Winnie at hinarap ang mga kalalakihan sa paligid na mukhang mga hayok na hayok sa laman.
Winnie: "Ayan ang pangako ko sa inyo! Bahala na kayong magpakasasa dyan!"
Pagkasabi, tuwang tuwa ang mga kalakihan at naguunahang sinunggaban nila si Issay. Parang mga asong gutom na gutom at naguunahan sa iisang buto.
Nang makita ni Winnie, tumalikod na ito at humalakhak na iniwan si Issay.
"Hahahaha!"