Samantala....
"Sir Miguel, nakita na namin yung van pero wala na sila Mam Isabel dito!"
Na trace nila ang van dahil sa cellphone ni Issay na nalaglag sa van.
Muling tiningnan ni Miguel ang signal ni Issay at papalayo na ito kung saan naroon ang inabandonang van.
Miguel: "Mukhang nagpalit sila ng sasakyan!"
"Dalawa sa inyo maiwan at maghanap sa paligid at yung dalawa sundan ang signal ni Issay!"
Malapit na ako!"
Nagkatinginan lang ang mga tauhan ni Miguel. Alam nilang nasa Australia ito kaya ano kaya ang ginawa nito para makauwi kaagad ng Pinas?
"Yes Sir!"
Sagot ng kausap ni Miguel na si Bon kahit na may tama ito.
Dalawa sila na may tama. Sila ang mga shadow guard ni Issay na bumaril sa dalawang gulong ng van na sinasakyan nila Issay kanina. Pero dahil sa pagdating ng ikatlong van na backup ng kalaban, hindi kaagad sila naka pagtago kaya sila tinamaan pero sa huli napatay din nila lahat ng sakay.
Miguel: "Bon, sigurado ka ba sa rehistro ng sasakyan?"
Bon: "Yes Sir!"
At binaba na ni Miguel ang phone at tinawagan si Gio, ang bodyguard ni Issay na naiwan sa restaurant.
Miguel: "Gio, sabihin mo kay Enzo kung sino ang suspect natin at linisin mo na yang lugar para di kumalat ang balita!"
'Walanghiya ka Congressman! Pagmay nangyari kay Issay babalatan kita ng buhay!
*****
Sa restaurant.
Gio: "Sir Enzo, may pinapasabi ho si Sir Miguel!"
Enzo: "Ano yun? Tungkol ba sa kung sino ang pinaghihinalaan nyo?"
Gio: "Yes Sir!"
At lumapit ito at ibinulong ang pangalan ng suspect.
Nagtaka si Enzo.
Enzo: "Sigurado kayo?"
Gio: "Yes Sir, tauhan nya yung isang napatay!"
"Ang bilin ni Sir Miguel, linisin na raw itong lugar para di na kumalat kaya kukunin na namin yung isang may tama!"
Tiningnan ni Enzo si Anthon at tinanguan sya nito.
Anthon: "Lando, harangan mo ang paligid para walang makapasok. Yung mga bisita mas mabuting pauwiin mo na!"
Lando: "Pero...."
Anthon: "Makinig ka! Oras ang kalaban natin dito! Hindi pwedeng magtagal si Yasmin at si baby Gab sa kanila! Bago dumilim gusto ko nabawi na natin sila at hindi makakatulong ang mga taong ito!"
Sa tono ng salita ni Anthon mukhang may alam na sya.
Lando: "Kilala mo na ba kung sino ang may gawa nito?"
Anthon: "Oo at pina trace ko na rin si Baby Gab! Pupuntahan na namin sya, sana lang magkasama sila ni Yasmin!"
Lando: "Sasama ko!"
Anthon: "Pero walang maiiwan dito!"
Ben: "Sige na, ako na at si Rod ang bahala dito!"
Gusto nya ring tumulong pero wala syang alam sa pakikipaglaban. Baka imbis na makatulong ay maging pabigat pa.
*****
Pagdating sa hideout na pinagdalhan kila Issay...
Congressman: "Hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag nyo ng dukutin si Isabel?!"
Galit na sya.
Ngayon alam na nya ang dahilan kung bakit muntik ng mabulilyaso ang lakad nila.
"Boss pasensya na pero wala kaming nagawa! Masyado na kaming nagtatagal kaya sinabi ni Leroy na isama na sya para makaalis kami agad sa restaurant! Naiwan doon yung back up para maka layo kami agad!"
Sagot ng driver ng van.
Congressman: "Pero nasundan pa rin kayo!"
Nagpipigil na itong sumabog sa galit.
Driver: "Boss tinambangan kami e, hindi namin alam kung saan nanggaling yung bumaril sa dalawang gulong kaya napahinto kami! Tapos...."
"Mabilis ang sumunod na pangyayari!
Binaril yung isang kasamahan namin na lumapit sa van namin, pinasabog nila yung kasunod na van na umaalay sa amin saka sabay sabay kaming pinaputukan at napatay nila si Leroy! Mabuti na lang yung pinadala nyong back up nakasunod agad kaya kami nakakalayo pero ...dalawa na lang kaming natira sa van at yung pinadala nyong backup hindi na rin namin alam kung anong nangyari!"
Hindi na nakapag pigil si Congressman, pinagsusuntok nya ang kausap.
Congressman: "Hindi nyo alam? Hindi nyo ALAM?!!!"
"PATAY NA SILA LAHAT!!!"
Galit na galit sa inis si Congressman dahil hindi nya inakala na dalawa lang ang matitira sa tatlumpung tauhan na pinadala nya.
Tatlong van na puno ng armadong lalaki, tig sampu ang laman ng bawat isang van. Ang unang van ay ang dudukot sa biktima tapos ang isa ay back up at yung ikatlo ay aalalay sa unang van.
Lahat ng iyon naubos ng shadow guard ni Issay.
Walo lahat ang shadow guard ni Issay at malalayo ang agwat nila sa isa't isa. Ang apat sa kanila ay naka motor at yung isa ay sharp shooter na syang bumaril sa gulong ng unang van.
At yung isa sa apat na naka motor ay nasa hideout na ngayon at nakamasid na sa kanila, inaantay ang mga kasama nya at utos ni Miguel.
Congressman: "Ang tatanga nyo! Bakit hindi ninyo naisipan na iwan na lang sa kung saan yang si Isabel? Bakit isinama nyo pa yan dito?"
Driver: "E... Boss, sumusunod lang naman kami sa utos ni Leroy!"
Pagdadahilan nya.
Wala naman talaga silang alam dito dahil si Leroy lang ang kausap ng Boss nila at si Leroy lang ang nagsasabi sa kanila ng plano.
Ngayon nga lang nila nalaman na si Congressman Sanchez pala ang boss na tinutukoy ni Leroy.
KRRIIING!
Nagulat si Congressman ng biglang tumunog ang cellphone nya lalo na ng makita kung sino ang tumatawag.
'Anong problema ng taong ito at tinatawagan ako?'
Kilala nya ang tumatawag. Ayaw nun ng pinapatayan sya ng phone.
Pero wala syang planong sagutin ang tawag dahil namomroblema pa sya sa kung ano ang dapat nyang gawin, kaya hinayaan nya lang na mag ring. Pero ...ayaw syang tigilan. Ilang beses sya nitong paulit ulit na tinatawagan.
Naiirita na sya. Kailangan na nyang tapusin ang problema nya kay Isabel pero may nangungulit sa kanya. Hindi nya magawang makapag isip dahil sa katutunog ng cellphone nya.
Pati mga tauhan nya ay naiirita na rin sa ingay ng kiriring.
Gusto nilang sabihin sa boss nila na sagutin na dahil lalo silang natataranta sa tunog nito.
Kaya sa inis ni Congressman, inayos muna ang sarili saka nya sinagot.
Congressman: "Yes Captain anong maipaglilingkod ko?"