Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 184 - Binyagan

Chapter 184 - Binyagan

Sabado, araw ng binyagan.

Lahat ay abala sa paghahanda.

Nakahanda na ang lahat pati ang sasakyan nila at ng mga Ninong at Ninang.

Pagkatapos ng binyagan, sa isang restaurant gaganapin ang selebrasyon kaya karamihan ng bisita ay doon na didiretso.

Bago umalis, kinausap ni Rod si Anthon.

Rod: "Bayaw, inimbitahan ko ang boss ko at ang asawa nya saka yung kaibigan nila na taga Maynila! Pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabi!"

Walang alam si Anthon sa trabaho ni Rod. Ang alam nya si Lando ay isang pulis at si Ben ay sa munisipyo nagtatrabaho pero Rod? Hindi nya alam.

Anthon: "Okey lang bayaw, walang problema!"

Sa isip ni Anthon, baka nagpapalakas si Rod sa Boss nya kaya inimbita nya.

Sa bahay nila Enzo, naghahanda na sila sa pagalis. Sa restaurant na sila didiretso.

Enzo: "Magtatagal ba tayo dun o sandali lang?"

Issay: "Gusto kong makilala si Yasmin!"

Nagkainteres ito kay Yasmin matapos makilala nya si Rod.

Nelda: "Anong plano mo, kunin sya para magtrabaho sa'yo?"

Issay: "Depende pagkatapos ko syang makausap!"

Samantala...

"Boss, alam ko na kung saan pupunta si Isabel kasama yung mag asawa!"

"Saan?"

"Sa binyagan ng anak ni Anthon!"

"ANO?!"

"Bakit sya pupunta don?"

"Inimbitahan daw!"

Nalilito ang boss.

'Bakit ganun? Ang sabi nya yung Isabel ang tunay na mahal ni Anthon pero bakit sya inimbitahan ng ex nya sa binyagan ng anak ng nya?'

'Naloko na! Bakit kasi ako nakikinig sa babaeng yun! Masisira na naman ang plano ko nito!'

"Boss, handa na po ang lahat ng tauhan natin! Naka pwesto na po ang lahat nagaantay na lang sa utos nyo!"

"Itigil nyo!"

"HO???!!!"

"Kailangan nating itigil ang planong pagdukot kay Isabel at mag focus kayo lahat kay Yasmin!"

"Boss, hindi ko po maintindihan?"

"Masyadong malaki ang risk pag si Isabel ang dinukot natin tapos hindi tayo sigurado sa resulta!"

"Ang gusto kong mangyari ay makapaghiganti kay Anthon at gamitin si Isabel sa paghihiganti na iyon!"

Pero kung hindi tayo sigurado sa resulta dahil may posibilidad na wala ng pagmamahal si Anthon kay Isabel, hindi magiging matagumpay ang paghihiganti ko at masasayang lang ang buhay ng mga tauhan ko na may posibilidad na mapatay ng mga bodyguard ni Issay!"

Ang plano nya talaga ay dukutin si Isabel at si Yasmin saka ang bata.

Pero sobrang tindi ng security ni Isabel kaya kailangan nya ng maraming tauhan para lang sa kanya. Mga professional ang bodyguard nito at nadagdagan pa, naging apat na sila.

Pwera pa dito ang shadow guard nya na pinadagdagan ni Miguel na walang nakakaalam.

Kaya hindi nya maiwasan na mag dalawang isip. Ayaw nyang mag aksaya ng pagod at hirap para dukutin ang isang tao na hindi naman nya mapapakinabangan sa huli.

Kung hindi lang sya nakinig sa pamangkin nya disin sana nadukot na nya si Yasmin nung pinagbubuntis pa nito ang bata.

Para sa kanya mas madaling dukutin si Yasmin dahil wala itong bantay maliban sa mga kapatid nya.

"Makinig ka, tuloy ang mangyayaring pagdukot pero si Yasmin at ang bata ang target natin!"

*****

Late na dumating sila Enzo, Nelda at Issay sa restaurant kung saan ginanap ang selebrasyon.

Agad silang nakita ni Rod na mukhang inaantay talaga sila, dahil masayang masaya ito at abot hanggang tenga ang ngiti na sumalubong sa kanila.

Rod: "Sir Enzo, Mam Nelda at Mam Isabel, magandang araw po sa inyo! Salamat po at nakarating kayo!"

Enzo: "Asan ang pamangkin mo na bininyagan?"

Rod: "Andun po Sir, sa loob! Halina po kayo at dadalhin ko kayo sa bata para makita nyo at makilala na rin ang kapatid ko at ang napangasawa nya!"

Ang restaurant ay binubuo ng dalawang bahagi, ang outer part kung saan makikita sa pagpasok ng restaurant at ang inner part na makikita sa loob ng restaurant kung saan naroon inilagay ang maliit na stage. Mas tahimik sa inner part, hindi tulad sa outer part na andun ang mas maiingay na bisita.

Sinadya itong piliin ni Anthon para sa bata.

Wala si Yasmin sa inner part dahil nakita nito ang mga kaibigan nya na matagal nyang hindi nakita.

Inihabilin nya ang bata sa hipag nyang si Beth pero sa kalaunan ay binigay naman nya kay Anthon.

Halata kasing nanabik si Anthon sa bata at gusto nya rin itong makarga.

Pagpasok nila Rod kasama ang grupo ni Enzo sa inner part, nagulat sila ng makita na tila pamilyar ang may hawak sa batang bininyagan.

'Si Anthon ba yun?'

'Kilala rin ba nya ang magulang ng bininyagan?'

'Naimbitahan din ba sya kaya sya nandito?'

Nagkatinginan silang tatlo.

Nakatungo si Anthon kaya hindi sila napansin na palapit sa kanya. Masaya nitong nilalaro ang anak at tuwang tuwa pang kinakausap.

Rod: "Bayaw, narito ang boss ko at kasama ang asawa at kaibigan nya na galing Maynila! Gusto nilang makita si Baby Gab!"

'BAYAW???!!!!'

Sabay sabay sigaw ng isip nila.

Hindi sila makapaniwala at hindi sila makapagsalita ng madinig nila na tawagin sya ni Rod ng BAYAW.

Nang iangat ni Anthon ang mukha nya at tumambad ang tinutukoy ni Rod na boss nya at kasama nito, namutla si Anthon.

'Anong ginagawa ng mga ito dito?'

'At kasama pa nila si Issay!'

Natahimik si Anthon hindi makapagsalita.

Si Rod lang ang nagsasalita sa kanila pero hindi nila naintindihan at narinig ang sinasabi nito.

Nakakailang ang katahimikan at palitan ng tingin na tila walang gustong maunang magsalita.

Maya maya lumapit si Issay kay Anthon, iniabot ang dala nitong regalo at binasag ang nakabibinging katahimikan.

"Congratulation!"