Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 182 - Keep Your Enemy Closer

Chapter 182 - Keep Your Enemy Closer

Sa bahay ng magasawang Enzo at Nelda tumuloy si Issay. Hindi pumayag ang mga ito na mag check in sa hotel magisa.

Enzo: "Malaki ang bahay at maraming silid, kay makakapamili ka!"

Issay: "Ito! Pwede ba ako dito?"

Magaan ang pakiramdam nya sa silid na ito.

Nagkatinginan ang magasawa at nangiti sa kanya.

Issay: "huh?"

Nelda: "Kay Nicole yan! At Oo, pwede ka dyan!"

Issay: "Ayos!"

Pag kaayos ng mga damit, nagselfie ito at pinadala kay Nicole para inisin ito.

Gustong gusto nyang iniinis parati si Nicole. Ito ang paraan nya ng paglalambing sa alaga nyang pasaway.

Nelda: "Kamusta? komportable ka ba sa silid?"

Sinuklian nya ng ngiti si Nelda.

Nasa hardin sila at nag kakape.

Issay: "Sister, alam ko ang tunay na dahilan mo kaya naisipan nyong magpunta ng Zurgau!"

Tumahimik lang si Nelda.

"Ang Papang mo ano?"

Pagpapatuloy ni Issay.

At tumango lang ang kaibigan at saka bumuntunghininga.

Galit ang Papang nya sa kanya at kay Enzo. Lalo na sa kanya. Sinisisi sya ng ama dahil sa kanya, nakulong ang Kuya Eddie nya at pagkatapos makulong hiniwalayan sya ng asawa nito na pagod na pagod na raw sa hindi magandang ugali nito.

Pati ang Mamang ni Nelda ay nakipaghiwalay din sa Papang nya at dun na tumira sa bahay nila sa Maynila kasama ang pamilya ni Egay.

At isa pa iyon sa ikinagagalit ng ama nya sa kanya dahil simula ng tumira sa Maynila si Egay at ang pamilya nito, wala ng nagaalaga sa kanya.

Ang isa pang kapatid ni Nelda na si Eboy at ang pamilya nito ang tumira sa bahay ng ama para daw maalagaan sya kaya pumayag ito pero.... may iba pa lang balak si Eboy.

Walang magawa ang matanda kungdi panoorin habang unti unti nitong kinakamkam ang pagaari ng ama kasama ang bahay at ang negosyo nitong water refilling station na ibinigay ni Enzo.

At ngayon na nakuha na nito ang lahat, may balak pa ang mga ito na dalhin sya sa home for the aged.

Naiinis man sya, hindi nya magawang sisihin ang sarili kaya lahat ng sisi ay kay Nelda nya ibinubunton.

Para sa ama ni Nelda, kungdi dahil sa kanya at sa asawa nya hindi mararanasan ang kamalasang ito.

Nelda: "E, ikaw? Tapatin mo ako, si Anthon ba ang dahilan?"

Issay: "At bakit mo naman nasabi yan?"

Nelda: "Nabanggit sa akin ni Enzo nung nasa Maynila pa tayo na pakiwari nya si Anthon ang ipinunta mo dito!"

Napataas ang kilay ni Issay.

'Bakit pakiramdam ko kayang basahin ni Enzo ang isip ko?

Baka wala na akong maitago sa kanya ah!'

Ang hindi alam ni Issay ng huli kasing magkita si Miguel at si Enzo nung binyagan ng kambal, napagusapan nila si Anthon

Enzo: "Pare, may balita ka ba kay Anthon?"

Miguel: "Bakit nawawala ba?"

Enzo: "Hindi ko na napagkikita! Hindi ko nga alam kung kelan bumalik ng Maynila!"

Miguel: "Bakit hindi mo hanapin sa Zurgau?"

Enzo: "Mukhang may alam ka!"

Miguel: "Wala naman gaano pero parang hindi pa sya umuuwi! Mukhang may itinatago dun!"

Enzo: "Nagtataka na ako sa'yo, madami kang alam. Pinaiimbestigahan mo ba sya?"

Miguel: "Sabi nila:

Keep your enemy closer!"

***

Nang madinig ni Enzo na nabanggit ni Nelda ang pangalan nya, nilapitan na nya ang dalawa.

Enzo: "Tapatin mo ako Issay, ano ang mas malalim na dahilan maliban kay Anthon bakit ka sumamang mag bakasyon?"

Issay: "Naalala mo ba Sister, nung minsan na palabas tayo ng coffee shop. May bumangga sa akin nun!"

Nelda: "Oo, Sister, halatang sinadya ang pagkakabangga sayo at lahat ng kape ay tumilapon sa'yo! Pero matagal na yun at anong kinalalaman nun sa desisyon mong mag bakasyon?"

Issay: "Pamilyar sa akin ang mukha nya at sa tingin ko sinadya nya talaga! Pagkatapos nya akong banggain tiningnan nya ako ng matalim saka umalis!"

Nelda: "Kilala mo yun babaeng yun?"

Issay: "Oo, Si Winnie!"

Enzo: "Teka, yan ba yung babaeng nagplano na dukitin ka sa Boracay?"

Issay: "Sya nga! Ang alam ko nakakulong na sya, yun ang sabi sa akin ni Anthon. Kaya hindi ako makapaniwala ng makita ko sya!"

Enzo: "Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka sumamang mag bakasyon dito sa Zurgau!"

Issay: "Pagkatapos ng tagpong iyon, kinausap ko ang isa sa shadow guard ko kung may mga sumunod ba sa akin. Meron daw!"

Bukod kasi sa dalawang bodyguard ni Issay, may shadow guard ito na nakasunod sa kanya sa malayo. Ang trabaho nila ay para malaman kung may sumunod sa kanya at kung may nagbabalak ng masama sa kanya.

Si Miguel ang nakaisip nito.

Nelda: "Tapos?"

Issay: "Kaya ko naisipan na sumama sa inyo, para balaan si Anthon tungkol kay Winnie. Hindi ako sigurado kung makikita ko sya pero alam kong matutulungan nyo ako! Pakiramdam ko kasi may kinalalaman ang panaginip ko kay Winnie!"

"At ang isa pang dahilan ay para takasan ang sinuman na may masamang balak sa akin!"