Kitang kita ni Major Valdez ang pamumutla ni Lando ng sabihin nyang kapatid ni General ang nasa litrato.
'Mukhang may nangyaring hindi maganda. Kailangan matapos ko na agad ito!'
Major: "Lando, gusto ko lang sanang makausap ang taong ito kaya pwede mo ba akong samahan sa kanya!"
Hindi nakatanggi si Lando sa pakiusap ni Major, dinala nya nito sa bagong bahay ni Anthon at kapatid nyang si Yasmin.
Gusto nyang magpaliwanag kay Major, pero naisip nyang mas makakabuting manahimik na lang muna sya hangga't hindi nya alam ang tunay na pakay nito kay Anthon.
Nang makita ni Anthon si Major Valdez, hindi na ito nagtaka. Kilala nya si Gene, kaya batid nyang ipapahanap sya nito para alamin kung anong nangyari sa kanya.
Anthon: "Major, kamusta? Nagaalala ba si utol kaya ka pinapunta ka nya dito para hanapin ako?"
Major: "Sir, kilala nyo naman ang kapatid nyo, hindi ako pauuwiin nun hangga't wala akong makuhang balita sa inyo!"
Anthon: "Pasensya ka na Major at naabala ka pa ng kapatid ko! Pwede bang pakisabi na lang sa utol ko na wag kamo syang magaalala at okey na ako. Dadaan ako sa kanya sa isang linggo, bago ako bumalik sa trabaho."
Hindi makapaniwala si Lando ng makita kung paano magbatian ang dalawa. Halatang matagal na silang magkakilala.
Hindi maalis ni Lando ang magdududa kay Anthon.
'Hindi ko maubos maisip kung bakit hindi nya ginamit ang koneksyon nya para ayusin ang problemang ito?'
Hindi nya mapigilang ang hindi kabahan para sa kapatid nya dahil malalaking tao pala ang nasa paligid ni Anthon.
Major: "Paano Sir, pasensya na kung hindi na ako magtatagal, mauna na ako! Kailangan ko ng bumalik sa Maynila, nangungulit na ang bunso ko kung kailan daw ako uuwi, maya't maya akong tinatanong!"
Anthon: "Sige Major, ikaw na sana ang bahalang magsabi kay Gene!"
Major: "Sige po Sir!"
May pagdududa man sa isip ni Major nagpaalam na rin ito.
'Bahala na silang magkapatid magusap!'
Pagkaalis ni Major, agad na lumapit si Lando kay Anthon.
Lando: "Bakit hindi mo sinabing kapatid mo si General Santiago?"
Anthon: "May mababago ba? Ako pa din ang gumawa ng hindi maganda sa kapatid mo!"
Lando: "Dapat mo lang pagbayaran ang ginawa mong kahayupan sa kapatid ko!"
Anthon: "Alam ko, at walang akong planong takasan ang kasalanan ko! Mula ngayon, responsibilidad ko na si Yasmin at wala ng mababago dun! Kaya wala ka ng dapat ipag alala!"
Lando: "Paano ako hindi magaalala para sa kapatid ko e hindi ka namin lubusan kilala?"
Anthon: "Darating ang panahon makikilala nyo rin ako ng lubos! Alam ko na mahirap nyo akong pagkatiwalaan pero sana bigyan nyo ako ng pagkakataon na itama ang ginawa ko!"
Lando: "Sa koneksyon mo, pwede mong takasan ito. Pwede kang magpakalayo layo pero bakit mo pinangangatawanan ang kasal nyo ni Yasmin? Ano ang totoo mong dahilan?"
Anthon: "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong gusto ko ng bagong buhay?"
At iniwan na nito si Lando na nagiisip pa din sa sitwasyon.
'Ibang klase talaga itong taong ito!'
Pagkaraan ng isang linggo, lumuwas si Anthon para magsimula na muling mag trabaho. Masyado ng mahaba ang bakasyon nya at kailangan na nyang magsikap mula ngayon.
Dumaan muna sya sa opisina ni Gene para kausapin ito.
Gene: "Bro. kamusta?"
Anthon: "Marahil alam mo na ang nangyari!"
Napansin ni Gene na tila tumanda ng sampung taon ang Kuya nya.
Gene: "May ideya ako pero mas gusto kong madinig sa'yo para masiguro ko!"
At ikinuwento nito ang buong nangyari simula ng dumating sila sa Zurgau. Wala syang inililihim sa kapatid.
Gene: "Seryoso ka na ba sa desisyon mo?"
Anthon: "Mas makakabuti ito hindi ba?"
Tama sya.
Bilang isang lalaki kailangan nyang maging responsable sa ginawa nya.
'Mukhang seryoso na nga sya sa desisyon nya, sana lang hindi nya ito pagsisihan sa huli.'
Gene: "Kung ano man ang naging desisyon mo, susuportahan kita! Kung magkaroon ka ng problema sabihin mo!"
Anthon: "Salamat Bro, pero sana huwag mo munang banggitin ito kahit kanino."
At nagpaalam na ito.
******
Sa isang hide out sa kamaynilaan.
"Boss, may konti tayong problema!"
"Akala ko ba ayos na ang lahat ng plano nyo at oras na lang ang inaantay natin?"
"Ayos na po ang lahat Boss, plantsado na! Handa na ang mga tauhan natin para kidnappin si Isabel pero ....."
"Pero ano, ANO?!!!"
"Hindi na ako makapaghintay na pagbayaran ng Anthon na yan ang ginawa nya!"
"Sisiguraduhin kong ipaparanas ko sa girlfriend nya ang lahat ng naranasan ng pamangkin ko!!!"
"Yun na nga po ang problema Boss, mukhang hindi na po yung Isabel ang girlfriend ni Anthon!"
"ANO?! Sigurado ka?!"
"Oo Boss! Dumating na po ang report galing sa mga tao natin na sumusunod kay Anthon.
Kaya pala nagtagal sya sa Zurgau ay dahil nagpakasal na ito roon at nakabili na ito ng bahay para sa asawa nya at doon na naninirahan!"
"Sinong napangasawa nya?"
"Yasmin daw ang pangalan Boss, at taga Zurgau sya!"
Tumahimik ang tinatawag nyang Boss na tila nagiisip. Kaya itinuloy na rin nito ang sasabihin.
"Boss, kung gagawin natin ang plano natin, hindi tayo makakasiguro ngayon na pupuntahan sya ni Anthon para iligtas!"
"Kaya Boss, anong gagawin natin, itutuloy pa ba natin ang pag kidnap kay Isabel?"