Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 163 - Hindi Makapaniwala

Chapter 163 - Hindi Makapaniwala

"Anong ginagawa mo dito, damuho ka? Hindi ikaw ang gusto kong makita, nasaan ang anak ko?"

Tanong ng biyenang lalaki ni Enzo ng makitang sya ang kanina pa kumakalampag ng gate nila.

Sa tingin ni Enzo, hindi pa nila alam ang nangyari kay Nelda.

Enzo: "Magandang gabi po, Papang. Nasaan po ang Mamang?"

Hindi sya sinagot ng biyenan, tiningnan lang ng matalim ang dalawang nasa likod nya.

'Loko 'tong damuhong 'to, nagsama pa ng alalay!'

Pang: "Gabi na Enzo, matutulog na kami ng asawa ko, kaya kung ano man ang sasabihin mo ipagpabukas mo na!"

Isasara na sana nya ang gate pero pinigil ito ni Miguel.

Miguel: "Teka lang ho Lolo, patapusin nyo muna syang magsalita."

Mahinahon ang salita nya pero nakakairita sa pandinig ng matanda.

Napakunot ang noo ng matanda kay Miguel.

Enzo: "Pasensya na Pang pero hindi ko na po ito maipagpapabukas!

Kailangan ko pong makausap ang Mamang tungkol kay Nelda!"

Pang: "Kung may gusto kang sabihin sa kanya sa akin mo na lang sabihin! Ba't kailangan mo pa syang istorbohin? Ginagambala mo lang ang pamamahinga nya!"

Sa loob ng bahay, nagtataka ang biyenang babae ni Enzo kung bakit ang tagal bumalik ng asawa nya. Kaya sinundan nya ito sa gate at duon nya nadinig ang pagtatalo ng asawa nya at ni Enzo.

Mang: "Pang, ano bang nangyayari sino ba yan kausap mo?"

At nagulat sya ng makita ang manugang nya na nasa labas ng gate.

Hindi ito basta basta dadalaw ng walang dahilan.

Enzo: "Magandang gabi po Mamang!"

Mang: " Ikaw pala yan Enzo!"

Sabay tingin sa asawa.

"Bakit hindi mo pinapatuloy ang manugang mo?"

Sabi nito sa asawa na kanina pa nakaharang sa gate para hindi makapasok si Enzo.

Mang: "Bakit mo ba pinipigilan

syang makapasok? Nakakahiya sa mga kasama nya, mukhang malayo pa ang pinanggalingan nila!"

"Magandang gabi po Mam!"

Magalang na usal ni Miguel at Anthon.

Napataas ang kilay ng asawa nito.

'Bakit ang asawa ko binati nila? At ang gagalang pa ng mga hinayupak!'

Mang: "Tuloy! ...Tuloy kayo!"

At wala ng nagawa ang asawa nito ng papasukin nya ang tatlo sa loob ng bahay.

Nang makaupo.

Pang: "Sabihin mo na agad ang pakay nyo at gabi na!"

Mang: "Ano bang gabi na ang pinagsasabi mo e alas nwebe pa lang!"

"Teka, kumain na ba kayo? Sandali lang at maghahanda ako ng makakain nyo!"

Pinigilan ni Enzo ang biyenan babae.

Enzo: "Huwag na po kayong mag abala Mamang, katatapos lang po namin bago mag punta dito, saka mahalaga po ang sasabihin ko!"

Nakaramdam ng kaba ang biyenan babae ni Enzo.

Mang: "Bakit Enzo nasaan ang anak kong si Nelda? May nangyari bang masama sa kanya?"

Enzo: "Mang wag po sana kayong mabibigla, nasa ospital po sa Maynila si Nelda!"

Mang: "Ba... bakit ... a ...ong ...nangyari sa anak ko!"

Pang: "Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa anak ko bakit sya naospital?"

Singhal nya kay Enzo.

Tumayo ito para lusubin si Enzo pero pinigilan sya ni Miguel.

Miguel: "Mas mabuti hong maupo na lang kayo at tumahimik para matapos ni Enzo ang sasabihin nya!"

Naiinis na ang biyenan lalaki ni Enzo sa pakikialam ni Miguel.

Pang: "Kanina ka pa, bakit sino ka ba? Bat nakikialam ka sa usapan namin?!"

Miguel: "Hindi ho ako ang nakikialam sa usapan nila, kayo ho! Hindi naman ho kayo ang gusto nyang makausap kundi ang asawa nyo! Kaya mas mabuti sigurong manahimik na lang muna kayo at patapusin syang magsalita bago kayo mag react!"

Mang: "Tama na yan, Pang!"

Pigil nito sa asawa na sasagot pa sana.

Mang: "Enzo, sabihin mo na bakit naospital ang anak ko?"

Enzo: "Kahapon po, kasama ang mga kaibigan nya, may nagtangkang kidnapin sya. Lumaban silang magkakaibigan sa mga kidnapper at nabaril po sya!"

Mang: "ANO?!"

"Si.. sino...sinong...."

Napatingin sya sa asawa.

Kitang kita sa mukha ng asawa nya na guilty ito sa nangyari. Hindi ito makatingin sa asawa.

Mang: "IKAW!!!"

"Walang hiya ka! Ikaw ang may gawa nito?!"

"Diba nangako kang hindi mo na pakikialaman ang anak mo! Ano 'to? Hindi ka ba titigil hanggat hindi mo napapatay ang anak mo?!"

Galit na galit nitong sabi habang sinusuntok ang asawa.

Hindi makaimik ang matandang lalaki. May alam sya pero hindi sya ang nagplano nito.

Ngunit paano nya sasabihin iyon? Hindi nya magagawang ituro na ang panganay nyang anak ang may pakana nito!

Tinanggap nya ang mga suntok ng asawa na galit na galit sa kanya.

Enzo: "Mamang huminahon po kayo! Hindi po si Papang ang nagplano ng lahat ng ito!"

Saka lang tumigil ang biyenan nyang babae sa ginagawa nya.

Mang: "Sino?!"

Nabuhayan sya ng madinig ito pero kinabahan naman ang biyenan lalaki.

'May alam kaya sya?'

Enzo: "Si Kuya Eddie po!"

Hindi makapaniwala ang biyenan nyang lalaki.

'Papaano nya nalaman?'

Pang: "At paano mo naman nasiguro na sya nga? Huwag ka ngang nagbibintang! May ebidensya ka ba?"

Enzo: "Nasa kulungan ngayon si Egay sa Maynila at sya ang nagsabi ng balak ni Kuya Eddie at pumayag kayo dito!"

Muling pinagsusuntok ng byenan nyang babae ang asawa nya hanggang sa....

BLAG!

"MANG!"

Nawalan ito ng malay. Binuhat sya ni Anthon at patakbong dinala sa sasakyan.

Enzo: "Pang, gusto ko lang malaman nyo na hindi ko po palalagpasin ang ginawa ni Kuya Eddie! May mga pulis na po akong pinapunta sa bahay niya ngayon para arestuhin sya!"

Pang: "Teka! Hindi mo pwedeng gawin ito sa anak ko! Hindi ko ito mapapayagan!"

Enzo: "Bakit ho hindi?"

Nakita ng biyenan nyang lalaki na seryoso ito. Ngayon nya lang nakita sa manugang nya ang itsura na handang pumatay.

Pang: "Huwag Enzo, nakikiusap ako, huwag si Eddie ko!"

Enzo: "Bakit Pang, mas mahalaga ba ang buhay ni Kuya Eddie kesa sa asawa ko? Pareho nyo silang anak!"

"Pasensya na Pang pero hindi ko kayo mapagbibigyan. Ang tangi ko na lang magagawa ay wag kayong idamay sa demanda dahil matanda na kayo at kayo ang ama ni Nelda.

Umalis na ito at iniwan ang biyenan na hindi makapaniwala sa nagaganap.