Sabado.
Imbis na magtrabaho, nagtungo sila Issay, Nelda at Vanessa sa isang SPA para mag relaks.
Iniwan muna nilang ang trabaho upang maipahinga naman ang isip at katawan nila. Tutal, kahit ano naman ang gawin nila, hindi naman mawawala ang trabaho nila, buti pang sila na lang ang umalis para maka pahinga. Pagbalik nila andun pa rin naman ang sang tambak na trabahong nagaantay sa kanila.
Vanessa: "Sis, maganda itong naisip mo. Salamat!"
Issay: "Hindi ako ang nakaisip nito si Nelda, sya nga ang manlilibre eh!"
'Huhuhu! Akala ko ba nagbibiro lang sya?'
Issay: "Hahahaha!"
Nelda: "..."
Ang hindi alam ni Nelda nabayaran na ni Issay ang SPA bago pa lang sila magtungo dito pero hindi nya sinasabi kay Nelda dahil natutuwa ito sa reaksyon nya.
Vanessa: "Mas maganda sigurong isang beses sa isang buwan nag rerelaks tayo ng ganito para hindi tayo stress!"
Nasabi ito ni Vanessa dahil nalaman nyang may nerbyos si Issay. Makakatulong kung magrerelaks sila ng ganito.
Nelda: "Tama! Saka nakakapag bonding pa tayo!"
Issay: "Magandang ideya yan. Saan tayo kakain pagkatapos?"
Vanessa: "Sa eat all you can!"
Issay: "Good!"
Nelda: "Hindi ba kayo natatakot tumaba?"
Nagkatinginan ang magkaibigan.
Vanessa at Issay: "HINDI!"
"HAHAHA!"
Ang hindi nila alam may mga sumusunod sa kanila kanina pa. Mga tauhan ni Eddie na inutusan nitong dukutin sya at iuwi sa Zurgau ng sapilitan.
Pero ang hindi alam ng mga inutusan ni Eddie may sumusunod din sa kanila. Mga bodyguard ng tatlo na nasa malayo at hindi nagpapa kita sa kanila.
Pagkatapos ng SPA nagtungo ang tatlo sa isang eat all you can restaurant na maraming seafood at doon nag lunch.
Nelda: "Ang daya naman! Ang sasarap ng pagkain, paano ang diet ko?"
Vanessa: "Huwag ka na kasing mag diet, mas masarap kayang kumain!"
Issay: "Saka hindi ka iiwan ni Enzo kahit maging balyena ka pa!"
Sa labas, nakamasid sa kanila ang mga tauhan ni Eddie. Naisip nilang ito na ang magandang pagkakataon upang dukutin nila si Nelda pag labas nila ng restaurant.
Inabot ng tatlong oras ang tatlo sa loob ng restaurant. Masaya nilang pinaguusapan ang trabaho nila.
Nelda: "Ano ba yan! Hindi tayo pumasok sa trabaho para mag relaks pero trabaho pa rin ang pinaguusan natin!"
Vanessa: "Oonga Sis, iwan muna natin ang work! Hehe!"
Issay: "Sige, sa susunod na lumabas tayo wala ng magbabanggit ng tungkol sa trabaho!"
"Halika na at baka gabihin tayo dahil matrapik! Nelda sa bahay ka na tumuloy pasundo ka na lang kay Enzo dun!"
Masaya silang lumabas na tatlo sa restaurant at nagtungo sa sasakyan.
Nang malapit na sila sasakyan, biglang may himintong van sa tapat nila at mabilis na may bumaba at hinatak si Nelda pero nagawang tadyakan ito ni Vanessa at hinatak naman ni Issay si Nelda palayo sa kanila.
Issay: "Sis, takbo na!"
Nagbabaan lahat at pilit silang hinabol at hinarangan.
Napansin agad ito ng bodyguard ni Issay kaya ito ang unang dumating at tumulong sa kanila.
Pero may dalang baril ang dalawa sa kanila at ang iba ay patalim.
Ang tanging nasa isip lang ni Issay ay mailayo si Nelda sa lugar na ito kaya hindi inaalis ang pagkakahawa nya kay dito pero masyadong madami sila.
"Bitiwan mo sya!"
Utos ng isa kay Issay saka tinutukan ito ng baril.
Natakot si Nelda kaya inakap sya ni Issay. Nang makita ni Vanessa ang ginawa ng kaibigan, inakap din nya ang dalawa.
Vanessa: "Kung dudukutin nyo sya dapat kaming tatlo!"
Walang nagawa ang mga tauhan kundi ang sapilitan na paghiwalayin ang tatlo. Ayaw nyang magpaputok at baka makalikha ng ingay mas madami pa ang makakita sa kanila.
Dumating na rin ang bodyguard ni Vanessa at ni Nelda para tumulong.
Hindi naman mapaghiwalay ang tatlo kaya naisipan nitong pukpukin ng baril si Vanessa at nahilo ito kaya napa bitiw sa pagkaka akap.
Issay: "SIS!!"
Natakot si Issay ng makitang natumba si Vanessa.
Maya maya si Issay naman ang pinukpok nito at nahilo din pero hindi pa rin nito binibitiwan si Nelda.
Kaya hinatak ng goons si Nelda at sapilitang binuhat patungo sa van.
Nagtitili ito lalo na ng makita nyang may dugo sa dalawang kaibigan.
Pilit niyang isinakay sa loob ng van si Nelda pero nagpupumiglas ito. Hindi nya maaring iwan ang mga kaibigan na tumulong sa kanya.
pinagsasampal nito ang goons na may hawak sa kanya at nakipagagawan pa ng baril. Nairita ang lalaki at gigil na gigil sa kanya.
Nang biglang...
BANG!
Nagulat ang lahat ng madinig ang putok ng baril. Kasabay nito ay biglang natumba si Nelda sinalo siya nila issay at Vanessa at lumusob naman ang bodyguard ni Nelda sa lalaking nagpaputok ng baril at sinuntok ito ng walang humpay at hanggan sa nawalan ng malay.
Walang nagawa ang driver kundi umalis at iniwan ang mga kasama na kahadusay pa ang iba at humahabol naman ang iba sa kanya pero pinaputukan ng bodyguard ni Vanessa ang mga humahabol pati ang van para hindi makaayo.
Issay: "Isko, kayo ng bahala dito dadalhin namin sa ospital si Nelda!"
Isko: "Opo Mam!"