Nanggagalaiti sa galit si Roland ng madinig ang sinabi ng abogado nya.
Roland: "Ano?! Lahat sila tumanggi na makita ako?!"
Atty.: "Mr. Ledesma may dahilan po sila. Delikado ang pagbubuntis ng pinsan nyo at kagagaling lang ni Ms. Isabel sa operasyon kaya mahina pa ito!"
Roland: "Pero kailangan ko silang makausap para maisalba ang kompanya ko! Hindi ako makakapayag na mapunta ito sa bwisit na babaeng iyon!"
Hindi nya alam kung maawa sya kliyente nyang ito.
Kasalanan din naman nya kung bakit walang pakialam ang mga taong pinatawag nya sa kanya! Kaya anong inaasahan nya magtatakbo sila pagpinatawag nya?
Roland: "Gumawa ka ng paraan para mailabas ako dito. Habang nagtatagal lalong lumiliit ang tyansa kong mabawi ng buo ang kompanya kay Rowena!"
Ang problema walang bail ang kaso nya sa dami ng namatay sa pagsabog.
At natitiyak ng abogado nya na mas delikado sya sa labas ng kulungan dahil kukuyugin sya ng mga kamaganak ng namatay na humihingi ng hustisya.
Atty.: "Pasensya na Mr. Ledesma pero wala pong bail ang kaso nyo at para sa kaligtasan nyo mas mabuting manatili ka na lang muna dito habang mainit pa ang issue sa labas."
Roland: "Aaaaaahhh!"
Naainis na si Roland sa wala syang magawa.
Wala syang maasahan sa mga kamaganak nya na tulungan sya dahil mga wala itong mga alam sa negosyo at mga tamad at puro asa lang ang alam.
Pero ang hindi nya alam mismong mga kamaganak nya ang umiiwas sa kanya simula ng nabalitaan nilang nakakulong ito kaya ni isa walang nagpunta sa mga ito.
Tanging si Belen at Edmund lang ang alam nyang maaasahan nya na tumulong sa kanya para maisalba ang kompanya at hindi mapunta kay Rowena.
Pero...
Kung meron lang sana syang anak na lalaki na pwede nyang asahan at pagkatiwalaan.
Naalala nya ang pinsan nyang si Luis.
'Siguro sa mga oras na ito pinagtatawanan mo ako!'
Simula pa pagkabata malaki na ang inggit nya kay Luis at magpa hanggang sa ngayon wala na ito, patuloy pa rin nya itong kinaiinggitan.
Dahil kahit na patay na si Luis, mas mabuti pa rin ito kesa sa kanya dahil mayroon syang isang Edmund na magpapatuloy ng sinimulan nya.
Ngayon sya nakaramdam ng matinding kalungkutan at pangungulila.
****
Dahil sa pagpunta ng abogado ni Roland, nalaman tuloy ni Issay ang lagay ng kompanya nito. Hindi man sya interesado sa taong ito pero interesado sya sa papalubog na kompanya nito.
Nagsimula syang mag research ng mga balita tungkol sa kompanya ni Roland at kung ano ang tunay na lagay nito.
At dahil sa hindi maayos na pamamalakad unti unti na nga itong lulubog. Hindi nya sigurado kung walang alam ang namumuno ngayon dito o sinasadya nya talaga na tuluyan na iyong bumagsak.
Vanessa: "Sis, sigurado ka bang tutulungan mo yang insektong yan?"
Issay: "Hahaha! Insekto talaga?"
Vanessa: "Ang creepy kasi nyan!"
Issay: "Hindi ko ito ginawa para tulungan sya ginagawa ko ito para tulungan ang bulsa ko! Hehe!"
Natawa din si Vanessa sa sinabi ni Issay.
Simula ng maging kaibigan nya ang babaeng ito, malaki na ang pinagbago ng buhay nya.
Hindi nya akalain na sa pagsama sama dito malayo din ang kanyang narating.
Marami syang natutunan dito dahil lagi sya nitong isinasama sa anumang pasukan nyang investment kaya masasabi nyang kampante na sya sa future nya.
Patuloy si Issay sa pagmo monitor sa kompanya ni Roland na parang may inaantay. Para itong naglalaro ng video games, tutok na tutok.
May kutob na sya na ginagawa ito ni Rowena para siguraduhing wala ng babalikan ang tatay nya.
Issay: "Friendship makipag appointment ka kay Rowena bukas. Kailangang natin makabili ng stocks bago kumilos ang nga Perdigoñez!"
Vanessa: "???"
Issay: "Nakalimutan mo na ba ang tungkol kay Emily?"
Paano nya malilimutan si Emily e hanggang ngayon kinakabahan pa rin sya takot sa tuwing maalala ito.
Si Emily ang reporter na kaibigan ni Issay na akala nya nabangga nya pero nung huli nalaman nilang nakasama pala sa pagsabog kaya dinala nila sa ospital.
Issay: "Mukhang nagaantay lang ng magandang oras si Kuya Garry para ilabas si Emily! Pero bago mangyari iyon kailangan muna namin magusap ni Roland!"
Nalilito pa rin si Vanessa.
Issay: "Si Emily ang makakapag papatunay na si Rowena ang tunay na may kasalanan ng pagsabog. Pero bago sya ilabas ni Kuya Garry, kailangan muna nyan mabili sa murang halaga ang kompanya ni Roland."
Kinabukasan, gumayak ito para dalawin sa kulungan si Roland.
Roland: "Pagkaraan ng halos isang buwan, pinaunlakan mo din ang imbitasyon ko!"
Masaya nitong bati.
Habang pinagmamasdan nya si Roland napansin nyang tila tumanda ito ng dalawang dekada.
Sa nangyayari sa kompanyang pinaghirapan nya halatang nawalan na ito ng pagasa sa buhay. Tanggap na nya ang kapalaran nya at nagpapasalamat sya sa taong ito at kahit papaano may dumalaw sa kanya.
Roland: "Pero hindi pa naman huli ang lahat, mabuti at narito ka na!"
Nakakita sya ng bagong pagasa kay Issay.
Issay: "Hindi ako naparito para tulungan ka. Wala akong intensyon na gawin iyon!"
Roland: "Kung wala kang intensyon bakit ka narito? Na miss mo ba ako?"
Issay: "Hahaha! Hindi tayo close!"
Roland: "Kung ganun anong ginagawa mo dito? Narito ka ba para inisin lang ako? Pero hindi ako naiinis sa'yo, katunayan, natutuwa nga ako sa pagdalaw mo!"
Issay: "Hindi ako narito para magpa cute sayo Roland Ledesma! Narito ako para magpakilala sa'yo!"
Roland: "Hmm?"
Nangingiti si Roland. May naglalaro sa isip nya.
Issay: "Magtatatlong dekada na ang nakakaraan sa bayan ng San Roque, may isang matandang babae na kinaladkad ng sasakyan. Dahil sa brutal na pagkakasagasa sa kanya, hindi na nakaligtas ang matandang babaeng iyon at tuluyan na syang namatay. Naalala mo ba ang pangyayaring iyon? Pinagusapan iyon ng buong San Roque!"
Nawala ang ngiti ni Roland.
Kinilabutan sya sa mga sumunod na sinabi ni Issay.
Saan patutungo ang usapan nila at bakit parang may alam sya sa totoong nangyari na parang nandun din sya?
Simula ng nangyari ang sakunang iyon hindi na sya nakakatulog ng maayos kung hindi sya naka inom. Lagi din syang binabangungot tungkol dun.
Issay: "Bakit ganyan ang mukha mo? namumutla ka na, may naalala ka ba?"
Roland: "A..ano bang si..sinasabi mo? Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo!"
Issay: "Kung wala kang naintindihan, pwes, ipaaintindi ko sa'yo!"
"Ako ang anak ng matandang babae na sinagasaan mo nuon at napatay mo! Naalala mo na!"
Nakangisi nitong inilapit ang mukha nya kay Roland.
Tinitignan nya si Issay at habang nakatingin ito unti unti nyang nakikita ang mukha ng matandang walang awa nyang sinagasaan noon.
Nanlaki ang mga mata nya at bigla syang napatayo at napaurong na parang nakakita ng multo. Takot na takot.
Roland: "Hindi! Hindi!"
"Huwag!"
"Huwag kang lalapit!"