Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 132 - Buti Nga Sa'yo!

Chapter 132 - Buti Nga Sa'yo!

Pagkatapos syang iwanan ni Miguel, dumiretso si Anthon sa isang bar.

Duon nya ibinuhos lahat ng galit nya, sa paginom. Nilulunod ang sarili sa alak, nagbabakasakaling mawawala ang sakit na nararamdaman.

"Bakit? (hik)"

"Bakit hyindi ko shya matalo talo?"

"Gihnawa koh naman ang lahat para maging mahushay pero .... mahina pa rin ako! (hik)

Naalala nya ang mga kapatid na si Gene at Joel.

At nagtataka sya.

"Bakit ganun? Pag shila ang kalaban kho, haang galing galing koh... Napapabagsak kho shi Gene at nagagawa khong talunin si Totoy!(hik)

" Hyindi kaya pinasasakay lang nila ahko?"

Ang hindi nya alam sinasadya ng mga kapatid na itago ang tunay nilang lakas upang hindi mawala ang kumpiyansa nito sa sarili.

Kusa silang nagpapatalo kay Anthon dahil may inferiority complex ito.

Malaki ang respeto nila Gene at Joel sa panganay nilang kapatid kaya ayaw nila itong makaramdam ng kahinaan. Tinutulungan sya ng mga kapatid upang mawala ang pakiramdam nyang ganito hindi niya alam.

"Ibig bang shabihin sinasadya nilang magpatalo?!"

"Hahaha! Shiguro ngah!"

"Mahina ako! (hik)"

"Papa...., ito bah haang dahilan kaya hindi mo ibinigay sha akin ang pamamahala ng agency? Dahil nuon pa man alam mong mahina ako at hindi ko makakayang pamunuan yon?"

Simula pa pagkabata, batid na ng mga magulang ni Anthon ang kahinaan ng anak. Hindi buo ang loob nito at laging takot sumubok ng lahat ng bagay dahil nagiisip agad ng mga negatives.

Hindi sya madaling magdesisyon dahil nagaalalang baka magkamali at laging pinanghihinaan ng loob dahil laging iniisip na may mas magaling sa kanya na mas karapatdapat.

"Kaya pala, Pa .... kahit bata pa shi Totoy sa kanya mo na ibinigay ang agency."

"Kakagraduate pa lang ni Totoy sa high school pero nakita mo na agad haang kakayahan niya.... na mhas karapatdapat sya...., at mhas malakas.... hindi tulad koh..."

"Nakakahiya ako di bah Pa.... Isha akong malaking ..... duwag!(hik)

" Pero Pa ..., gusto ko ....maging proud ka din sha hakin....

Gusto kong makita mo na kaya ko ng magdesisyon para sha sarili kho!"

"Totohong mahina ahko, Pa...

Totohong duwag ahko ....pero mahal na mahal kho shi Issay .... at hindi kho kakayanin .....na mawala sya sa akin."

"Ang tagal na panahon ..... hakong naghanap ng pagkakataon .... na maging akin sya.... pero ngayon... andito na sya ....hindi ko na hahayaang mawala pa sya...."(hik)

Pinagtitinginan na sya ng mga tao sa bar.

"Hoy, paree, lashiing ka na noh!"

Sabi ng isang lalaking katabi ng lamesa nya.

"Kanyina ka pa shalita ng shalita dyan, ala ka naman kahushap!"

"Buti pah shamahan na lahng khita! May prhoblema din ako sha lablyfe"

"Cheers pare!"

********

Sa bahay ni Belen.

Nasa silid ito at katatapos pa lang maligo ng may marinig syang sumusutsot.

Natakot sya.

Belen: "May multo ba dito sa bahay? Bat may sumusutsot?"

Pinilit nitong pinakinggan ang sutsot.

Maya maya may nadinig syang may bumato at hinanap nya ito.

Belen: "Ano na naman yun?!"

Luminga linga sya sa paligid.

Sa pangalawang pagbato sa may salamin ng kwarto nya tumama, kaya dalidali syang nagtungo sa salamin para tingnan kung saan ito nagmumula.

Belen: "Hindi naman malakas ang hangin, saan nanggaling yung narinig ko?"

Mamaya maya may sumutsot na naman at sinundan nya ang pinanggagalingan ng sutsot.

Nakita nya sa isang puno na malapit sa bintana nya ang isang lalaking kumakaway sa kanya.

Belen: "Hay! Jusmiyo! Kapre!!!"

Takot na takot ito at natatarantang isinasara ang bintana ng biglang magsalita ang kapre.

"Giliw ako 'to! Wag kang matakot, at saka wag mong isara ang bintana. Gusto kong masilayan ang ganda mo, Giliw ko!"

Belen: "Juskolord! Sinasapian na ata yung Kapre! Kaboses na kaboses ni Gene!"

Sinubukan lumapit ni Gene kay Belen para makilala sya nito.

Gene: "Giliw, ako 'to si Gene!Kamusta ka na? Na miss na kita!"

Nahimasmasan si Belen ng makilala si Gene pero..

Belen: "Bwiset ka Gene! Tinakot mo ako! Anong ginagawa mo dyan?! Bakit ka nasa taas ng puno?!"

Gene: "Hindi kasi ako pinayagan na makapasok kaya umakyat na lang ako sa puno para makita ka! Natuwa ka ba sa ginawa ko, Giliw ko?!"

At nagpapa cute pa ito kahit na hirap na hirap ng magbalanse sa puno.

Belen: "Anong natuwa na pinagsasabi mo? Naninilip ka siguro kaya ka andyan?! Hmp!"

Sabay hinigpitan ang pagkakatali sa bathrobe nya. Bigla nya kasing naalala na wala syang suot maliban sa bathrobe.

Gene: "Asus si Giliw palabiro!

Wala akong planong silipan ka kanina, pero ngayon meron na!"

Sabay ngiti nito.

Belen: "Haiist! Hmp! Gabi na Gene, umuwi ka na! Magpapahinga na ako!"

Gene: "Ayoko nga! Ang hirap kayang umakyat ng puno makita ka lang tapos pauuwiin mo agad ako!"

Sabi nito na parang batang nagtatampo.

"Sige na Giliw kung inaantok ka na dito lang ako at babatayan kita!

Ipaghehele pa kita kung gusto mo!"

Malambing nitong sambit.

Maya maya kumahol ang mga aso at hinanap si Gene. Mukhang naramdaman na nila ang presensya ni Gene.

Gene: "Giliw pwede bang papasukin mo ako. Hehe!

Baka makagat ako ng aso eh!"

Belen: "Neknek mo manigas ka dyan!"

At pinagsarhan na sya nito ng bintana.

Maya maya may mga tao na syang nadinig na papalapit para suwayin ang mga aso dahil sobra na nilang ingay.

Nang biglang.

BLAG!

"Ano yun!"

"Doon sa banda ron!"

"May bumagsak galing sa taas ng puno!"

"Bilis tingnan natin baka magnanakaw!"

Gene: "Aray, aray, ang balakang ko masakit!"

Nilapitan na sya ng mga aso buti na lang maagap ang mga tauhan na naroon napigilan nila agad na kagatin si Gene.

"Sir, ano pong ginagawa nyo sa puno?"

Tanong ng isang tauhan ng makilala si Gene iyon.

Gene: "Nagpapahinga! Bakit ba, kanya kanyang trip lang yan!"

Belen: "Ano bang nangyayari dyan!"

Tanong ni Belen na dumungaw sa bintana.

Nakabihis na ito.

"Madam, si Sir Gene po nahulog sa puno!"

Belen: "Ah, ganun ba!"

'Hmp! buti nga sa kanya naninilip kasi!'