"Ano pang hinihintay mo dyan? Pumasok ka na rito!"
Sabi ni Issay kay Nicole pagdating nila ng apartment.
Nagulat si Nicole, hindi nya alam ang gagawin kaya napatingin ito kay Madam Zhen.
Nangiti naman si Madam Zhen sa itsura ni Nicole, halatang kinakabahan ito, kaya isinama na nya ang bata sa loob ng apartment ni Issay.
Issay: "Mula ngayon dito kana titira! Halika!"
Umakyat sila at dinala sya ni Issay sa isang silid.
Issay: "Dito ang silid mo! Ito rin ang silid na ginagamit ng ate mo pag nandito sya. May mga naiwan pa syang damit dyan na pwede mong gamitin!"
"Sige maiwan ko muna kayo at maghahanda lang ako ng hapunan! Mukhang hindi ka pa kumakain!"
At bumaba na ito, iniwan si Nicole at Madam Zhen.
Madam Zhen: "O, ayan nasagot na ang tanong mo kaya wag ka ng magalala! Mabait yang si Issay at close sila ng ate Nadine mo!"
Pero napansin nyang parang hindi kumportable si Nicole. Hindi nya maintindihan pero halatang hindi ito mapakali.
Madam Zhen: "Bakit? Nahihiya ka ba sa kanya? Wag kang magalala malapit lang ako sa'yo! Wag ka ng mahiya ang mahalaga may nagpatuloy sayo! Kung nahihiya ka pa rin bakit hindi mo subukan ng mga ilang araw!"
Mukhang wala na nga syang magagawa sa ngayon kung hindi pumayag kesa matulog sya sa kalye.
Pagbaba nila naghahain na si Issay ng hapunan.
Issay: "Madam Zhen dito na po kayo mag hapunan!"
Madam Zhen: "Haaay naku, Ineng na mi miss ko na ang mga luto mo kaya hindi ako tatanggi!"
Naintindihan nya na ang intensyon ni Issay ay upang hindi mailang si Nicole kaya pumayag ito.
Kumuha lang ng kaunti si Nicole para pag bigyan si Issay. Plano nito na umakyat na agad dahil naiilang talaga sya. Pero wala syang nagawa ng si Issay mismo ang naglagay ng pagkain sa plato nya.
Issay: "Kumain ka ng marami at ubusin mo yan!"
Napansin ni Issay na malaki ang pinayat ng bata mukhang mahirap ang mga pinagdaanan nito.
Pagkatapos nilang kumain nagpaalam na si Madam Zhen at umakyat na si Nicole.
'Hindi talaga ako pwedeng manatili dito! Sobrang nakakailang! Pakiramdam ko sasakalin nya ko anytime!'
Kaya bukas na bukas din kailangan kong maghanap ng matitirhan!'
Matutulog na sana sya ng madinig nyang kumatok si Issay.
Issay: "Gusto kitang makausap Nicole!"
Pumasok ito at naupo sa kama.
Pinagmasdan nya si Nicole bago magsalita, halatang naiilang ito kaya hindi nawawala ang pagiingat sa kilos nya.
Ito ang pagkakaiba niya kay Nadine. Madaling mabuyo si Nadine dahil sobrang bait ng batang iyon di tulad nito na laging handa.
Nangiti ng bahagya ang labi nya ng naisip ito.
Issay: "Alam kong naiilang ka sa akin at aaminin ko kahit ako ay ganun din ang nararamdaman ngayon!
Pero gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa'yo! At kung ano man ang nangyari nuon tapos na yun! Kaya pwede bang magsimula ulit tayo?"
"Hindi kita mapipilit na magustuhan ako pero hindi rin kita pwedeng pabayaan! Naniniwala ako na may dahilan kaya tayo nagkita ulit kaya pwede ba bago ka magisip na umalis dito, pagbigyan mo muna ako kahit na ilang araw! Wala naman mawawala kung susubukan natin diba?"
Tumango lang si Nicole.
Issay: "Sige matulog ka na at maaga ka pa bukas. Kung may kailangan ka magsabi ka lang!"
Pero isa lang ang nasa isip ni Nicole.
'Kailangan ko na talagang makahanap ng matitirhan bukas na bukas! Hindi ako makakatagal na kasama sya!'
*****
Kinabukasan hindi nagising ng maaga si Nicole.
Sanay na syang magising ng maaga pero ngayon mukhang napahimbing ang tulog nya.
Marahil ay ngayon lang ulit sya nakaramdam na matulog sa komportableng higaan at naka aircon.
Issay: "Nicole, mag aalas singko na bumangon ka na dyan!"
Napabangon sya ng madinig ang boses ni Issay at dali dali na itong kumilos para maghanda sa pagalis.
Nang makita ni Issay na nagmamadali ito sa pagbaba ng hagdanan at dirediretso sa pinto...
Issay: "Ops, ops, ops! San ka pupunta? Halika, maupo ka muna dito at mag almusal!"
Hindi sanay si Nicole na maaga nagaalmusal kaya hindi nito alam ang gagawin. Kung aalis o mauupo.
Tiningnan sya ni Issay ng mapansing hindi ito kumilos sa pagkakatayo.
Issay: "Ano pang inaantay mo dyan! Upo!"
Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng biglang takot kaya napalunok na lang ito at sumunod.
Issay: "Kumain ka at kailangan mo yan! Hindi tamang nagpapagutom ka! Wag kang magaalala kay Madam Zhen at tatawagin ka nun pag aalis na kayo!"
Sabi nito habang nilalagyan ng sinangag, itlog at bacon ang plato.
Napakunot ang noo ni Nicole.
'Pano ko 'to uubusin?'
Napabuntunghininga na lang sya at sinimulang kumain.
Simula kahapon hindi pa sya kinakausap ni Nicole halatang nagiingat sya kay Issay.
Issay: "Alam kong may plano kang maghanap ng matitirhan ngayon, pero kung ako sa'yo wag na lang!
Nagkausap kami ng ate mo kahapon at sinabi kong andito ka! Sabi nya na miss ka na raw nya at sabi din nya sa akin wag na wag daw kitang paalisin dito sa apartment!"
Napatigil sa pagsubo si Nicole, may tila nakabara sa lalamunan nya at nahihirap syang lumunok. Hindi na nya napigilan ang pag patak ng luha.
Nagkunwari si Issay na wala syang napansin ng makitang umiiyak ito. Pilit na tinatago ito ni Nicole sa kanya kaya umiwas na rin ito ng tingin. Ayaw nyang lalong mailang ang bata kaya dire diretso sya sa pagkwento.
Issay: "Nung malaman ng ate mo na naglayas ka, sobra syang nagaalala!
Gusto na nga nyang umuwi ng pilipinas para hanapin ka pero pinigilan ko! Sayang kasi kung titigil sya sa pagaaral kaya nangako ako sa kanya na ako na lang ang maghahanap sa'yo!"
"Kaya ngayon nakita na kita sa tingin mo basta basta kita pakakawalan?"
"At isa pa, gusto kang makausap ng ate mo mamya pag uwi mo!"
Tumango lang si Nicole.
Uupo na sana sya para saluhan si Nicole ng dumating si Madam Zhen.
Madam Zhen: "Wow! Pakain nga din! Pahingi na rin ng kape!"
Napakamot sa ulo si Issay saka tumayo at kumuha ng kape at plato para kay Madam Zhen.