Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 93 - Hayaan Mo Akong Tulungan Ka!

Chapter 93 - Hayaan Mo Akong Tulungan Ka!

Kanina..

Pagkagaling nila sa presinto ibinalik na ni Anthon si Issay sa hotel.

Hindi pa rin nila alam ang nangyari kay Winnie kanina. At nasa mukha pa rin ni Anthon ang pagaalala at ayaw umalis sa tabi ng kasintahan.

Anthon: "Gutom ka na ba? Dito na lang tayo kumain sa silid ng hapunan, huwag muna tayong lumabas para maka pagpahinga ka!"

Issay: "Mahal, galit ka ba? Sorry kung pinagaalala kita!"

Oo galit si Anthon! Galit na galit! Pero hindi kay Issay.

Anthon: "Hindi ako galit sa'yo! Pero nagalala ako ng sobra!"

Issay: "Alam kong hindi ka galit sa akin, pero wag mong sisihin ang sarili mo! Wala kang kasalanan!"

"Hindi nangyari ito dahil sa kapabayaan mo kungdi dahil sadyang may mga masasamang tao lang talaga!"

"At sana wag mong kalimutan na hindi mahina ang fiancé mo! Hindi ko man sila kayang labanan kanina, alam ko naman na nakasunod sa akin si Leon at ang dalawang bodyguard ko!"

Anthon: "Anong ibig mong sabihin...."

Issay: "Kanina ng umalis ako, kinausap ko si Leon! Alam kong may posibilidad na may mangyaring ganito pag humiwalay ako sa'yo!"

Tinitigan sya ni Anthon.

Issay: "Oo, ako ang nagutos sa kanila na kung sakaling kumilos ng hindi maganda ang mga taong iyon, kailangan mahuli sila sa akto at kailangan may ebidensyang magdidiin sa kanila!"

"Nakakapagod na ang takasan ng takasan natin ang mga bumubuntot sa atin. Hindi tayo mga kriminal kaya bakit tayo kikilos ng ganun at bakit tayo matatakot sa kanila?"

Ang tinutukoy ni Issay ay ng iligaw nila ang mga bumubuntot sa kanila nung isang araw at ang plano ni Anthon na umalis sila ng Boracay na sekreto na para silang may tinatakasan.

Ayaw ito ni Issay pero hindi nya masabi kay Anthon dahil ramdam nya ang kaba nito.

Nagulat si Anthon.

Hindi nagsasalita ang nobya sa mga desisyon nya, akala tuloy nya okey lang sa kanya ang lahat hindi ko alam na nahihirapan na pala ang kalooban nya.

Nagkamali sya, nakalimutan nya na hindi gusto ni Issay na kinokontrol sya at ayaw din nitong nararamdaman na mahina sya.

Issay: "Anthon Mahal, alam kong may mga plano ka pero gusto ko din sumama sa pagpaplano! Hindi mo lang laban ito, laban natin dalawa, kaya sana hayaan mo akong tulunganan ka!"

Nangiti si Anthon sa sinabi ni Issay at saka inakap ang nobya at hinalikan.

***

Pagkasabi ng manager na wala duon si Winnie agad itong nireport ni Leon kay Anthon.

Anthon: "Alamin mo kung sino yung mataas na opisyal!"

Leon: "Boss nalaman ko na si Gob. Anthon Santiago! May nangyari daw kanina kaya kinuha sya ng mga tauhan ni Gob.!"

Nagulat si Anthon. Anong kinalalaman ni Winnie kay Gob?

Kailangan nyang makausap si Gob. pero pano nya sasabihin kay Issay?

Tinawagan nya si Gob.

Anthon: "Gob. pwede ko ba kayong makausap, importante lang!"

Gob. "Oy, Capt! Tungkol ba saan? Hindi ba yan makapagaantay? May date kami ni Misis e! compliment ng hotel! Hehe!"

Anthon: "Sandali lang po ito Gob. pakiusap! Importante lang talaga!"

Ramdam sa boses ni Anthon na may problema ito kaya pumayag si Gob. saka hindi pa naman tapos mag ayos ang misis nya at hindi nya alam kung gaano katagal ito mag aantay.

Gob.: "O sige pumunta ka dito sa silid.

Nasa banyo nuon si Issay at naghahanda na para matulog ng magpaalam si Anthon na sasaglit lang daw kay Gob.

Pinayagan na nya ito at saka na lang nya tatanungin kung bakit.

Anthon: " Gob. pasensya na talaga sa abala!"

Gob.: "Okey lang, tungkol ba saan? At nasaan si Issay?"

Kinuwento ni Anthon ang nangyari. Si Mariz na nakikinig lang sa paguusap ng dalawa biglang lumapit sa kanila.

Mariz: "Kamusta si Issay?"

Nagaalala sabi nito.

Anthon: "Okey na po sya, Mrs

Gob., pinagpahinga ko na muna!"

Gob. : "Ano bang maitutulong namin sa'yo?"

Inilabas ni Anthon ang larawan ni Winnie sa cellphone.

Anthon: "Eto po ang itinuturo ng mga nahuli na nagutos sa kanila!"

Sabay na kumunot ang noo ng dalawa, halatang inis. Lalo na si Mariza na hindi lang inis kundi nanggigil sa galit.

Anthon: "Nagpunta na ang mga pulis dito at hinahanap sya pero wala daw dito! Sabi ng manager na sa inyo raw ang taong ito?"

Gob.: "Totoong nasa mga tauhan ko iyan at iniimbestigahan nila! Isa yang espiya, nahuli syang nasa loob ng silid. At ng makita namin ang surveillance video, nalaman naming ilang araw ng labas masok sya sa silid na ito!"

Si Winnie, espiya?

Hindi makapaniwala si Anthon.

Gob.: "Alam kong gusto mong mabigyan ng hustisya si Issay sa nangyari sa kanya, pero hindi pa tapos ang mga tauhan ko sa pagiimbestiga!"

Anthon: "Naintindihan ko Gob. pero may kailangan pa kayong malaman!"

"Winnie Sanchez ang pangalan ng babaeng yan, isa syang flight attendant at pamangkin sya ni Congressman Sanchez!"

"Hindi lang ito ang unang beses na gumawa sya ng ganito at nakalusot sya nun! Ngayon hindi na ko makakapayag na makalusot pa sya!"

Galit na sabi ni Anthon.

Nangisi si Gob.

Gob.: "Wag kang mag alala Capt, sisiguraduhin kong mabibigyan ng hustisya ang nobya mo! Ipaubaya mo na sa akin at pagkatapos ng mga tauhan ko sa kanya dadalhin namin sa presinto!"

"Pero sisiguraduhin ko na hindi na sya maabutan ng tiyuhin nyang congressman dito sa Boracay!"

Hindi naintindihan ni Anthon ang ibig sabihin ni Gob. at ayaw na nyang malaman pa. Pero nasabi na nya ang pakay nya at nahihiya na syang magtagal kaya nagpaalam na ito.

*******

Nagpatuloy si Gene sa paghahanap sa kadiliman. Iniisa isa ang mga batuhan at baka naroon si Belen.

Hindi sya nakakaramdam ng pagod tanging nasa isip lang ay makita si Belen.

Maya maya natalisod ito sa isang bagay at ng ilawan nya kung ano iyon isang paa ang nakita nya.

Lumukso ang puso nya at nang ilawan ang mukha natuwa sya ng makitang si Belen nga ito.

Agad niyang tininingnan ang kundisyon ng katawan nito.

Mahina na ang paghinga nito at inaapoy pa ng lagnat.

Nang mapansing inaabot sya ng tubig, agad nitong binuhat at dinala sa isang tuyong lugar.

Agad nitong inalis ang basang basa na damit nito, isinuot ang jacket nya at binalot ng dala nya kumot. Tapos ay gumawa ng apoy para mainitan ito.

Tininingnan nya ang mga sugat sa buo nyang katawan at saka nilunasan.

"Kailangan bumaba ang lagnat nya!"

Pero paano gayong nakikita nyang nanginginig na ito sa ginaw.

Tinabihan niya si Belen at saka inakap.

Nang maramdaman ni Belen ang init ng katawan nya sumiksik ito sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag