Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 72 - Ano Meron?!

Chapter 72 - Ano Meron?!

Isang linggo na lang kaarawan na ni Mama Fe! Ang araw na inaabangan na ng lahat, lalo na ng mga taga San Roque.

Gaganapin ang selebrasyon sa isa sa mga resort ng Perdigoñez. At handa na sana ang lahat.

Kaya lang may malaking problema ang magkakapatid.

Sa dami ng bisitang inimbita ng may 'birthday', hindi na tuloy nila alam kung paano pagkakasyahin lahat duon.

Sa sobra kasing 'excitement' ni Mama Fe dahil sa planong pag po 'propose' ni Anthon kay Issay, pero hindi nya magawang ipamalita, kaya nauwi ito sa pagiimbita sa mga taga ruon. Gusto nyang masaksihan ito ng lahat.

"Oy! Kayo'y 'wag na 'wag mawawala sa birthday ko ha at nasisiguro kong magiging masaya yon! Hehe!"

At parang kinikilig pa ito, kaya marami tuloy ang naiintriga sa kung ano ang mangyayari sa birthday nya.

Mabuti na lang at dumating na sila Issay ng San Roque may makakatulong na sila kay Mama Fe.

Kasama ni Issay umuwi ang kaibigan sila Vanessa at Madam Zhen pati ang mag amang Pinyong at Mang Lito. at syempre ang mga bodyguards nya.

Hindi alam ni Issay ang nangyayari pero ramdam nyang may tensyon sa paligid.

Lahat kasi ng malapit kay Issay alam na magpo propose sya maliban sa kanya.

Kahit si Madam Zhen nalaman din, kaya kahit hindi nito kilala ang ina ni Anthon inimbita ang sarili at gustong masaksihan din ang darating na proposal.

Issay: "Joel kamusta ang preparasyon? May problema ba?"

Joel: "Bakit ate? Bat mo natanong?"

Issay: "May kakaiba kasi akong nararamdaman!"

Napakunot ang noo ni Joel sinusubukan maging blanko ang mukha para hindi makahalata si Issay.

Joel: "Eh, Ate medyo may konti lang naman problema pero kakayanin pa naman!"

Vanessa: "Ano ba yun, Honeybabe? Tungkol ba kay Mama Fe? Kulang na ba ang budget nyo?"

Sumingit na si Vanessa para tulungan ang kasintahan.

Joel: "Eh, medyo!"

"Lahat kasi ng makasalubong ng Mama iniimbita nya at nangangako sa kanyang pupunta sila, kaya ayun medyo kinakapos na, pero magagawan naman ng paraan!"

"Ang mas malaking problema ay kung pano pagkakasyahin silang lahat sa resort at isa pa ang security! Hindi kasi kakayanin ang ganuon kadaming tao!"

Issay: "O, eto para mabawasan ang isa sa mga problema!"

Sabay abot ng isang bag na puno ng pera na pakiramdam ni Joel may isang milyon ata ang laman.

Nanlaki ang mga mata ni Joel.

Joel: "Pero Ate Issay, hindi ko matatangap ito! Magaglit sa 'kin si Kuya Anthon!"

Issay: "Diba, kayo na rin ang nagsabi na pamilya tayo, kaya kunin mo na yan at akong bahala sa Kuya mo!"

Pag kulang pa sabihin mo sa akin!"

Joel: "Pero, takot ako e!"

parang bata nitong sabi.

Issay: "Umayos ka Totoy!"

"Kunin mo na yan kung ayaw mong sapakin kita dyan!"

Sabay talikod sa magkasintahan.

Joel: "Mas nakakatakot sya Honey love! Ano ba nagustuhan ni Kuya dun?"

Vanessa: May mga lalaki talagang mahilig sa kariñong brutal honey babe!"

Joel: "..."

Vanessa: "Ikaw? Gusto mo subukan natin?"

Joel: "A.Y.A.W.!!!"

Umiiling nitong sagot sa kasintahan.

Nakarating na rin kay Belen na magpo propose si Anthon pero hindi nya muna sinabi kay Edmund na katabi nya ngayon habang kausap si Issay.

Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamangkin niya pagnalaman ito.

Pero ang hindi niya alam, nakausap na ni Anthon si Edmund bago sya umuwi ng San Roque tungkol dito, lalaki sa lalaki.

Anthon: "May kailangan akong sabihin sayo!"

Edmund: "Ano yun?"

Anthon: "May plano akong mag propose kay Issay, gusto ko lang malaman kung tumututol ka?"

Nagulat si Edmund. Hindi nya akalain na bibigyan ni Anthon ng halaga ang nararamdaman nya.

Maya maya ngumiti na ito.

Edmund: "Alam kong hindi kita kayang higitan sa puso nya!"

Madrama nitong sagot.

Nung mga oras na iyon, batid na ni Edmund na ang nararamdaman nya kay Isabel ay isang malaking paghanga.

At nitong nagdaang mga araw na nangungulila sya kay Nadine, aminado na sya na iniibig nga nya ang kaibigan bagay na sising sisi sya bakit hindi sya agad naniniwala sa tiyahin.

'Ngunit nasaan ka Nadine?'

Haaay!

Kinakabahan si Belen pag nakikita nyang ganito ang pamangkin. Simula ng mawala sa paningin nya si Nadine, laging tuliro at wala sa sarili.

Issay: "Ate Belen! Hello?"

"Nandyan ka pa ba?"

Nagulat sya kay Issay na nakalimutan nyang nasa kabilang linya pala.

Belen: "Issay, sabihin mo kay Anthon, hatiin ang mga bisita! Isa sa resort at yung iba sa bahay, para hindi lahat maglusuban duon!"

Issay: "Naiintindihan ko Ate Belen!"

"Pakisabi nga pala kaya Edmund wagna nyang hanapin si Nadine dahil nagaaral sya sa abroad! Kung saan, hindi ko alam! Saka na raw nya sasabihin dahil gusto nyang mapagisa!"

Ito rin ang sinabi nya sa Papa ni Nadine para hindi na ito magalala.

Nagulat si Belen ng marinig ang sinabi ni Issay.

'Pano nya nalamang nagaalala ako sa iniisip ni Edmund?'

'Manghuhula na ba sya?'

Ginawa nga ni Issay ang lahat ng sinabi ni Belen kaya medyo nawala na ang tensyon sa paligid.

At dahil sa wala ng lugar kila Anthon at puno na ng mga kamaganak nila, naisipan ni Issay na ipagamit ang lote nya kung saan sya nagpapagawa ng skuwelahan. Pinatigil muna nya ang pag gawa pansamantala para sa kaligtasan ng lahat. Naglagay sila ng malaking tent at tulong tulong ang magkakaibigan na ayusin at pagandahin ito.

Ngunit may ibang plano si Issay. Batid nya ang ibang mga bisita na taga ruon ay gusto lang makikain kaya naisipan nitong imbis na isang araw lang ang handaan ginawa nyang limang araw. Kesa nga naman magtutungo sila sa resort mamasahe pa sila, dito na lang.

Hindi naman kinakabahan si Issay sa budget dahil bukod kay Belen at Edmund na parehong nagbigay meron pang nagsabi na tutulong din.

Marami kasing nakakakilala kay Mama Fe at sa asawa nito na gustong tumulong din.

Naisip ito ni Issay para pagdating ng mismong araw ng birthday konti na lang ang dumalo.

Tuwang tuwa naman ang magkakapatid na sila Anthon, Gene at Joel sa naisip ni issay. ngayon malilimitahan na ang mga dadalo sa resort na walang magdadamdam.

Pero kahit na naayos na ang problema may kakaiba pa ring nararamdaman si Issay sa paligid lalo na sa kasintahan.

Bakit parang natataranta ito pagnakikita sya?

'Bakit parang may something na hindi ko pwedeng malaman?'

Anong meron?!