"Nadine?!"
Sabay na sambit ni Anthon at Joel.
Nagtatanong ang mga tingin sa kanilang dalawa.
Nagtaka naman si Jaime at si Gene pano nila nakilala ang babae.
Anthon: "Anong ibig sabihin nito?"
Seryosong tanong nya sa pamangkin na inaanak din.
Joel: "Oonga Jaime, magpaliwanag ka!"
"Itinanan mo ba si Nadine?"
Seryoso nyang tanong.
Jaime: "Huh?"
Anthon: "Alam ba ng Ate Issay mo 'to?"
Tanong nya kay Nadine.
Umiling si Nadine, nahihiya sa sitwasyon. Hindi nya akalain na kamaganak pala nya si Anthon.
Lalo naman naguguluhan si Gene. Pano nasama si Issay?
Gene: "Jaime lumapit kayo dito!"
Paglapit hinawakan nya ang kamay ng dalaga.
Gene: "Iha 'wag kang matakot." "Tapatin mo ako ha, pinuwersa ka bang sumama ng anak ko?"
Jaime: "Paaa! Pati ba naman kayo!"
Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng ama.
Gene: "Namumutla siya pano hindi ako magiisip!"
Jaime: "Tinatakot nyo po kasi!"
Gene: "Tinatakot ka ba namin?"
Umiling si Nadine. Hindi sya natatakot, nahihiya sya sa mga lalaking kaharap nya.
Anthon: "Nadine maupo ka muna! Ikaw dun ka sa kabila maupo!"
Singhal nya sa pamangkin ng makitang tatabi ito kay Nadine.
Anthon: "Ngayon ipaliwanag nyo anong nangyari at magkasama kayo!"
Napansin ni Jaime na nahihiya si Nadine kaya sya na ang nagsalita.
"Namimili ako ng pasalubong para kay Lola Fe ng makita ko syang hinahabol ng mga lalaki kaya sinundan ko ng tingin! Mamaya maya nadinig kong may tumili kaya tumakbo ako at hinanap ko kung saan ito nanggaling. May kutob akong yung babaeng nakita kong hinahabol ng mga lalaki ang tumili.
"Nakita ko sila sa isang iskinita. Nag 'warning shot' ako pero dipa rin sila tumigil kaya lumusob na ako!"
"Nang maitaboy ko na sila tinulungan ko sya pero ayaw nyang magpunta sa presinto para maghain ng reklamo!"
Tiningnan ni Anthon si Nadine.
Anthon: "Bakit?"
Nadine: "Natatakot ako Kuya Anthon baka balikan nila ako! Saka baka malaman ng Papa pauwiin ako!"
Umiiyak nitong sambit.
Nilapitan sya ni Anthon at saka inakap.
Anthon: "Tahan na!"
Nadine: "Kuya, pakiusap 'wag mong sasabihin kay Ate Issay! Magaalala yun!"
Anthon: "Pero Nadine, kilala mo ang Ate Issay mo, hindi ko kayang magsinungaling sa kanya!"
Naiiyak si Nadine pero tumango ito, tanda na naiintindihan nya si Anthon.
Anthon: "Nadine dito ka muna, 'wag kang aalis, 'wag ka ring matakot! 'Safe' ka dito!"
Tumango ito at ngumiti. Ramdam naman nya na ligtas sya sa kanila.
Nang makitang nawala na ang takot at pagaalinlangan sa mukha ni Nadine, saka lang tumayo si Anthon, umakyat sa taas at tinawagan si Issay.
Joel: "Naku pamangkin! Tsk! Tsk! Isa lang masasabi ko sa'yo! Lagot kay Mama Fe pati kay Ate Issay pag nalaman nila itinanan mo si Nadine!"
Jaime: "Sino si Ate Issay?"
Joel: "Si Ate Issay ang jowa ng Ninong mo!"
"At kung ang Mama ay dragon yun naman tigre! Kaya ayun ang Ninong mo, natataranta at nanginginig ngayon habang tumatawag kay Ate Issay! Hehe!"
Sabay bulong sa kanila.
"Ander kasi! Hehehe!"
Nangiti si Nadine sa sinabi ni Joel
Alam nya kung gaano kamahal ni Anthon si Issay. Lahat ata gagawin nito para sumaya ang kasintahan.
Napansin ito ni Joel.
Joel: "Buti pa Nadine halika sumama ka sa akin sa taas para makapagpahinga ka! Alam kong napagod ka sa byahe!"
"Iwan na natin yang mag ama at may paguusapan pa sila!"
At inalalayan nya ito paakyat habang sinusundan sya ng tingin ni Jaime.
Ehem!
Napalingon si Jaime sa ama ng marinig iyon.
Gene: "Ngayon lang kayo nagkita pero inuwi mo na ng San Roque?"
Jaime: "Pa, kita mo naman mukhang na trauma, pano ko iiwan yun!"
"Saka sya ang sumunod sa akin, nagulat na lang ako ng nasa bus din sya na sinakyan ko!"
"Kaya ayun sinamahan ko na!"
"Hindi ko sya tinanan, promise!"
Gene: "Hmmm....
Dami mong sinabi!"
Natahimik bigla si Jaime na tila napahiya.
Gene: "Gusto ko sya!"
"Wag mo ng pakawalan!"
Nangiti naman si Jaime sa sinabi ng ama.
Nadine: "Kuya Joel, nasaan po ba ako?"
Napakunot ang noo ni Joel.
'Hindi nya alam kung nasaan sya? Loko tong si Jaime ginayuma ba nya ito?'
Joel: "Nasa San Roque ka!"
Nabigla si Nadine nanlaki ang mga mata, hindi alam kung pano sya nakarating dito.
Nakita nyang sumakay si Jaime kaya sumakay din sya ng hindi inaalam kung saan papunta ang bus.
May natitira pa itong pera na nasa pitaka nya, iniabot sa kunduktor, hindi na naantay ang sukli dahil nakatulog na ito.
Buong byahe syang nakatulog at nung 'stop over' napansin siya ni Jaime. Nakipagpalit ito ng upuan sa katabi ni Nadine at nagulat na lang na katabi na nya si Jaime ng magising.
Nadine: "Diba taga dito si Ate Issay?"
Joel: "Oo, dito sya pinanganak!" "Halika!"
Dinala sya nito sa may likod bahay.
Joel: "Nakikita mo ba yung bahay na yun?"
"Yan ang bahay ni Ate Issay! Ipinagagawa nya yan ngayon, tapos dun sa banda roon sa tabi ng bakuran nya may pinagagawa naman syang skuwelahan!"
Nangiti si Nadine. Alam nya na may plano si Issay na magpatayo ng skuwelahan para sa may mga kapansanan pero hindi nya alam na inuumpisahan na pala nya.
Joel: "Buti pa maligo ka na muna! Kukuha kita ng pamalit, sandali lang!"
Pumunta ito sa kwarto ng ina at paglabas may dala ng damit at tuwalya.
Joel: "Andun ang banyo, sige na maligo ka na at ipagluluto kita! Alam kong gutom ka!"
Nahihiya si Nadine dahil sa kabaitan niya.
Napansin ito ni Joel
Joel: "Nadine, pamilya ang turing namin kay Ate Issay, at lahat ng tinuturing na pamilya ni Ate Issay, pamilya na rin ang turing namin! Kaya wagka ng mahiya!"
"Pansamantala yan muna ang suotin mo bukas mamimili tayo ng mga kailangan mo!"
Tumango ito at saka sumunod.
Pagkatapos maligo at matapos kumain dinala sya ni Joel sa silid ng ina para makapagpahinga.
Joel: 'Wagka magaalala hindi uuwi ang Mama!"
Sagot ni Joel ng mapansin ang pagaalala nito.
Joel: "Kung may kailangan ka wagkang mahihiyang magsabi!."
At sinara na nito ang pinto.
Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang pagaasikaso, bagay na ikinatuwa ng kanyang puso.
Maya maya nakaidlip sya ng may ngiti sa labi.