***
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?"
I nodded at Tita Elene's question. Hawak-hawak ko ang luggage ko habang naghihintay ng taxi na masasakyan.
"Paano kung malagay ang buhay mo sa panganib? What if matulad ka sa nangyari sa anak ko?" She said with the tune of worried and disapproval. I can sense that she doesn't want me to leave her alone.
Si Tita Elene ang ina ng matalik kong kaibigan na si Tiffany. Mabait siya tulad ni Tiffany at itinuring niya akong parang tunay na anak. Nakikitira ako sa compound nila since when I was in first year high school. At sila ni Tiffany ang nag-offer na tumira sa kanila noong nagrebelde ako sa aking mga magulang. Pero ngayon, lilisanin ko na ang lugar na ito dahil sa iisang dahilan at layunin.
"If death is the way to find justice, I will lead myself to death." Seryosong turan ko habang walang takot na humarap sa mga mata niya.
"B-but, i-it's too dangerous! You don't know kung ano ang makakaharap mo sa oras na pumasok ka sa paaralang iyon. Baka mamaya pagsisihan mo pa ang plano mo." Ramdam ko sa tinig ni Tita ang pagprotesta sa pinaplano ko.
"I don't care, Tita Elene. Kung pagsisihan ko man ang ginawa ko, hindi ko hahayaang mapunta iyon sa wala. Hangga't hindi ko malalaman ang tunay na rason ng pagkamatay ni Tiffany, hindi ako titigil sa mga binabalak ko."
Kung buhay ko ang kapalit, isusugal ko ang buhay ko makamtan lang ang hustisyang hinahangad ko. Maipaghiganti lang ang pagkamatay ng bestfriend ko. Hindi ako natatakot harapin ang kamatayan para magkaroon ng linaw sa tunay na dahilan ng pagkamatay niya.
Pagod na humigit ng hininga si Tita. Umiling ito at tila disappointed na tumingin sa akin.
"Well, kung iyan ang gusto mo..." She sighed, tanda ng kanyang pagsuko. "..basta maipangako mo sa akin na mahahanap mo ang dahilan sa likod ng walang-awang pagpaslang sa anak ko." Sabi pa nito at bakas pa ng pag-aalala ang kanyang tinig.
I smirked. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Tita. Sisiguraduhin kong maipaghihiganti ko si Tiffany at magbabayad ang mga pumatay sa kanya." Hindi ko hahayaang mabulilyaso ang mga plano ko para sa bestfriend ko.
"Sana nga.." Ngumiti ito ngunit hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata niya.
Alam kong napipilitan lang siya sa pagpayag niya. Hindi ko siya masisisi, napamahal na siya sa akin sa iilang taong pamamalagi ko sa kanila kaya hindi ako magtataka kung labis ang pag-aalala niya para sa kaligtasan ko.
"Sana hindi mo sapitin ang nangyari sa aking anak."
May pumaradang taxi sa harapan ko. Inayos ko ang aking sarili bago napagpasyahang pumasok sa loob ng taxi.
"Jessica, please be safe!" Pahabol na sigaw pa ni Tita.
Nilingon ko siya at binigyan ng isang matamis na ngiti sabay sarado ng pinto ng taxi.
"Saan po tayo, Miss?" The driver asked me.
I gave him a piece of paper where in the exact address of that school was written on it. I don't want to waste my saliva by telling to the driver where I exactly going. I must not waste it in some nonsense things. Unlike other girls, hindi ako mahilig magsalita. Isa akong silent type at kaunti lamang na mga words ang aking ginagamit unless kung may mahalaga akong sasabihin.
Sa gitna ng biyahe, hindi ko maiwasang magbalik-tanaw tungkol sa nangyari sa aking matalik na kaibigan, ang dahilan kung bakit ako aalis sa lugar na naging mahalaga sa akin.
It was raining back then. Hawak-hawak ko ng mahigpit ang aking payong habang binabagtas ang kahabaan ng kalyeng patungo sa compound na tinutuluyan ko. Papauwi na ako galing sa maghapong nakakapagod na gawain.
Kanina pa akong kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Panay ang tingin ko sa cellphone na hawak-hawak ko upang i-check kung nagtext ba sa akin si Tiffany.
Actually, we are studying from a different schools. We had a different taste in terms of school that we want. Meh, I want to study in a public school to conserve money while Tiffany want to study in her dream school. Masyado na kasing nakakahiya kung palagi akong nakaasa sa pamilya nila Tiffany at isa pa napakadami na nilang nagawang mabuti para sa akin at hindi ko na alam kung paano ko sila susuklian. Malapit na ring maubos ang perang ipon ko na kinuha ko pa mula sa aking mga magulang kaya naisip kong sa public school muna ako mag-aral hangga't hindi pa ako nakakahanap ng part-time job.
'Tiffany, where are you?'
I hit sent after typing. Ilang segundo lang ay may nagtext sa akin. Binuksan ko ito at nakita kong nagtext sa akin si Tita Elene.
'Jessica, nakauwi na ba si Tiffany? Wala ako sa bahay ngayon kaya kayo na ang bahala sa bahay ha?'
Huminto ako saglit sa paglalakad upang magreply sa message niya sa akin.
'Okay. I texted her po.'
Sinend ko na iyon. Again, someone texted me. I opened it and I saw Tiffany's message.
'House. Help....'
My eyebrows knotted after reading her text message. Awtomatikong gumalaw ang aking mga paa at tinakbo ang daan patungo sa tinutuluyan niya.
Fear started to consumes me. I don't know why I'm suddenly feel like this. I felt something that very bad to happen. Something that I don't like.
When I reached her home, I immediately ran towards the door. Binalot ako ng kaba nang makita kong may bahid ng dugo sa doorknob ng pinto at hindi iyon naka-lock. Nanginginig at nagmamadali kong binuksan ang pintuan at ganoon na lamang ang panlalamig ko sa sunod kong nakita.
I saw Tiffany lying on the carpeted floor, lifeless and blood surrounded around her body. Her eyes are open widely and her mouth slightly open.
"No! Tiffany!!" I shouted as I ran towards her cold and lifeless body then I hugged her tightly. My tears started to flow like a never ending river.
Nadungisan na ng dugo ang uniporme ko ngunit wala roon ang atensyon ko. Yakap-yakap ko pa rin ang malamig niyang bangkay habang patuloy akong umiiyak at isinisigaw ang ngalan niya.
Ilang beses kong sinubukang tapikin ang kanyang pisngi at nagbabakasakaling magising siya. Ngunit kahit anong gawin ko, wala pa rin talaga. Patay na siya.
"Bakit mo ako iniwan?" I asked out of nowhere still hugging her cold body. I could hear the noise of the raindrops falling to the rooftop of the house.
"Sino ang may gawa sayo nito?" Umiiyak kong tanong habang iginagala ang tingin sa buong katawan niya and something piqued my attention.
Itinaas ko ang kamay niya at may makita akong nakasulat sa kanang pulso niya gamit ang dugo.
"W.O.L.V.E.S..."
MATAPOS ang pangyayaring iyon ay hindi ako tumigil sa paghahanap ng paraan para matukoy kung sino ang walang pusong pumatay sa kaibigan ko. Walang naiwang bakas ang salarin at masasabi kong pinaghandaan niya ang pagpatay sa kaibigan ko.
Walang nakuhang lead ang mga pulis na magtuturo sa salarin. Hindi nila matukoy kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat doon. Sa isang taong pag-iimbestiga sa kaso ng pagkamatay ni Tiffany, isinara ng mga pulis ang kasong iyon dahilan kung bakit ako ang nagpatuloy sa kanilang nasimulan.
That's the real reason why I want to go on that school. I felt something na may kaugnayan ang school na pinapasukam niya sa pagkamatay niya at aalamin ko iyon.
It's too hard for me to accept the truth but I tried to accept that she was no longer breathing. Ganoon talaga ang mundo.
I want to cry for her death but I thought that crying can't bring back someone's life. That's why to make her soul lead to peace I promised myself on her funeral to find the one who did it to her and what is the reason why she got killed. I want to avenged her death and to seek the truth. I want justice to serve in her grave.
Nilabas ko ang litrato na nakasilid sa wallet ko. I smile when I saw the smiling face of Tiffany while hugging me in the picture. That was the happiest memories I ever seen.
"I will make sure that I'll find the one who killed you, Tiffany. And I will make them pay for your death.." I whispered habang patuloy na umaandar ang sinasakyan kong taxi patungo sa unibersidad na papasukan ko.
"Miss, nandito na po tayo." Pukaw sa akin ng driver dahilan kung bakit sa kanya nabaling ang atensyon ko.
Hawak ang aking luggage, bumaba na ako sa taxi at inabot ang bayad ko sa driver.
"Keep the change." I said in monotone voice as I glance at the huge gate in front of me.
Hindi ko pinansin ang pag-alis ng sasakyan sa gilid ko. Natuon pa rin ang aking atensyon sa gate na nasa aking harapan. Pinasadahan ito ng tingin at namangha sa sobrang laki nito. Gate pa lang ay malaki na, paano pa kaya ang nasa loob nito?
I already now knew why Tiffany wants to study in this prestigious school. I am lying if I said that this school is not for the high class people. Sa estilo pa lang ng pagkakagawa ng gate ay halatang pang-mayaman na.
A man in a security guard attire approached me. Sa tantiya ko ay nasa edad 50's na ang lalaking ito at sa tingin ko siya ang guard ng university na ito. May hawak itong isang papel sa kamay nito na kaniyang sinisipat.
In his uniform, I saw the nameplate put on his right chest. I read his name. Buenavista Sage B.
"Mawalang-galang na, ikaw ba si Miss Jessica Smith? Iyong mag-aaral dito?" Tanong nito sabay baling sa hawak niya.
"Ako nga." In a cold monotone voice, I spoke. Wait, how did he know my name?
"Okay. Nagtext sakin si Madame Delacroix—the school's headmaster at sinabi niyang ikaw ay may balak na mag-enroll dito kaya dapat kitang gabayan papunta sa dorm na tutuluyan mo. Inasikaso na rin ng paaralan ang tungkol sa mga forms mo kaya wala ka ng dapat ipag-alala." He spoke na para bang nababasa nito ang isipan ko or I guess I am that too obvious. But wait, who is the one who enrolled me in this school without my permission?
"Sino ang nagpa—"
He cut-off my sentence. "It's Mrs. Montecillo, if you want to asked who did that." Again, nahulaan niya na naman ang tumatakbo sa utak ko. How did he do that?
"Halata po kasi sa mga galaw niyo." The old man said. I nodded at him. Ganoon ba kadali basahin ang mga galaw ko? I should learn on how to make my expressions unreadable because I don't want anyone to know my real intentions of this school.
So Tita Elene already enrolled me in this school? Why she didn't tell me? Oh, Tita Elene's surname was Montecillo by the way.
"I will guide you to your dorm, Miss Smith." The old man said in a formal and polite tone.
Woah. Pati pala 'yung guard ng university na ito marunong magsalita ng Ingles? Halatang pangmayaman ang unibersidad na ito. Hindi lang iyong mga teachers and students ang edukado pati rin iyong mga school personnel at facilitators.
On the way to my dorm, I roamed my eyes and started to observe everything. The structures of the buildings are well-designed and had a unique style even the facilities are organized and cleaned.
"Nandito na po tayo." Pukaw sa akin nito at hindi ko namalayang masyado akong naaliw sa pag-oobserve ko.
We stopped in front of the door with a room number put in it.
"Room number 110.." I mumbled as I roamed my eyes at the dorm.
The old man spoke causing me to glance at him.
"Maiiwan ko na po kayo rito. May gagawin pa akong importanteng bagay na dapat kong gawin. Ang magiging dorm mate mo ang siyang mag-aasist sayo. Good day and please be safe, iha." Binigyan pa ako nito ng isang makahulugang tingin at nakakapanindig-balahibong ngisi bago ito nagdesisyong umalis sa harapan ko habang pasipol-sipol.
Napakunot ang noo ko sa naging asta nito. Suddenly, I felt something weird and unusual. I have a doubts on that old man. It seems na may alam siya na hindi alam ng iba. I must observe that old man starting from now on. I felt like he's hiding something.
I let out a sighed as I faced the door. Itinaas ko ang kamay ko at kumatok ng tatlong beses.
"Wait lang." I heard a feminine voice inside the room.
It tooks for five minutes bago niya ako pinagbuksan ng pinto. A girl with a two-braided hair showed up infront of me and wearing a purple blouse with matching black leggings. Kapansin-pansin ang suot nitong eyeglasses na siyang bumagay sa kulay brown nitong mga mata. It seems that she's a nerd likewise.
She smiled at me showing her dimples in her cute cheeks. Inayos niya ang suot niyang eyeglasses at nagsalita.
"Are you Jessica Smith? My new room mate?"
"Yes."
"Kyaahh!" Nagulat ako nang bigla siyang napatili. Muntikan na akong mapatid nang bigla niya akong hinigit papasok sa loob.
"Taeyeon!" She blurted out still holding me tight. Ako, medyo naweirduhan sa biglaang pagbabago ng mood niya. Ang akala ko ay mahinhin at tahimik siya, 'yun pala may pagkabaliw at may topak.
"What?" Another feminine voice answered.
"Lika dito! Bilis!" I can sensed that she was excited to introduced me to my another room mate.
She glanced at me, wearing a smile into her lips. "Nice to meet you, Jess. I'm Yuri Kwon, by the way." Pagkatapos ay napatingin siya sa pinto ng isa sa mga kuwartong naroroon.
"Taeyeon, ang bagal mo naman.." Reklamo pa nito at mahahalata sa boses nito ang pagkayamot.
"Wait lang, hindi makapaghintay.." Sagot ng babaeng tinawag niyang Taeyeon.
Suddenly, the door opened and a girl with a blue T-shirt with matching white skirt appeared in front of us. She has a white hair tied in a messy bun and a pair of blue eyes. The white complexion of her skin making her outfit perfectly suit for her. At napansin kong may pagkamorena pala si Yuri kapag itinabi siya kay Taeyeon.
Nilapitan siya ni Yuri at kaagad hinila palapit sa akin. "She's Taeyeon Kim nga pala. Taeyeon meet Jessica Smith, you're new room mate." May ngiting pagpapakilala ni Yuri.
Taeyeon smiled and extended her hand to me. "Nice to meet you, Jess."
Tinanggap ko ang maputi niyang kamay at nakipag-handshake sa kanilang dalawa. When I was about to hold Yuri's hand, I noticed something in her right pulse.
W.O.L.V.E.S.
I frozed when I saw that tattoo. Wala ako sa sariling nakipagkamay sa kanya habang nakatingin sa pulso niya.
T-that tattoo is the same tattoo that I've saw in Tiffany's right pulse!
Is it possible na may alam si Yuri sa nangyari sa bestfriend ko? What was the tattoo mean?
"Hey." Napabalik ako sa aking huwisyo nang pitikin ako ni Yuri sa noo.
I blinked. "What?"
"Bakit tulala ka? May dumi ba ako sa mukha?" She asked.
"Wala. Puwede bang malaman kung saan ang magiging kuwarto ko?" I remained my composure as I changed the topic. Hindi dapat nila malaman na may tinatago ako.
They smiled at me. "Sure and after that we will tour you in this university since tomorrow pa ang start ng pasukan." Yuri said as she guide me towards my new room.
Muli akong napatingin sa kanyang tattoo. Ano ba ang tinatago mo, Yuri? May kinalaman ba siya sa pagpatay sa kaibigan ko? O siya ba siya sa mga suspek?
Madaming what if's ang pumapasok sa isipan ko and there is one thing that I've must do. I will started to observe her from now on. I don't want to stop until I get the key that will lead me to unlocked the truth.