Chereads / EXO UNIVERSITY: GANGSTERS SCHOOL / Chapter 2 - Chapter 2: Here Comes Trouble

Chapter 2 - Chapter 2: Here Comes Trouble

MY EYES opened when I heard my alarm clock ringing. I turned it off then get up from the soft bed. Looking to the calendar hangs in the wall, I'm here realized that today is Monday. This is the day when my class starts in this prestigious school.

Nagtungo ako sa banyo at ginawa na ang mga bagay na dapat kong gawin bago ako pumasok. Nang makatapos na akong magbihis at mag-ayos ay napagpasyahan kong lumabas na ng kuwarto. Nakita ko ang dalawa kong roommate na kumakain sa dining table at nakaayos na para pumasok.

"Jessica, nakaayos ka na pala. Sabay ka na sa amin kumain." Aya ni Yuri nang makita niya akong kalalabas lang ng kuwarto.

Kahit pa man na may hinala ako sa kanya ay pinilit ko pa ring maging casual sa pakikitungo sa kanya. Ayokong mahahalata nila agad na may pinaplano ako. Ayokong mabuliyaso ang mga binabalak kong gawin.

Kaswal ko siyang nginitian. "Puwede ba? Hindi ba nakakahiya sa inyo?"

She chuckled. "Ano ka ba?! Friends na tayo diba? Bakit ka pa nahihiya?!"

I frozed then suddenly sadness started to consumes me. Friend. Naalala ko na naman si Tiffany. My one and only, bestfriend. Kung nabubuhay pa siguro siya, kamusta na kaya siya ngayon?

"Hoy!" Pukaw sakin ni Yuri dahilan kung bakit sa kanya natuon ang atensyon ko.

"Bakit natutulala ka na naman pagdating sakin? I know naman na maganda ako kaya tara na! Saluhan mo kami ni Taeyeon dito."

Wala na akong nagawa nang ipinanghila niya ako ng upuan. Napagpasyahan kong kumain kasabay ang dalawa kahit na pa may tensyon akong nararamdaman. Hindi ko alam kung nararamdaman ba nila ang pagiging uneasy ko kapag kasama ko sila lalo na ang babaeng pinagdududahan ko.

Sa mukha pa lang nila, mukhang wala naman yata silang nararamdaman. Inosenteng-inosente. But I know that looks can be deceiving kaya dapat hindi agad ako magpaniwala sa mga nakikita ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa may naramdaman akong may nakatingin sakin. Napaangat ako ng ulo at nahuli kong sinusuri ako ni Taeyeon. Kunot ang noo habang nakatingin sakin.

"Why?" I asked out of nowhere.

Taeyeon just smiled at inayos ang kanyang eyeglasses kahit wala namang magulo roon.

"Nothing. May mga katanungan lang talaga na bumabagabag sakin.." May ngiting nakaukit sa kanyang mapupulang labi. Iyong ngiting nagbibigay kilabot sa sistema mo.

"Like kung bakit ka nagtransfer sa school na ito. Pangit ba ang dati mong school kaya lumipat ka dito?"

Natigil si Yuri sa pagkain. Tila napukaw ang interes niya sa tanong ng kasama. Pasimple akong nagmura sa isipan ko.

Damn! Sa klase ng tono ng babaeng ito mukhang may alam siya sa pakay ko.

I look at her as I remained my composure. Wearing a genuine smile, I spoke. "Yes. Kulang-kulang kasi ang mga facilities doon at masyado pang masikip. Nanggaling kasi ako sa public school. Bakit mo naman naitanong?"

Woah. Thank you brain for the immediate answer! Nice job!

Umiling ito. "Nothing. It just that—"

Pinutol ko ang kanyang sasabihin. "Bawal bang piliin ang school na ito? May itinatago bang sikreto ang paaralang ito?" Buwelta ko pa, sinusubukang makakuha ng isang impormasyon.

Pansin kong natigilan si Taeyeon. Napakagat-labi ito at napalunok ng laway. I smirked. Hmmm, it's like she's hiding something. I will watching her.

"N-nothing. By the way, puwede bang ituloy na natin ang kinakain natin?" Ngumiti ito, pilit inaalis ang kabang nadarama.

"Wait, may isa pa akong tanong!" Pagsingit ni Yuri sa usapan.

I glanced at her wearing a blank stare. Trying to act calm.

"What is it?"

"Aware ka ba sa kung anong meron sa school na ito?"

Doon na ako natigilan. Kumunot ang aking noo at clueless na nakatingin sa kanilang dalawa.

"What are you talking about?"

I heard Yuri gasped at what I said. Kita ko rin ang takot na bumalot sa mga mata nilang dalawa. Takot na hindi ko alam kung para saan.

"Taeyeon, sasabihin ba natin sa kanya?" Lumingon si Yuri sa kasama nito.

"Tell her. She needs to know everything para maging handa siya sa mga makikita niya paglabas natin ng dorm."

Kita ko kung paano huminga ng malalim si Yuri bago ako binalingan muli. Naguguluhan na ako sa inakto ng dalawa. Para bang may sikretong itinatago na kapag nalaman ko ay katapusan ko na.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"This school is surrounded by different faces of people. Ofcourse, the weak, the average, and the stronger ones." Yuri said as she played the spoon on the teacup.

Seryoso siya. Ni walang halong saya ang makikita sa kanyang mukha. First time ko siyang nakitang seryoso sa sinasabi.

"What do you mean by that?" Medyo nagiging slow ako sa mga pinagsasabi niya. Bakit hindi na niya diretsuhin?!

"This school is an unextraordinary school, this is a school of gangsters where wealth and power is the ruler."

Nagitla ako sa nadinig. Gangsters?

"Kapag nakapasok ka na sa loob ng gate ng paaralang ito, asahan mo na may mga makikita kang komosyon sa bawat sulok ng campus. Mga kaguluhan na gawa ng grupo ng mga makapangyarihan o mas kilala bilang mga gangsters. Ito ay legal at hindi pinagbabawalan ng nakakataas ang mga kaguluhang nagaganap dito dahil sila mismo ay kontrolado ng mga gangsters. At lagi ang kaguluhan ang laging masusunod.." Pagpapatuloy pa niya tsaka niya inilapag ang kutsarang hawak ng matapos na itong kumain.

What the hell?! Anong klaseng paaralan ba itong pinasukan ni Tiffany?! Tsaka bakit hindi kaagad sinabi sakin ni Tiffany sa kung anong meron sa paaralang ito?! Hindi pala itong ordinaryong paaralan kung ganon.

Gulat ako at hindi makapaniwala sa nadinig. Iniisip kong binibiro nila ako ngunit sa tono ng boses ni Yuri ay hindi ko maiisip na nagbibiro ito. Talaga bang may school na para sa mga siga at adik sa kanto?

"She didn't believe on us, Yuri." Taeyeon said as she glanced at me. Mukhang nahahalata niya kung ano ang nasa isipan ko.

"Paano niyong mapapatunayan na totoo ang mga sinasabi niyo?" Nagkibit-balikat ako tsaka nagpatuloy. "Malay ko bang ginogoyo niyo pala ako."

Itinaas ni Yuri ang kanyang kanang braso. Iniharap niya sa akin ang kanyang pulso tsaka itinaas ang sleeve ng unipormeng suot. Muli, nakita ko ang kanyang tattoo na kagabi pang bumabagabag sa isipan ko.

"You see this tattoo?" Tanong niya. "Ito ang simbolo ng gang na sinalihan ko, ang White Wolves Group. Isa sa mga elite gang groups sa paaralang ito. Every members ng kahit anong gang ay dapat may pagkakakilanlan kaya may tattoo akong ganito." Ibinaba niya ang sleeve ng kanyang uniporme tsaka tumingin sakin. "Now, naniniwala ka na ba?"

Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Parang nablanko na ako. Ang tattoo na iyon, may ganon din si Tiffany. Ibig bang sabihin nito ay sumali rin siya sa gang? Bakit niya inilihim sakin?

Kumuyom ang aking kamao. I felt like that I was being betrayed by someone who I trusted a lot. Naiinis ako kay Tiffany. Paano niyang nagagawang ilihim sakin ang tungkol sa paaralang ito?

"Yes. Thank you." I said then stood up from the chair. "I'll go now." Walang lingon na turan ko sa kanila at kinuha ang aking bag.

Mabigat ang loob ko ng lumabas ako ng dorm. Kuyom ko ang aking kamao dahil sa bigat na nararamdaman. Hindi ba ako pinagkakatiwalaan ni Tiffany kaya niya inilihim sakin ang tungkol sa paaralang ito? Why Tita Elene doesn't know about this school's whereabouts? I can't believe na may nag-eexist na ganitong school!

"Huwag ka nang haharang-harang diyan, weirdo! Tabi!"

Sa di-kalayuan ay may nakita akong isang lalaking may suot na malalaking eyeglasses habang nagkalat ang kanyang mga gamit sa damuhan. Magulo ang buhok nito at maging ang uniporme at nakahalumpasay ito sa damuhan kasama ng kanyang mga gamit.

Sa kanyang harapan ay nakita ko ang isang malaking lalaki. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa itsura nito. Kalbo ito, may hikaw sa tenga at ilong. Nakasuot ito ng sando kaya napansin ko ang mga mapipintog na ugat sa magkabilang balikat nito. Mukhang nasobrahan sa gym ang isang ito. Jejemon.

"Hala, ayan na naman sila.."

"Geez, hindi ka na nasanay.."

Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid ko. Nakatuon din ang pansin nila sa mga adik na iyon at sa kawawang lalaki.

"Sorry po, hindi na po mauulit.." Paghingi ng paumanhin ng lalaking nakasalamin at kandaugaga ito sa pagpulot ng mga gamit nito.

Sinipa ng malaking lalaki ang likuran nito. "Alis diyan! Dadaan kami bilis!" Tsaka ko napansing may mga kasama pala itong katulad niya na mukhang mga jejemon din.

"Anong pinagbubulungan niyo diyan?!" Maangas na tanong nito sa mga taong nagbubulungan kaya natahimik sila at walang pasubaling umalis.

Mahina akong napabulong sa sarili. "Walang duda, paaralan nga ito ng mga adik sa kanto, sa pormahan pa lang ng mga lalaking ito mukhang pangpatay na." Tsk, kung makapagsalita akala niya sobrang guwapo niya. Eh, mukha nga silang mga bulldog.

"Hoy, ikaw!" Dinuro pa ako ng jejeng malaki nang mapansin niya ako. Kinunutan ko siya ng noo.

"Kailan mo balak umalis sa kinatatayuan mo? Sagabal ka sa dadaanan namin!"

Nanliit ang mga mata ko. Lumingon ako sa paligid ko at pansin kong nasa gilid naman ako. Hindi ako nakaharang sa daraanan. Mga may sira sa ulo etong mga loko.

Hindi ko sila inimikan. Nanatili akong nakatingin sa kanila. Kita ko kung paano lumaki ang butas ng ilong ng lider nila sa inasta ko.

"Sumagot ka kung ayaw mong masampulan!" Nanginginig ang kanyang kamay sa galit habang dinuduro ako.

Napakuyom ako ng kamao at walang pasubaling sinapak ko sa panga ang lider nila. He's so irritated! Nakakapikon!

Kita kong napanganga ang lahat sa sinabi ko at umugong ang mga bulungan ng mga tsismosang taong nasa paligid ko.

"Shit! Malaking gulo ito. Nagkamali siya ng binangga."

"Babae pa naman siya. Mamaya baka malampaso lang siya."

"Ang lakas ng loob ni gurl. Go Ateng!"

"You!" Galit na galit na dinuro ako ng jeje. "Hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo, kanina ka pa! Gusto mo bang masampulan?"

Nagkibit-balikat ako tsaka humalukipkip. "Bahala kayo, hindi ko naman hawak ang isip niyo." Umugong pa lalo ang mga bulungan sa paligid dahil sa sinabi kong iyon.

Medyo nakakatawag na ako ng atensiyon ngunit wala akong pakialam. Masyado na akong naririndi sa mga taong ito at sa ginawa nila sa lalaki kanina, sa palagay ko dapat nilang magbayad.

"Yabang mo ah! Akala mo kung sino!" Rinig kong sabi ng isa pa nilang miyembro.

"Kebabaeng tao, ganyan umasta!" Komento ng iba pa.

Nanginginig ang kanilang kamao sa inis. Kita ko kung paano nila ako bigyan ng masamang tingin na siyang ipinagkibit-balikat ko.

"Magbabayad ka sa ginawa mo!" Singhal sakin ng kanilang lider habang hawak-hawak ang panga nito sabay sugod sakin.

Iniwasan ko ang pagsugod niya at tsaka malakas kong sinipa ang paa niya. Napatumba ito at sumubsob ang ilong nito sa lupa.

"Aray! Ang ilong ko!" Maluha-luhang turan nito, sapong-sapo ang kanyang ilong na dumudugo. Ganito pala ang mga gangsters dito?! Puro angas lang ang alam? How weak!

Pinalibutan siya ng kanyang mga kasama. Tinatanong kung ayos lang ba siya. Tumango ang jeje at inalalayan nila ito sa pagtayo.

Sinamaan ako ng tingin ng jejeng malaki. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa ilong ko!" Galit na galit na turan nito.

Kinuwelyuhan niya ako ngunit hindi ako nagpatalo. Sinipa ko ang private part nito kaya napasigaw ito sa sakit.

"Aray! Shit, ang sakit!" Nagtatatalon pa ito habang hawak-hawak niya ang private part nito. Dinuro niya ang mga taong natatawa na lamang sa nangyayari.

"Huwag kayong tumawa! Malilintikan kayo sakin!" Ngumiwi ito. Natahimik ang lahat. "Kayong mga alagad ko, wala ba kayong balak sugurin 'yung babaeng iyan?!"

Napatingin sakin ang mga kakampi nitong mga jeje din. Lumunok sila ng mariin at ramdam ko ang mga panginginig nila sa takot at kaba.

"Ano pang hinihintay niyo?! Sugurin niyo na!"

Walang nagawa ang mga ito kundi ang sumunod sa takot sa lider nila. Humalukipkip lamang ako sa kinatatayuan ko habang hinihintay ang pagsugod nila.

Umilag ako mula sa mga suntok nila. Sinipa ko ang isa na sinusubukang sugurin ako patungo sa likod ko. Mabuti na lang at natuto akong makipaglaban kaya madali lang ito para sa akin.

Pinilipit ko ang kamay ng isa tsaka siya ibinagsak sa sahig. Narinig kong umaray siya ngunit hindi ko na iyon pinansin tsaka sinalag ang pag-atake ng kahuli-hulihang miyembro.

Tumba silang lahat sa lupa. Namimilipit sa sakit. I shrugged at inayos ang aking buhok na nagulo dahil sa laban. Maging ang uniporme kong nagusot ay inayos ko rin.

Gulat na napatingin sa akin ang lider. Nanginig ito sa takot. Napailing ako.

"You don't have to be afraid of me, I am not a monster. Then next time don't treat other people like a trash." I said in a monotone then started to walk away from them.

But I stopped when I heard his question.

"W-who are you?" That's his question.

Binalingan ko siya. "I am Jessica and trouble is my middle name."

Iniwan ko silang lahat na tulala roon at gulat na gulat habang ako ay naglalakad na patungo sa magiging room ko.

What a day to start with this gangster's school.

Patikim pa lang iyon, alam ko. May mga iilan pa akong makakasalamuhang mga siraulong jeje este mga gangsters kuno. At kanilangan kong maghanda kung sakaling may gawin silang bagay na hindi ko gusto.