~Umaga~
"A-anong… anong nangyari rito?"
Gulat na tanong ng kasamang mangkukulam ni Rhiannon nang masilayan ang mga kalansay na nakakalat sa salas ng pamamahay ng mga Tamayo. Nanahimik na lamang ang eleganteng matandang babae at nagsimula nang maglakad papalabas ng bahay ng mga Tamayo.
"M-Madam Rhiannon?"
Gulat na tawag ng kasama ni Rhiannon sakaniya nang mapansin siya nitong naglalakad na papalabas ng bahay na kanilang kinaroroonan. Mabilis na huminto sakaniyang paglalakad ang eleganteng matandang babae at saka hinarap na ang kaniyang kasamang mangkukulam.
"Kailangan na nating ibaon ang tahanang ito upang wala nang makahanap pa ng gayumang ipinainom ng mga Tamayo sa isang Diwata."
Sabi ni Rhiannon sakaniyang kasamang mangkukulam habang seryoso na niya itong tinitignan. Ilang segundo pa ang lumipas ay naglakad nang muli ang eleganteng matandang babae, dahilan upang mabilis na nanlaki ang mga mata ng mangkukulam na kaniyang kasama at saka sinundan na ang eleganteng matandang babae.
*FLASHBACK*
"Rhiannon…"
Tawag ni Kimberly kay Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae na nakatayo sakaniyang harapan. Tinignan na ng eleganteng matandang babae ang babaeng lumapit sakaniya at saka nginitian ito.
"Ano iyon, ate Kimberly?"
Nakangiting tanong ni Rhiannon kay Kimberly habang tinitignan niya pa rin ito. Hindi kaagad sinagot ng babae ang tanong sakaniya ng eleganteng matandang babae, sapagkat tinignan niya muna si Jaqueline na kinakausap si Jay na mayroong pag dadalawang isip sakaniyang mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas ay tinignan na rin siya ng matandang babaeng kaniyang tinitignan, nginitian siya nito at saka tinanguan na rin. Nginitian pabalik ng babae ang matandang babaeng kaniyang tinitignan at saka napabuntong hininga na lamang bago nito muling tignan ang eleganteng matandang babae sakaniyang harapan.
"Uhm… Rhiannon… pupunta ka ba ngayon sa bahay ng mga Tamayo para arestuhin ang nanay at ang tita ni Yvonne?"
Nagdadalawang-isip na tanong ni Kimberly kay Rhiannon habang pabalik-balik ang tingin nito sa eleganteng matandang babae na nakatayo sakaniyang harapan. Tumango ang eleganteng matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng babaeng kaniyang kausap.
"Mamayang hapon. Bakit ate Kimberly?"
Sagot at tanong ni Rhiannon kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang harapan. Mabilis na napataas ng parehong kilay ang babae at saka pinanlakihan na niya ng mga mata ang eleganteng matandang babae sakaniyang harapan habang patuloy pa rin niya itong tinitignan.
"A-ahh… a-ano… k-kasi…"
Pautal-utal na sabi ni Kimberly kay Rhiannon, dahilan upang tignan na siya ng eleganteng matandang babae nang mayroong bakas ng pagtataka sa mukha nito. Ilang segundo pa ang lumipas ay nilapitan na silang dalawa ni Jacqueline nang mayroong maliit na ngiti sa mga labi nito, dahilan upang mapatingin sakaniya ang eleganteng matandang babae na kausap ng babae.
"Alam mo naman ang istorya ng buhay ni Kimberly diba? Nabihag siya ng mga Lich noong diseotso pa lamang siya at ngayon ay naghahanap na siya ng pang huling angkan na kaniyang iaalay sa mga Lich na bumihag sakaniya."
Sabi ni Jacqueline kay Rhiannon habang nakatayo na ito sa tabi ni Kimberly at tinitignan na ng mabuti ang eleganteng matandang babae sa harapan nito. Mabagal na tumango ang eleganteng matandang babae sa matandang babaeng kumausap sakaniya at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa babaeng nakatayo sakaniyang harapan.
"Ang gusto ko lamang sabihin ay…"
Sabi ni Jacqueline kay Rhiannon sabay lapit na nito sa eleganteng matandang babae upang ibulong ang kaniyang idurugtong sakaniyang sinabi.
"Maaari ba kaming humingi ng pabor saiyo? Bukas ng umaga ka na lamang magtungo sa tahanan ng mga Tamayo."
Bulong ni Jacqueline kay Rhiannon sabay tingin na nitong muli sa eleganteng matandang babae na tinignan na rin siya habang nakakunot na ang noo nito. Napa kagat na lamang ng labi si Kimberly nang masilayan ang reaksyon ng eleganteng matandang babae sa ibinulong ng kaibigan dito.
"B-bakit?"
Naguguluhang tanong ni Rhiannon kay Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae na nakatayo sakaniyang tabi. Nang bubulong nanamang muli ang matandang babae sa eleganteng matandang babae ay mabilis na lumingon si Kimberly sakaniyang likuran at nasilayan si Jay na nakatingin sakanilang tatlo at saka bigla na siyang nginitian nito. Nginitian pabalik ng babae ang binata at saka naglakad napapalapit sakaniya.
"Kanina kasi, naisipan namin ni Jay na bakit hindi na lamang ang angkan ng mga Tamayo ang huling alay ni Kimberly sa mga Lich… tutal iyon din naman ang gusto ni Yvonne at ni Beatrice noong una pa lamang. Matapos makuha ng mga Lich ang kanilang pakay sa tahanan ng mga Tamayo ay roon ka na papasok at ibabaon ang tahanang iyon upang wala nang makahanap pa ng gayumang ginawa ng magkapatid na iyon."
Sagot ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Rhiannon sabay tingin nang muli nito sa eleganteng matandang babaeng kaniyang kausap at saka nginitian na itong muli. Tinignan na rin siyang muli ng eleganteng matandang babae nang mayroon namang bakas ng pagdududa sakaniyang mukha.
*END OF FLASHBACK*
"Morgan, pumwesto ka sa banda roon. Kailangan pantay tayong dalawa upang maging maayos ang pag baon natin sa tahanang ito."
Sabi ni Rhiannon sa kasama niyang mangkukulam na nagngangalang Morgan habang itinuturo na nito ang sulok na bahagi ng tahanang kanilang balak ibaon. Mabilis na tumango ang mangkukulam at saka naglakad na patungo sa sulok na itinuro sakaniya ng eleganteng matandang babae. Lumipad naman ang eleganteng matandang babae patungo sa sulok na kasalungat ng kinaroroonan ng mangkukulam na kaniyang kasama ngayon.
"Handa ka na Morgan?"
Tanong ni Rhiannon kay Morgan nang maka lapag na ito sa lupa na katapat ng sulok na kasalungat ng mangkukulam.
"Handa na po, Madam Rhiannon!"
Sagot ni Morgan sa tanong sakaniya ni Rhiannon at saka itinapat na sa sulok ng bahay ang kaniyang magkadikit na palad. Itinapat na rin ng eleganteng matandang babae ang kaniyang magkadikit na palad at saka seryoso nang tinignan ang bahay sakaniyang harapan.
"Ybru het mohe taningicon het veli nad degree dernurgodun nad lyckiqu esdroty lal het pinemtuqe, lesketno, popele nad lal skind fo tinosop nepret ni ti."
Sabay na sambit nila Rhiannon at Morgan habang dahan-dahan na nilang ibinubuklat ang magkadikit nilang palad at saka mariin na nilang ibinababa ang pareho nilang mga kamay, dahilan upang dahan-dahan na ring bumaon sa lupa ang tahanan ng mga Tamayo.