~ Umaga~
"Ate Hongganda, naririto ba ngayon si Jervin Alquiza?"
Tanong ni Rhiannon kay Hongganda nang makarating na silang dalawa ng kaniyang kasamang mangkukulam na si Morgan habang nginingitian na niya ang matandang babae sakaniyang harapan. Tumango ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng eleganteng matandang babae.
"Pasok na kayo, Rhiannon. Magkasama silang dalawa ngayon ni Jay habang binabantayan nila ang bangkay ni Yvonne sa isang silid."
Sabi ni Hongganda kila Rhiannon at Morgan sabay pasok na ng dalawa at naglakad na silang tatlo patungo sa kwartong kinaroroonan ngayon nila Jay, Jervin at Yvonne.
"Gagawin niyo na ba mamaya?"
Tanong ni Hongganda kila Rhiannon at Morgan sabay tingin nito sa dalawang sumusunod sakaniyang likuran. Nagtinginan ang eleganteng matandang babae at ang mangkukulam na kaniyang kasama sa isa't isa at muling ibinalik na ang kanilang tingin sa matandang babae.
"Mamayang gabi na namin gagawin sapagkat mamayang gabi na rin magpa pakitang muli ang Luna."
Sagot ni Rhiannon sa tanong sakanila ni Hongganda habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae. Tumango na lamang ang matandang babae at nanahimik na.
"Jervin."
Tawag ni Jay kay Jervin habang nakaupo ito sa kama na hinihigaan ng malamig na bangkay ni Yvonne at tingin na sa binata na nakaupo sa tabi ng kama. Mabilis na tinignan ng binata ang kaniyang kakambal at saka tinaasan niya ito ng parehong kilay.
"Bakit?"
Tanging tanong lamang ni Jervin kay Jay habang tinitignan na niya ito at nakataas pa rin ang kaniyang parehong kilay. Mabilis na iniwas ng tingin ng kakambal ang kaniyang tingin mula sa binata at tinignan na lamang ang sahig.
"Pwede pabasa ako ng sulat ni Yvonne sayo?"
Mahinang tanong ni Jay kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa sahig at nilalaro na ang sarili niyang daliri. Nagdikit ang kilay ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kakambal sapagkat hindi niya naintindihan ang sinabi nito.
"Ano sabi mo?"
Tanong ni Jervin kay Jay habang patuloy pa rin niya itong tinitignan. Napapikit na lamang ang kakambal at saka napahinto na ito sakaniyang paglalaro sa sarili niyang daliri.
"Pabasa ako ng sulat sayo ni Yvonne!"
Pag-uulit ni Jay sakaniyang sinabi kay Jervin habang nakapikit pa rin ito. Nanlaki na lamang ang mga mata nila Hongganda, Rhiannon at Morgan nang marinig nila ang kakambal ng binata.
"Mayroong sinulat si Yvonne para saiyo Jervin?"
Takang tanong ni Rhiannon kay Jervin habang tinitignan na nito si Jay gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at nakatayo sa tabi ni Hongganda. Mabilis na iminulat ng kakambal ng binata ang kaniyang mga mata at saka tinignan na sina Hongganda, Morgan at ang eleganteng matandang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Chief Geisler."
Tanging nasabi ni Jay kay Rhiannon sabay tayo na nito mula sakaniyang pagkakaupo sa kama na hinihigaan ng bangkay ni Yvonne, habang si Jervin nama'y malumanay na tumayo mula sakaniyang pagkakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama at tinignan na rin ang tatlong nakatayo sa may pintuan.
"Meron."
Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae na tumingin na sakaniya.
"Ano ang kaniyang isinulat doon, Jervin hijo?"
Tanong naman ni Hongganda kay Jervin habang tinitignan niya na rin ito. Hindi kaagad sinagot ng binata ang tanong sakaniya ng matandang babae sapagkat kinuha na lamang niya ang sobre mula sakaniyang bulsa at saka inilabas na ang sulat mula roon, dahilan upang biglang lumitaw ang hologram ni Yvonne sakanilang harapan. Noong natapos nang magsalita ang hologram ng dalaga at maglaho na ito ay tinignan nanamang muli ng binata ang eleganteng matandang babae.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit kayo nandito ngayon? Para gawin na akong isang hari?"
Tanong ni Jervin kay Rhiannon habang seryoso na nitong tinitignan ang eleganteng matandang babae at hawak pa rin ang sobre at ang sulat ni Yvonne sakaniya. Tinignan nang muli ng eleganteng matandang babae ang binata, nginitian ito at saka tumango na bilang tugon nito sakaniya.
"Naririto kami upang sunduin ka na at nang makapagprepara pa tayo ng isang buong araw bago magpa kitang muli mamayang gabi ang Luna."
Sagot ni Morgan sa tanong ni Jervin kay Rhiannon habang tinitignan na rin nito ang binata. Mabilis na tinignan ng binata ang kasamang mangkukulam ng eleganteng matandang babae habang magkadikit na ang kilay nito.
"Kailangan talaga ngayon?"
Tanong ni Jervin kay Morgan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang mangkukulam at magkadikit pa rin ang kilay nito. Tumango na lamang ang mangkukulam bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata. Hindi na nakapagsalita pa ang binata at nilingon na lamang ang bangkay ni Yvonne upang tignan ito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata.
��Pwedeng iwan niyo muna ako? Magpa paalam lang muna ako kay Yvonne."
Sabi ni Jervin sakaniyang mga kasama sa loob ng kwartong kanilang kinaroroonan habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang malamig na bangkay ni Yvonne. Agad na nagsi lakad papalayo sina Rhiannon at Morgan mula sa pintuan na kanilang kinatatayuan, habang si Jay nama'y napabuntong hininga na lamang at naglakad na patungo sa pintuan. Nang makalabas na ang kakambal ng binata ay dahan-dahan nang isinara ni Hongganda ang pintuan at tahimik na naglakad papalayo. Naupo nang muli sakaniyang upuan ang binata at ipinatong na ang parehong sulat at sobre na nagmula sa dalaga sa kama at saka hinawakan na ang malamig na kamay ng bangkay ng dalaga.
"Yvonne… sa tingin mo ba dapat akong maging hari ng uri natin?"
Tanong ni Jervin sa bangkay ni Yvonne habang hawak pa rin nito ang malamig na kamay ng dalaga at patuloy pa rin itong tinitignan. Lumipas ang ilang minuto ay nanatili lamang tahimik ang binata at ilang saglit pa ay tumayo na ang binata mula sakaniyang pagkakaupo sakaniyang upuan, binitawan na ang malamig na kamay ng dalaga at saka kinuha na ang sulat at ang sobre sa kama. Pagka kuha ng binata ng sobre ay mayroong nakatuping maliit na papel ang nalaglag sa kama, dahilan upang mapahinto ang binata at saka kinuha na ang nakatuping maliit na papel na iyon. Pagka kuha ng binata ng nakatuping maliit na papel ay ibinuklat na niya iyon at mayroon nanamang lumabas na hologram ng dalaga.
"PS: Nagsinungaling ako sa part na 'I love death more than I love you'. I'm really sorry Jervin. Hindi ko na kayang itago pa to sayo. Pareho tayong dalawa na pinaka makapangyarihan sa lahat ng mga wizards at witch. Matagal na naming alam un ni Mama Beatrice at dahil nakikita niya ang future… nakita niya nung nabubuhay pa siya na kapag nalaman ng lahat na tayong dalawa ang tinutukoy sa propesiya ay siguradong magkaka gulo sa community ng mga wizards at witches at baka pati sa iba pang mga community ay magka gulo na rin. Nakita na ni Mama Beatrice dati ang lahat ng mga nangyari ngayon at mas pipiliin ko na ako na lang ang mamatay keysa ikaw. Kung makakaisip ka man sa future na gumawa ng hindi maganda, sana maalala mo na namatay ako para iligtas ka at ang lahat at sana lagi mong tatandaan na mahal kita Jervin. Mag-iingat ka palagi."