~Madaling araw~
"Kanino naman kaya galing to?"
Tanong ni Melanie sakaniyang sarili habang inoobserbahan ang sobreng kaniyang hawak. Ilang saglit pa ay binuksan na niya ito at lumabas na mula roon ang hologram ni Yvonne.
"Hi Melanie! Kamusta ka na? Sorry kung hindi kita napa kilala sa mga kaibigan ko ng maayos. At hindi ko rin nasabi sayo na kababata ko sila Jervin at Jay. Sorry kung marami akong itinago sayo ngayong buhay pa a-- nung buhay pa ako. Nagdadalawang isip pa kasi akong pagkatiwalaan ka dati dahil sabi mo sakin na Lolo't Lola mo sina Lola Melanie at Lolo Melchor. Tama na nga hahahaha baka maparami pa ang excuses ko sayo, e. Salamat pala sa pagtulong ninyo sa plano namin na mahuli sina Paulina, Tazara at Dalis. Sana maging okay na ang reputasyon ng angkan ninyo. Mag-iingat kayo palagi."
Sabi ng hologram ni Yvonne kay Melanie. Noong naglaho na ang hologram ng dalaga ay napaupo na lamang ito sa sahig at umiyak na lamang ng tahimik roon.
"Jervin."
Tawag ni Jay kay Jervin habang naglalakad na ito papasok sa kwartong kinaroroonan ng kaniyang natutulog na kakambal at ng bangkay ni Yvonne sa mansion ni Hongganda. Ilang saglit pa ay nagising na ang binata at saka tinignan na ang kaniyang kakambal na naupo na sakaniyang tabihan.
"Ano?"
Tanong ni Jervin kay Jay habang nakaupo na ito ng maayos at kinukusot na ang kaniyang mata. Nanahimik lamang ang kakambal at saka inilabas na ang sobre mula sakaniyang bulsa. Nang matapos nang kusutin ng binata ang kaniyang mata ay tinignan na nito ang hawak na sobre ng kaniyang kakambal at tinignan nang muli ito.
"Gusto mo bang marinig ung sinulat sakin ni Yvonne?"
Nakangiting tanong pabalik ni Jay kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang sobreng kaniyang hawak. Sinamaan na ng tingin ng binata ang kaniyang kakambal at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa tabi ng kaniyang kambal.
"Punta lang ako sa cr."
Tanging nasabi na lamang ni Jervin kay Jay habang naglalakad na ito papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan. Ilang segundo pa ang lumipas ay binuksan na ng kakambal ang sobreng kaniyang hawak at lumabas na ang hologram ni Yvonne, dahilan upang mapahinto ang binata sakaniyang paglalakad.
"Hi Jay. Uhm… sorry kung nasaktan kita. At… uhm… about sa break up natin 8 months ago… ako ang may problema, hindi ikaw. Ginawa ko lang excuse ang pag-uusap niyo ni Daisy nun na napunta sa pag halik niya sa labi mo. Ang totoo kasi niyan… gusto ko lang makaramdam ng warmth from someone. Tapos di nagtagal, narealize ko na ung warmth pala na hinahanap-hanap ko ay hindi ko basta-basta mahahanap sayo o sa kung sino pa mang lalaki na makilala ko. Nung nagkita ulit kami ni Jervin… dun ko rin narealize na ung warmth pala niya ang hinahanap-hanap ko nitong mga nakalipas na taon. Mahal ko siya, Jay, simula nung mga bata pa lang tayo. Sana mapa tawad mo ako at sana wag ka ring magagalit kay Jervin. Mahal kita Jay, pero bilang isang kaibigan lang. Mamimiss kita. Bye."
Sabi ng hologram ni Yvonne nang binuksan ni Jay ang kaniyang sobre. Nang maglaho na ang hologram ng dalaga ay tinignan na ng kakambal ang binata gamit ang kaniyang naluluhang mga mata habang bahagya na niya itong nginingitian.
"Alam mo ba na simula pa lang sayo na may feelings si Yvonne?"
Tanong ni Jay kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata at bahagya pa rin itong nakangiti rito. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka hinarap na ang kaniyang kakambal na nakatingin sakaniya.
"Nakakatawa lang… kasi minahal ko siya nitong mga nakalipas na taon, tapos malalaman ko na lang ngayong namatay na siya na ikaw pala ang laman ng puso niya."
Sabi ni Jay kay Jervin sabay tingin na nito sa bangkay ni Yvonne at tuluyan nang umiyak. Akma na sanang maglalakad ang binata papalapit sakaniyang kakambal nang bigla siyang nagdalawang isip at naglakad na lamang papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan.
"Alam ko naman na dati pa na gusto mo si Jervin, e. Pero bakit masakit pa ring malaman na siya ang mahal mo at hindi ako, Yvonne?"
Tanong ni Jay sa bangkay ni Yvonne habang tinitignan niya pa rin ito at umiiyak pa rin. Ilang saglit pa ay hinawakan na ng binata ang malamig na kamay ng dalaga at pinag patuloy lamang nitong tinignan ang bangkay ng dalaga.
"Mahal nga ako ni Yvonne, pero mas pinili niya pang mamatay kesa ang maka sama ako."
Sabi ni Jervin sakaniyang sarili habang naglalakad na ito patungo sa cr ng mansion ni Hongganda. Ilang segundo pa ang lumipas ay mayroon nang luha ang tumulo mula sa mga mata ng binata, dahilan upang mapahinto ito sakaniyang paglalakad, pinunasan na ang kaniyang pisngi at tinignan na ang kaniyang basang mga daliri dahil sakaniyang luha.
"Hello kuya Jah! Sorry pala kung hindi na ako mabubuhay pa ng matagal. May mga bagay talaga na hindi kayang iwasan ng bawat nilalang sa mundong to. Diba sabi mo nung bago ako umalis sa bahay, hahanapin mo ako at poprotektahan? Uhm… pwede bang si Jervin na lang ang hanapin mo at protektahan, para sakin? Kung hindi okay lang kuya Jah. Sorry kung sobra ung hinihingi ko sayong pabor. Sana maging okay ka lang kuya Jah ngayong wala na ako. Sana lagi mo ring maalala na mahal na mahal kita bilang isang kuya. Lagi ka sanang mag-iingat at wag mong papabayaan ang sarili mo, ha. Mananagot ka sakin pag pinabayaan mo ang sarili mo. Ayoko pang magpaalam sainyo kuya Jah… sana lagi niyo akong maalala. Mamimiss kita kuya Jah."
Sabi ng hologram ni Yvonne kay Justin nang buksan ng binata ang sobreng kaniyang natanggap. Nang maglaho na ang hologram ng dalaga ay mabilis na napatayo ang binata mula sa sofa na inuupuan nilang dalawa ni Jacqueline at tumakbo na patungo sa bakuran ng bahay ng matandang babae.
"Justin…"
Nag-aalalang tawag ni Kimberly kay Justin habang nakatayo lamang ito sakaniyang kinaroroonan at nakatingin lamang sa direksyon na pinatunguhan ng binata. Nagtinginan na sina Josh, Vester, Paolo at Felip sa isa't isa at saka binuksan na ng nakatatandang dwende ang sobreng kaniyang hawak.