~Hating gabi~
"Ano naman kaya ung pinakuha ni Yvonne kay Ma—Tita?"
Tanong kaagad ni Jervin kay Isabelle pagkalabas na pagkalabas pa lamang nito ng kaniyang kwarto sa bahay ng kaniyang Tito't Tita. Mula sa kwarto nilang mag-asawa ay nagulantang ang Tita ng binata nang marinig ang boses nito at agad na napatingin sa pintuan ng kwartong kaniyang kinaroroonan at ilang saglit pa ay nagbukas na ang pintuan at pumasok na ang binata roon.
"Ma—Tita, ano ung pinakuha sayo ni Yvonne sa hotel nila Lyka?"
Tanong kaagad ni Jervin kay Isabelle pagka pasok na pagka pasok pa lamang niya sa kwarto ng kaniyang Tita't Tito habang tinitignan na nito ang kaniyang Tita sa mga mata nito. Hindi kaagad sinagot ng Tita ang pamangkin nito sapagkat tinignan niya na lamang ang mga sobreng mayroong mga pangalan na naka patong sa kamang kaniyang kinauupuan.
"Sino naka patay kay Yvonne?"
Tanong pabalik ni Isabelle kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang mga sobre na naka patong sakaniyang kama at saka kinuha na ang sobre na mayroong pangalan ng binata. Agad na nagdikit ang kilay ng binata nang pumasok na sakaniyang isipan ang tinanong sakaniya ng kaniyang Tita kaya't napatigil ito sakaniyang paglalakad papalapit dito at tinitigan na ito.
"Daisy Sebastian."
Tanging sagot lamang ni Jervin sa tanong sakaniya ni Isabelle habang patuloy pa rin nitong tinititigan ang kaniyang Tita na tinitignan na ang sobreng mayroong pangalan ng binata. Napabuntong hininga na lamang ang babae at ilang saglit pa ay tumayo na ito mula sakaniyang kinauupuan, naglakad na papalapit sakaniyang pamangkin at saka ibinigay na rito ang sobreng kaniyang hawak.
"K-kanino galing to?"
Naguguluhang tanong ni Jervin kay Isabelle habang tinitignan na nito ang sobreng ibinigay sakaniya ng kaniyang Tita at inobserbahan muna ito.
"Yan ang pinapa kuha sakin ni Yvonne bago siya mamatay."
Malungkot na sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya kanina ni Jervin habang tinitignan na nito ang kaniyang pamangkin gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata. Agad na tinignan ng binata ang kaniyang Tita gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at mabilis na binuksan ang sobreng kaniyang hawak. Babasahin na sana ng binata ang sulat na galing kay Yvonne nang biglang hinawakan ng kaniyang Tita ang kaniyang kamay, dahilan upang tignan niya itong muli.
"Pwede mo ba munang ipadala sa iba ang iba pang mga sulat na galing kay Yvonne?"
Tanong ni Isabelle kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang binata at sabay alis na ng kaniyang pagkakahawak sa kamay nito. Tinignan na ng binata ang kama na inuupuan kanina ng kaniyang Tita at nasilayan ang iba pang mga sobre na mayroong mga nakalagay na pangalan. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka naglakad na papalapit doon sa kama, pumikit at iminulat nang muli ang kaniyang mga mata, dahilan upang magsipaglaho na ang mga sobre na pawang bula. Nagulantang nanaman ang Tita ng binata nang masaksihan ang ginawa ng kaniyang pamangkin at saka tinitigan na lamang ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Ma—Tita… alis na ako."
Paalam ni Jervin kay Isabelle habang nakatayo lamang ito sa tapat ng kama at nakayuko na. Akma na sanang maglalakad papalapit ang Tita sakaniyang pamangkin nang biglang mayroong puting hangin ang pumalibot rito, dahilan upang mapa takip na lamang ang babae ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang parehong braso at napaatras na papalayo sa binata. Nang nawala na ang hangin ay mabilis nang inalis ng babae ang kaniyang parehong braso mula saka pagkaka takip sakaniyang mukha at noong tinignan na nitong muli ang kinaroroonan ng binata kanina ay wala na ito roon.
"Masakit na para saakin hija ang mawala ang isa sa mga pinaka mahalaga kong kaibigan sa buong buhay ko, mas lalu lamang akong masasaktan kung pati ang pinakamamahal niyang apo ay makita kong wala nang buhay."
Sabi ni Hongganda kay Lyka habang nginingitian nito ang dalagang Bampira nang pilit at saka naglakad na papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan sakaniyang mansion nang biglang mayroong dalawang sobre ang lumitaw sa lamesa sa tabi ng kamang kinahihimlayan ng malamig na bangkay ni Yvonne. Agad itong napansin ng Bampira at mabilis na kinuha ang dalawang sobre.
"Oh? Madam Hong, meron pong sulat para sayo."
Sabi ni Lyka kay Hongganda habang tinitignan na nito ang matandang babae na biglang tumigil sa paglalakad nito at dahan-dahan nang nilingon ang Bampira. Takang tinignan ng matandang babae ang Bampira at saka naglakad na ito pabalik sa Bampira upang kunin na ang sobreng hawak nito.
"Madam Hong, pwede po ba magtanong sayo?"
Tanong bigla ni Lyka kay Hongganda habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae na nakatayo na sakaniyang harapan. Tumango lamang ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalagang Bampira nang mayroong pilit na ngiti sakaniyang mga labi.
"Gaano po kahalaga sayo si Madam Beatrice?"
Tanong ni Lyka kay Hongganda habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang naka tayong matandang babae sakaniyang harapan. Ilang saglit pa ay unti-unti nang naglaho ang pilit na ngiti sakaniyang mga labi at saka yumuko na.
"Mas mahalaga pa siya kaysa saaking buhay."
Mahinang sagot ni Hongganda sa tanong sakaniya ni Lyka habang nakayuko pa rin ito at nakatayo sa tabi ng dalagang Bampira. Malungkot nang tinignan ng Bampira ang matandang babae at saka hinawakan na ang kamay nito upang pagaanin ang loob nito.
"Mahal mo ba si Lola Beatrice, Madam Hong?"
Tanong na ni Jervin kay Hongganda habang nakatayo na ito sa pintuan ng kwarto na kanilang kinaroroonan at tinitignan na ang matandang babae na mabilis siyang nilingon at pinanlakihan ng mga mata. Nanlaki na rin ang mga mata ni Lyka nang marinig ang itinanong ng binata sa matandang babae.
"A-a-ano?"
Tanging sabi na lamang ni Lyka kay Jervin habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata at hawak pa rin ang kamay ni Hongganda.
"Natanggap niyo na mga sulat niyo? Galing daw un kay Yvonne sabi ni Ma—Tita."
Pag-iiba ng paksa ni Jervin habang palipat-lipat na ang tingin nito kila Lyka at Hongganda. Napataas na ng parehong kilay ang dalagang Bampira, dahan-dahang binitawan ang kamay ng matandang babae at saka pinagmasdan na ang sobreng kaniyang hawak.
"Galing… kay Yvonne?"