~Hating gabi~
"Galing… kay Yvonne?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Jervin habang pinagmamasdan na nito ang sobreng kaniyang hawak, samantalang si Hongganda nama'y saglit na tinignan ang sobreng iniabot sakaniya ng dalagang Bampira at saka naglakad na papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan. Mabilis na ibinaling ng Bampira ang kaniyang atensyon sa umalis nang matandang babae at saka napabuntong hininga na lamang. Agad na napataas ng parehong kilay ang binata dahil sa inasta ng Bampira sakaniyang harapan at naglakad na papalapit rito.
"Alam mo na mahal ni Madam Hong si Lola Beatrice?"
Gulat na tanong ni Jervin kay Lyka habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang Bampira at saka naupo na sa tabi nito. Tumango na lamang ang Bampira bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at akma na sanang bubuksan ang sobre nang biglang hawakan ng binata ang kaniyang kamay, dahilan upang mapatigil siya sa pag bukas nuon.
"Bakit?"
Takang tanong ni Lyka kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata nang mayroong pagtataka sakaniyang mukha. Mabilis na inalis ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng Bampira at saka tinignan na ang kaniyang sobre.
"Kung babasahin mo ung sulat ni Yvonne, sa ibang lugar ka na lang magbasa, wag dito."
Sagot na nit Jervin sa tanong sakaniya ni Lyka habang tinitignan na nito ang Bampira na nakaupo sakaniyang tabi. Tinignan na ng Bampira ang binata sakaniyang tabi mula ulo hanggang paa at saka tumayo na mula sakaniyang kinauupuan habang sinasamaan na nito ng tingin ang binata.
"Un lang naman pala, hahawakan pa kamay ko. Pasalamat ka hindi kita kinagat."
Inis na sabi ni Lyka kay Jervin sabay palit na nito ng anyo bilang paniki at saka lumipad na papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan habang dala-dala nito ang sobreng kaniyang bubuksan na kanina. Tinignan na ng binata ang malamig na bangkay ni Yvonne na nakahiga sa kama at saka hinawakan na ang kamay nito.
"Patawarin mo ako Beatrice kung ika'y aking minahal simula pa noong tayo'y mga dalaga pa lamang."
Paghingi ng tawad ni Hongganda kay Beatrice habang nakaluhod na ito sa harap ng lamesa sa tabi ng kaniyang kama, hawak ang litrato nilang dalawa ng yumaong Lola ni Yvonne at tinitignan na ito gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata.
"Patawarin mo rin ako Yvonne sapagkat hindi kita naprotektahan tulad ng ipinangako ko saiyo dati noong nabubuhay pa ang iyong Mama Beatrice."
Paghingi naman ng tawad ni Hongganda kay Yvonne habang ibinababa na ang litratong kaniyang hawak sa lamesa sakaniyang harapan, napaupo na mula sakaniyang pagkakaluhod at tuluyan na itong humikbi.
"Hi Lyka~! Sigurado ako na sa oras na matanggap niyo tong mga sinulat ko ay patay na ako. Sorry kung hindi kita sinabihan kaagad na mamamatay ako. Ayoko kasi na kayo pa ang mamatay para lang maprotektahan niyo lang ako. Kung sinubukan niyo man ung ritual na alam ni Liyan at hindi gumana… wag ninyong pagdudahan si Jervin at ang inyong mga sarili. Alam ko na mahal ninyo ako at mahal na mahal na mahal ko rin kayo. Sadyang minahal ko na rin talaga ang kamatayan dahil sa mga pinag daanan ko sa poder ng sarili kong pamilya. Sana wag na kayong magpaka stress dahil sa pagkamatay ko at saka salamat pala ng maraming maraming marami~! Salamat sa lahat ng mga itinulong mo at ng pamilya mo parehong sakin at kay Mama Beatrice. Kung mabubuhay man ulit ako, sana ikaw pa rin ang maging best friend ko. Sorry sa mga excuses ko sa bandang itaas ng sulat na to, sana maiintindihan mo ako. So… ayun… hindi ko alam kung pano tatapusin ung sulat ko sayo. Marami pa akong gustong isulat sayo kaso nauubusan na ako ng oras at marami pa kayong susulatan ko. Sana maging maayos ka lang at matupad mo ang mga pangarap mo na sinabi mo saakin. Hihintayin ko ung araw na un. I love you and I will miss you. See you in my next life~!"
Sabi ng hologram ni Yvonne na lumabas sa sulat ni Lyka nang buksan niya ito. Noong maglaho na ang hologram ng dalaga ay humikbi na ang dalagang Bampira habang hawak pa rin nito ang sulat ng dalaga sakaniya at nakaupo sa hagdan sa loob ng mansion ni Hongganda.
"P-pano… pano mo… n-nasisikmu-mura ang mga… s-sinabi mo sa… sa sulat mo s-sakin, Yvonne?"
Humihikbing tanong ni Lyka kay Yvonne habang hawak pa rin ang nalulukot nang sulat ng dalaga sakaniya.
"Hello Jervin. Sorry kung nasasaktan kita ngayong wala na ako. At kung sinabi ko man sayo na kalimutan mo na ako… please wag mong sundin un. Ayokong kalimutan mo ako at hindi rin kita kakalimutan. Sana maging masaya kayo kahit wala na ako at wag mong sisihin ang sarili mo kung hindi na ako nabuhay pa ulit. Sinabi na pala sakin ni Tita Aneska na kambal kayo ni Jay kaya sana magka sundo ulit kayong dalawa tulad nung mga bata pa lang tayo. Oo nga pala, kung wala pang nagsasabi sayo kung ano ang tungkulin ng pinaka makapangyarihang wizard or witch, ako nang bahala ang magsabi sayo. Since ikaw ang pinaka makapangyarihang salamangkero sa panahon na to… siguro mga ilang araw, kakausapin ka na ni Tita Rhiannon para italaga kang hari ng community ng mga wizards and witches. Wag mong aabusuhin ung power mo, ha. Wag na wag na wag mong gagayahin sina Paulina, Tazara, at Dalis. It's a big no, no for me. Wag mo rin sanang pagdudahan ang sarili mo. Alam kong kakayanin mo yan kahit wala na ako. At saka… ang dahilan kung bakit hindi gumana sakin ung ritual na ginawa niyo nila Liyan… ano… uhm… pano ko ba to sasabihin… I uhm… I love you. I really do, but… but I love death more than I love you. I'm truly sorry Jervin. Annyeong. Sayonara. Au revoir. Ciao. Antio. Bye… Jervin."
Sabi ng hologram ni Yvonne na lumitaw sa sulat ni Jervin nang buksan na niya ito. Nang maglaho na ang hologram ng dalaga ay tumulo na ang mga luha ng binata at mabilis nang tinignan ang malamig na bangkay ng dalaga na nakahiga sa kama.
"Bakit kailangan mo pang magpa alam ng ganun sakin? Bakit ginawa mong ganun ang pamamaalam mo sakin? Bakit pinareho mo pa sa kung papaano mo sinabi ang 'mahal kita' sa iba't ibang language? Bakit?"