Chereads / Runaway With Me / Chapter 190 - Jacqueline's Residence 4

Chapter 190 - Jacqueline's Residence 4

~Hating gabi~

"Ano nang sumunod na nangyari Ate Kimberly? Ay, teka… ano na pala itatawag ko sayo? 'Ate' pa rin ba o 'Lola' na? Tsaka ilang taon ka nung nakuha ka ng mga Lich?"

Sunod-sunod na tanong ni Jay kay Kimberly habang nakatingin na ito sa babae na nakaupo sakaniyang tabi, habang si Jacqueline nama'y natawa na lamang ng mahina dahil sa reaksyon ng binata sakanilang kwento.

"Mas sana'y na ako sa 'Ate' kaya wag mong susubukan na tawagin ako ng 'Lola'."

Sagot ni Kimberly sa isang tanong sakaniya ni Jay habang naka cross arms na ito at nakabusangot na. Bahagyang natawa na rin lamang ang binata sa sinabi sakaniya ng babae at saka tinignan na nito si Jacqueline na nakatingin sakanilang dalawa habang nakangiti ito.

"Lola Jacqueline, ilang taon po kayo nung nangyari un?"

Tanong naman ni Jay kay Jacqueline habang tinitignan na nito ang matandang babae sakanilang harapan ni Kimberly.

"Labing walong taong gulang lamang ako nang mangyari iyon, hijo. Labing pitong taong gulang naman nuon si Kimberly."

Nakangiting sagot ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Jay habang nakatingin na ito kay Kimberly. Agad na pinanlakihan ng mga mata ng babae ang matandang babae at saka tinignan na ang binata sakaniyang tabi na nakatingin pa rin sa matandang babae at pinanlalakihan na ito ng mga mata.

"P-posible po un?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jay kay Jacqueline habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumango ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata habang tinitignan pa rin nito si Kimberly na nakatingin pa rin sa binata.

"Posible iyon, hijo, lalu na kung nanggaling ka sa isa sa mga pinaka mahinang angkan ng mga salamangkero't mangkukulam."

Malungkot na sagot ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Kimberly. Nanlaki pa lalo ang mga mata ng binata nang marinig ang sagot ng matandang babae sakaniyang tanong at mabilis na nilingon ang babae na nakaupo sakaniyang tabi at nakatingin na sa coffee table na pumapagitna sakanila at ng matandang babae.

"Galing ka sa pinaka mahinang angkan, Ate Kimberly?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jay kay Kimberly habang tinitignan na nito ang babae sakaniyang tabi nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata. Napabuntong hininga ang babae at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at saka tinignan na ito nang mayroong pilit na ngiti sakaniyang mga labi.

"Okay nga un, e. Kasi nung time na nakuha ako ng mga Lich ay may malaking advantage siya sakin."

Sabi ni Kimberly kay Jay habang tinitignan pa rin nito ang binata at nginingitian pa rin ito. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babaeng kaniyang katabi, kaya't hindi na napigilan ng babae na hawakan ang kamay ng binata upang pagaanin ang loob nito.

"Hating gabi na. Kailangan ko nang umalis.��

Sabi ni Kimberly kila Jay at Jacqueline habang tinitignan na niya ang dalawa nang mayroong pilit na ngiti pa rin sakaniyang mga labi. Napabuntong hininga na lamang ang babae, tumayo na at saka binitawan na ang kamay ng binata.

"Wala ka pang balita sa Tita mo?"

Tanong ni Lyka kay Jervin nang maupo na ito sa tabi ng binata sa tabi ng kamang hinihimlayan ng malamig na bangkay ni Yvonne. Tinignan na ng binata ang Bampirang nakaupo na sakaniyang tabi, umiling na lamang bilang tugon sa tanong nito sakaniya at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa bangkay ng dalaga.

"Sabi sakin ni Tita kinuha na raw ng Tita mo ung pinapa kuha sakaniya ni Yvonne dun sa room na tinuluyan niyong dalawa, e. Ano kaya ung pinakuha sakaniya ni Yvonne at bakit hindi na lang niya pinakuha un sakin?"

Sabi ni Lyka kay Jervin habang tinitignan na nito ang bangkay ni Yvonne na para bang natutulog lamang ito sa kama. Nang marinig iyon ng binata ay agad na nagdikit ang kilay nito at saka tinignan nanamang muli ang Bampirang nakaupo sakaniyang tabi nang mayroong bakas ng pagtataka sakaniyang mukha.

"Kinuha na kanina ni Ma—Tita Isabelle ung pinapa kuha sakaniya ni Yvonne?"

Naguguluhang tanong ni Jervin kay Lyka habang tinitignan pa rin nito ang Bampira. Tinignan na pabalik ng Bampira ang binata at saka tumango lamang ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata.

"Anong oras niya kinuha?"

Tanong muli ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira. Bigla namang nanlaki ang mga mata ng Bampira nang masilayan ang reaksyon ng binata.

"Kaninang madaling araw dito sa Pinas."

Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin nitong pinanlalakihan ng mga mata ang binata sakaniyang tabi. Mabilis na tumayo ang binata at saka naglakad na patungo sa pintuan ng kwartong kanilang kinaroroonan.

"Ikaw muna magbantay kay Yvonne, pupuntahan ko lang si Ma—Tita sa bahay nila."

Sabi ni Jervin kay Lyka sabay bukas na ng pintuan na magdadala sakaniya sakaniyang kwarto sa bahay ng mga Anonuevo. Bago pa man makapagsalita ang Bampira ay sinarado na ng binata ang pintuan, dahilan upang mapa busangot na lamang ito. Ilang saglit pa ang lumipas ay pumasok na sa kwarto si Hongganda na mayroong dalang pagkain at inumin na naka patong sa tray na kaniyang bitbit.

"Lyka hija, gusto mo ba ng maiinom at makakain?"

Tanong kaagad ni Hongganda kay Lyka habang tinitignan na nito ang Bampira at naglalakad na patungo sa lamesang katabi ng kamang kinahihimlayan ng bangkay ni Yvonne upang ipatong roon ang tray na kaniyang dala. Ngumiti lamang ang Bampira at saka umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae.

"Salamat na lang po Madam Hong, kakakain ko lang po sa hotel namin."

Malumanay na tugon ni Lyka sa tanong sakaniya ni Hongganda habang nakangiti pa rin ito sa matandang babae. Nginitian na rin pabalik ng matandang babae ang Bampira at saka naupo na sa kinauupuan kanina ni Jervin.

"Alam mo ba kung saan nagtungo si Jervin?"

Tanong muli ni Hongganda kay Lyka habang tinitignan na nito ang bangkay ni Yvonne at hawak na ang malamig na kamay nito.

"Umuwi po sa bahay ng Tita nila ni Jay para po tignan kung ano po ung pinakuha sakaniya ni Yvonne bago po siya mamatay."

Malungkot na sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Hongganda habang tinitignan na muli nito ang bangkay ng kaniyang matalik na kaibigan sa kama. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae, binitawan na ang malamig na kamay ni Yvonne at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo.

"Hindi niyo po titignan pa ng mas matagal-tagal si Yvonne?"

Takang tanong ni Lyka kay Hongganda habang nakatingin na ito sa matandang babae na nakatayo na sakaniyang tabi at binitawan na ang malamig na kamay ni Yvonne. Napabuntong hiningang muli ang matandang babae, tinignan na ang Bampira na nakaupo pa rin sakaniyang tabi at saka nginitian ito ng pilit.

"Masakit na para saakin hija ang mawala ang isa sa mga pinaka mahalaga kong kaibigan sa buong buhay ko, mas lalu lamang akong masasaktan kung pati ang pinakamamahal niyang apo ay makita kong wala nang buhay."