"Ayos ka na ba Kim?"
Nag-aalalang tanong ni Hongganda kay Kimberly habang tinitignan na nito ang kaibigan nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Tinignan na pabalik ng kaibigan ang dalaga, nginitian ito at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya.
"Bakit? Ano ang nangyari kay Kim?"
Nag-aalalang tanong naman ni Dalis kay Hongganda habang palipat-lipat na ang tingin nito kay Kimberly at sa kaibigang kaniyang tinanong. Tinignan na ng kaibigan ang dalaga at akma na sanang sasagutin ang tanong ng dalaga sakaniya nang biglang hinawakan ni Malaya ang kaniyang balikat, dahilan upang mapatingin sakaniya ang kanilang mga kaibigan sakaniya.
"Hayaan mo na si Kim na mismo ang sumagot sa tanong saiyo ni Dal."
Sabi ni Malaya kay Hongganda habang hawak pa rin nito ang balikat ng kaibigan at tinitignan na ito. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan, tinanguan ang dalaga at saka tinignan na si Kimberly. Tinignan na rin ni Dalis ang kaibigan at hinintay na ang isasagot nito sakaniyang tanong.
"N-natapilok lang ako k-kanina. H-hindi ko alam k-kung bakit masyadong n-nag-aalala sakin si Anda."
Pautal-utal na sagot ni Kimberly sa tanong ni Dalis kay Hongganda habang tinitignan na nito ang kaibigang nagtanong at nginingitian na rin ito. Nagdikit lamang ang kilay ng kaibigan at saka naglakad na papalapit sa kinaroroonan ng dalaga habang pinanlilisikan na ito ng paningin.
"Sigurado ka Kim?"
Tanong ni Dalis kay Kimberly habang nakatayo na ito sa harapan ng kaibigan at patuloy pa rin itong pinanlilisikan ng tingin. Bahagyang natawa ang kaibigan sa dalaga habang patuloy pa rin itong tinitignan.
"Bakit naman ako m-magsi sinungaling saiyo Dal?"
Natatawang tanong pabalik ni Kimberly kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan sakaniyang harapan at napaatras ng kaunti mula rito. Tumango na lamang ang kaibigan bilang pag sang-ayon nito sa dalaga at tinignan na ang iba pa nilang mga kaibigan.
"Mayroon akong naisip."
Nakangiting sabi ni Dalis sakanilang mga kaibigan habang tinitignan na nito isa-isa ang kanilang mga kaibigan. Nagkatinginan sa isa't isa ang mga magkakaibigan maliban sa dalaga at saka muli nang ibinalik ang kanilang tingin rito.
"Ano iyon?"
Tanong pabalik ni Josephina kay Dalis habang tinitignan na nito ang kaibigan nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Tinignan na ng kaibigan ang dalaga at saka nginitian ito pabalik.
"Bakit hindi na lang kaya natin subukang pumatay ng isang masamang nilalang?"
Nakangiting tanong ni Dalis sakanilang mga kaibigan habang tinitignan na nitong muli ang kanilang mga kaibigan isa-isa. Nanlaki ang mga mata nila Josephina, Beatrice, Hongganda at Jacqueline nang marinig nila ang sinabi ng kaibigan at saka nagtinginan na sa isa't isa nang mayroong pag-aalala sakanilang mga mukha. Samantalang sina Kimberly, Tazara, Paulina at Malaya at nanlaki rin ang mga mata ngunit mayroong mga ngiti sakanilang mga labi. Sumang-ayon ang apat sa ideya ng dalaga, habang ang natitirang apat naman ay nagdadalawang isip. Sa bandang huli ay ginawa nilang magkakaibigan ang ideya ng dalaga at nagtungo na sa Dark Forest na kung saan ay makahahanap sila ng maraming mga masasamang nilalang sa mundong kanilang ginagalawan.
"Sigurado ka bang kaya natin 'to, Dal?"
Nagdadalawang isip na tanong ni Hongganda kay Dalis habang naglalakad na sila sa loob ng Dark Forest na puno ng mga patay na puno at makapal na hamog.
"Kaya natin yan! Magka kasama naman tayo, e."
Tugon ni Dalis sa tanong sakaniya ni Hongganda habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad at siya ang nangunguna sakanilang siyam na magkakaibigan.
"Walang iwanan?"
Tanong naman ni Kimberly sakanila habang patuloy pa rin ang kanilang paglalakad sa loob ng Dark Forest at hawak niya ang kamay ni Dalis. Tinignan na ng kaibigan ang dalagang kaniyang hinahawakan ang kamay, nginitian ito at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa harapan.
"Walang iwanan. Kaya… maghanap na tayo ng Boogeyman!"
Sabi ni Paulina kay Kimberly nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi at iniikot na ang kaniyang paningin sakanilang paligid at nasasabik na sa mga mangyayari. Ilang segundo pa ang lumipas ay agad na napatigil si Dalis sakaniyang paglalakad, dahilan upang tumigil na rin ang iba pa.
"Akala ko ba Trolls hahanapin natin?"
Takang tanong naman ni Dalis sakanilang mga kaibigan habang nakaharap na ito sakanila at hawak pa rin ang kamay ni Kimberly. Agad na nagdikit ang kilay ni Tazara at saka tinignan na ang kaibigan nang mayroong bakas ng pagka gulo sakaniyang mukha.
"Trolls? Sabi sakin ni Kim mga Tokoloshe raw hahanapin natin."
Tugon naman ni Tazara kay Dalis habang tinitignan na nito sina Kimberly at ang dalaga. Bigla nang binitawan ng dalaga ang kamay ng kaibigan at saka nakahawak na lamang sakaniyang ulo.
"Bahala na kung ano makita natin! Ang mahalaga ay mapatunayan natin sa ibang mga salamangkero't mangkukulam na malalakas tayo!"
Iritang sigaw ni Dalis sakanilang mga kaibigan habang isa-isa na nitong tinitignan muli ang mga ito. Ilang saglit pa ay naglakad na papalapit si Beatrice sa dalaga nang mayroong bakas ng pag-aalala sakaniyang mukha.
"Kailangan ba talaga nating patunayan ang ating mga sarili?"
Nag-aalalang tanong ni Beatrice kay Dalis habang tinitignan na nito ang kaibigan sa mga mata nito.
"Oo nga. Hindi naman natin kailangang patunayan ang ating mga sarili sa iba. Basta ang mahalaga ay tanggap natin ang bawat isa."
Pag sang-ayon naman ni Josephina kay Beatrice habang nakatayo ito sa tabi ni Jacqueline at tinitignan na si Dalis.
"Tama si Sephie. Kaya bumalik na tayo sa Thaumaturgy Town bago pa may mangyaring masama."
Pag sang-ayon naman ni Jacqueline kay Josephina habang tinitignan na rin nito si Dalis nang mayroong bakas ng pag-aalala sakaniyang mukha.
"Tanggap naman natin ang isa't isa diba? Bumalik na tayo. Wala naman tayong kailangang patunayan pa sa isa't isa."
Sabi ni Beatrice kay Dalis habang inaabot na nito ang kamay ng kaibigan, ngunit bago pa man mahawakan ng dalaga ang kamay ng kaibigan ay agad na nitong iniiwas ang kamay mula sa dalaga.
"Patawarin ninyo ako Lina pero… sang ayon ako kay Jackie."
Sabi naman ni Malaya kay Paulina habang tinitignan na nito ang kaibigan nang mayroong pag dadalawang isip sakaniyang mga mata.
"Pati ba naman ikaw Aya?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Paulina kay Malaya habang tinitignan na nito ang kaibigan.
"Hindi porket kilala kayo sa eskwelahan natin ay hahayaan niyo na lang kami na maliitin ng iba!"
Galit na sigaw naman ni Dalis nang mapuno na siya at tinitignan na ng masama sina Jacqueline, Beatrice, Josephina at Malaya.
"Dal…"
Naiiyak nang tawag ni Kimberly kay Dalis habang nakatingin na ito sa kaibigan at hinawakan na ang kamay nito.
"K-kailangan na nating umalis…"
Takot na sabi ni Beatrice kay Dalis habang mayroon na itong tinitignan sa likuran ng kaibigan.
"Dal, sumama na kayo samin!"
Takot na sigaw ni Josephina kay Dalis habang nakatingin na rin ito sa tinitignan ni Beatrice sa likuran ng kaibigan.
"At bakit naman kami sasama sainyo?!"
Galit na tanong ni Dalis sakanilang mga kaibigan habang palipat-lipat na ang tingin nito sakanila.
"Lich! Sa likuran ninyo!"
Pasigaw na sagot ni Jacqueline sa tanong ni Dalis sakanila habang tinuturo na ang mga kalansay na nakasuot ng mga sinaunang damit ng mga salamangkero't mangkukulam at nakatayo sa likuran ng kanilang mga kaibigan. Nang lumingon na sina Kimberly at ang kaibigan ay nasilayan na nila ang nilalang na kinakatakutan ng kanilang mga kaibigan at agad na nagsi takbo papalayo, ngunit hindi pa man nakaka layo ang magkakaibigan ay natapilok ang isa sakanila at nadapa.
"Ugh! Dal! Tulong! Lina! Zara!"
Paghingi ng tulong ni Kimberly na nadapa sa kalagitnaan ng kanilang pagtakas sa kamay ng mga Lich. Nang marinig iyon nila Josephina at Dalis ay agad na nagsi tigil sa pagtakbo ang dalawa at saka tinignan na ang kanilang kaibigan na nahihirapang tumayo mula sa pagkakadapa nito.
"Kailangan natin siyang tulungan!"
Sigaw ni Josephina sakanilang mga kaibigan habang tumatakbo na ito pabalik kay Kimberly. Mabilis namang nagsisunuran sina Beatrice, Hongganda at Jacqueline sa dalaga, samantalang sina Paulina, Tazara, at Malaya ay nagsi takbuhan na papalayo sakanila.
"Patawad…"
Mahinang paghingi ng tawad ni Dalis kay Kimberly sabay takbo na rin nito papalayo sakanila.
"Dal!"
Desperadong tawag ni Kimberly sa palayaw ni Dalis at pilit na inabot ang kaibigan, ngunit wala na itong nagawa pa.
"Anda! Bea! Jackie! Tulungan natin siya!"
Sabi ni Josephina kila Hongganda, Beatrice at Jacqueline habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo pabalik kay Kimberly.
"Pero ung Lich!"
Takot na sabi ni Hongganda kay Josephina habang nakatingin na ito sa mga Lich na papalapit na kay Kimberly. Nagpatuloy lamang sa pagtakbo ang magkakaibigan papalapit sa kaibigan nilang nangangailangan ng tulong at hindi na tinignan pa ang mga Lich.
"Tulong!"